“HEY, WILD!” Nginitian ni Wilder si Johanna na papasok sa loob kanilang lounge sa OR floor. Nakaupo siya sa isang harap ng bilog na lamesa at kumakain ng lunch. Habang kumakain ay binabasa niya ang report na ipinadala sa kanya ni Anthony. Alam naman niya na hindi siya lolokohin ng kaibigan sa kanilang negosyo pero iginigiit pa rin nitong paglaanan niya ng panahon ang pagbabasa ng mga report. Sinamahan siya ni Johanna sa mesa. Binuksan nito ang sandwich na dala at nagsimula na ring kumain. Napangiti siya nang makitang sunod-sunod ang pagkagat nito sa sandwich. Hindi na nito gaanong nginunguya ang pagkain. Mukhang gutom na gutom ang kasamahan sa trabaho. Malamang na kalalabas lang nito sa operating room at iyon ang unang pagkain nito sa araw na iyon. Si Johanna ang itinuturing na paboriton

