Kabanata 30: "Sigurado ka bang magiging ayos ka lang, anak? You can message us everytime, okay? Kapag may kailangan o may nararamdaman ka. How's your head? Does your head still hurt?" Terron chuckled because of his mother's word. Natatawang inakbayan niya ang ina. She's overacting again, simula kanina ay sinasabi na nito iyan kaya halos kabisado na niya. "Ayos lang ako, Mommy. Wala ka atang elibs sa pogi mong anak," mayabang na wika niya. Kinurot ng kanyang ina ang tagiliran kaya madrama niyang sinapo iyon. "Ikaw talaga, nag-aalala lang ako. Tumawag ka sa Kuya mo ha? Kakapanganak lang ulit ni Sascha, bisitahin mo sa susunod," bilin nito. Marahan siyang tumango. Sascha is his older brother's wife, iyon ang sabi nila. Nakita na niya ito noon, isang beses itong bumisita noong nasa ospi

