Kabanata 20: Malakas na humugot ng malalim na buntonghininga si Savria at inihanda ang ngiti sa labi bago buksan ang condo ni Terron. Humigpit ang hawak niya sa plastic ng dalang school supplies na binili niya, siguradong tatanungin siya ni Terron kung saan siya galing kanina dahil nakita siya nito kaya iyon ang naisip niyang dahilan. "Papi! Nandito na ang maganda mong asawa!" malakas na sigaw niya nang makapasok, bukas na ang lahat ng ilaw. Naamoy niya kaagad ang lutong ulam kaya dumeretsyo siya sa kusina. Terron, who was wearing an apron, glanced at her, and despite her nervousness, she gave him a happy smile. Napalabi siya nang ilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya, inilapag niya muna ang pinamili sa lamesa. Nakita niyang sinundan iyon ng tingin ni Terron. Good. Nang makalapit a

