Naramdaman ko na humahaplos na ang mga kamay ni Alas sa maselang katawan ko, kaya pilit ko siyang itinulak, subalit muli niya akong hinalikan. “Ano ba, Alas!” protesta ko’t binigyan ko siya ng malakas na sampal para tumigil siya, ngunit matiim niya akong tiningnan, kaya naman nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko pa rin siya kayang tingnan dahil sa ginawa ko. “Ba’t hindi ka makatingin sa akin ng diretso, Jenie? Ba’t hindi mo ‘ko tingnan sa mata ko nang maalala mo ang ginawa mong panloloko sa akin,” mariin na saad niya dahilan upang mapalunók ako. Umalis ako sa kandungan niya dahil hindi ko pa kayang makipag–usap sa kanya ng harap–harapan. Pakiramdam ko kasi ay hinihigop niya ako, ngunit muli niya akong hinila palapit sa kanya. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Jenie. Ba’t nilõko

