Chapter Thirty: A New Role

2382 Words
  Angelo’s Point of View “Manager ni Magnus Astudillo?!” ang gulat na reaksyon ni Lander. Tumango naman si Sir Nathaniel. “Tama ka sa iyong narinig.” “Ano pong isinadya niyo sa studio namin?” ang tanong naman ni Lander. “Ang totoo niyan ay si Magnus mismo ang nagpapunta sa akin,” ang paliwanag ni Sir Nathan. “Kare-resign ng personal hair and makeup artist niya at gusto niyang kunin si Angelo para pumalit sa dati.” Nanlaki naman ang aking mga mata sa aking narinig. “Ho?!” ang halos sabay naming reaksyon ni Lander. “Huwag kayong mag-alala,” ang pagpapatuloy naman niya. “Kailangan lang naman namin si Angelo kapag may photoshoot at importante pupuntahan si Magnus. Kaya naman makakapagtrabaho pa rin siya sa studio niyo. Bukod pala doon ay hiniling din ni Miss Marga ang parehong bagay.” “Sa totoo niyan, magandang pagkakataon ‘yan para kay Angelo,” ang tugon naman ni Lander sabay tingin sulyap sa akin. “Pero… wala sa akin ang desisyon. Ang tanong, gusto ba ni Angelo?” “Then, why don’t we ask him,” ang suhestyon naman ni Sir Nathaniel. Pareho silang napatingin sa direksyon ko. “Well, Angelo. What do you say?” “Ano mang desisyon mo, suportado ka namin,” ang saad naman ni Lander sabay ngiti. Napangiti naman ako at tumango. “Pumapayag po ako,” ang tugon ko naman. “Magandang balita ‘yan,” ang eksklamasyon naman ni Sir Nathaniel dahil sa tuwa. “We’ll reach out to the both of you once we already have a clear view of Magnus’ schedule,” ang dagdag niya pa. “Osiya, I’ll go ahead.” Umalis naman kaagad si Sir Nathaniel nang makapagpaalam. Lumapit naman sa akin si Lander. “Beks!” ang pagtawag niya sa akin. “Mabuti naman at tinanggap mo ang alok ng manager ni Magnus.” Napakamot naman ako ng leeg; hindi ko sigurado kung anong isasagot sa kanya. Sa totoo lang ay nag-aalangan ako. “Pero bakit ako?” ang retorikal ko namang tanong. “Kasi magaling ka!” ang tugon naman ni Lander. “Eh, mas marami namang mas magaling sa akin,” ang argyumento ko naman. “Hindi ka mali sa sinabi mo. Tama, mas maraming magaling sa’yo,” ang pagsang-ayon naman niya. “Pero iba ka, Angelo. May puso ka sa ginagawa mo. Yung iba, humihinto sap ag-aaral at pagyabong ng kanilang mga kakayanan pero ikaw, iba ‘yung passion mo. Nakikita yun ng ibang tao… nakita rin siguro ‘yun ni Magnus at ni Marga.” Naopangiti naman ako at tumango. “Halika,” ang yaya naman ni Lander sabay hawak sa aking braso. Hinila niya naman ako patungo sa mismong studio. “Mga bakla!” ang pagtawag niya sa atensyon ng mga katrabaho ko. Natigilan naman sila at napatingin sa aming direksyon. “May maganda akong balita sa inyo tungkol kay Angelo.” “Kailangan mo ba talagang ianunsyo?” ang nahihiya ko namang reaksyon sa gusto niyang gawin. “Oo naman, parte ka ng Lander Yee’s Hair and Makeup Studio, ang tagumpay mo ay tagumpay din ng lahat,” ang paliwanag naman niya. “Osiya, mga beks! Makinig kayo. Itong kasamahan nating si Angelo ay may panibagong aawrahan. Kinuha siya bilang personal na Hair and Makeup Artist.” “Nino?” ang tanong naman ni David. “Hulaan niyo,” ang tukso naman ni Lander sa kanya. “Sikat ba ito?” ang tanong naman ni Sean. Tumango naman si Lander. “Babae?” Umiling naman si Lander. “Huwag mong sabihin… si Magnus Astudillo?” ang komento ni Sean. Napangiti naman si Lander. “Yass!” ang maligalig namang pagkumpirma ni Lander. Nanlaki naman ang kanilang mga mata at nagpalakpakan sa tuwa. Linapitan naman ako ni Sean at David. “Angelo, congrats!” ang pagbati naman nila. “Salamat,” ang nahihiya ko namang tugon. “Pagbubutihan ko pa.” “Big time na big time ka na talaga, Angelo!” ang saad ni David. “Akalain mo, isang Magnus Astudillo agad ang napahanga ng husay mo.” Sa totoo lang ay hindi ako sanay na makarinig ng mga papuri kaya naman hindi ko alam kung anong itutugon kundi pasasalamat. Pagkatapos nga maikli naming eksena ay pinagpatuloy naman namin ang aming mga trabaho. Marami pa rin kaming kliyente. Pagkatapos ng trabaho ay nanatili ako sa reception area, hinihintay ko si Sean at si David. Hindi pa rin ako makpaniwala na magiging personal Hair and Makeup Artist ako ni Magnus, the Magnus Astudillo. Parang kailan lang ay nakikita ko lang siya sa mga magazine; ngayon ay ako na mismo ang mag-aayos sa kanya. “Angelo, huy, Angelo!” ang pagtawag sa akin ni Sean sabay pitik ng kanyang mga daliri sa harapan ng aking mukha. Natauhan naman ako sa kanyang ginawa at napatingin sa knaya. “Aba, nananaginip ng gising ang bakla,” ang tukso naman niya. “Na-e-excite para kay Magnus,” ang tukso rin naman ni David. “Ano ba kayo?” ang reaksyon ko naman. “Hindi ako na-e-excite.” “Eh, anong ibig sabihin ng pagmumuni-muni mo diyan, aber?” ang tanong naman ni Sean sa akin. “Naisip ko lang kasi na… hindi ko inaasahan na… mapupunta ako sa ganitong lugar,” ang tugon ko naman. “Noong una, wala naman talaga akong interes sa pagme-makeup o pag-aayos ng buhok. Pumunta lang ako rito para kalimutan ang aking mapait na nakaraan. Pakiramdam ko lang, hindi ako deserving sa mga nangyayari ngayon.” “Hala, bakit mo naman naisip ‘yan?” ang tanong naman ni Sean. “Kasi… may mga taong katulad niyo na matagak na sa ganitong industriya tapos—” “Sssh, magtigil ka ngang bakla ka,” ang paghihinto naman ni David sa aking sinasabi. “Tama ka, matagal na kami sa industriyang ito at bago ka pa lang sa mga ginagawa mo. Pero ano naman ngayon? At ano naman ngayon kung ang naging dahilan mo lang kung bakit ka narito ay ang pagiging heart-broken mo? Matanong nga kita,” ang saad niya sabay upo sa tabi ko. “Anong nararamdaman mo ngayon kapag ginagawa mo ang trabaho mo bilang isang Hair and Makeup artist?” ang tanong naman niya. Napa-isip naman ako. “Masaya,” ang tugon ko naman. “Masaya ako sa tuwing nakikita kong natutuwa ang mga inaayusan ko. Masaya kasi nakakausap at nakakasama ko kayong lahat. Masaya ako kasi… walang nega.” “Nasa isip mo pa rin ba si Nick kapag nagtratrabaho ka?” ang tanong naman ni Sean. “Ang totoo niyan… hindi,” ang tugon ko sabay iling. “Natutuwa nga ako at nakakalimutan ko ang bigat na nararamdaman ko kapag may inaayusan.” “Ang pinakamahalagang katanungan; mahal mo na ba ang ginagawa mo?” ang huling tanong naman ni David. Tumango naman ako at ngumiti. “Ito ang gusto kong gawin ngayon.” “Ayun naman pala, eh” ang reaksyon ni David. “Hindi na importante kung paano ka nagsimula, nag importante ay ang kasalukuyan. Kaya huwag kang nega diyan! Ang gawin mo, padalhan mo na lang kami ng hibla ng buhok ni Magnus.” Napakunot naman ako sa wala sa lugar niyang sinabi. “Ano namang gagawin mo sa hibla ng buhok ni Magnus?” ang tanong ko naman. “Gagawa ako ng gayuma para ma-inlove siya sa akin,” ang paliwanag naman ni David na ikinatawa ko. “Tapos ikaw ang magbibigay sa kanya.” “Hindi ba dapat nasa harapan ka niya para umepekto ‘yun?” ang tanong ko naman. “Ay,” ang reaksyon naman niya pagkatapos ay natigilan. “Oo nga, ‘no? Hindi ko naisip ‘yun.” Sabay naman kaming natawang tatlo. “Alam mo, kaysa magdrama ka diyan, bakit hindi mo na lang kami ilibre para makapag-celebrate tayo sa iyong tagumpay,” ang suhestyon naman ni Sean. “Sige,” ang masaya ko namang pagpayag. “Saan niyo ba gusto?” “Kahit saan,” ang tugon naman ni David. “Ikaw na bahala, baks.” Tumango naman ako at tumayo. “Ano pang hinihintay niyo? Tara na!” “Awra na!” ang dagdag naman ni Sean. Nagtungo nga kami sa isang restaurant para kumain at mag-celebrate na rin sa pagkuha sa akin ni Magnus Astudillo bilang personal niyang Hair ang Makeup artist. Naging masaya ang aming oras sa restawrant na ‘yun, tulad ng kinagawian ay napuno ang mesa ng tawanan at harutan. Hindi rin maiiwasan ang mga berdeng biro ng magkapatid lalo na kapag si Magnus Astudillo o sino mang lalaking modelo ang mapag-usapan. Pagkatapos ng masayang hapunan kasama sila ay naghiwalay kami ng mga daan sa aming pag-uwi. Muli ko na namang nadatnan si Mama sa sala at nanonood ng Korean drama. Naupo naman ako sa tabi niya at tinignan ang screen ng TV. Nasa eksenang nasa isang bangka ang guwapong lalaki at magandang babae. Kumukuha ng litrato ang babae ngunit ayaw magpakuha ng litrato ang lalaki. Pnaliwanag naman ng lalalki ang dahilan kung bakit ayaw niyang nakukuhanan ng litrato. Nag-usap sila hanggang sa nahulog ang babae sa tubig. Halos sabay kami ni Mama na napaigtad sa aming napanood. “Ay, tapos na agad,” ang komento ni Mama nang matapos ang episode na ‘yun. “Maghihintay na naman ako ng isang linggo bago nila ipalabas ang susunod.” “Manood ka na lang muna ng iba, Ma,” ang suhestyon ko naman. “May maganda ng apala akong balita.” “Ano naman?” ang tanong naman ni Mama sabay harap sa akin. “Kinuha ako ni Magnus Astudillo bilang personal niyang Hair and Makeup artist,” ang balita ko. “Weh? Hindi nga?” ang reaksyon naman ni Mama. “Oo nga,” ang tugon ko naman. “Paano naman nangyari ‘yun?” ang tanong naman niya. “Hindi minsan mo lang naman siya naging kliyente? Sa Fashion show?” “Hindi ma, nung isang araw naayusan ko rin siya para sa isang party na dinaluhan ng kanyang pamilya,” ang paliwanag ko. “Hindi lang siya ang naayusan ko, pati ang nakababata niyang kapatid. Naayusan ko noon para sa prom niya tapos tinawag niya ulit ako para ayusan siya sa party nila. Gusto nga rin akong kuning personal na Hair and Makeup Artist ni Miss Marga.” “Mabuti naman kung ganun, Angelo,” ang komento ni Mama. “Masaya ako at maraming magandang nangyayari sa buhay mo ngayon. Basta tandaan mo lang na; palagi mong gawin ang lahat ng makakaya mo. Isa pa, huwag na huwag mo ring kalimutan na magpakumbaba.” “Opo, Ma,” ang tugon ko. “Tatandaan ko lahat ng mga pangaral niyo sa akin. Dumating na rin po ‘yung panahong mapagmamalaki niyo na ako.” “Anong ibig mong sabihin, Angelo?” ang tanong naman ni Mama. “Kasi hindi kami magkatulad ni Kuya,” ang tugon ko naman. “Kumpara kay Kuya; hindi naman ako guwapo. Hindi rin ako matalino; wala nga akong maiuwing medal para sa’yo habang nag-aaral ako. Mahina rin ako sa sports kaya kahit na anong pagsali ko sa mga kompetisyon, hindi ako nananalo. Wala akong mapagmalaki sa’yo, Ma.” Hindi ko alam pero naluha ako sa aking mga sinasabi. “Angelo,” ang pagtawag niya sa akinsabay hawak sa aking kamay. “Noon pa man ay pinagmamalaki n akita. Hindi ka man kasing galing ng Kuya Angelbert mo; marami kang katangian na nakakaangat. “Yung pagiging mapursigi mo. Sa panahong nadadapa ka; kaagad kang tumatayo at nagpapatuloy. Bilib ako sa’yo kasi kahit na anong ibato ng kapalaran sa’yo ay patuloy kang lumalaban at lalong lumalakas.” Nagpunas naman ako ng mga luha at tumnago. Bigla naman niya akong yinakap. “Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa; pinagmamalaki kita,” ang sabi ni Mama. “Kasi anak kita. Madalas mang hindi tayo nagkakasundo ay kailan man ay hindi magbabago ang tingin ko sa’yo. Noong mga panahong pinaalis ka ng Papa mo; wala akong magawa.”             “Naiintindihan ko naman ‘yun, Ma,” ang tugon ko. “Wala na rin ‘yun sa akin ngayon.” Nagpaalam naman ako sa kanya na pupunta na ako sa aking kuwarto para magpahinga. Nasa kama na ako nang tumunog ang aking phone. Kinuha ko naman ‘yun mula sa side table at tinignan ang screen. Isang unknown number. Sinagot ko naman ‘yun. “Hello,” ang kaagad ko namang pagbati nang sagutin ko ang tawag. “Hello, can I speak to Angelo del Ferro, please,” ang paki-usap naman ng boses sa kabilang linya. “Yes, speaking,” ang tugon ko naman. Sino kaya ito?” “Oh, Angelo; hi!” ang pagbati ng boses. “This is Nathaniel, Magnus Astudillo’s manager, naaalala mo ba?” “Oo naman po!” ang kaagad kong tugon. “Napatawag po pala kayo?” “Ah, tungkol sa schedule ni Magnus,” ang paliwanag naman niya. “Saan ko pwedeng ipadala sa’yo?” “Anong klaseng file po ba?” ang tanong ko naman. “Picture lang naman,” ang tugon naman niya. “Ah, pwede niyo pong i-DM sa akin sa **,” ang suhestyon ko naman. “I-do-download ko na lang po doon.” “Ano nga palang account name mo?” ang  sunod niyang tanong. “Iron underscore angel po,” ang tugon ko naman. “Small caps lahat. Ah, may post po si Magnus nan aka-tag ang account ako.” “Oh, alright,” ang reaksyon naman niya. “I’ll check and send it to you. Bye.” “Bye po,” ang paalam ko naman bago natapos ang tawag. Kaagad ko namang sinave ang kanyang number… Pagkalipas ng ilang minuto ay nakareceive nga ako ng message sa **. Tinignan ko ang litratong pinadala ni Sir Nathan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Kailangan ko siyang ayusan bukas. “Agad-agad,” ang sabi ko naman sa aking sarili bago pinadala nag litrato kay Lander.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD