Chapter Thirty-two: Ex-lovers

2597 Words
Angelo’s Point of View             Isang magandang babae ang nakaagaw sa kanyang atensyon; este, sa amin pala dahil lahat ng tao sa set ay nakamasid sa kanya. Pamilyar ang kanyang itsura. Kung hindi ako nagkakamali ay isa rin siyang modelo. Napakaganda niya kaya hindi na ako nagulat pa na naging ganoon ang reaksyon ni Magnus. Ano na ulit ang pangalan niya? Ang pagkaka-alala ko ay nagsisismula sa letrang s ang kanyang pangalan. Pinanood ko naman siyang naglakad patungo sa kinalalagyan ni Magnus. “Magnus,” ang pagbanggit niya sa kanyang pangalan. Nag-iba naman ang emosyon sa mukha ni Magnus. “What are you doing here?” ang gulat at malamig na tanong naman ni Magnus sa kanya. “Samantha.” Oo nga pala. Samantha ang pangalan niya. Samantha Perez, tulad ni Magnus ay isang sikat na modelo. “Well, I’m here for the shoot,” ang paliwanag naman niya. “What?!” ang bayolente namang reaksyon ni Magnus. “I didn’t sign up for this.” Sakto namang dumating si Sir Nathaniel sa set. Hindi alam kung saan siya nanggaling. Kaagad ko namang nakita ang pagkagulat sa kanyang mukha nang makita ang dalawa. Kaagad naman niyang nilapitan ang dalawa. Hinarap naman siya ni Magnus. “What the hell is this?” ang tanong naman ni Magnus kay Sir Nathan. Kita ko ang galit at pagkasiphayo sa kanyang mukha. “W-wala rin akong alam, Magnus,” ang tugon naman ni Sir Nathan. “Let me talk to the director first.” Umalis naman si Sir Nathan at linapitan ang director. Muli kong ibinaling ang tingin ko kila Samantha at Magnus. “Are you still bothered?” ang tanong naman ni Samantha. “Why do you enjoy torturing me?” ang tanong naman pabalik ni Magnus sabay tayo. Napakunot naman ako. Para akong nanonood ng isang drama. Ano kayang ibig sabihin ni Magnus sa kanyang tanong. At ang mas mahalagang katanungan; bakit parang galit itong si Magnus kay Samantha. Ano kayang kasaysayan nilang dalawa? “Magnus,” ang pagtawag naman ng director sa kanya sabay lapit. “Is there anything wrong?” “What is she doing here?” ang seryoso pa ring tanong ni Magnus. “Siya ang magiging kasama mo sa proyektong ito,” ang paliwanag naman ng director kay Magnus. “How come?” ang sunod na tanong ni Magnus. “Ang akala ko… this is a solo project.” “Tama ka diyan, Magnus,” ang pagsang-ayon naman ng director. “Pero nagbago ang gusto ng kliyente natin. Gusto niya ng pares ang mag-endorse ng produkto; iba pa sa solo endorsement. Sandali lang, naguguluhan ako sa mga tanong mo. Kanina lang, okay ka sa ideya.” “I’m just surprised,” ang tugon naman ni Magnus habang matalim pa ring nakatitig kay Samantha. “Just give a moment to breathe some fresh hair,” ang paalam niya bago nagsimulang maglakad palabas ng set. Nagkatinginan naman ang director at si Sir Nathaniel samantalang tila ba hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nitong si Samantha. Nakangiti pa rin siya. Ang awkward. “Miss Samantha,” ang pagtawag sa kanya ng direktor. Napatingin naman sa kanya si Samantha. “Pasensya na kasi biglaan but we can’t delay na shoot.” “No worries. Mabuti nga ay clear ang schedule ko sa araw na ito,” ang tugon naman ni Samantha. “Pwede na po kayong maghanda,” ang bilin naman ng direktor bago siya umalis. Napatango naman si Samantha at tumingin sa paligid. Dumapo ang kanyang tingin sa mesa ng mga pagkain. Lumapit naman siya at tinignan ang mga nakalagay doon. Napangiwi naman siya. “I’m not eating this,” ang anunsyo niya sa mga staff na naroon. Ah, okay. Baka diet conscious. Naiintindihan ko kasi isa nga siyang modelo. Napatingin naman siya sa isa sa mga staff. “You, buy me a Greek salad from Alfredo’s,” ang utos niya. Alfredo’s?? Hala, ang layo nun. Halos isang oras ang pagpunta doon at pabalik. Nakakaloka. Wala namang nagawa ang staff kundi ang sumunod. “Nasaan si George?” ang tanong naman niiya kay Sir Nathaniel. Sino si Georgie? “He resigned already,”  ang tugon naman ni Sir Nathan. “What?!” ang gulat namang reaksyon ni Samantha. “Then, who fixes Magnus’ looks?” “May bago kaming na-hire na Hair and Makeup Artist,” ang tugon naman ni Sir Nathaniel. Ah, so Georgie ang pangalan nung dating nag-aayos kay Magnus. Bakit kilala nitong si Samantha? “Who?” ang tanong naman si Samantha. “Si Angelo del Ferro,” ang pagpapakilala naman ni Sir Nathaniel sa akin kay Samantha. Itinuro naman niya ako. Napatingin naman siya sa akin at tinignan mula ulo hanggang paa. “Him?” ang tanong niya sabay kunot ng noo. “He doesn’t look like a Hair and Makeup Artist to me.” Aba! Echoserang froglet din ang isang ito! “Magaling ‘yang si Angelo,” ang puri naman sa akin ni Sir Nathaniel kaya napangiti ako. “Muntikan na siyang nanalo sa Battle of the Brushes na isang malaking hair and makeup competition.” “Muntikan?” ang pag-uulit naman ni Samantha. “Winning should be given credit; not second nor third rates.” “Siya dapat ang first place pero na-disqualify dahil hindi ang pangalan niya ang nakalagay,” ang kaagad namang pagpapaliwang ni Sir Nathaniel.   “Well, tignan na lang natin kung maayos nga talaga siyang magtrabaho,” ang komento naman ni Samantha. Napatingin naman siya sa akin ulit. “Ikaw, ayusan mo ako.” Napatango naman ako. Pinaupo ko naman siya. Lumapit naman sa akin ang creative director at sinabi sa akin ang ideyang dapat kong gawin. Binigyan niya rin ako ng litrato na aking kailangang sundin. Sinimulan ko namang sundin ang binilin sa akin. Matagal na proseso ang pag-aayos; lalo na sa mga babae. Humigit isang oras ang lumipas nang matapos ko ang look na kailangan kong ma-achieve. Sa mga oras na ‘yun ay naroon na rin si Magnus ngunit wala siyang pinapakitang interes sa amin. Natuwa naman ako nang magkatulad ang ayos ng buhok na ginawa ko sa litratong ibinigay ng director. Lumapit naman ang direktor. “Ano pong sa tingin niyo?” ang tanong ko naman “Kuhang-kuha!” ang tugon niya. “Napakagaling.” “Salamat po,” ang nahihiya kong tugon sabay kamot ng aking leeg. “Osiya, pwede ka nang magpalit ng damit na susuotin mo para sa shoot,” ang bilin naman ng direktor kay Samantha. Tumayo naman ito at nagmarcha palabas ng set patungo sa dressing room. Sumunod naman ako upang magtungo sa banyo. Nasa bungad na ako ng banyo nang marinig ko ang boses ni Samantha. “Oh, my gosh!” ang sabi niya. “What the hell did that fugly creature did to me?” Napakunot naman ako ng noo. Ako ba ang tinutukoy niya? Yung makeup ba o yung buhok? Teka, sabi naman ng direktor, maayos at saktong-sakto ang pagkakagawa ko. Nagtungo na lang ako ng banyo upang gawin ang kailangang gawin. Pagkatapos naman ay bumalik ako sa set. Naroon na nga si Samantha suot ang outfit na binigay ng wardrobe. Linapitan naman niya ako. “I hate my hair,” ang sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Hindi niya nagustuhan ang pagkakaayos ko ng buhok niya? “Uhm, okay,” ang tugon ko naman sabay pilit na ngiti. Nasanay na rin naman ako sa mga kliyenteng katulad niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nagreklamo sa pagme-makeup ko o sa pag-aayos ko ng buhok. “Uhm, ano bang gusto mong gawin natin? May specific hairstyle ka bang gusto?” “Gusto ko ng slickback ponytail,” ang tugon naman niya. Ah, Ariana Grande ang peg. Napaka-basic na hairstyle. Pinaupo ko naman ulit siya Inalis ko ang  mga hairpin na linagay ko sakanyang buhok at sinimulang gawin ang mataas na ponytail. Sinimulan ko naman siyang suklayin. “Uhm, meron ka bang Mason Pearson Brush?” ang bigla naman niyang tanong. Natigilan naman ako. Seryoso ba siya? Mason Pearson brush?!! Napakamahala kayo noon. Isa lang noon ay tumataginting na anim o pitong libong piso. Pooresa ako at wala akong pambili noon. “Mason Pearson brush lang ang ginagamit kong panuklay sa buhok ko.” “Uhm, ito lang ang dala ko ngayon. Mas mura kaysa sa Mason Pearson brush pero pareho lang naman ang epekto,okay lang ba?” “Uhm, no,” ang direkta naman niyang tugon. Nangigigil na talaga ako sa babaeng ito. Ang sarap sabunutan. “Bwisit kang babae ka, bakit hindi ikaw na lang ang nagdala. Since, mayaman ka naman at uma-atttitude ka pa?” ang sigaw ko sa aking isipan. Hayop! Hindi na lang ako umimik pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Nang matapos ay tumingin siya sa salamin. “Bakit ganito? Ang pangit talaga,” ang komento naman niya. Nauubusan na talaga ako ng pasensya sa echoserang froglet na ‘to. Paano magiging pangit ‘yun? Ponytail na nga lang, eh. As in pinaka-basic na hairstyle. May galit ba itong babaeng ito sa akin at ganyan siya? Lahat na lang ng gawin ko sa buhok niya ay chararat? “Ang taas ng pagkakatali.” Huminga naman ako ng malalim. Tinanggal ko naman ang pagkakatali sa buhok niya. Ngayon naman ay binabaan ko ang pagkakatali ng ponytail niya. “Ganyan ka ba talaga magtrabaho?” ang naiinis niyang tanong sa akin. “Kanina ang taas. Ngayon naman, sobrang baba.” Nakakirita na talaga siya. Naramdaman ko ang pag-usok ng aking mga tenga sa mga reklamo niya. Hindi ko na keri, mga beshy! “Pwede bang pumunta muna ako ng banyo?” ang paalam ko sabay lakad palabas ng set. Gusto ko munang kumalma. Ayokong magpadala sa init ng ulo. Nagtungo ako sa labas ng set para magpahangin. Nang maramdaman ko namang okay na ako ay bumalik din ako. Nadatnan ko siyang  sa mismo ang nag-aayos ng kanyang buhok. Ibinalik niya nag buhok niya sa naunang ponytail na ginawa ko, yung mataas. Napakunot ako ng noo sa aking nakita. Napaka-unprofessional niya. Hindi niya dapat ginagamit ang mga gamit ko nang walang paalam. Ako ang Hair and Makeup artist, ako dapat ang gumagawa noon. Hindi ko na talaga kaya. Nasa limitasyon na ako ng pagkabwisit ko. Sinubukan kong maging mabuti at maging propesyonal pero napaka nitong Samanthang ito. Lumapit naman ako. “Excuse me,” ang sabi ko naman. “Hindi mo dapat ginagamit ang mga kagamitan ko nang walang paalam.” Hinablot ko naman ang hairbrush ko mula sa kanyang kamay. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa aking ginawa. “Pwede mong ayusin ang buhok mo sa bahay niyo; gamit ang mga sarili mong kagamitan. Huwag ang sa akin. Isa pa, babaran mo ba ako? Ang naalala ko personal akong Hair and Makeup Artist ni Magnus Astudillo. Ibig sabihin siya nag dapat kong inaayusan at hindi ikaw.” “How dare you,” ang galit niyang reaksyon. “How dare me talaga,” ang tugon ko naman. “Akala mo ba papasindak ako sa’yo dahil kilala ka. Isa lang naman ang masasabi ko... Wala akong pake.” Kinuha ko naman ang powder at powder brush. Linapitan ko naman si Magnus na sa gilid ng set. “Bakit ka ba narito?” ang tanong ko naman ngunit hindi naman siya umimik. Halatang wala sa mood. “Pwede ko bang gawin ang trabaho ko?” Tumango naman siya. “Hindi ko masyadong makita,” ang sabi ko naman. “Halika doon sa may naka-set up na studio lights.” Napabuntong-hininga naman siya at tumayo. Ano bang problema nitong si Magnus? Nagsimula siyang magkaganyan nang dumating ‘yung nakakabwisit na Samantha. Nang matapat kami sa ilaw ay tinignan ko naman ang kabuuan ng mukha niya. Lingayan ko naman ng powder ang mga kailangang lagyan. “Okay na,” ang anunsyo ko naman. Kakaiba talaga ang awra niya ngayon. “Babalik na ako sa upuan ko.” Tumango naman siya. Nagsimula naman akong maglakad patungo kung saan nakasetup ang aking mga gamit ngunit sa dami ng electrical cord sa sahig ay hindi ko napansin ang isa. Halos mapasigaw ako nang naramdaman kong mahuhulog na ako sa sahig. Kaagad ko namang naramdaman ang isang kamay na humawak sa aking braso sabay hila sa akin. Sumubsob naman ako sa dibdib ng taong ‘yun. Napatingin naman ako. Si Magnus. “Hindi ka kasi nag—“ pasigaw niya sana itong sasabihin sa akin ngunit natigilan naman siya. “Are you okay? Nasaktan ka ba?” ang mga mahinahon niyang tanong. Napatango naman ako. “Be careful next time.” Muli naman akong tumango sabay sabing, “ Salamat, Magnus.” Nagtungo naman ako sa aking dapat puntahan. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na nga ang shoot. Sa kalagitnaan ay tumabi sa akin si Sir Nathaniel. “Sir Nathaniel,” ang pabulong ko namang pagtawag sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. “Ako lang ba pero pakiramdam ko... may something kay sa pagitan ni Samantha at Magnus. Ang weird.” “Ang totoo niyan...” si Sir Nathaniel. “Angelo, sasabihin ko pero mangako sa akin na hindi mo ito ipagsasabi sa iba.” “Pangako!” ang kaagad ko namang tugon sabay aktong may zipper ang aking mga labi. “Si Samantha ay dating girlfriend ni Magnus,” ang saad naman niya. “Ha?!” ang gulat kong reaksyon. Napatingin naman ang iba sa akin. “Sorry,” ang kaagad ko namang paghingi ng paumanhin sa mga nakasaksi. “Hindi ko alam at parang wala naman akong nabalitaan na nagka-girlfriend si Magnus. Yung mga kaibigan ko ay ultimate fan ni Magnus pero wala silang nabanggit sa ako.” “Wala talaga silang mababanggit,” ang komento naman niya. “Because they decided to keep their relationship private.” Napatango naman ako. “Eh, bakit parang galit na galit si Magnus?” ang tanong ko naman. Natigilan naman ako nang maalala yung gabing nakita kong lasing si Magnus. “Siya ba yung tinutukoy ni Magnus nung nalasing siya?” “Oo,” ang pagkumpirma naman ni Sir Nathaniel. “Minahal ni Magnus si Samantha. He even got to the point of disobeying the agency’s protocols para lang kay Samantha but in the end, pinagpalit lang siya sa ibang lalake.” “Modelo rin?” ang tanong ko naman. “Isang dietician,” ang tugon naman ni Sir Nathaniel. Kahit paano ay naramdaman kong may pagkakahalintulad kami ni Magnus. Kapwa kami nagmahal sa maling tao. “Kaya naman hindi maiwasan na naging ganun ang reaksyon niya nang makita si Samantha” Napatango naman ako sa aking narinig. Napatingin ako kay Magnus. Maayos naman ang pag-arte niya sa harap ng kamera. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero ramdam ko ang awkward na pakiramdam na katarbaho mo ngayon ang ex mo. Ang ex mong walang pakialam at tila ba walang masamang ginawa. Nakakapanggigil. “Mas lalo akong nabwisit sa babeng ‘yan sa nalaman ko,” ang hindi ko naman sinasadyang usal. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Sir Nathaniel. “Hala, sorry po.” Napailing naman siya. “You don’t have to,” ang komento niya. “Naiintindihan ko. At kahit sino naman maiinis sa nangyari.” “Okay lang kaya si Magnus?” ang tanong ko naman. “Honestly, I don’t know,” ang tugon naman ni Sir Nathan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD