Chapter Nine: New Day

1738 Words
Angelo's Point of View “Kuya? Napaaga ka yata ng uwi?” ang tanong ko nang makita siya. “Maaga ko rin kasing natapos ang mga gawain ko sa opisina kaya umuwi na ako ng maaga,” ang tugon naman niya. “Heto.” Inabot naman niya sa akin ang isang eco bag lulan ang isang inumin. ‘Nag-abala ka pa, Kuya,” ang komento ko naman. “Hindi naman. Malapit lang naman ang bilihan niyan sa amin at tsaka, alam ko namang paborito mong inumin ‘yan,” ang paliwanag naman niya. Ngumiti naman ako at tumango. “Kamusta nga pala ang araw mo? “Ayun, inutusan ako ni Mama bumili sa supermarket. Hindi ko naman inaasahan na makita si Lander,” ang kwento ko. “Lander? Yung dati mong kaklase, hindi ba?” Tumango naman ako. “Kamusta naman siya?” ang sunod na tanong ni Kuya. “Naaalala ko, parati siyang dumadalaw dito.” “May sarili na siyang Hair and Makeup Studio,” ang nakangiti ko namang balita. “That sounds interesting.” “Gusto niya nga akong pumunta roon. Tuturuan daw niya ako kung paano magpaganda ng tao,” ang kwento ko pa. ‘Pero nag-aalangan ako.” “Oh, bakit naman?” ang gulat niyang reaksyon. “Hindi ko naman sigurado kung nababagay ako sa ganoon,” ang paliwanag ko kay Kuya. “At bakit naman hindi?” “Kuya, tignan mo ako. Mukha bang may magtitiwala sa akin na mapaganda sila?” Napa-iling naman si Kuya. “Angelo, may angkin kang talent sa arts; kamangha-mangha nag mga art projects mo nung nag-aaral ka kaya naman confident ako na magagawa mo ng maayos ang ipapagawa sa’yo,” ang komento naman ni Kuya. “Isa pa, mas mabuti nang may pinagkakaabalahan ka kaysa sa nagkukulong ka lang rito. Subukan mo lang, wala namang mawawala. Bit of course, this is just a suggestion. Nasa sa’yo pa rin ang huling desisyon.” Napabuntong-hininga naman ako at tumango. “Osiya, pupunta na muna ako sa kuwarto,” ang paalam naman niya bago lumabas ng kuwarto ko. Napasulyap naman ako sa business card na nakapatong sa side table. Kinuha ko naman ‘yun kasabay ng aking smart phone. Dinial ko naman ang phone number ni Lander. Pagkaraan ng ilang pag-ring ay sinagot naman niya ito. “Hello,” ang pagbati niya sa kabilang linya. “Hello, Lander,” ang pagbati ko naman. “Si Angelo ito.” “O, Angelo, mabuti naman at tumawag ka,” ang komento naman niya. “Ang hula ko ay nakapagdesisyon ka na.” “Ah, oo, tungkol sa inaalok mo kaya ako tumawag,” ang paliwanag ko naman. “Pumapayag na ako. Siguro nga kailangan ko lang ng bagong simula at ng mga bagay na makapagpapaalis ng mga bagay na nagpapalungkot sa akin.” “Tama ‘yan, Angelo,” ang pagsang-ayon naman niya. “Mas makakabuti nga sa’yo ang pagtuunan nag iyong sarili muna bago ang ibang bagay o tao. Ise-send ko na lang sa’yo ang address ng studio.” “Sige,” ang huli kong tugon bago natapos ang aming maikling usapan. Napabuntong-hininga naman ako at napatingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Nasanay ako na palaging ginagawa ang mga bagay na nakasanayan ko na. Kaya naman, hindi ko alam kung anong aasahan ko sa pagpunta ko sa studio ni Lander bukas.     KINABUKASAN. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ko rin alam kung bakit. Marahil siguro dahil sa kabang aking nararamdaman para sa araw na ito. Dahil hindi ako mapakali ay pumunta ako sa kusina, masyado pang maaga at mukhang ako pa lang ang nagigising sa amin. Napagdesisyunan kong maghanda ng almusal para sa amin. Malapit na ring bumaba si Kuya Angelbert. Palagi naman siyang nagigising sa parehong oras. Sinimulan ko ang araw na ito sa pamamagitan ng pagtimpla ng kape. Nang tuluyang mawala ang aking antok ay nagsimula akong maghanda ng almusal. “O, ang aga mo namang nagising ngayon,” ang gulat na komento ni Mama nang pumasok sa kusina. “Hindi rin kasi ako masyadong nakatulog nang maayos, Ma,” ang paliwanag ko naman. Hindi naman nagtagal ay dumating si Kuya Angelbert, tulad ng inaasahan ay nakapag-ayos na siya. “Ang aga ni bunso, ah,” ang tukso naman niya nang makita ako. “Umupo ka na lang at mag-almusal,” ang bilin ko naman sbay iling. Tumalima naman siya at naupo. Sinabayan namin siya ni Mama. “Nakapagdesisyon ka na ba kung anong gagawin mo?” ang tanong naman ni Kuya sa akin.             “Tungkol saan?” ang kaagad na singit ni Mama sabay tingin sa aming dalawa.             “May nagyaya kasi kay Angelo na mag-aral ng pagiging HMUA, si Lander. Palaging nagpupunta ‘yun dati rito,” ang paliwanag naman ni Kuya sa kanya.             “HMUA? Ano ‘yun?” “Hair and Makeup artist, Ma,” ang muling paliwanag ni Kuya. Napatango naman si Mama. “O, bakit hindi?” ang reaksyon naman ni Mama sabay tingin sa akin. “Ang totoo niyan, napagdesisyunan kong pumunta ngayon sa studio ni Lander,” ang sabi ko naman. “Maganda ‘yan, para naman mapaganda mo rin ako,” ang komento naman niya na nagpatawa sa amin ni Kuya. “Bakit biglaan mo gustong magpaganda, Ma?” ang tanong naman ni Kuya Angelbert sa kanya. “Bakit? Masama ba?” ang tanong naman pabalik ni Mama sa kanya. ‘Hindi ba pwede?” “Hindi naman sa ganoon, Ma,” ang natatawang paglilinaw ni Kuya. “Baka naman may ka-date, ganoon.” “Ewan ko sa’yo, Angelbert,” ang reaksyon naman ni Mama. “Bago ako ang alalahanin mo; alalahanin mo muna ang sarili mo. Kailan ka ba mag-aasawa?” “Ma, ayan na naman tayo sa ganyang usapan,” ang saad ni Kuya. “Kung meron man, ipapakilala ko naman sa inyo agad.” “Bakit? Wala ka bang natitipuhan sa opisina niyo, Kuya?” ang tanong ko naman. Napakamot naman siya ng ulo. “Ang totoo niyan, meron,” ang pag-amin naman niya. “O, meron naman pala,” ang komento ni Mama. “Anakan mo na agad nang magka-apo na ako.” “Ma!” ang reaksyon naman ni Kuya na ikinatawa ko. “Ano ka ba?!” “Aba, bakit? Nagbabago na ang panahon ngayon,” ang komento naman ni Mama. “Isa pa, hindi ka bumabata. Habanag malakas pa ang pangangatawan mo; gamitin mo nang mabuti yang sandata mo.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa ng malakas sa nagiging usapan namin. Kahit kailan talaga si Mama, walang preno ang kanyang bibig. Sinasabi lang ng sinasabi ang nasa isip. Atat na talaga siyang magka-apo. Napa-iling naman ako. “Mauuna na ako,” ang pag-iwas naman ni Kuya sabay tayo. “Angelbert!” ang protesta naman ni Mama ngunit hindi na siya pinansin pa ni Kuya. “Anong problema nun?” “Ikaw kasi, Ma,” ang komento ko habang tumatawa. “Huwag mo na kasing i-pressure si Kuya.” “Angelo, hayaan mo na ako,” ang suway naman ni Mama. “Hindi moa lam kung gaano kalungkot dito sa bahay.” “Ha? Narito pa naman kami ni Kuya,” ang reaksyon ko naman sa kanyang sinabi. “Alam ko pero matatanda na kayo; iba talaga ang siglang naidudulot sa pamamahay kapag may bata,” ang paliwanag naman ni Mama. Napailing na lang ako sa gusto niya.  “Ikaw, Angelo. Baka gusto mo pang bumalik sa dating daan.” “Hay, naku, Ma,” ang reaksyon ko naman sabay ayos sa mga pinagkainan ko. “Pupunta na rin ako sa studio.” Kaagad naman akong nagtungo sa aking kuwarto upang magpalit ng damit. Hindi naman nagtagal ay nagmaneho ako patungo sa address na pinadala ni Lander. Napatingin ako sa paligid pagkababa ko ng sasakyan. Isang maliit na pulang gusali ang tumambad sa aking harapan. Ang glass entrance ay nasa kanang banda samantalang sa kaliwa naman ay isang malaking pirma ni Lander na gawa sa ginto. Mukhang hindi ng biro ang sinasabi ni Lander. Nagsimula akong kabahan. Naglakad naman ako patungo sa entrance. Pagkapasok ko ng glass door ay may reception area. “Good morning po,” ang maligalig na pagbati ng receptionist. “Welcome to Lander’s.” “Uhm, good morning,” ang bati ko naman pabalik. “Magpapaayos po ba kayo ng buhok? O Mukha?” ang tanong naman niyan. “Ang totoo niyan, narito ako para kay Lander,” ang tugon ko naman. “May appointment po ba kayo kay Sir Lander?” “Well, sinabi niya na pumunta ako ngayon,” ang tugon ko naman. “Kung anong oras, wala naman siyang sinabi.” “Ano po bang pangalan niyo?” ang sunod niyang tanong. “Angelo. Angelo del Ferro,” ang pagbigay ko ng aking buong pangalan. “Sandali lang, ho. Titignan ko lang po sa database naming,” ang paalam niya. Naghintay naman ako at pagkatapos nga ng ilang minuto ay muling nagsalita ang receptionist. “Nakalagay nga po rito sa schedule niya ang pangalan niyo. Tatawagan ko po muna siya. Maupo po muna kayo habang hinihintay siya.” Tumango naman ako at sumunod sa sa kanya. Naglakad ako patungo sa sofa at naupo. Napatingin naman ako sa paligid. Sa isang banda ay nakapaskil ang ilang document tulad ng business permits at ilang litrato ni Lander na kinuha habang nagtratrabaho siya. May mga litrato rin ng mga naging kliyente nila. Ang hula ko ay mga kilalang personalidad ang mga mukhang naka-display dahil ang ilan sa kanila ay pamilyar ngunit hindi ko maalala kung sino-sino sila. “Angelo!” ang pagtawag naman ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman ako agad. Si Lander nga. “Mabuti naman nakarating ka na. Nawala ka ba?” “Hindi naman,” ang tugon ko. “Madali lang namang mahanap ang studio mo. “Mula sa labas hanggang dito sa reception area, masasabi kong maganda.” Napangiti naman siya sa aking sinabi. “Huwag ka munang ma-excite,” ang komento niya. “Dito pa lang nagsisimula ang lahat. Halika.” Sumunod naman ako sa kanya patungo sa isanh pasilyo. May mga litrato pa ring naka-display. Hanggang sa nakarating kami sa dulo. May puting kurtinang nakasabit.  Natigilan naman siya at humarap sa akin. “Angelo, welcome sa aking mundo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD