Chapter Thirty-nine: A Bar and A Lake

2901 Words
  Angelo’s Point of View Kinuha ko naman ang kamay ni Magnus. Hinila niya ako palabas ng sasakyan. “Are you ready?” ang tanong naman niya sa akin. Kahit na nag-aalangan ay tumango naman ako. Sinundan ko naman siya at pumila kami. Nagbayad naman siya ng entrance fee para sa aming dalawa. “Here, wear this,” ang bilin niya sabay abot sa akin ng isanng wrist band na gawa sa papel. Nakalagay doon ang pangalan ng Night Club at ang petsa ngayon. “Oh, bago ko makalimutan,” ang saad niya. “Do you drink?” “Oo,” ang tugon ko naman. “pero hindi ganoon kalakas.” “I’ll give you cocktails then,” ang sabi naman niya. Tumango naman ako. Sinundan ko naman siya paloob ng night club. Kaagad sumalubong sa akin ang napakalakas na tugtugin na hinaluan pa ng sigawan ng mga nag-pa-party. Kaagad akong nakaramdam ng kaba sa aking nasaksihan. Hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng lugar. Hinawakan naman ni Magnus ang aking balikat sabay lapit ng kanyang mukha sa aking tenga. “Hold me tight. You might get lost.” Nang lumayo siya ay hinawakan ko naman ang kanyang pulso. Sinundan ko naman siya, umiiwas sa mga tao sa paligid. Dumeretso siya sa bar area. “Sit here,” ang bilin niya sabay turo sa isang stool. Kaagad naman akong tumalima. “Moscow Mule and a glass of bourbon whiskey, please,” ang bilin niya sa bartender. Kaagad namang kumilos ang bartender. Napatingin naman ako sa paligid. Napakaraming taong nagsasaya. Sa gitna ay ang dance floor. Maraming nagsasayaw. Hindi ko talaga makuha kung paano matatanggal ang stress ko sa ganitong lugar. Sa totoo lang ay… mas lalo akong na-stress. “Here,” ang sabi naman ni Magnus sabay lapag ng metal na baso sa tapat ko. Sinuri ko naman yun. Hindi ko masyadong makita ang kulay ng mismong inumin. May mga ice, mint at ilang slice ng lime. Kinuha ko naman ‘yun at tinikman. “Hindi masama,” ang komento ko naman. “Parang juice lang.” Napatingin naman ako sa alak na kinuha niya. Mukhang matapang na inumin. “Don’t drink it on one go,” ang bilin naman ni Magnus. “Malalasing ka pa rin kapag binigla mo.” Tumango naman ako. Pinanood ko lang ang mga tao sa paligid habang iniinom ang binigay sa akin ni Magnus. “Are you okay?” ang tanong naman sa akin ni Magnus. “Okay lang naman ako,” ang tugon ko naman. Tinigan ko namang mabuti ang mukha niya. Mukhang may epekto na sa kanya ang alak na iniinom niya. Pangalawang baso niya na yata ito. “Ikaw ba?” “I’m bored,” ang tugon naman niya. “Chuckie, do you want to dance?” “Ha?” ang gulat ko namang reaksyon. Halos maidura ko ang alak sa aking bibig. “Ayoko!” ang bayolente ko namang pagtanggi sa kanyang katanungan. “Why?” ang tanong naman niya. “Nahihiya ako at hindi ako marunong sumayaw. Magnus,” ang tugon ko naman. “Look at them, sa tingin mo ba… lahat ng tao rito sa club ay magaling sumayaw?” ang komento niya. “Not really,” ang pagsagot niya sa kanyang sariling katanungan. “Hey, look at that guy over there.” Napatingin naman ako sa tinuturo niyang lalaki sa dance floor. Kaagad naman akong natawa nang makita ang awkward nitong pagsayaw. May mga robot dance siyang ginagawa. “See,” ang sabi niya. “Hindi tayo nagpunta rito para alalahanin ang ibang tao. You’re here to have a good time. So, let’s dance, Chuckie.” Tumayo naman siya at nagsimulang tumango sa salin ng tugtog. Sunod naman niyang pinagalaw ang kanyang mga balikat. Kasalukuyang pinapatugtog ng DJ ng club ang Rain on Me ni Lady Gaga at Ariana Grande. Isa akong malaking fan ni Lady Gaga. Halos lahat naman siguro ng kasangkabaklaan ay gustong-gusto si Lady Gaga. Kabisado ko ang choreography ng Rain on Me. Sumasayaw nga lang ako sa aking kuwarto kapag nag-iisa ako. Sa harap ng salamin  o kaya naman kapag naliligo ako, feel na feel ko kasi ang shower sa kanta, at hindi sa harap ng maraming tao.   Natawa naman ako habang pinapanood si Magnus. “Chuckie, are you just going to sit there all night?” ang tanong naman niya sa akin sabay kuha sa aking pulso. Sinimulan naman niya akong hilain patungo sa gitna ng dance floor. “Magnus!” ang suway ko naman ngunit wala na akong nagawa dahil napakalakas niya at talagang kinaladkad niya ako. Hindi naman nagtagal ay nasa mismong gitna na kami. Pinapalibutan ako ng mga taong sumasayaw. “Don’t just stand there,” ang komento naman ni Magnus. “Move your body.” “Paano?” “Like this,” ang tugon niya sabay demo. Sinimulan naman niyang igalaw ang kanyang ulo at balikat. Sinimulan ko naman siyang gayahin. Napaka-awkward ko naman. Kahit na gustong-gusto ko si Lady Gaga, parang impyerno sa akin ang dance floor ngayon. “Oh, come on. You can do better than that,” ang sunod na komento ni Magnus. “Rain on me!” nag sabay-sabay na pagsambit ng mga tao sa bahagi ng lyrics ng kantang ‘yun. Natawa naman ako na natuwa sa aking narinig. Hindi naman nagtagal ay naging komportable ako sa aking kinalalagyan.  Pasimple ko namang ginawa ang choreography ng rain on me. Napanganga naman si Magnus sa nasaksihan. “Chuckie!” ang pagtawag niya sa akin. “You have the moves! Just dance! You only live once, enjoy every moment.” Napabuntong-hininga naman ako. Sinimulan kong sayawin ang bandang chorus ng kanta. May mga taong natigilan at napatingin sa direksyon ko. “Hands up to the sky, I’ll be your galaxy; I’m about to fly…” ang sabay-sabay na pagkanta ng mga tao sa club nang marating sa bandang yun ng kanta. May mga ilang taong lumapit sa akin. Mga taong alam din ang choreography ng Rain on Me. Sabay-sabay naming sinayaw ang Rain on Me habang kinakanta ‘yun. Hindi naman nagtagal ay natapos ang kanta. Napalakpak ang lahat. “Chuckie!” ang natutuwang pagtawag sa akin ni Magnus. “You’re amazing!” “Asus, maliit na bagay,” ang tugon ko naman. Bumalik naman kami sa aming mga upuan. “How’d you that?” ang namamangha pa rin niyang katanungan. “Fan lang talaga ako ni Lady Gaga,” ang paliwanag ko naman. “Palagi kong sinasayaw ‘yun kapag mag-isa ko lang. Magnus! Hindi ako makpaniwala na sumayaw ako sa harap ng maraming tao. Gusto ko nang lamunin ng lupa.” “Did you not enjoy the experience?” ang tanong naman niya. Natigilan naman ako. “Kung iisipin, na-enjoy ko naman,” ang tugon ko sabay ngiti. “Let’s have one more round of drinks and then, let’s go,” ang sabi naman niya. Kaagad naman akong pumayag. Pagkatapos naman naming ubusin ang pangatlo? Pang-apat na baso ay umalis na nga kami ng club. “Chuckie, I’m a bit dizzy.” “Ha? Paano ka niyan makakauwi?” ang tanong ko naman. “Let us not go home yet,” ang tugon naman niya. Napabuntong-hininga naman ako. “As if may iba naman akong choice,” ang komento ko naman. “Alangan namang iwan kitang mag-isa dito.” “Let’s grab some coffee first,” ang tugon niya. “You drive.” “Okay,” ang kaagad ko namang pagpayag. Inalalayan ko naman siya patungo sa sasakyan ko. Pinaupo ko siya sa passenger’s seat. Nagsimula naman akong magmaneho at naghanap ng coffee shop. Nag-park naman ako sa tapat ng isang coffee shop. Napatingin naman ako kay Magnus. Naka-idlip naman siya. Hindi ko na siya ginising pa. Bumaba naman ako at nagtungo ng coffee shop. “Good evening, Sir,” ang bati naman ng barista. “What can I make for you?” “Dalawang americano,” ang tugon ko naman. “To go.” “Hot or iced?” “Hot, please.” “And what size?” “Venti,” ang muli kong pagtugon. “Can I get your name, Sir?” ang sunod naman niyang tanong. “Ever,” ang tugon ko naman. Pinunch naman niya ang aking order bago inabot sa akin ang claim stub. Naupo naman ako sa gilid at hinintay ang mga kape. “Two Venti Americano for… Ever!” ang pagtawag naman ng isa pang barista. Napangiti naman ako sa aking narinig. Kahit na ilang beses ko na itong narinig ay hindi pa rin ito naluluma sa aking pandinig. Tumayo naman ako, inabot ang claim stub, at kinuha ang kape. Lumabas naman ako agad ng coffee shop at dumeretso sa sasakyan. Bago sumakay ay sinilip ko muna ang kalagayan ni Magnus.  “Chuckie,” ang pagtawag naman niya sa akin nang magising siya sa pagsara ko ng pinto ng sasakyan. “Where are we?” “Nasa tapat tayo ng isang coffee shop,” ang tugon ko naman. “Kabibili ko ng kape. Gusto mo na ang inumin?” “Yeah,” ang tugon naman niya. Inabot ko naman ang isang styrocup sa kanya. “Mag-ingat ka, mainit pa,” ang bilin ko naman. Tumango naman siya at humigop ng kape. “That tastes like heaven,” ang komento naman niya. “Chuckie, let’s just stay here for a while.” Napatingin naman ako sa aking wrist watch. 10:30 pm. “Wala ka bang gagawin bukas?” ang tanong ko naman. “None,” ang tugon naman niya. “That’s why I’m slacking off today.” “Kaya pala.” “How about you?” “May trabaho ako sa Hair and Makeup Studio,” ang tugon ko naman. “Will you be alright?” “Oo naman,” ang tugon ko naman. “Chuckie, let’s walk for a bit,” ang yaya niya. “I need to sober up.” Binuksan naman niya ang pinto at bumaba. Kaagad naman akong sumunod. Tumingin siya sa paligid. “This place looks familiar,” ang sabi niya. “My condo unit is near here.” “Mabuti naman kung ganun,” ang tugon ko. “May maliit na manmade lake malapit dito,” ang sabi naman niya. “Let’s walk going there.” Napatango naman ako. Tahimik naman kaming naglakad patungo sa tinutukoy niyang manmade lake. Kapwa naming bitbit ang aming mga kape na siya naming iniinom habang naglalakad. Tamang-tama dahil medyo malamig ang simoy ng hangin. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa maliit na lawa. “Let’s sit there,” ang bilin naman niya sabay turo sa isang sementadong bangko. Linapitan naming ‘yun at magkatabing naupo. Binalot naman kami ng katahimikan. “Magnus,” ang pagbasag ko ng katahimikan. “Maraming salamat.” “For what?” ang tanong naman niya. “Para sa hapunan at sa alak,” ang tugon ko naman. Napangiti naman siya. “Ginagawa mo rin ba ito sa ibang tao?” “Not really. Si Jc lang naman anag palagi kong kasama,” ang tugon naman niya. “Kung ganun. Bakit moa ko yinaya ngayon?” “Because I can feel your pain,” ang tugon naman niya. “Been there; done that. Nakikita ko ang sarili ko sa’yo.” “Kapwa linoko at pinaasa?” “Yeah,” ang tugon naman niya sabay ngiti. “I also understand na… ayaw mong makatrabaho yung ex mo pero wala kang ibang choice. Nangyari rin ‘yan sa akin, remember?” “Oo, naaalala ko,” ang tugon ko naman. “Itinulak mo panga ako palayo nung tatanggalan sana kita ng makeup. Tapos yung ex mong baliw. Sinira ang makeup case ko.” Natawa naman siya sa kwento ko. “Sorry if I pushed you,” ang paghingi naman niya ng paumanhin. “I didn’t mean to hurt you, Na-frustrate lang ako nung araw na ‘yun. Lalo na anung nakikipagbalikan sa akin si Samantha na parang wala siyang ginawang mali. And sorry din sa paninira ni Samantha sa gamit mo. Pati ikaw ay nadamay.” “Wala naman sa akin ‘yun,” ang tugon ko. “Naiintindihan ko naman; at tsaka, hindi naman talaga kailangan pero… nagbigay ka naman ng kapalit. Okay ka rin naman pala, Magnus,”             “What do you mean?” ang tanong naman niya. “Tumatak kasi sa isipan ko ‘yung unang pagkakataong nagkakilala tayo,” ang paliwanag ko naman. “Yung nagkaroon tayo ng argyumento sa tapat ng vending machine.” “Oh,” ang komento naman niya. “That was not my fault though.” “Oo na,” ang pagsuko ko naman. “Nakaraan na ‘yun para pag-awayan na naman natin.” “Uhm you’re the one who brought that up,” ang pagpapaalala naman niya sa akin. “Basta! Ang pinupunto ko; nag-iba na ang tingin ko sa’yo, mabait ka rin naman pala,” ang sabi ko. “Mabait ako sa mabait; demonyo ako sa demonyo,” ang tugon naman niya.”And besides, you’re my personal hair and makeup artist already. So, I feel comfortable.” Napabuntong-hininga naman ako. “What’s that all about?” ang tanong naman niya. “Malakas ang kutob ko na... hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita kami ni Nick,” ang sabi ko naman haang nakamasid sa repleksyon ng ilaw sa tubig. “Gusto ko na lang makalimot... mag-move on. Pero sa tuwing nararamdaman kong okay na ako; dumarating naman si Nick para saktan ako. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya akong saktan.” “Well, tinatanong pa ba ‘yan?” ang retorikala naman niyang tanong. “He’s a jerk. A bully that feeds his ego.” “Chuckie,” ang seryoso naman niyang tugon. “Be mine.” “Ha?” ang gulat kong reaksyon; pakiramdam ko ay rumagasa ang lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa aking narinig. “Silly me,” ang komento niya naman sabay batok sa sariling ulo. “I didn’t mean it like THAT way... ang ibig kong sabihin, work for me exclusively. Leave that Hair and Makeup Studio and work as my personal assistant.” “S-seryoso ka?” ang gulat ko pa ring reaksyon. “Why not?” ang tanong naman niya pabalik. “I mean... you’re not just skillful, but also talented.” “Salamat pero... hindi ko sigurado,” ang pagtanggi ko naman. “Ayokong umalis ng Studio na si Nick lang ang magiging dahilan.” “Sino bang nagsabi na aalis ka ng Studio dahil lang sa gagong ‘yun?” ang tanong naman niya. “Well, that’s one of the advantages; hindi ka na niya kayang hawakan sa leeg since you’re just going to work for me,” ang paliwanag niya. “Hindi ka ba interisado sa Fashion Industry? Sa studio, you’re just limited to the Beauty Industry. Magaling ka na sa industriyang ‘yun. Why not venture in a wider area? Marami kang matututunan sa Fashion Industry katulad ng pananamit. You’ll meet countless fashion icons. Makakatulong din ‘yun sa career mo.” Napatango naman ako sa mga sinabi niya. “Salamat talaga sa offer Magnus,” ang komento ko naman. “Pero pag-iisipan ko muna. Ayokong pumasok sa isang bagay na maari kong pagsisihan sa huli.” “It’s scary, I know and I understand,” ang tugon naman niya. “I’ll give you time to think about it.” Tumango naman. “Shall we call this a night, then?” ang tanong niya. “Mabuti pa nga,” ang pagpayag ko. Sabay naman kaming tumayo at nagsimulang maglakad pabalik sa parking lot ng coffee shop. “I’ll just hire a taxi from here,” ang sabi naman niya. “Pwede naman kitang ihatid,” ang alok ko naman. “No need, mapapalayo ka lang,” ang komento naman niya. “Just drive home safely.” Tumango naman ako bago sumakay ng sasakyan Sisimulan ko na sanang paandarin ang sasakyan ng kumatok siya sa bintana. Binuksan ko naman ‘yun. “Give me your phone number,” ang sabi naman niya bago inabot sa akin ang kanyang smart phone. Inilagay ko naman ang contact number ko bago binalik sa kanya ang phone niya. Kaagad namang nag-ring ang phone ko na siya ko namang hinugot mula sa aking bulsa. May unregistered number na tumatawag. Kaagad naman itong tumigil nang makita ko. “That’s my contact number,” ang saad naman ni Magnus. “Keep in touch once you make a decision. I’m not rushing you; just take your time.” “Sige,” ang pagpayag ko naman. “I’ll see you soon,” ang paalam naman niya. “Bye.” “Ingat,” ang huli kong sinabi. Pinanood ko naman siyang naglakad patungo sa gilid ng kalsada at nag-abang ng taxi. Nagsimula naman akong magmaneho nang makasakay siya ng taxi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD