Chapter 1

1194 Words
" Boss Lex, may bagong tambayan kami ng mga tropa baka gusto mong sumama", pagyaya ni Mike sa boss nito. Bigla naman napatingin ang binatang amo matapos ang tinuran ng kanyang tauhan. " Saan naman yan, baka dalhin nyo na naman ako sa may mga nagliliparang paru-paro", pabirong wika nito. Ang tinutukoy ni Alex ay ang bar na pinuntahan nila isang linggo na ang nakakaraan, nagyaya kasi ang mga tauhan nito sa isang night club ngunit ang hindi niya inaasahan ay nagsulputan ang mga babaeng mababa ang lipad sa kanilang kinauupuan. At ang masama pa ay siya ang pinuntirya ng mga babae, hindi naman dahil sa boss sya kundi dahil na din sa kanyang taglay na kagwapuhan at karisma. Sa kanyang edad na trenta anyos ay wala pa sa isip niya ang lumagay sa tahimik kahit pa palagi na syang kinukulit ng kanyang ina na mag asawa na sya. Para sa kanya ay wala pang babae ang nakakakuha ng kanyang buong puso, kahit pa hindi na din mabilang ang kanyang mga nagiging kaulayaw sa kama, syempre lalaki siya at may pangangailangan pero hanggang doon lamang iyon. " Boss wag ka mag-alala kapag si Mike ang nagyaya sigurado maayos yan, eh takot yan sa asawa eh", sagot ng isang tauhan niya sabay tawa. Samantala nagkamot naman ng ulo si Mike dahil sa totoo naman talagang takot ito sa asawa. " Kaya nga simpleng inom lang tayo, no chix allowed, saka isa pa wholesome yung lugar na yun boss, saka puro lalaki ang waiter merong mga babae pero hindi sila pwede mag-table, mga serbidora lang talaga sila", mahabang turan naman ng isa pang tauhan. " So kung ganun pala ano pang hinihintay natin, tara na para makarami", wika ni Alex sabay tayo at kinuha ang kanyang susi ng sasakyan. Tila mga tinubuan naman ng pakpak ang kanyang mga tauhan dahil sa sinabi niya, at syempre pa kapag ganoon ay siya ang taya, hindi niya pinapagastos ang kanyang mga tauhan sa inuman kapag kasama siya. Sya ang boss at alam niya na natural lamang na siya ang gumastos kapag kasama ang mga ito. Si Alexzander Garchitorena ang syang tagapagmana ng real estate company nila na ngayon ay pinamamahalaan pa din ng kanyang ama bilang CEO at Chairman of the Board, samantalang ang kanyang kapatid na panganay na isang Architech by profession ang syang Presidente ng kompanya. Si Alex naman ay mayroong sariling brokerage company, siya kasi ay isang license customs broker kaya naman halos karamihan sa kanyang mga tauhan ay mga lalaki. Ang kanilang kompanya ay sa kanya nais ipagkatiwala ng ama kapag ito ay magretetiro na sapagkat ang kanyang panganay na kapatid ay siyang naatasan naman nito upang magpatakbo ng kanilang ibang negosyo sa Amerika. Meron kasi itong Architecture and interior design firm sa New York. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa sinasabing bagong tambayan ng mga tauhan. Miyerkules pa lang pero nagkayayaan ang mga tauhan niya, naisip naman ng binata na maglibang din dahil sa toxic na araw ito ngayon sa kanila, bukod sa madami syang ginawa sa opisina ay kinukulit na naman siya ng ina tungkol sa pag-aasawa. Alas syete pa lamang ng gabi pero nakita niya na may ilang sasakyan na naka-park sa harap ng establishment na iyon. Ang mga tauhan niya ay may mga sariling service, karamihan sa mga iyon ay motor kaya't nag convoy na lang siya habang nakasakay sa kanyang sasakyan. Pagbaba niya sa kotse ay may isang waiter na nag aabang sa kanila at iginiya sila papasok sa loob. Nakita niya ang karatula ng lugar na may malaking nakasulat na " TAMBAYAN". Naisip niya na iyon pala talaga ang pangalan niyon. Sa pagpasok nila ay napansin niya ang magandang ayos ng lugar, restaurant type iyon na medyo native ang theme at napansin niya na tila grupo-grupo nga ang naroroon. Nagpatianod siya sa kanyang mga kasamahan hanggang sa makarating sila sa isang animo'y hardin, isa itong open space at may nakatayong mga kubo, mas presko doon at talagang nagustuhan niya ang ambiance. Ngayon ay naniwala na siya na maganda nga ang lugar na iyon, kung sinuman ang may ari ng lugar na iyon ay talaga namang napakagaling ng naisip na konsepto. Sino ba naman ang mag aakala na sa ganito ka-busy na syudad ay may isang lugar pala na parang mala-probinsya ang paligid dahil sa mga puno at halaman na naroon. Isang napakalaking property pala iyon at sa gilid nila ay napansin niya na may parking din pala dahil may sasakyan sa di kalayuan. May lumapit na waiter sa kanila at inabot ang menu. Sinabi niya sa mga tauhan na mag order ng kahit ano, kaya naman naisip ng isa na mas mabuting kumain na muna sila ng light dinner para may laman ang mga sikmura bago uminom. Pagkaraan ng ilang saglit ay may isang waiter ulit na lumapit kaya naman hindi napigilan ni Alex na magtanong. " Brad, may parking din pala kayo dito, hotel ba yung nasa likod?". Napansin niya kasi ang isang bungalow type na bahay sa di kalayuan at ang sa medyo kalapit ay parang mga cottage type na may mga pinto. " Ah sir bale private property po yan, bale dyan po nakatira ang may-ari nitong tambayan, at yun naman po staff house namin", sagot ng waiter. Napatango naman siya sa sinabi ng kausap. Sa isip niya ay napakahusay ng naisip ng may ari ng lugar na iyon. Habang lumalalim ang gabi ay masaya ang nagiging kwentuhan nila ng mga tauhan. Dahil sa halos magkakaedad lamang naman sila kaya talagang nagkakasundo ang mga ito. Pero ang tanging nakakaalam lamang ng totoong pagkatao niya ay si Mike, ito kasi ang kasa-kasama niya palagi at ito lang din ang nakakaalam na siya ang tagapagmana ng Garchitorena Land and Property Inc. Ang alam ng mga tauhan niyang iba ay isa lamang syang mayaman na license customs broker. Ayaw kasi ni Alex na masyado siyang ma-expose sa media, as much as possible ay gusto niyang mabuhay ng simple at malayang makisalamuha sa mga ordinaryong tao. Ayaw niyang matulad sa kanyang kapatid na pati ang love life ay nachi-chismis. Ganoon na talaga siguro ang takbo ng buhay ng kapatid niya, hindi na ito nawala sa limelight ng pagiging isa sa hottest bachelor dahil sa taglay na kagwapuhan. Kaya naman ng may lumabas na balita tungkol sa kanya ay hindi siya nagbigay ng ano mang komento dito dahil ayaw niyang makita ang kanyang mukha sa lahat ng magazine at society page ng mga dyaryo. Hanggang sa nanatili na lamang na palaisipan sa mga tao kung ano ang kanyang hitsura. Minsan pa nga ay narinig niya ang kanyang mga babaeng empleyado na nag uusap tungkol sa kanya, ang hindi alam ng mga iyon ay siya na mismo ang pinag-uusapan nila. Sino ba naman kasi ang maghihinala, ang alam kasi ng mga tauhan niya ay siya si Alex Garchitorena, samantalang ang lumalabas sa top ten young bachelor billionaire ay si Zander Garchitorena. Narinig pa niya sa mga empleyado na baka magka mag anak silang dalawa, at minsan na din syang natanong ng mga iyon pero nagkibit balikat lamang siya. Mula noon ay hindi na ulit iyon napag usapan sa kanyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD