CHAPTER 2

3477 Words
"Bakla, anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Veronica sa akin. Tumingin ako sa kanya at na parang hindi na ako kumukurap. "V-Veronica." Halos ibulong ko na lang ang pangalan niya. Nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan at parang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala. "Anong nangyayari sa iyo?" tanong niya. Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay bigla akong tumayo. Gusto kong umalis dahil ayokong makita ako ng bagong professor namin. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan. "Hoy, Dina!" sigaw ni Veronica. Lumingon tuloy sa amin ang mga kaklase ko maging ang bagong professor namin. Nadagdagan ang kaba ko nang magtama ang mga mata namin ni Race. Nakangisi siya sa akin na parang sinasabi niyang wala akong kawala sa kanya. Kuyom ang kamao ko at pinilit kong humakbang palabas ng classroom. Nakakaramdam ako ng pananakit ng puson at nanlalambot ang mga paa ko. "Dina! Bumalik ka rito!" sigaw ng mga kaibigan ko. Hindi ako nakinig sa kanila hinakbang ko ang mga paa ko palabas ng classroom. Ang goal ko ngayong araw ay makalabas ng classroom namin. Apat na hakbang na lang girl. Biglang may humawak sa braso ko at hinila ako. Nang tumingin ako ay si Race Nobleza. "Where are you going?" Bahagyang umangat ang kanang kilay niya. Shit! Bakit pa ang epal mo! Slow motion sa akin ang naging lingon ko sa mga kaklase ko. "Miss?" pag-uulit ni Sir. Race. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Idagdag pa ang pananakit ng puson ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya saka mabilis ko siyang hinalikan. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya nang halikan ko siya sa harap ng kaklase namin. Alam kong mali ang ginawa ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para halikan siya. Kasunod noon ay naging blurd na sa akin ang lahat hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. Nagising ako nang maramdaman ko ang sakit ng puso ko kaya naman bumangon ako para uminom ng gamot. "Gising ka na pala, kumusta na ang pakiradam mo? Mamaya tatalab na ang gamot na pinainom sa iyo." Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay nilingon ko ang tinig ng babae na nagsalita. "Nasaan ako?" Hindi malinaw sa akin ang itsura ng mukha ng babae dahil medyo blurd siya sa paningin ko. "Sa sobrang malala ng dysmenorrhea mo at nagha-hallucinate ka. Hindi lang iyon hinimatay ka pa sa klase at nang halik ng professor." Feeling ko isa akong wrinkles na tinubuan ng mukha dahil sa matinding pagkunot ng noo ko. Malinaw naman ang pagkakasabi niya pero hindi ko pa rin maintindihan. Siguro dahil talaga mabagal ako mag-pick up ng isang bagay. "Anong ibig n'yong sabihin?" tanong ko sa kabilang kirot ng puson ko. "Dadalhin ka namin sa hospital para mabigyan ka ng gamot ng Doktor." Inikot ko ang paningin ko. "Nasa clinic ba ako ng school?" tanong ko. Tumango siya sa akin pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa phone niya. "Dina!" nakangiti si Veronica nang lumapit sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama ko habang ngumunguya ng bubble gum. "Thank you, kung hindi dahil sa iyo hindi ako excuse sa klase ngayon. May recitation pa naman si Sir. Dimaculangan. Mabuti na lang at safe ako. Ang galing ng timing ng pagkahimatay mo." Sumimangot ako. "Parang masaya ka na hinimatay ako?" Ang sakit na nga ng puson ko." "Nag-aalala ako sa iyo siyempre pero naging blessing in disguise na rin ang nangyari." Tumayo siya at kinapa ang noo ko. "Wala ka naman lagnat." "Gaga! Dysmenorrhea ako hindi ako nilalagnat." Feeling ko talaga nagdagdagan ang sakit ng puson ko dahil sa stress kay Veronica. "Malay mo naman nilalagnat ka. Alam mo ikaw lang ang may sakit na masungit." "Sino ang nagdala sa akin dito?" Ngumiti si Veronica. "Si Sir. Race." Bigla kong naalala ang mukha niya nang bigla ko siyang halikan. Bakit ko 'yon ginawa? Umiwas ako ng tingin sa kanya. Mabuti na lang at pumasok ang dalawang lalaki na nagtatrabaho sa canteen para buhatin ako at isakay sa wheelchair. Ihahatid kasi nila ako sa Hospital para magpa-check up. Kasama ko ang nurse namin at si Veronica. Nakahiga ako habang papunta sa hospital. Si Veronica naman ay walang tigil ang pakikipag-usap sa nurse namin. Parang akala mo ay matagal na silang magkakilala. Dahil nagagawa pa niyang makipagbiruan sa nurse ng school namin. Bakla, nandito na tayo," pabulong ni Veronica. Binaba ako ng driver ng van ng school namin at sinakay sa wheelchair. Si Veronica ang naghila ng wheelchair ko dahil ang nurse ang nakipag-usap sa ER. Yumuko si Veronica. "Mabuti na lang talaga at nagpaganda ako. Ang guwapo pala ng lalaking nurse dito. Ang sarap sigurong gawin dessert mukhang daks. Sa inis ko kinurot ko ang hita niya. "Aray! Bakit mo ako kinurot?" "Bakit ka pa sumama? Bagong boyfriend yata ang gusto mo." "Siyempre kasama na iyon sa freebies. Kaya ako sumama para alagaan ka at suportahan." "Bawasan mo ang kalandian mo Veronica. Pakalmahin mo 'yang pechay mo," bulong ko. "Oo, na ang sungit mo naman!" Huminto kami sa pag-uusap nang lumapit sa akin ang lalaking nurse. "Halika ka na at tawag ka ni Doc," hinila nito ang wheelchair ko. Hindi na ako pinag-fill up ng kung ano-ano pa dahil ang nurse namin gumawa. Nakuha na rin ng nurse namin ang blood pressure ko, height, weight at heartbeat counts ko kaya hindi isinulat na lang ng nurse ang record ko sa clinic kanina. Napanganga ako nang makita ang Doktor. Para akong nakakita ng artista sa gandang lalaki. Bukod kasi sa mukha siyang bata ay guwapo rin ito. "Ikaw si Dina Monteverde?" sabi niya habang binabasa niya ang record ko sa kanina. Pilit akong ngumiti. "Yes, Doc." "Matagal na ba 'yang nararamdaman mo?" Tumango ako. "Tuwing nagkakaroon ako monthly period ay ganito ang nararamdaman ko. Dalawang beses pa lang akong hinimatay." "Kailangan mong magpatingin sa Ob-gyne para malaman kung saan nanggaling ang pananakit ng puson mo. Bibigyan kita ng referral para sa OB Gyn Doctor, for the meantime, bilhin mo ang gamot na nakareseta. Pain reliever lang ang binigay ko sa iyo. Iinumin mo lang kapag sumakit ang puson mo. May ituturok akong gamot sa iyo para mabilis na mawala ang sakit ng puson mo." "Thank you, Doc." Tinurukan nila ako para mawala ang pananakit ng puson ko. Pagkatapos ay pinauwi na rin kami. Hinatid ako ng nurse namin sa condon unit ko kung saan ako lang ang nakatira. Tumakas ako ng probinsya para makawala sa Daddy ko na nagmamane-obra ng buhay ko. Dahil kilalang tao ang Daddy ko sa aming lalawigan kailangan bawat kilos ay planado. Para kaming robot na sunod-sunuran sa kanya. Hindi ko gusto ang ganoon pamumuhay. Gusto kong maging independent na babae. Gusto kong gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa at mag-desisyon para sa sarili ko. "Bakla, sigurado ka wala kang ibang nararamdaman?" tanong sa akin ni Veronica. Siya ngayon ang kasama ko sa condo habang nagpapagaling ako. Binigyan ako ng three days rest ng nurse namin kaya tatlong araw akong hindi papasok sa klase kaya next monday na ang pasok ko. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang ako ay nanonood ng movie. Hindi na masyadong masakit ang puso ko tulad kanina. "Wala na akong nararamdaman ngayon." "Mabuti naman. Good luck sa iyo sa monday, siguradong pag-uusapan ka ng mga kaklase natin." Natigilan ako nang maalala ko ang ginawa kong panghahalik sa bagong professor namin. Natampal ko ang mukha ko. "My gosh! Anong gagawin ko nakakahiya!" "Actually, hindi naman masyadong pinag-usapan ang panghahalik mo sa professor natin. Siguro dahil alam nilang may sakit ka. Sinabi na rin ng mga kaibigan natin na dala 'yon ng nararamdaman mo kaya nabaliw ka ng ilang minuto. Mukhang naniwala naman ang iba." "Anong mukhang ihaharap ko kay Sir. Race." Humarap si Veronica sa akin. "Madaling pagtakpan kay Sir. Nobleza, at sa mga kaklase natin ang ginawa mong panghahalik. Sabihin mo lang wala kang maalala. Hindi mo nga lang mapagtatakpan 'yan sa mga kaibigan natin. Siguradong numero uno silang mambububwiset sa iyo." "Hays! Bahala na nga lang sa Monday. Ayoko munang isipin." "Alam mo mas maganda kung uminom ka ng alak ng alak para mawala ang sakit ng puson mo." Inirapan ko siya. "Ang lakas ng loob mo na magyaya na uminom may pasok ka bukas." Ngumiti si Veronica. "Sasabihin ko bukas sa mga professor natin na napuyat ako sa pagbabantay sa iyo kaya hindi ako nakapasok." "Tang ina mo!" Nakakainis talaga si Veronica. Ako talaga ang ginawang dahilan para hindi siya pumasok sa school bukas. "Tayong dalawa na lang ang uminom para kahit malasing tayo ay walang problema. Hindi ako puwedeng magyaya ng kaibigan natin dahil malaman nila tinatamad lang talaga akong pumasok bukas." "Ewan ko sa iyo!" Tumayo si Veronica at kumuha ng beer sa loob ng refrigerator ko. "Ito na lang ang inumin natin habang nanonood ng movie." Tumango ako at nagpatuloy kami sa panood ng movie habang umiinom ng beer. Nang dumating ang araw ng lunes ay maaga akong pumasok para wala akong gaanong makitang estudyante. Pagbaba ko pa lang sa kotse ko ay nakita ko ng nakatingin sa akin ang dalawang estudyante na nagwawalis ng classroom nila. Marahil kumalat na ang tsismis sa ginawa kong panghahalik sa professor ko. Dumaan muna ako sa clinic para ibigay ang medical certificate ko. Ito kasi ang kailangan kong dalhin bago ako makapasok sa mga subjects ko. Marahan akong kumatok sa pinto ng clinic pagkatapos ay pumasok na ako. "Ay! Sorry!" sigaw ko. Namutla ako at pinagpawisan nang malapot nang makita ko ang nurse namin at ang professor ko na naghahalikan sa loob ng clinic. Nagulat ako nang makita ko silang nasa kama. "Miss. Monteverde!" narinig kong tinawag ako ng professor namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang lumapit ako sa kanya. Nakita ang nurse namin na sinusuot ang butones ng damit niya. Yumuko ako. "Good morning, Sir." Huminga siya ang malalim. "Sana hindi kumalat sa ibang estudyante ang nakita mo." Tumingin ako sa nurse namin na namumula ang mukha. "S-Sir. 'di ba may asawa ka na?" "Girlfriend ko lang ang kasama ko sa bahay. Hindi kami kasal dalawa. Ayokong makarating sa iba ang nakita mo. Hayaan mo akong magsabi sa girlfriend ko." Tumango ako. "Okay, Sir. Ibibigay ko lang po sana itong medical certificate ko kay Miss. Joy." "Okay, na puwede ka ng pumasok sa klase mo mamaya," sabi ng nurse. Hindi niya ako magawang tingnan marahil ay nahihiya siya sa akin. "Okay, thank you." "Miss. Monteverde, may tiwala ako sa iyo." Paalala sa akin ng professor ko. Tumango-tango ako bilang tugon sa kanya. Dahil maaga akong pumasok ay sarado pa ang classroom namin kaya pumunta ako sa cafeteria para kumain at uminom ng kape. Siguradong bukas na ito dahil alas-sais na ng umaga. Alas-singko pa lang kasi ay may lutong pagkain na ang cafeteria. Umupo ako sa pinakadulo upang walang makapansin sa akin. Hindi ako nerd, ayoko lang makipag-usap sa ibang estudyante ngayon. Habang kumakain ako ay napalingon ako sa may entrance door. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang professor ko na si Race Nobleza. Tumalikod ako sa kanya at naglagay ko ng airpods sa tainga ko. Saka nilibang ko ang sarili kong manood ng movie sa cellphone ko. "Hi! Good morning!" Oh, s**t! Kung minamalas ka nga naman. Nagtatago ka na nga nakita ka pa. Hindi ako lumingon sa kanya kahit na nga naririnig ko siyang nagsasalita. Inilapag niya ang tray ng pagkain niya at umupo sa tapat ko. "S-Sir, anong ginagawa mo rito?" Sinadya kong maging magalang sa kanya. Ngumisi siya. "Ang sweet mo pala kapag hindi ka galit Miss. Monteverde." Ulo ka!  Ngumiti ako sa kanya. "Anong kailangan n'yo Sir? May mga projects ba kayong pinagawa?" "Wala naman. Gusto ko lang makita ang babae na nagtaray, nanipa, nanghalik sa akin." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Gusto kong tumakbo para takasan ang kahihiyang ginawa ko. Ngunit naalala ko ang sinabi sa akin ni Veronica na magpanggap na walang naalala. "Anong halik, Sir. Nobleza?" "Oh, may sakit ka nga pala kaya hindi mo naalala ang ginawa mo. Magandang palusot 'yan. Anyway, sanay na ako sa mga babae na katulad mo na biglang nagkakaroon ng temporary amnesia lalo na kapag hindi ko sila gusto." Kuyom ang kamao ko sa galit. Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi siya sampalin dahil iniisip ko na professor ko siya. "Sir. Nobleza, mukha yatang ang taas ng bilib n'yo sa sarili n'yo. Sa pagkakatanda ko ay kayo ang unang humalik sa akin. Nasarapan ka ba sa akin kaya ka nandito ngayon? Gusto mo bang halikan ako ulit?" Kinagat ko ang labi ko upang akitin siya. Nakita kong lumunok siya habang nakatingin sa labi ko. Isa-isa kong inilagay sa tray ang pagkain. "Gusto kong kumain ng masaya para naman maging masaya ang araw ko." Inirapan ko siya saka ako tumayo at naghanap ako ng ibang table. Nagpasalamat na lang ako at hindi siya sumunod sa akin kaya natapos ko ang pagkain ng breakfast. "Nandito si Miss Kisser!" sigaw ni Tomtom. Pumalakpak ang mga kaibigan ko habang papasok ako. Kulang na lang ay ibaon ko sila ng buhay sa sobrang asar. "Gago ka!" inis kong sabi kay Tomtom. Numero uno talagang bully ang gago na ito. Imbes na mainis si Tomtom at tumawa pa siya. "Magaling na si Dina, napipikon na." Sabay halakhak niya. "Bakla, magpasalamat ka sa amin dahil pinagtanggol ka namin sa mga kaklase natin. Alam nila dala lang iyon ng pagkakasakit mo kaya mo ginawa iyon," ani Tiffanie. "Wala naman talaga akong maalala na hinalikan ko siya," alibi ko. "Dina, alam namin kung hanggang saan ang kaya mong gawin. Hindi mo kami maloloko." Sabay tawa ni Joshua. Isa sa mga kupal kong kaibigan. "Tang ina mo! Tumigil ka na hindi ko 'yon gustong gawin. Nagsusuka na kasi ako no'n. Kaya imbes na sumuka ako ay hinalikan ko na lang siya," alibi ko. Pinagtawanan nila akong lahat sa alibi ko. Hindi ko talaga si maloloko kahit anong ipaliwanag ko. Hindi ko na lang sila pinansin sa pang-aasar nila sa akin. Hindi naman ako mananalo sa kanila. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang dumating ang oras ni Race Nobleza. Napansin ko ang mga kaklase ko na kilig na kilig kay Sir Nobleza nang dumating ito. Isa-isa niyang tinawag ang apelyido namin nang mag-check siya ng attendance. "Are you okay, Miss Montervede?" tanong niya sa akin nang mabanggit niya ang apelyido ko. Stupid question. Magkausap pa lang tayo kanina. Tumango ako. "Yes, Sir, I'm okay." Tumingin siya sa akin. " Dahil okay ka na kailangan mong pumunta sa akin mamaya para sa magiging proyekto ng klase n'yo." I frowned. "Sir. I don't understand. Why do I have to go to your office?" He looked at my classmates. "Class, sinabi n'yo ba kay Miss. Monteverde na binoto niyo siya bilang president ng klase ko?" "No, Sir. We forgot." "Blame your classmates Miss. Monteverde." Inis akong tumayo sa gitna. "Sino ang nagsabi sa inyo na iboto ako?" Tumingin silang lahat kay Veronica at tinuro nila ito. Nag-peace sign naman sa akin si Veronica. "Sorry, friend." Nagpa-cute pa siya sa akin. "I hate you!" Inis kong sabi. Wala akong kaalam-alam na President na ako ng klase ni Sir. Race, kung sino pa ang iniiwasan ko siya pang lapit nang lapit. "Sorry na, Bakla." Paulit-ulit na sabi sa akin ni Veronica habang naglalakad kami papunta sa parking lot. "Huwag mo akong kausapin hindi ako natutuwa sa ginawa mo!" Hinawakan niya ang braso ko. "Huwag ka ng magalit. Ayaw mo bang mapalapit kay Sir. Race? Ang guwapo kaya niya at mukhang daks." "Hindi ko siya type! Kaya tigilan mo ako sa kanya." "Eh, ako kasi ang pinipilit nilang maging presidente ayoko ng responsibilidad sa klase kaya ikaw tinuro ko kasi medyo brainy ka sa akin ng isang porsiyento." "Tigilan mo ako Veronica! Naiinis ako sa iyo!" Sanay na sa akin si Veronica kaya kahit maputol ang litid ko kakasigaw ay hindi siya natatakot. Kampante lang siyang nakikipag-usap sa akin. Nauna pa siyang sumakay sa kotse. "Bilisan mo baka abutin tayo ng traffic." "Gago! Nakikisakay na nga lang." Napilitan akong sumakay ng kotse. Kapag walang naghahatid kay Veronica pauwi ay madalas sa akin siya sumasabay. Wala kasi siyang sariling sasakyan. "Alam mo kaysa sumimangot ka diyan. Pumunta tayo sa bar at mag-inom. Tumawag ang boyfriend number nine ko, niyaya akong uminom sumama ka na sa akin." Tinitigan ko siya ng masama pagkatapos ay pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa bahay nila Veronica. "Ang sungit mo! Bakit ba ayaw mo kay Sir. Race? Siguro siya ang lalaking nakaaway mo sa harap ng cafeteria sa kabilang school. Bigla akong nagpreno sa sinabi niya. "Oh my gosh! Ang galing kong manghula." Sabay tawa ni Veronica. Tumingin ako sa kanya. "Huwag mong sasabihin sa ibang mga kaibigan natin." Tumango siya pagkatapos ay tumawa. Nakakakilig kayong dalawa. Mukhang may chemistry kayo." Muli kong pinaandar ang kotse. "Gaga ka! Hindi mo ba alam na ako ang sinisisi niya kung bakit nakakain ng bawal na pagkain ang Lola niya. Siguro sinundan niya ako para kapag may nangyaring masama sa kanya ay madali niya akong mahahanap. Nakakainis bakit kasi ako presidente ng klase niya. Naiinis na nga akong makita siya ng apat na oras magkakaroon pa kami ng extrang time tuwing may project ang klase." "Dapat kasi sinabi mo sa akin para si Cyndi na lang ang tinuro ko." Tinitigan ko siya ng masama. "Paladesisyon ka kasi." "Sorry, huwag ka ng magalit sa akin." "Hays! Bruha ka talaga." "Samahan mo ako sa resto-bar two hours lang tayo." "May klase pa tayo bukas." "Sandali lang naman tayo." "Okay, two hours lang at kapag lumampas ang two hours at ayaw mong umalis iiwan na kita." "Okay, thank you." Nag-flying kiss pa siya sa akin. Napangiwi ako. "Yuck! Kadiri ka." Napilitan akong samahan si Veronica. Ayoko rin naman siyang mapahamak kaya sinamahan ko siyang makipagkita sa boyfriend number nine niya. Sa dami niyang boyfriend nakakalimutan niya kung ano ang mga pangalan nito kaya minsan number na lang ang tawag niya sa mga ito. Nakasuot pa kami ng uniporme nang pumasok sa resto-bar. Kinailangan naming magpakita ng valid Id bilang katunayan na nasa tamang edad na kami. Hindi kasi pinapasok sa resto-bar ang hindi pa disi-otso. Nang pumasok kami ay napabilib ako sa linis at ganda ng loob ng resto-bar, may banda rin na kumakanta sa stage. Wala rin akong nakikitang sumasayaw sa gitna katulad ng ibang bar na magulo. Dito parang nakakahiya kung sasayaw ka sa gitna. Chill ang paligid at talagang makakapag-usap kayo ng hindi nagsisigawan. Habang umiinom ako ng beer ay napansin ko ang kabilang table na may nakalagay na VIP. Natuwa akong abangan kung sino ang taong nagpa-reserve ng VIP dahil sa ganda ng set ng table nila. May mga candle lights, at mga rosas sa paligid nila. Kalahating oras pa ang lumipas ay nakita kong inilalagay ng waiter ang mga pagkain sa table. Ilang saglit pa ay umupo ang isang babae. Abala siya sa kausap niya sa phone niya. "Baby!" Napalingon ako nang marinig ko boses ng lalaki. Nakita ko si Race na may hawak na flowers at malapad ang ngiti sa babae. Sa itsura niya ay nakauwi na ito para magpagpalit ng damit. Hindi ko alam kung saan isiksik ang sarili ko para hindi niya kami makita." Shit! si Sir. Race."  Sa taranta ko na ay nasanggi ko ang isang bote wine. "My God Dina!" sigaw ni Veronica. Lumingon sa amin si Sir. Race. Nakita naman ito ni Veronica kaya sumiksik rin siya sa kasama niyang lalaki. Alam kong sa amin siya nakatingin. Hindi lang siya makalapit dahil may ka-date siya. Tumayo ako. "Excuse me, lalabas lang ako." Sinenyasan ko si Veronica na sumunod sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa parking lot na ako. Hihintayin ko na lang rito si Veronica. "Bakit nandito kayo Miss. Monteverde?" Namutla ako nang marinig ko ang boses niya. Papalapit sana sa akin si Veronica, pero nang makita niya si Sir Race ay umikot siya at naunang sumakay sa kotse ko na naka-park sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. "S-Sir. Race, bakit po kayo nandito?" Lumapit siya sa akin at seryosong nakatingin sa akin. "Nakasuot pa kayo ng school uniform habang nakikipag-date sa apat na lalaki." "S-Sir. Hindi kami nakikipag-date." "Umuwi na kayo kung ayaw n'yong sabihin ko kay sa principal ang ginagawa n'yo." Tumango ako. "Sorry, Sir." "Miss. Monteverde!" Muli akong humarap sa kanya. "Bakit, Sir?" "Ayusin mo ang suot mong uniporme. Gusto mo ba talagang ipakita ang dibdib mo?" "s**t!" Sabay talikod ko. Hindi ko napansin na hindi nakabotones ang uniporme ko. Kitang-kita ang cleavage ko. "Anong sabi ni Sir. Race?" tanong ni Veronica. "Isusumbong tayo sa principal bukas." "Patay tayo diyan." Natampal niya ang mukha niya. "Umalis na tayo," sabi ni Veronica. Tumango ako saka ko pinaharurot ang sasakyan ko palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD