Kabanata 11: INAYOS ni Terron ang kumot ng asawa bago maingat na umalis sa kama, medyo bumababa na ang lagnat ng babae. Kumain lang ito kanina at natulog na, magigising at manghihingi ng pagkain saka matutulog ulit. Bakit ka ba kasi nagkasakit? Tsk. Malakas siyang bumuntonghininga saka lumabas sa kwarto para ibalik sa kusina ang mga pinagkainan nila, kakatapos lang nila mag-dinner at bagsak na ulit ang babae. Naghugas siya sa ng plato habang maaga pa, noon siya lang ang mag-isa rito ay wala siyang masiyadong gamit sa kusina pero dahil may kasama na siya ay dumoble na rin ang gamit niya. Habang nasa kusina ay tumunog ang doorbell, alam na niya kaagad kung sino ang nandoon. Nang buksan niya ang pintuan ay tumambad sa kanya ang kaibigan na Pulis, may kasama itong isang lalaki na hindi si

