Lorraine POV: Nakiusap si Mamsi sa amin ni Alex na kung pwede ay doon na lamang kami matulog ng gabing iyon. Sa akin ay okay lang pero si Alex ay nagpaalam na doon uuwi sa kanyang mga magulang. Bago siya umalis ay sinabi niyang susunduin niya ako kinabukasan para ipakilala sa kanyang mga magulang. Na-excite ako ng marinig ko iyon, at the same time ay kinakabahan dahil baka hindi ako magustuhan ng mga magulang niya. Kinabukasan ay maaga ako nagising, alas onse ang oras ng usapan namin ni Alex na susunduin niya ako pero alas otso y media pa lamang matapos namin mag almusal ay naghahanap na ako ng masusuot na damit. Habang nire-raid ko ang aking closet ay narinig ko ang ring ng cellphone, agad ko iyon sinagot ng makita ang pangalan ng lalaking kanina lamang ay iniisip ko. " Buenos Dias m

