Lorraine POV: Iginiya kami ni Nana Sita sa dining table na puno ng pagkain, pagkakita ko pa lamang doon ay tila nanubig ang aking bagang dahil sa kapanabikan kong makakain. Ipinaghila ako ng upuan ni Alex kaya't agad akong umupo dahil nagugutom na talaga ako, idagdag pa na puro masasarap ang nakikita ng aking mga mata. Adobong pusit, malalaking sugpo na hinalabos, inihaw na liempo at bangus na sinamahan pa ng enseladang pako, meron din sawsawan na bagoong alamang na may manggang hilaw at kamatis. Pagkaupo ay agad na nilagyan ng kanin ang plato ko ni Alex. Lumapit siya ng bahagya at bumulong, " Hon, pakabusog ka para may lakas ka mamaya". Pinitik ko ng bahagya ang tenga niya na siyang ikinatawa naman niya. Nakakakilig pakinggan ang pagtawa ni Alex, marahil ay dahil nakikita ko lamang si

