JENIE‘S POV “Malandi ka talagang babae ka! Malandi ka!” sigaw ni Madam Luz na hinablot ang buhok ko’t pinagsasampal ako. “Ano ba, Mama! Ano ba!” gagad naman ni Alas at inalis niya ang kamay ni Madam Luz sa buhok ko, subalit lalong hinigpitan ni Madam Luz ang pagkahahablot sa akin na kulang na lang ay lalabas ang utak ko. “Hindi ko bibitawan ang babaeng ito dahil gusto ko siyang kalbuhin nang malaman niya kung anong ginagawa niya sa ‘yo at kung saan dapat siya lumugar!” bulalas pa nito. “Tumigil na kayo, Mama dahil ako ang humalik sa kanya! Ako!” gagad ni Alas, sabay tulak niya kay Madam Luz dahilan upang mapasandal ito sa pinto. “Layuan ninyo si Jenie, Mama! Layuan ninyo dahil wala siyang ginagawang masama sa inyo’t ako makalalaban n’yo!” dagdag pa ni Alas. “Huwag mong sabihing ‘y

