KABANATA 4

2083 Words
Kabanata 4: TERRON can't tear his gaze away from his wife, who was cleaning the dishes while humming. Kakatapos lang nilang mag-almusal at nagpresinta ang babae na maghugas ng pinagkainan nila. She looks normal. Well, her normal self, the weird Savria. Hindi maiwasan panuorin ni Terron ang asawa habang nakaharap ito sa lababo at bahagya pang kumikembot-kembot ang beywang. May sinasagayaw ang dalaga na parang korean step, paminsan-minsan ay nabibitawan pa nito ang mga gamit, mabuti at wala pa naman nababasag. Malakas siyang napabuga hangin nang maalala ang nangyari kagabi. Tinitigan siya ng asawa sandali tapos ay kumurap-kurap ito saka nagtatakbo papasok sa banyo nito sa loob ng kwarto. Nag-alala siya, syempre pero pinaalis lang siya nito, halos hindi siya nakatulog kakaisip kung anong nangyari. Gusto sana niyang kausapin ang asawa pero naisip niyang baka isa sa mga girl thing iyon na hinding-hindi maiintindihan ng mga lalaki. Like, she wanted to put on make-up and wear a glamorous dress because she couldn't sleep. Gano'n na lang ang iniisip niya, sa pagka-weird ba naman ng asawa niya ay hindi iyon malabong mangyari. She's really weird and beautiful. Kinastigo ni Terron ang isip nang maalala kung anong itsura ng asawa kagabi. All right, she's beautiful. Nagkunwaring nanunuod sa tv si Terron pero sa gilid ng mata ay pinapanuod niya ang babae. Nang maramdaman na tapos na ito sa ginagawa sa kusina ay nagkunwari siyang abala sa cellphone saka nagsalita. "Okay ka lang ba?" Damn. Hindi niya alam kung tama ba ang tanong niya. Nang hindi sumagot ang babae ay nag-angat na siya ng tingin, naabutan niya itong nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. "Ako ba asukal de papa?" There, her weird nickname for him. Mukhang ayos naman ang babae. Terron frowned. "Oo, ikaw. Tayo lang naman nandito." "Hindi ka kasi nakatingin sa akin, malay ko ba kung may kausap ka sa phone mo. Ang bastos kaya noong kumakausap ka tapos hindi ka tinitingnan, alam mo ba ang ibig sabihin no'n parang wala kang modo at—" "Just answer my question. Ang daldal." Lumapit ang babae sa kanya, nakasuot ito ng malaking shirt at majama. Umupo si Savy sa tabi niya sa sofa kaya bahagya siyang lumayo upang bigyan distansya ang katawan nila. He's uncomfortable with her. "Galit agad? Ayos naman ako, bakit? Alam mo ang weird mo simula kanina." Napamaang si Terron, siya pa talaga ang weird huh? "Yong kagabi kasi—" "Ah, 'yon ba? Huwag mo na 'yon pansinin asukal de papa, hindi kasi ako makatulog kaya nag-practice ako, next week ay balik klase na kami tapos na holliday. May acting kami sa isa namin subject," mahabang paliwanag ng asawa habang nakangiti. Napatango si Terron, kaya pala. "Bakit, ikaw ba anong ginagawa mo kapag hindi ka nakakatulog?" balik tanong ng babae, pumalumbaba. Terron's gaze hovered over his wife's hair, he wanted to fix it. Anong ginagawa niya? m**********g. "W-Wala nagka-kape," Terron replied, holding himself to fix her hair. "Next time sasamahan kitang magkape, masarap ako magtimpla," Savy said proudly. Terron blinked unconscious. Marahas siyang umiling dahil iba ang nasa isip niya, kung alam lang ng babae kung anong ibig sabihin niya roon ay baka matakot ito. Imbes na sumagot ay nagkunwari na lang siyang abala sa pinapanuod. Sa gilid ng mata niya nakita niyang pinaglalaruan ng babae ang daliri animong may gusto pa itong sabihin, palihim na tumaas ang sulok ng labi ni Terron sa inaasta ng babae, parang bata. "Nga pala, p-patapos na ang sem namin, ano... next sem. P-Pwede naman ako magtrabaho, malayo rin kasi rito 'yong University namin kaya kailangan ko ng pera pamasahe at—" Napalabi si Savy nang lingunin niya ito, para itong nahihiya. Marunong palang mahiya ang babae, akala niya hindi, dahil sa tabas ng bunganga nito palagi. "Don't think about it. I'll provide whatever you want. Saan ba ang University mo ngayon? Pwede kang lumipat sa school ko noong college, kasi mas malapit iyon dito. Kung gusto mo lang naman. Ako na magbabayad," seryosong sabi ni Terron. Sa isip niya ay pinaplano na niya kung paano kukuha pa ng mas maraming project, kailangan pala ay double kayod na siya dahil hindi na lang sarili niya ang iintindihin niya. Savy pouted her lips more. "Nakakahiya naman, pwede naman ako magtrabaho sa gabi tapos—" Terron chuckled. "Don't underestimate your husband, woman. Ako na ang bahala roon basta pagbutihan mo ang pag-aaral mo, kung hindi ka komportable na ako ang gagastos, sige ipagpalagay na lang natin na utang mo ang mga gagastusin at babayaran mo." Nagningning ang mata ng babae na para bang may nasabi siyang magandang ideya, ayaw niya no'n pero kung doon mapapanatag ang babae siguro ay ayos naman. This is not about his pride, it's about what makes her comfortable. Iyon na lang ang maibabalik niya sa babae, dahil alam niyang hindi niya kayang ibigay pa ang sobra pa roon. Hanggang doon lang. His feelings, it's always for someone else. He actually took that idea from his ex, noong pagkatapos kasi nitong grumaduate ay nagsisimula pa lang ang dalaga kaya naghihiram din ito sa kanya at unti-unting binayaran nang makapagtrabaho na kaya naisip niyang baka ayos lang sa asawa niya na gano'n. Speaking of his ex, kumusta na kaya ang babae? Hindi na niya ulit ito nakita. Nagising sa pag-iisip si Terron nang kumapit sa braso niya ang asawa, malambot ang kamay nito kaya bahagya siyang napaigtad. "Sige Papi gano'n na lang. Ililista ko lahat ng mahihiram ko," ganadong sabi nito habang may ngiti sa labi. Terron nodded, he will burn that list in the future. Napabuga siya ng hangin nang mapansin na naman ang tawag sa kanya ng babae. "Hindi ba sabi ko sa'yo Terron na lang, kung ano-anong tinatawag mo. Ang weird pa ng mga naiisip mo," puna niya. Ayaw niya talaga 'yon, ang korni. Natawa lang ang babae. "Kapag tinawag na kita sa pangalan mo ibig sabihin hindi ka na importante sa akin. Binibigyan kita ng nickname kasi mahalaga ka, kaya hayaan mo na ako asukal de papa," nakangiting sabi nito saka tumayo at pumasok sa kwarto. Napatitig siya sa makasarang pinto ng guest room kung saan natutulog ang babae. Sa isang parte niya ay naisip niyang ayos lang naman palang tawagin siyang gano'n ni Savy, hindi naman pala masyadong korni. Kinagat niya ang ibabang labi nang maramdaman kanina pa pala niya pinipigilan ang kanyang paghinga. "Ano bang nangyayari sa akin?" bulong niya. Napapailing na pumasok siya sa kanyang kwarto para maligo, habang kumukuha ng damit pamalit ay dumapo ang mata niya sa nakatuping papel sa isang box sa loob. Malungkot na napangiti si Terron nang maalala ang bagay na iyon. List of baby names. Ginawa nila iyon ng dati niyang kasintahan habang wala silang magawa. Napailing siya nang maalala ang usapan nila. 'Kapag nagkaanak tayo, Kian ang first child natin. Meaning king or realm.' sabi niya habang pinaglalaruan ang kamay ng babae. 'Kahit hindi tayo magkatuluyan, 'yon pa rin ang ipapangalan natin sa magiging firstchild natin. Deal?' pagsang-ayon ni Lisa at inilahad ang hinliliit na daliri para sa pinky promise. Humalakhak siya bago abutin ang kamay ng babae. Terron sighed, nakalimutan na niya kung kailan siya huling tumawa. Kian huh? I can't wait to have my Kian. PAGLABAS ni Savy nang kwarto ay wala na ang asawa sa sala. Mabuti naman, ang dami pa naman tanong ng lalaki. Ang hirap pa naman magsinungaling, baka mapunta na siya niyan sa impyerno kakatanong ni Terron. Kinailangan pa tuloy niyang pumasok sa kwarto para mailabas lahat ng kaba. Kakatukin sana niya ang pintuan ng lalaki para sabihin mag-groceries na sila nang may nag-door bell. Kunot-noong patakbo siyang pumunta sa pintuan at sumilip siya sa butas, may gwapong lalaking nakatayo sa labas na palinga-linga. Binuksan niya ang pintuan nang kaunti, mas lumawak ang ngiti niya nang mas makita ang gwapong mukha nito. Woah! Pero mas gwapo ang asawa ko, lamang si Terron ng mga limang ligo. "Ano ho 'yon? Hindi po kami bibili ng ballpen, tatlo isang daan," mabilis niyang sabi nang makitang may dala ang lalaki na isang bag na itim. Kumunot ang noo ng lalaki, bahagya pang nakabukas ang labi nito animong hindi makapaniwala sa nakikita. Nang pumitik siya ay roon lang kumurap-kurap ang lalaki. "Wow, he really accepted the marriage huh?" bulong nito, manghang-mangha. Pagkaraan ng ilang minuto ay naglahad ng kamay ang lalaki. "I'm Engineer Pangilinan, Terron's bestfriend." Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Oh, may bestfriend pala ang asawa niya? Hindi niya maiwasan mapangiti, mabuti at kahit papaano ay may kaibigan ang lalaki. Hindi kagaya niya na wala. "Ah, ganern ba? Naliligo pa po kasi si Terron." Bahagyang sumilip ang lalaki sa loob ng condo, bahagya niya tuloy isinara ang pintuan kaya natawa ang lalaki na para bang may nakakatawa sa ginawa niya. "Pwede bang pumasok?" "Bawal, don't talk to stranger sabi nga nila." "Hindi naman ako stranger, I told you I'm your husband's bestfriend," nakangiting sabi nito, may kinang ang mata. Naningkit ang kanyang mata. "Sa akin stranger ka, sorry. Pwede bang wait mo na lang po matapos si Terron?" Nakapamulsa ang lalaki saka marahan tumango. "Okay lang, kung saan ka komportable Miss, este Misis. Drop the po, kasing edad ko lang ang asawa mo, twenty seven." Napatango na lang siya. "Kung best friend ka ni Terron bakit wala ka noong kasal namin?" nagdududang tanong niya, bahagya lang nakasilip sa pintuan. The man chuckled. "Yon nga rin ang itatanong ko sa asawa mo. Bakit wala ako? Actually hindi niya sinabi, nakita ko lang sa post sa f*******: ng Mommy niya." Magsasalita pa sana siya nang may magsalita mula sa kanyang likuran. "Who's there, Savria?" Napalingon siya sa asawa, bigla siyang natulala sa porma nito. Terron wearing a plain white shirt and oxford short. Malayo pa lang ay amoy na amoy na niya ang pinaghalong body wash ng asawa at pabango nito. Seryoso ang mukha nito nang lumapit, mas sumama ang mukha nito nang makita ang nasa labas na lalaki. "What are you doing here, Jaren?" Lumawak ang ngiti ng lalaki sa labas, nagpalipat-lipat tuloy ang tingin niya sa dalawa. "Ang init ng ulo, akala ko ba after honeymoon ay masaya. Ba't ikaw mainit ulo mo? Hindi ka naka—" "f**k off. Bakit ka ba nandito? Naka-leave ako." Mukhang trabaho na ang pinag-uusapan ng dalawa. "Alam ko kaya nga ako na ang bumisita." Napanguso si Savy saka dahan-dahan ng tumalikod, nakakailang naman na tumayo siya roon habang nag-uusap ang dalawa. Hahakbang na sana siya paalis nang hawakan ng asawa ang braso niya. "Saan ka pupunta?" he asked in a low voice. "S-Sa kwarto, may bisita ka." Gano'n kasi siya noon sa bahay ng Tita niya, kapag may tao ay pinapapasok na siya sa loob. Kumunot ang noo ni Terron dahil sa sinabi niya, pareho silang napatingin sa kamay ng lalaki na nasa braso niya. Mainit iyon at malaki. "Kaya nga, may bisita tayo. Dito ka lang." Nilingon ng lalaki ang kaibigan na tumatawa sa labas. "Shut up, Jaren." "Ang sweet mo pala, Engineer." "Tsk, Savy this is my bestfriend... Jaren. Hoy, Jaren... Si Savria, asawa ko," pakilala ng asawa. Kinagat niya ang ibabang labi dahil ang sarap pakingnan no'n. Hindi niya inabot ang kamay ni Jaren, hindi rin naman siya hinayaan ni Terron. Hinila na siya nito papasok at sinenyasan ang kaibigan na tumuloy na. "Kukuha ako ng tubig," alok ni Savy, bahagya siyang ngumiti dahil nandoon pa rin ang kilig niya sa sinabi ni Terron kanina. Umiling si Terron saka pinaupo siya. "Ako na, umupo ka dyan." Nang makaalis ang asawa ay narinig niyang tumatawa si Jaren. "Hindi pa mahal sa lagay na iyan under na under." "Anong sinasabi mo?" takang tanong niya, kung si Terron ay bobo ay ang kaibigan naman nito ay naka-shabu ata, kanina pa tawa nang tawa. "Wala." Nang makabalik at makaupo si Terron dala ang pitsel at baso ay bigla siyang may naalala, humarap siya kay Jaren. "Hindi ba kaibigan ka ni Papi?" "Huh?" "Siya. Iyon ang tawag ko sa kanya." Turo niya sa lalaki sa tabi, hinilot ng asawa ang noo para bang stress na stress sa kanya, humagalpak naman ng tawa si Jaren bago tumango. "Oo, bakit?" Bakas sa boses nito ang kalokohan. Napanguso siya. "May upuan kasi si Asukal de papa sa kwarto, 'yong parang pa-letter S. Sabi niya sa kaibigan niya iyon tapos ipinagdadamot niya sa akin, sa'yo ba 'yon? Pahiram," buong lakas loob na sabi niya. Terron eyes widened, he immediately covered her mouth. "Shut up, Mrs. De Vega." Terron whispered to her. ________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD