Chapter Twenty-seven: Tired

2041 Words
Angelo’s Point of View “Bakit ka ba sumisigaw diyan?” ang tanong naman nip David sa akin. “Nanggigigil ako kay Magnus Astudillo na ‘yan,” ang singhal ko. Pinakita ko naman sa kanila ang naging post ni Magnus. Napakunot naman ng noo si David. “Bakit Chuckie ang tawag niya sa’yo?” ang tanong naman niya. “Tinawag ka niyang chararat.” “Sa tingin ko, hindi niya alam ang ibig sabihin ng Chuckie,” ang komento ko naman. “Mali siguro ang pagkaintindi niya nang sinabi ko ang salitang ‘yan.” “Ayun naman pala,eh,” ang reaksyon naman niya. “Kasalanan mo naman pala.” “Ha? Paano namang naging kasalanan ko?” ang tanong ko naman. “Angelo, hindi lahat ng tao ay nakakaintindi ng salitang bakla,” ang paalala naman niya. “Eh, hindi naman bakla si Magnus para gamitan mo siya niyan,” ang sunod naman niyang komento sabay tawa. “Teka, hindi mob a sinabi ang pangalan mo? Sasabihin ko na sana, eh pero nagmadaling umalis. Sinabihan ko rin ang manager niya tungkol sa aking buong pangalan. Huminga naman ako nang malalim.  “Pero mabuti naman at gumawa ka ng account mo sa **. Magandang exposure din ‘yan para sa’yo at sa studio.” “Yan nga rin ang naging komento nila Kuya at Mama,” ang tugon ko. “Hindi ko nga lang inasahan na… makikita ni Magnus ang post ko.” “Hayaan mo na,” ang bilin naman niya. “Malay mo naman, may magandang maidudulot sa’yo ang pag-repost ni Magnus sa mga litrato niyo.” “Tulad ng?” ang tanong ko naman. “Uhm, maraming anda. Malay mo naman kasi… baka maraming magpuntang clients dito sa studio natin para magpaayos ng buhok o magpalagay ng makeup.” “Sa bagay,” ang pagsang-ayon ko naman. Bumalik naman ako sa aking station since magsisimula na ang trabaho. May kailangang puntahan ang team nila David kaya naman naiwan kami nila Sean sa studio. Nagsidatingan nga ang mga kliyenteng naka-book ng appointment sa araw na ‘yun; isama mo na rin ang ilang walk-in clients. “Angelo, may client ka,” ang anunsyo ng receptionist. Pumunta naman ako sa reception para sunduin ang kliyente. Sa aming paglalakad ay nagtanong muna ako ng ilang bagay. “Hair and makeup po ba?” ang tanong ko naman sa kanya. “Oo sana,” ang hindi naman niya siguradong tugon. “Para saan pong okasyon?” ang sunod kong tanong. “May pupuntahan akong reunion,” ang tugon naman niya. “Baka naman pwede mo akong pabatain,” ang kanyang kahilingan sabay tawa. “Wala pong problema,” ang tugon ko naman. “Maupo na po kayo.” Kaagad naman siyang tumalima at naupo. Binuksan ko naman ang LED lights ng vanity table. Bago ako nagsimula ay nagbigay muna ako ng ilang pagpipilian sa kanya. Hindi naman yung pangkaraniwan na foundation na ginagamit ko ang aking ginamit; bagkus ay ang age defying 3X foundation. Sinimulan ko naman siyang ayusan. Laking pasalamat ko dahil madali lang siyang kausap at alam niya ang kanyang gusto. Nang matapos ko ang buhok at makeup niya ay tinanong ko siya. “Nagustuhan niyo po ba?” Sinuri naman niya ang kanyang sarili sa salamin. “Nagustuhan ko?” ang pag-uulit naman niya sa aking katanungan kaya naman kinabahan ako. “I love it! Bumata nga ang itsura ko. Ngayon mukha na akong bente-uno ulit.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Mabuti naman po,” ang sabi ko naman. “Ano nga palang pangalan mo?” “Angelo del Ferro po,” ang tugon ko naman “Sige, irerekomenda kita sa mga amiga ko. O, heto.”  Naglabas naman siya ng pera mula sa kanyang wallet at inabot sa akin. “Yan ang tip ko,” ang paliwanag niya. “Maraming salamat po!” ang masaya ko namang tugon. Nagpaalam naman siya. Hindi pa man din ako nakaka-upo ay tinawag ulit ng reception ang pangalan ko kasabay ang anunsyong may susunod akong kliyente. Kaagad naman akong nagtungo sa reception area para sunduin ang kliyente. Tulad ng nauna ay tinanong ko siya. “Hair and makeup po ba?” ang tanong ko naman sa kanya. “Oo,” ang hindi naman niya siguradong tugon. “Para saan pong okasyon?” ang sunod kong tanong. “Natural make up lang,” ang tugon naman niya. “Sige po,” ang pagpayag ko naman. “Maupo na muna kayo.” Pagkatapos ng ilang suhestyon na sinabi ko sa kanya ay nagsimula na ako sa aking trabaho. Dahil natural makeup look lang naman ang gusto niya ay mabilis lang ito. Pero akala lang pala ‘yun. Nagsimula namang magtanong sa akin ang kliyente ng sari’t-saring bagay. “Ikaw ‘yung makeup artist na nag-ayos kay Magnus sa Fashion Show, hindi ba?” ang tanong naman niya. “Ako nga po,” ang pagkumpirma ko naman. “Magkaibigan ba kayo? Baka pwede namang mahingian mo ako ng autograph niya?” “Naging kliyente ko lang po siya,” ang tugon ko naman. “At kagabi ko lang po siya nakilala.” “Ganun ba? Pero alam mo ba kung ano ang mga ginagamit niyang pabango?” ang sunod naman niyang tanong. “O skincare?” “Uhm, hindi ko rin po alam,” ang muli kong pagtugon. ‘Tulad nga po nang nasabi ko; kagabi ko lang po siya nakita at nakilala.” Napasimangot naman siya. “May girlfriend ba siya? Ang balita kasi eh; girlfriend niya si Anna Sanchez,” ang dagdag ng kliyente. “Naroon ba siya?” “Hindi ko naman po napansin,” ang tugon ko naman. “At tsaka, parang hindi naman kasali si Anna Sanchez sa Fashion Show kagabi.” “Mabuti naman,” ang reaksyon niya sabay kawala ng hangin. Natigilan naman ako. “Mawalang galang na ho; pero… pwede po ba kitang matanong ng deretsahan?” ang paalam ko naman sa kanya. Napatango naman siya. “Hindi naman po siguro kayo nagpunta rito para magpaayos dahil lang kay Magnus Astudillo?” Mahina naman siyang tumawa. “Ganoon baa ko kahalata?” ang tanong naman niya pabalik. Tumango naman ako. “Fan kasi ako ni Magnus Astudillo.” “Hindi nga po halata,” ang komento ko bago pinagpatuloy ang pag-aayos sa kanya. “Nakita ko kasi ‘yung post ni Magnus sa **,” ang pagpapatuloy niya. “Naka-tag ka, tapos nakita ko na malapit lang ang Hair and Makeup Studio niyo kaya pumunta ako rito. Finallow din kita.” “Uhm, salamat po,” ang tugon ko naman. “Pero mas gugustuhin ko pong dalawin dito dahil naniniwala kayo sa kakayahan ko; kaysa ng dahil kay Magnus.” “Hindi lang naman si Magnus ang pinunta ko,” ang komento naman niya. “Naniniwala naman ako sa kakayahan mo. Ang guwapo ng ani Magnus kagabi.” “Hindi ba natural na para sa kanya ang pagiging guwapo?” ang tanong ko naman. “Oo naman pero mas guwapo siya kagabi,” ang sabi naman niya. “At dahil ‘yun sa’yo.” Napangiti naman ako sa sinabi ni ate. Baka naman eneechos lang naman niya ako? Ewan, basta nag importante ay may kliyente ako. Ano pa man ang kanilang dahilan ng pagpunta rito; basta may mukha at buhok na maayos; go lang ako! “Ayan, tapos na po,” ang anunsyo ko naman nang matapos ako sa aking ginagawa. Napatingin naman siya sa kanyang mukha. “Okay lang po ba?” “Sabi ko na ng aba, eh,” ang sabi niya sabay ngiti. “Ang ganda ko kahit natural makeup lang. Anyway, babalik na lang ulit ako kung may mga importanteng okasyon akong pupuntahan. Salamat, Chuckie.” Nanlaki naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi. “Hindi po, Chuckie ang pangalan ko,” ang pagtatama ko. “Ha? Pero ‘yun ang pangalang ginamit ni Magnus sa post niya,” ang paliwanag naman niya. “Namali lang posiguro si Magnus,” ang tugon ko naman. “Ah, siguro nga. Wala ka kasing nakalagay na pangalan sa account mo,” ang huli niyang sinabi bago tuluyang umalis. Kaagad ko namang kinuha ang aking phone at pumunta sa **. Naglagay ako ng pangalan sa aking bio; Angelo del Ferro. Ilang kliyente pa nga ang aking inayusan gawa ng naging post ni Magnus sa **. “Mabenta ka ngayon, baks!” ang maligayang komento ni Sean sa akin, Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko alam kung maganda o masamang balita ‘yun. “Nangalay agad ako,” ang reklamo ko. “Hindi pa nga ako nakaka-recover mula sa Fashion Show kagabi. Hindi ko n asana muna pinost ang mga litrato naming ni Magnus,” ang magiyak-ngiyak ko pang sinabi habang minamasahe ang aking mga braso. Napalingon naman kami agad nang dumating na sila Lander, David at ang kanyang team. “Sean and Angelo, maghanda kayo mamaya after lunch,” ang bilin naman ni Lander. “Kayo naman ang may field work.” “K-kaming dalawa lang?” ang gulat na tanong naman ni Sean. “Yesterday’s dream!” ang pagkumpirma naman niya. “Magsuot nga pala kayo ng uniporme,” ang bilin niya pa bago nagpunta ng reception area. Napatingin naman ako kay Sean. “Anong uniporme ang tinutukoy ni Lander?” ang tanong ko naman sa kanya. “Nasa staff room. Puntahan natin pagkatapos kumain.”     LUMIPAS nga ang oras, natapos na ang kalahati ng araw na ito. Katatapos naming kumain ng pananghalian ni Sean at David kaya naman papunta na kami sa staff room upang tignan ang unipormeng tinutukoy ni Lander. Merong aparador doon. Binuksan naman yun  ni David. “Anong size mo, beks?” ang tanong naman niya sa akin. “Medium,” ang sagot ko. Sumilip ako sa loob. Puno ang aparador ng mga damit na nakalagay sa dress cover. Kumuha naman si David ng isa sa mga ‘yun at tiniganan ang tag. “O, heto, medium,” ang sabi niya sabay abot sa akin ng naka-hanger na dress cover. Kaagad ko naman ‘yung kinuha mula sa kanya. Binuksan ko naman ang zipper ng dress cover. Kaagad bumungad sa akin ang itim na polo shirt na may nakaburdang logo at pangalan ng studio. Bukod pa rito ay may kasama itong pantalon. “Magbihis ka na.” Tumango naman ako at nagtungo ng banyo upang magbihis. Mabuti na lang ay sumakto sa akin ang mga damit.Pagkabihis ay lumabas ako ng banyo at nagtungo sa aking station upang mag-ayos ng mga gamit. Bukod pa doon ay nag-retouch na rin ako para mas magmukha akong tao. Linapitan naman ako nila Sean at David. “Ano kayang klaseng kliyente ang pupuntahan natin,” ang sabi ko naman sa kanilang dalawa. Puno ako ngayon ng pagtataka dahil unang beses kaming nagsuot ng uniporme rito simula ng dumating ako. “Ang hula ko ay isang prominenteng kliyente ang pupuntahan niyo,” ang tugon naman ni David. “Pero bakit ako? Bakit hindi ikaw na lang?” ang reaksyon ko. “Dahil ikaw ang hinihiling nilang pumunta, Angelo,” ang singit naman ni Lander sabay lapit sa amin. “Hindi naman siya siguro fan ni Magnus,” ang sabi ko naman. “Wala na kasi akong ibang ginawa ngayon kundi ayusan ang mga fans ni Magnus.” Natawa naman si Lander sa aking naikwento. “Ang totoo niyan, dati mo nang naging kliyente ang naghahanap sa’yo,” ang paliwanag naman ni Lander. Napa-isip naman ako kung sinong elitista ang aking naayusan. Pero hindi ko sigurado kung sino sa kanila. Isa pa, sa dami ng mga naayusan ko; hindi ko na rin maalala. Dalawang tao lang naman ang kailangang ayusan ngayong araw kaya kayong dalawa ang napili kong pumunta. Kapwa naman kami napatango ni Sean. Nagtungo na nga kami sa labas upang pumunta sa kliyente. Namangha naman ako annag dahil kami sa isang exclusive private village; patungo sa isang malaking bahay...este, mansion. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang batang minakeupan ko para sa kanilang prom. Yung spoiled na mamahalin ang makeup brands ang gamit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD