JENIE'S POV Nakaalis na itong bus, pero patuloy pa rin ako sa aking pag–iyak, kaya pinagtitinginan ako ng ibang nakasakay rito, pero wala akong pakialam. Naiinis ako sa sarili ko dahil ‘di ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. At ang laki kong tanga dahil naniwala ako kay Madam Luz na tanggap niya ako para kay Alas. Iyon pala’y may plano siya sa akin. At ito na ‘yon, ang pagbantahan ako. Sana inisip ko na ang bagay na ‘yon, pero huli na ang lahat. “Mag–auditon ka na lang sa mga channel, Miss dahil tiyak kong makukuha roon. Kahit ‘yong stunt woman lang. ‘Yong panapal ng direktor sa aktion at ikaw ‘yong bubugbugin doon,” suhestyon ng katabi ko, sabay tawa nito. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Pinahid ko ang luha ko nang mag–beep ang phone ko. Kinu

