Ezyrein P.O.V
*********
The pecmnhs ball
Ito na 'ying araw na inaabangan ng lahat ng students, ito ang araw kung sa'n may tinatawag na ball or prom para sa valentines day ginaganap sa isang beses sa isang taon dito sa university na 'to.
Lahat ay magaganda at g'wapo ang panunuot nila mga porma nila lahat may mga ka date na din.
Samantala ako ito tamang chill sa isang tabi at ayaw ko makisama sa kanila bored ako ngayon, pinilit lang talaga ako ni Rakki na umattend sa ball na 'to. Wala ako nagawa kundi umoo na lang.
Ang suot ko black cocktail dress above the knee na may sparkling pa black high heels, and red slim bag. May gold necklace din. Nakalugay lang ako at simple make up. Ayaw ko ng makapal baka maging clown ako. Comfortable naman ako sa suot ko.
Venue namin syempre sa court malawak naman kasi 'tong court ng university pinagarbo lang nila ang theme lahat ng makikita mo may kulay pula at violet sa taas may kurtina style pero maganda ang design niya parang pa flowers ito at napagitna ang chandelier at iba't-ibang klaseng ilaw sa buong court na 'to.
Bawat table naman namin ay simple lang maliit siya at talaga nakatayo ka lang standing position walang mga bangko. Kaya nakakangawit. May pina ka dance floor pa sila sa gitna, bukod ang stage kung sa'n naka p'westo mga teacher and principal namin andito na din ang pina ka CEO ng university na 'to. May host na din completed lahat.
Sa gilid nakalagay ang malalaking speakers na mahigit 10 ata meron dj. Napatingin ako sa taas may disco light din pala.
"Good evening students, tonight is pecmnhs ball. Enjoy the night. Let's party!" Bbaklang emce.
Tinamad, tamad na pag host. Palibhasa bakla Natawa na lang ang ibang proof dahil 'di siya masyado nagpaliwanag.
Dahil nga nag eenjoy na ang lahat at ako ay kumakain lang dahil magutom na din naman saka ayaw ko magtagal gusto ko na din magpahinga ano oras nagsimula kasi panigurado aabutin ng umaga 'to.
Marami na sumasayaw ako na lang naiiwan ata dito sa table namin.
"Can I dance with you?" Biglang sulpot ni Zelo.
Akala ko 'di ko na makikita.
"Wala ka bang partner at ako ang napili mo para makipagsayaw?!" Pagsusungit ko.
"Dapat 'di na ko pumunta sa harap mo kung may partner ako Diba? By the way, you look good. Lumitaw lalo ang ganda mo na mas nangingibaw."
"Bakit kahapon ba 'di ako maganda? Nako Zelo, style mo ah."
"Gusto lang naman kita makasayaw. Lalo na last ball ba natin 'to, kasi next month graduate na tayo. So enjoy natin ang gabi. Can I dance with you?" Pag-uulit niya.
"Ok, fine."
Inabot ko ang kamay niya para makipag holding hands habang papunta sa gitna, naramdaman ko ang kakaiba Hindi ko alam bakit lumakas bigla ang t***k ng puso ko.
Nilagay niya mga kamay niya sa bewang ko samantala ako ay sa kaniyang batok, at pareho kaming nakatitig sa isa't-isa. Ang ganda ng music para sa'min ramdam mo ang kanta, ang Sarap sa feeling.
"Ezyrein, alam ko umiiwas ka sa'kin. Sana magkaayos na tayo, nahihirapam ako sa pag iwas mo. Nakakabaliw 'tong ginagawa mo. Hindi ko alam kailan nagsimula 'to pero totoo ang nararamdaman ko para sa'yo." "
I think mahal na kita, unexpected pero totoo 'tong nararamdaman ko. Kapag iniiwasan mo ko para gago kakaisip pa'no kita malalapitan maka-usap man lang, alam ko napakabilis ng pangyayari pero sana bigyan mo ko ng chance na patunayan ang nararamdaman ko para sa'yo."
Natulala na lang ako sa lahat ng sinasabi niya, alam ko naman sincere siya e, ako lang talaga ang ayaw maniwala sa mga actions niya. Natatakot ako sa totoo lang sa mga gagawin ko sa buhay at baka magkamali na naman ako sa mga decision ko.
"Ezyrein?" Pukaw nito sa'kin.
"H-huh? Ahh yeah.. 'di ko alam sa'n ako magsisimula kaya please 'wag mo ko kulitin muna. Naguguluhan pa ko. At baka gano'n ka din alam ko masyadong mabilis pero nasisiguro naguguluhan ka pa, Zelo, kaya siguraduhin mo muna ok? Ng 'di natin pareho pagsisihan."
"No. Hindi ako naguguluhan at alam ko sa sarili ko na tama 'tong ginagawa ko, alam ko na gano'n ka din. Pero nasa 'yo 'yan kung ayaw mo pa ako paniwalaan basta hayaan mo lang ako iparamdam sa'yo lahat na totoo ako sa'yo."
Tumango na lang ako para hindi na humaba ang usapan. At malakas ang tugtog nagkaksiyahan ang lahat dahil last ball na nga namin ito this year dahil kami din ay malapit na magtapos next month. Nakakalungkot man dahil magtatapos na kami pero masaya naman dahil achievement para sa'ming lahat ang makapapagtapos ng collage.
Ilang minuto pagsasayaw ay napabitaw ako kay Zelo na ipinagtaka nito dahil feeling ko may kung ano ang gusto lumabas kaya kailangan ko pumunta ng restroom.
"Hey, Ezyrein are you ok?" Pag-aalala nito.
Pero 'di ko na siya sinagot at tumakbo ako para makahanap ng restroom, ng makita ko ay dali-dali ako pumasok at naduwal pero wala naman lumalabas sa bibig ko kundi Puro tubig lang, at ng matapos ay nagmumog na ko. Napatingin pa ko sa salamin at inaalala ano ang nakain ko, wala naman ako ibang nakain kanina eh.
"Ezyrein? Ayos ka lang ba? Ezyrein?!" Tawag ni Zelo.
"I'm fine. Don't worry. I'll bs fine!" Sigaw ko para marinig niya.
Natapos naman ako ay bumalik na ko sa table at ano oras na din Natapos ang party kaya nag uwian na kaya ako ay nauna na dahil feeling ko hindi maganda pakiramdam ko 'di na ko nakapagpaalam sa kanila. Gusto ko na umuwi at magpahinga masyadong nakakapagod ang gabi na 'to para sa'kin.