Kabanata 2:
BINUKSAN ni Terron ang pintuan ng kanyang bahay, ramdam niya sa kanyang likod na nakasunod ang asawa habang bitbit nito ang maliit na bag na kulay itim. Inilipag niya ang nag-iisang maliit na maleta ng babae na hila niya nang makarating sila sa sala.
Kahapon ang kasal nila at ngayon lang sila nakauwi. His mom gave a gift, one night room in a resort. Savy used it.
Hindi siya tumuloy roon, hindi siya nakatulog kaya buong gabi lang siyang nasa ibaba ng hotel at bumalik lang siya sa kwarto nang alas-sais na ng umaga.
"Ito na ba lahat ng gamit mo?" He asked her when he saw his wife's one suitcase and tiny shoulder bag.
Pinasadahan niya ng tingin ang buong bahay dahil baka madumi o magulo, nakakahiya naman baka isipin ng babae ay salahula siya.
Natigilan si Terron sa naisip. 'Eh ano naman kung hindi niya ako magustuhan? Hindi ko rin naman siya gusto.' pagkakausap niya sa sarili.
Naabutan niyang inililibot ni Savy ang paningin sa buong lugar, may ngiti sa labi nito. Good she likes it.
"Oo, iyan lang naman ang mga gamit ko. Ganda ng bahay mo ah, ang laki paniguradong mahirap linisin." She giggled. "Saan ang kwarto ko?" Nakangiting tanong ni Savria, hindi niya maiwasan mapatingin sa buhok ng babae na naka-bun lang, sabog-sabog pa ang baby hair nito sa noo.
His ex hair is always neat.
"That's our room." Turo ni Terron sa isang pintuan sa gilid kung nasaan ang kwarto niya.
Ang totoo ay pinag-isipan na niya ito, ayaw niyang may ibang tao na natutulog sa kwarto niya pero asawa na niya ito, ang sa kanya ay sa asawa na rin niya. Iyon ang sabi ng Kuya niya.
Ano pa nga bang magagawa niya? Pinasok niya 'to, paninindigan niya.
Ngumuso si Savy, parang nag-aalinlangan sa sasabihin. "P-Pwede bang sa ibang kwarto na lang ako? Oh kaya rito na lang ako sa sofa."
Terron forehead creased. "Huh? Bakit?"
Tumikhim ang babae saka lumawak ang ngiti. "Uy, gusto mo akong makatabi no? Clingy ka naman masyado sher. Dahan-dahan lang baka ma-fall ka niyan, nako. Pero seryoso, pwedeng ibang kwarto na lang ako? Ano kasi, malikot akong matulog tapos hindi ako sanay na may katabi," paliwanag nito na may kasama pangpagtago.
Bumuntonghininga si Terron habang iniisip ang sinabi ng babae.
Everything is in his favor, he can sleep alone. Ang plano lang naman niya ay magpakasal para hindi siya masiyadong mukhang kawawa at para makalimutan ang dating kasintahan, wala naman siyang balak ikama ang babae.
Tinuro niya ang kwarto sa kabila, iginaya niya ang babae papunta roon.
Mabilis pumasok si Savy at sinipat ang kwarto habang siya naman ay sumandal sa hamba ng pintuan, nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib habang pinapanuod ang asawa.
"Guest room 'to. Nandoon sa loob ng cabinet 'yong bagong bedsheets at pillow case, may kumot din. Malinis din naman 'yang nakalagay kasi wala naman gumagamit niyan, sa kwarto ko naman madalas natutulog si Lisa at—" Terron came to a halt when he realized what he had said.
He looked at his wife, unconsciously. Mas lalo siyang nakunsensya nang makitang inosenteng nakatingin si Savy sa kanya.
"Lisa? Bunso mong kapatid? Pinsan? Aso? Hindi ko ata nakita kagabi?" Kunot-noong tanong nito habang hinihimas ang kama.
Tumikhim siya saka umayos ng tayo. "Tulungan na kitang mag-ayos ng gamit mo," sabi niya para ibahin ang usapan.
Savy hugged her bags. "Hep, doon ka na sa labas asukal de papa, keri ko na 'to. Strong independent woman ako, sige na. Lalabas na lang ako kapag tapos na, huwag ka masyado clingy. Kapag naging crush kasi ako ng crush ko hindi ko na nagiging crush e," paliwanag nito.
Napapailing na iniwan na lang niya ang asawa sa kwarto. Wala pa man silang isang araw na magkasama sila ng babae ay mababaliw ata siya
Crush huh?
Where did his mother meet her wife? Is she from a family friend? Wealth family?
Ibinagsak ni Terron ang katawan sa kama niya at napatitig sa kisame.
"Tama ba 'tong pinasok ko?" bulong niya sa sarili, bahagyang pinapaikot ang singsing na nasa kanyang daliri.
Ginamit niya ang kasal para makalimutan ang ex niya, baka sakaling malihis ang atensyon niya. Hindi rin naman niya pinilit si Savria sa kasal na ito kaya walang problema.
Terron brows snapped together. Now he just thought, what could be Savy's reason?
Hindi siya mayaman, sakto lang kasi nagtatrabaho naman siya. Mukha may kaya rin naman ang tiyahin ng asawa base sa suot nito kahapon.
"Asukal de papa?"
Napatingin si Terron sa pintuan nang may kumatok, malakas siyang bumuntonghininga dahil sa tawag sa kanya ng babae saka bumangon at binuksan ang pintuan.
Tumambad sa kanya si Savy na nakapagpalit na ng damit, she was wearing a leggings and a big white shirt.
Terron noticed his wife's legs, she has a perfect round legs and waist.
Palihim na kinastigo ni Terron ang sarili dahil sa naisip. Well, hindi naman siya mahilig sa medyo malaman na babae, he likes petite woman, like his ex.
Marunong lang siya maka-appreciate pero hindi niya type.
Tinulak ni Savy ang pintuan niya at dire-diretsyong pumasok sa kwarto, napatikhim siya nang umupo ito sa kama niya at bahagyang tumalon-talon.
Wala pang ibang babaeng nakakapasok dito bukod kay—
"Uy, ano 'to? Sosyal."
Terron gulped when his wife walked towards his tantra s*x chair.
Umupo roon ang asawa bahagya pang hinimas, mabilis siyang lumapit at hinawakan ang babae paalis doon.
Holy crap! He bought this last week because he was so drunk. Hindi naman niya maibalik, susubukan sana niyang ipagbili kaso nawala sa isip niya dahil naging busy na rin siya nitong linggo.
Savy frowned. "Ang damot mo naman parang uupo lang."
Nag-iwas siya ng tingin at binitawan na ang pulso nito. He couldn't help but notice Savy's soft skin. "H-Hindi sa akin 'yan. Sa kaibigan ko 'yan. Bakit ka ba nandito?"
"Ah, nagugutom na kasi ako. Lunch na kaya, hindi naman kasi ako nakakain ng almusal masyado."
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa asawa. "Hindi ka pa nakakain no'n?"
Ngumuso ang babae saka tumango bago kumapit sa braso niya, para siyang napaso roon kaya bahagya niyang binawi ang braso.
"Bili tayo sa labas please."
"O—Oh, okay, huwag ka na kumapit. May mga nagtitinda dyan sa ibaba, may mga kwek-kwek at kalamares." Lagi silang kumakain doon ni—
"Sorry, hindi kasi ako kumakain ng mga gano'n sher."
Kumunot ang noo niya. "Masarap 'yon."
"Kasi..."
"Oh okay, sige. Magbibihis lang ako, hintayin mo na lang ako sa labas."
Sumunod naman si Savy sa sinabi niya, iiling-iling si Terron habang nagbibihis. Siguro mahilig sa mamahalin pagkain ang asawa niya, he likes simple food though, mukhang hindi sila magkakasundo sa pagkain.
Sabay silang bumaba ni Savy, nakapamulsa siya habang naglalakad. Palabas na siya ng building nang mapansin niyang malayo ang babae kaya binagalan niya ang lakad upang makasabay ito.
"Teka lang naman, ang bilis mo naman humakbang, asukal de papa."
Mas binagalan niya ang hakbang. "May pangalan ako."
"Ako rin naman."
"Just don't call me, asukal de papa and also I think it's Papa de asukal," he corrected her.
"Ano 'yon Daddy sugar? Saka ano naman masama asawa naman kita ah? Saka walang pakielamanan ng callsign, ikaw nga pangalan lang tawag mo sa akin hindi ko pinapakielaman e."
Hindi na lang niya sinagot ang asawa, hahaba lang ang usapan nila. Sakto naman at nasa labas na sila ng building.
Tatawid na sana siya papunta sa kabilang kalsada nang may humawak sa laylayan ng kanyng shirt. He looked at his wife, she bit her lower lip.
"H-Hindi ako marunong tumawid."
Napataas ang kilay niya. "Akala ko ba strong independent woman ka?"
"Strong independent woman ako pero hawakan mo ako, hindi ako marunong tumawid. Bahala ka maaga ka mabiyudo," pananakot pa ng babae, mas sumimangot.
Terron lips turned up, he offered his right hand to his wife.
"Come on, hold me."
________________________