Chapter Twenty-five: Fashion Show

2394 Words
Angelo’s Point of View Bumalik naman ako sa backstage kung nasaan ang iba pang kasama kong makeup artist. Dahil sa inis ay padabog linagay ang styrocup sa mesa. “Huy, okay ka lang?” ang nag-aalalang tanong ni Sean nang makita ang ginawa ko. “Naiinis ako,” ang sabi ko naman. “Bakit naman?” “Naka-usap ko si Magnus Astudillo kani-kanina lang,” ang sabi ko naman. Napatingin naman si Sean at si David sa isa’t-isa pagkatapos ay tumingin ulit sa akin. “Weh?” ang sabay naman nilang reaksyon kaya napakunot ako ng noo. “Oo,” ang seryoso ko namang tugon sabay tingin sa bitbit kong jacket. Seryoso ba talaga ang taong yun na na itapon ko ang gamit niya? Ganun na lang ba talaga kapag sobrang yaman at walang halaga sa kanila ang mga bagay. Naglakad naman ako palayo. “Angelo! Saan ka pupunta?” ang gulat namang tanong ng dalawa. “Sa restroom,” ang walang gana ko namang tugon dahil sa pagkainis. Nang mahanap ko nga ang men’s restroom ay kaagad akong pumasok doon. Dumeretso ako sa lababa at sinimulang linisan ang manggas ng jacket ni Magnus. Bakit ko ng apala ito ginagawa? As if naman may pakialam siya, di ba?” Nakahinga naman ako nanag maluwag nang hindi nag-iwan ng mantsa ang kulay berdeng inumin na natapon ko sa jacket niya. Bumalik naman ako sa backstage at pinagana ang hairblower. Itinapat ko naman ang ibinubuga nitong hangin sa basang parte ng jacket.  Ramdam ko naman ang mga matang nakamasid sa aking ginagawa. “Huwag mong sabihing kay Magnus ‘yan?” ang tanong naman ni David. Tumango naman ako. “Oh, my Gosh pahawak!” Inilayo ko naman ang jacket mula sa kanya. “Hala?” ang reaksyon naman ni David. “Selfish ka, beks!” “Hindi mo gugustuhing hawakan ito,” ang tugon ko naman. “Bakit naman?” ang nagtataka naman niyang tanong. “Hindi kagandahan ang ugali ng lalaking ‘yun,” ang paliwanag ko naman. Bumalik na naman ang nararamdaman kong inis. “Para siyang si Nick, guwapo nga pero hindi kaaya-aya ang ugali.” Ikwinento ko naman ang mga nangyari kanina. “Hmm,” ang reaksyon naman ni Sean. “Pero beshy, sa bagay may point siya. Trabaho niya ang isang modelo. Ang pinakaimportante para sa kanila ay ang kanilang mukha. Yun nga lang medyo naging mahangin ang dating niya.” Hindi naman nagtagal ay dumating ang mga modelo mula sa iba’t-ibang agency. Naroon nga si JC Pascua at si… Magnus Astudillo. Nagtama naman ang aming tingin. Samantalang napanganga sila David at Sean sa pagkamangha. Nakita ko rin ang lalaking kasama niya noong sobra siyang nalasing sa labas ng isang music lounge. Napatupi ako ng mga kamay at iniwas ang aking tingin at humarap sa salamin. “Magnus! Dito ka na!” ang pagtawag naman ni Sean sa kanya. “Hindi, dito na!” ang pagtawag naman ni David sa kanya. Napatingin naman siya sa dalawa at ngumiti. Parang mahihimatay naman ang dalawa sa kilig. Hindi naman siya pumunta sa kanila bagkus ay nagpatuloy naman siyang naglakad hanggang sa nakatayo na siya sa gilid ko. Patay malisya namana ko at hindi siya pinapansin. Napatikhim naman siya. “Hey,” ang pagtawag niya ngunit hindi ako nagpatinag. “Pumunta ka sa ibang makeup artist,” ang sabi ko naman sa aking isipan. Hinila naman niya ang upuan at naupo. Napakunot naman ako ng noo. “Hey, Chuckie,” ang pagtawag niya. Ako ba ang tinatawag nito? “Tatayo ka na lang ba diyan? Makeup artist ka, di ba?” Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. “Hindi Chuckie ang pangalan ko,” ang pagtatama ko. “Oh,” ang reaksyon naman niya. “Hindi bay un ang sinabi mo kanina? Pangit? Chararat Chuckie?” Iba talaga mambwisit ang taong ito. Hindi ko talaga siya kilala pero hindi ko na talaga siya gusto. “Alam kong pangit ako; hindi mo na kailangang ipamukha sa akin,” ang komento ko naman. Sinimulan ko naman siyang ayusan para sa unang makeup look. “Sandali lang,” ang bigla naman niyang sinabi; natigilan naman ako. Sinimulan naman niyang tanggalin ang botones ng kanyang polo shirt na suot. HInubad naman nya ‘yun kaya napanganga ako. “A-anong ginagawa mo?” ang retorikal kong tanong. “This is a fashion show,” ang sabi naman niya. “Kailangan kong mag-topless sa unang set ng collection since ‘yung jeans ang highlight. Wait, why don’t you know?” “Hindi naman dapat kami ‘yung studio na magmamakeup sa inyo,” ang paliwanag ko. “Nagkaproblema kaya kami ang naging proxy.” Tumango lang naman siya habang pinagpatuloy ko ang paglalagay ng makeup sa kanyang mukha. Sa totoo lang, maganda na ang kanyang kutis. Binaling niya ang kanyang atensyon sa kanyang phone.  “Tingin dito,” ang utos ko naman para ayusan ang kanyang mga mata. Napatingin ako doon; sa mga kayumanggi niyang mata. Ayun na naman yung pakiramdam ko na para akong nasa kawalan o kaya naman ay nasa gitna ng isang napakalallim na karagatan.  Hindi ko namalayan na napatitig ako. “Chuckie,” ang pagtawag niya. “Don’t fall in love.” Natauhan naman ako. Ngumiti naman ako. “Bakit naman ako mai-inlove sa’yo?” ang tanong ko naman. Ipinagpatuloy ko na naman ang pag-aayos nang kinha ko ang eyeshadow pallete. “Huwag mong sabihin sa akin; dahil guwapo ka? O dahil isa kang modelo? Hindi ako ganung kababaw na tao.” “Coming from a guy who chooses a child’s drink,” ang komento naman niya. “Hoy, hindi katulad ng inumin ang mga tao,” ang sabi ko naman. “And why not?” ang kaagad naman niyang tanong. “I think I’m like coffee.” “O? Paano naman?” “Well, I’m hot. Most of the time, cold,” ang paliwanag naman niya. “Sexy, deep, rich.” “Alam mo, kailangan mo nga ng kape,” ang komento ko. “Para naman mabawasan yang kayabangan mo.” “Sino ba kasi nagsabing nagyayabang ako,” ang argyumento naman niya. “It’s how I perceive myself. You don’t really find me attractive, do you?” “Magnus Astudillo,” ang pagbanggit ko naman sa kanyang pangalan. Ngayon naman ay ang mga labi niya ang kailangan kong ayusin. “Hindi ka naman siguro magiging isang sikat na modelo kung hindi. Nagwagwapuhan ba ako sa’yo? Oo. Gusto ba kitang kaibiganin sa totoong buhay? Hindi.” “And why not?” ang sunod niyang tanong. Nakaka-imbyerna na talaga itong lalaking ‘to. “Hindi kita feel,” ang sabi ko naman sabay apply ng lipgloss sa mga labi niya. “As you say so,” ang masungit naman niyang tugon.  Natigilan kami nang lumapit ang lalaking kaibigan ni Magnus. “Magnus, kailangan ka na doon in ten minutes,” ang sabi niya. “Chuckie, dalian mo na,” ang utos naman niya. “Tapos na,” ang tugon ko. “Not yet,” ang sabi niya sabay tayo. Ang tangkad niya. Itinuro naman niya ang kanyang dibdib. Napalunok naman ako nang makita ang maganda niyang katawan at ang anim niyang pandesal. Kinuha ko naman ang brush at linagyan ng highlight ang kanyang dibdib at abs. “Are you not going to take a quick picture of us?” “Bakit naman?” ang tanong ko naman pabalik. “Para saan?” “For your artist’s portfolio,” ang paliwanag naman niya. “Bago ka lang talaga and you don’t know what to do.” Tumango naman ako. Napabuntong-hininga naman siya. “Phone,” ang sabi naman niya. “Huh?” ang reaksyon ko naman. “Your phone,” ang tugon niya; halatang nawawalan na ng pasensya. Kinuha ko naman ang aking phone. Inabot naman ng kaibigan niya ang phone ko at mabilis kaming kinuhanan ng litrato ni Magnus. Binalik naman sa akin ang phone ko pagkatapos. “I’ll see you later, Chuckie” Umalis naman siya agad bago ako nakapagsalita. Napasimangot naman ako. “Magkaibigan kayo ni Magnus?” ang tanong naman ng kaibigan niya. “Ha? Hindi no,” ang tugon ko naman. “Ako nga pala si Nath,” ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. “Manager ni Magnus. Chuckie?” “Hindi Chuckie ang pangalan ko,” ang naiinis ko namang paglilinaw. “Ang lakas mang-inis niyang minamanage mo.” “Kung hindi Chuckie ang pangalan mo; bakit ka niyang tinatawag na Chuckie?” ang tanong naman niya. “Kasi pangit ako,” ang sabi ko. “Uhm, hindi ko makita ang koneksyon,” ang komento naman niya. “Chuckie, ang ibig sabihin ay pangit,” ang paliwanag ko naman. “Sa tingin ko, hindi alam ni Magnus tunay na ibig sabihin ng Chuckie,” ang komento naman niya. “He misunderstood it as your name, perhaps.” “So, hindi niya ako linalait?” ang tanong ko. “Sigurado akong hindi,” ang tugon naman niya. “Kilala ko siya at hindi siya tulad ng sinasabi mo. Well, madalas mahirap talaga siyang pakisamahan pero… he never looked down on anybody. Pagpasensyahan mo na lang.” Tumango naman ako. “Pero pamilyar ang mukha mo,” ang saad naman niya. “Nagkita na ba tayo somewhere before?” “Uhm, sa isang bar,” ang tugon ko naman. “Ako ‘yung nagbantay kay Magnus nung nalasing siya. Sa tapat ng isang music lounge, kung naaalala mo.” “Ah, oo nga!” ang reaksyon naman niya nang maalala ang tinutukoy ko. “Pero… parang may kakaiba sa’yo ngayon kaya hindi kita kaagad namukhaan. Mas gumwapo ka.” “Ha?” ang naguguluhan ko namang reaksyon. “Ako? Guwapo?” Tinawanan ko naman siya sa kanyang sinabi. “Oo, at tsaka bakit mo ba tinatawag na pangit ang sarili mo?” ang sunod niyang tanong. “Well, nagwork out ka lang; pwede ka na ring magmodelo.” “H-ha?!” ang bayolente ko namang reaksyon. “Naduduling ka na rin yata.” “Hindi ako naduduling, Chu— ano nga pala ulit ang pangalan mo?” “Angelo. Angelo del Ferro,” ang tugon ko naman. “Angelo del Ferro,” ang pag-uulit niya. “Ang ganda ng pangalan mo.” “Salamat,” ang pasasalamat ko sabay kamot ng ulo ko. “Osiya, ipagpatuloy mo na ang iyong trabaho at titignan ko pa ang alaga ko,” ang paalam naman niya bago umalis. Hindi nga nagtagal ay nagsimula na nag Fashion Show. Pagkatapos ng isang collection ay bumalik si Magnus sa akin; suot ang ibang damit. Madali ko naman siyang inayusan. Hindi ko na masyado linagyan. Sa madaling salita ay rinetouch ko lang ang kanyang makeup. Inayos ko naman ang kanyang buhok. Natigilan ako nang makita ang kanyang mukha. Ang suot niyang parang pang-prinsipe ay nababagay sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Isang ngiti naman ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Ang guwapo niya,” ang sabi ko sa aking sarili. Nakaramdam ako ng pang-iinit sa aking mga pisngi. Ewan ko ba pero… parang bumilis ang t***k ng aking puso. Ibang-iba lalo na’t naiilawan siya ng ilaw mula sa salamin. “Baguhan ka pero ang galing mo,” ang puri naman niya. Natauhan naman ako at nagpasalamat. Tumayo siya at tulad ng una ay kinuhanan ko siya ng litrato. Pinanood ko siyang umalis para maghanda sa pangalawang beses na babalik siya sa runway. Lumipas pa ang ilang oras ay sumapit ang pangatlong look. Muli ko siyang inayusan, at kinuhanan ng litrato. Pagkatapos ng Fashion Show ay bumalik siya sa akin para magpaalis ng makeup. Medyo matatagalan ang proseso ng pagtanggal dahil editorial makeup look ang editorial look ang dapat gawin sa pangatlong look. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha. Hindi kasi sila makapagpahinga. Kapag babalik sila sa backstage ay dalian silang magpapalit ng damit. Kaya naman paikot-ikot lang sila. Sigurado akong nakakapagod ang maging isang modelo. “Ako na,” ang sabi naman niya sabay kuha ng cotton pads mula sa mga kamay ko. “Ako na,” ang pagtanggi ko. “Huwag kang mag-alala; iingatan ko ang mukha mo.” “Hidi yan nag rason kung bakit gusto kong ako na ang gumawa,” ang paliwanag naman niya. “Alam kong pagod ka na rin at nangangalay na yang mga kamay mo sa kaka-retouch ng maraming modelo rito sa Fashion Show.” Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagpapakita ng ganito. Napailing naman ako. “Bago ako ang isipin mo; isipin mo muna ang sarili mo,” ang komento ko sabay kuha ng cotton pads mula sa kanya. Sinimulan ko namang tanggalin ang makeup mula sa kanyang mukha. “Well, it was quite an experience working with you,” ang komento niya nang matapos kong alisin ang makeup. “Sandali lang,” ang pagpigil ko sa kanya. Kinuha ko naman mula sa upuan ang jacket niya at aktong ibibigay sa kanya. Tinitigan niya lang naman ito. “Hinugasan ko na ‘yan, huwag kang mag-alala, walang marka ng juice,” ang sabi ko sabay pakita sa parteng nabuhusan kanina. “Tignan mo; wala na. Tapos tuyo na rin to; ginamitan ko ng hairblower.” Umiling naman siya. “Take it,” ang sabi naman niya. “Ha?” “Hindi ba sinabi ko sa’yo na itapon mo na ‘yan?” ang tanong naman niya. “Kung nasasayangan ka; then, ikaw na lang ang gumamit.” “P-pero…” ang hindi ko naman siguradong reaksyon. “Isa pa, I heard it’s cold outside,” ang dagdag niya. “Use it to make yourself warm at home, Chuckie.” Nang sabihin niya naman ‘yun ay nagsimula siyang maglakad palayo. “Hindi Chuckie ang pangalan ko!” ang sigaw ko naman. Natigilan naman siya at napalingon. Napangiti naman siya bago mulimg pinagpatuloy ang paglalakad palayo. “Angelo,” ang pabulong kong sinabi sa ere. Napatingin naman ako sa hawak kong jacket. Hindi ko siya maintindihan. Siya na ang pinaka-wirdong taong nakita ko sa buhay ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD