WALANG GAANONG GANA si Cai nang magtungo siya sa kanyang exam at interview. Maghapon iyon at napakarami pala nila. Lima lang ang matatanggap para sa volunteer job. Ang sabi niya sa sarili ay okay lang naman kahit na hindi siya pumasa at makuha kahit na gusto sana niya ang ospital. Magkakaroon pa siya ng pagkakataon na maghanap ng trabaho kasama si Wilder. Gusto talaga niya ay kasama niya si Wilder. Gusto niya na araw-araw silang nagkikita. Wala siyang pakialam kahit na masabihan siya na babaeng nawawalan na ng identity dahil sa boyfriend. Nadalian si Cai sa written at oral exams. Hindi niya sigurado kung sadyang dinalian dahil para sa volunteer job lang iyon o ano. Mabait din ang chief nurse na nag-interview sa kanya. Mabilis na napalagay ang kanyang loob. Komportable siya habang sinasago

