“Ba’t nakayakap ka sa uncle ko, Ms. Ortega? Anong nangyayari dito, at gan’yan ang hitsura n’yo?” gagad ni Alas na kulang na lang ay lamunin ako, kaya agad akong kumalas kay Ferdie. “Na–Nadulas ako, Sir Alas. Sinalo ako ni Ferdie, at hindi ko sinasadyang mapayakap sa kanya,” paliwanag ko, dahilan upang tumaas ang isang kilay niya. “Really? And then why did you just call him by his name?” matigas na tanong niya sa akin. “Dahil ‘yon ang gusto ko, Alas. And there’s nothing wrong with that,” mabilis na agaw naman ni Ferdie, kaya kita kong gumalaw ang panga ni Alas. “Am I asking you, Uncle?" asik niya. "Hindi, pero hindi ko gusto 'yang pabalang mong sagot," depensa naman ng uncle niya. “Igawahan ko muna kita ng juice, Ferdie,” saad ko upang makaiwas sa nakamamatáy na titig ni Alas.

