Chapter Four: Back Home

1651 Words
Angelo’s Point of View           MALAKAS ang naging pagkatok ko sa pintuan ng bahay. Alam kong pinaalis nila ako dahil sa tinahak kong landas ngunit wala na akong ibang matatakbuhan pa. Nagbukas naman ang pinto.           “A-Angelo,” ang gulat na reaksyon ng aking ina nang makita ang aking mukha. Iniwas ko naman ang aking tingin. Hinanda ko ang aking sarili sa pag-alis. Masama itong ideya. Kinuha ko ang hawakan ng maleta at magsisimula nang maglakad… ngunit biglang hinawakan ng aking ina ang aking braso. “Ang tagal ka naming hinintay, Angelo.”           Rinig ko ang pangungulila niya sa kanyang boses. Natigilan naman ako at humarap sa kanya. Napabuntong-hininga naman ako at tumango.           “Okay na po ba kayo?” ang tanong ko. Tumango naman siya bago ako tuluyang yinakap. Nagsimulang tumulo ang luha niya.           “Ilang mga okasyon ka ring nawala,” ang sabi niya sa pagitan ng kanyang mga paghikbi sa aking balikat.           “Wala naman po akong magagawa,” ang tugon ko. “Kayo ni Papa ang pumutol sa ugnayan niyo sa akin.” Nag-aalangan man ay nagtanong pa rin ako, “Nasaan siya?”           “Wala na siya rito,” ang tugon naman ni Mama habang nagpupunas ng mga luha.           “A-ano hong ibig niyong sabihin?” ang nauutal kong tanong. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng kanyang sinabi.           “Pumasok ka na muna,” ang bilin ni Mama sabay hila sa akin papasok ng bahay. Naupo naman ako sa sofa. “Wala na ang papa mo; sumama na siya sa iba.”           “H-ho?” ang nauutal kong reaksyon. “K-kanino naman po siya sumama?”           “Sa kababata niya,” ang tugon naman ni Mama, ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses. “Matagal niya nang mahal ang taong ‘yun. Bago pa man kami nagkakilala; bago pa man kayo pinanganak ng Kuya Angelbert mo.”           “Paano ho kayo?” ang nag-aalala kong tanong. Napabuntong-hininga naman siya at napailing.           “Masakit man tanggapin pero hindi naman naging tunay na naging masaya ang papa mo sa akin,” ang paliwanag niya. “Pero hindi na ‘yun problema sa akin. Ang importante lang naman ay ikaw at ang Kuya Angelbert mo. Kayong mga anak ko.”           “Nasaan po si Kuya?” ang tanong ko.           “Nasa trabaho niya,” ang tugon naman niya. “Bakit biglaan kang napauwi? Akala ko ba magsasama na kayo nung Nick?”           “Ma, sa totoo niyan, naghiwalay na kami,” ang pag-amin ko. “Ngayong araw lang po. Ma, sana nakinig na lang ako sa inyo. Sana hindi na lang ako sumama sa kanya. Ma, ang sakit, eh!” Nagsimula naman akong humikbi sa aking kinalalagyan. “Akala ko kasi minahal niya rin ako. Ginamit niya lang ang pagmamahal ko sa kanya. Masyado akong nabulag.”           Hinawakan naman ni Mama ang aking kamay.           “Huwag kang mag-alala, makakahanap ka rin taong tunay na magmamahal sa’yo,” ang komento naman niya. “Sa ngayon, ang kailangan mong gawin ay pagtuunan ng pansin ang sarilimo. Ang mga bagay at taong magpapasaya sa’yo.”           “Hindi ko alam, Ma,” ang komento ko naman sabay pakawala ng isang buntong-hininga. Tumayo naman ako at naglakad patungo sa hagdanan; hila-hila ko pa rin ang aking maleta. Natigilan naman ako at napatingin kay Mama.           “Yung kuwarto ko…” ang hindi ko siguradong sinabi.           “Naroon pa rin; hinihintay ka,” ang tugon naman ni Mama. Napangiti naman ako at tumango. Binuhat ko naman ang aking maleta at pumahik ng hagdanan. Kaagad naman akong pumasok sa aking kuwarto. Matagal kong nawala pero… parang kahapon lang ako lumisan. Hindi naman nabago ang sa loob. Akala ko kasi… kakalimutan na nilang meron ako. Hindi ako galing sa isang mayaman na pamilya. Sa totoo nga niya, eh. Kumportable lang ang aming estado ng buhay. Hindi mahirap; at hindi rin naman mayaman.           Napaupo naman ako sa gilid ng aking kama. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ngayon. Una, dahil tuluyan na nga akong iniwan ni Nick. Pangalawa, dahil hindi niya ako tunay na minahal. At pangatlo, iniwan din ni Papa si Mama. Ganun ba talaga ang magmahal? Napakasakit?           Natigilan naman ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako upang buksan yun. Si Mama.           “Nagdala nga pala ako ng bagong punda ng unan at kumot,” ang sabi ni Mama.           “Salamat, Ma,” ang tugon ko sabay abot ng mga bitbit niya. Ipinatong ko naman yun sa kama. Sumunod naman si Mama sa loob. “Kailan po umalis si Papa?”           “Matagal-tagal na, anak,” ang tugon naman niya.           “Kamusta ka naman, Ma?” ang sunod kong tanong. Napakibit-balikat lang naman siya.           “Matatanda na kami,” ang pagsisimula ni Mama. “Kung mas liligaya siya sa kababata niya, mas makakabuti sigurong nangyari ito.”           “Mahal niyo pa rin ba si Papa?”           “Ano bang klaseng tanong ‘yan, Angelo?” ang natatawa naman niyang retorikal na tanong. “Hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin ang nangyari.”           “Bakit niyo siya hinayaan? Bakit hindi niyo ipinaglaban?” ang mga tanong ko.           “Hindi mi na pwedeng ipaglaban ang labang sa una pa lang ay talo ka na,” ang paliwanag naman ni Mama. “Ang mahalaga sa akin ay ikaw at ang Kuya Angelbert mo.”           “Hindi ka na po ba galit sa akin?” ang tanong ko.           “Hindi naman kita matitiis,” ang tugon niya.           “Pero sorry ma kung na-disappoint kita,” ang paghingi ko naman ng paumanhin.           “Angelo, anak kita,” ang sunod niyang sinabi. “Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka. Kung sasaya ka sa kapwa mo; susuportahan kita.”           Napangiti naman ako sa mga sinabi sa akin ni Mama.           “Kamusta nga pala si Kuya Angelbert?” ang tanong ko.           “Sa tingin ko, mas makabubuti kung kayo na mismo ang magkamustahan,” ang komento naman niya. Napatango naman ako. “Osiya, iiwan na kita para makapag-ayos ka. Tatawagin na lang din kita para kumain ng hapunan.”           “Hindi ko po sigurado kung nasa mood akong kumain,” ang walang gana ko namang tugon.           “Kumain ka. Siguradong gusto kang makita ni Kuya Angelbert mo,” ang bilin naman ni Mama. Tumango naman ako at pilit na ngumiti. Pinanood ko namang lumabas si Mama mula sa aking kuwarto. Napatingin naman ako sa paligid; mas lolo kong pinagtuunan ng pansin ang mga bagay na naroon. Maliban sa kurtina at bed sheet; wala namang nabago. Nansin ko rin na nalilinisan at napapahanginan ang kuwarto. Napailing naman ako bago binuksan ang aking maleta. Isa-isa kong inilabas ang mga gamit. Natitigilan ako at maluluha sa tuwing makakakita ako ng mga gamit na galing kay Nick. O mga gamit niyang hindi ko sinasadyang kunin. Tuluyan akong naiyak nang makita ang isang kulay lila na shirt; yung rinegalo niya sa akin na freebie ng pabangong binili niya. Malakas ang kutob kong pera ko rin ang ginamit niyang pinangbili at irinegalo niya sa kanyang kabit. Hindi ko matanggap na kahit na buo ang pagmamahal na ibinigay ko kay Nick, kakarampot at tira-tira lang ang mga binigay niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa sa akin ito. Dahil sa sama ng loob ay napayakap ako sa hawak kong Tshirt. Ngayon hindi ko na lubos malaman kung alin ang totoo sa mga pinakita niya sa akin. Lahat ay napalitan ng agam-agam. Para bang gumuho ang aking mundo. Pinagkatiwalaan ko siya pero ganito lang ang gagawin niya sa akin. Inilapag ko naman ang Tshirt sa kama. Mas lalo akong natigilan nang makita ang game console niya. Bigla kong naalalaanh mga ngiti niya sa tuwing naglalaro siya, habang hawak niya ang game controller. Naaalala ko ang parang bata niyang pagsigaw sa tuwing mananalo o mamamatay ang character na linalaro niya.           Nalulungkot ako na kinuha ko ang isang bagay na nagpapangiti sa kanya. Ibalik ko kaya sa kanya? Ayoko pa man din na nakikita siyang nalulungkot.           “Magpasalamat ka na lang dahil sa susunod, kapag sumikat na ako; mapagmamalaki mong naging ex mo ako,” ang narinig kong sinabi niya sa aking isipan. Kaagad namang naglaho ang awang kanina ay aking nararamdaman. “Hayop ka talaga!”           Para akong nababaliw dahil sa kanya. Siya lang ang katangi-tanging nilalang na nagbibigay sa akin ng ganitong emosyon.           “Totoo nga,” ang komento ng isang pamilyar na boses. Natigilan ako at napalingon. Dahil sa kaiisip ko ay hindi ko pala namalayan ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Kuya Angelbert. “Kababalik mo pa lang, ang ingay mo kaagad.”           “K-kuya Angelbert,” ang pagsambit ko naman sa kanyang pangalan. Kaagad naman siyang lumapit sa akin at ginulo ang aking buhok.           “Mabuti naman at naisipan mong umuwi,” ang komento naman niya. Napakamot lang naman ako ng ulo. Hindi ko naman kasi alam kung anong dapat sabihin sa kanya.           “Hindi ko kasi alam kung welcome pa ako,” ang tugon ko naman. “Pagkatapos ako itakwil nila Mama at Papa dati simula ng nalaman nila ang tunay kon pagkatao.           “Hindi na ‘yan mahalaga. Ang importante ay tanggap ka naming ngayon,” ang komento naman ni Kuya. “At nakauwi ka na. Narinig ko kay Mama ang nangyari sa’yo.”           Hindi naman ako umimik.           “Huwag kang mag-alala. Kapag nakasalubong ko sa laban yang Nick na yan. Magpapaka-Pacquiao ako at matitikman niya ang aking kamao,” ang kanya namang biro. Napa-iling naman ako sa kanyang pinapakita. Dalawang taon na ang lumipas pero mukhang hindi pa rin naman siya nagbago.           “Ikaw, Kuya? Kamusta ka naman?” ang tanong ko naman nang muli kong maipagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko.           “Hmm,” ang reaksyon niya. “Wala namang pinagbago. Nakakulong pa rin ako sa aking kumpanyang pinapasukan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD