Kabanata 21

2628 Words
SHEINA "Wala akong pakialam sa kanila! Magkakamatayan muna tayo, pero hindi ko hahayaang may magbigay pa ng trauma kay Sheina. Nakita niyo ba kung paano siya umiyak kagabi? Sige, tanungin niyo siya at ako ang makakalaban niyo." Seryoso, hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. May goosebumps ako sa paninindigan ni Jeron, sa mga sinabi niya, at sa kagustuhan niyang map[rotektahan ang mental health ko, kaya hindi ko na napigilang magmula ng mga mata ko. Noong una, hindi nila napansin na nakatingin na ako sa kanila dahil kina Larry at Jeron sila nakatingin. Pero nakita ko na ang kabuuan ng eksanang nagaganap ngayon. Nakaupo nga sa gilid ng kama si Jeron kung saan ako nakahiga ngayon. Habang nasa may paanan naman sina Raffy, Morrie, Claire, at Larry malapit sa may pinto. Nakatayo lang silang apat, at na-amused akong makita si Raffy dito dahil hindi ko man lang narinig ang boses niya kanina.  "Kuya Larry, baka tama naman si Doc Jeron?" medyo nag-aalangang pagsingit ni Claire sa usapan (o sagutan?) ng dalawang lalaki. "Hindi ba mas magandang maka-get over muna si Ate Sheina sa nangyari bago siya magsalita sa mga pulis? Kasi mas importante naman ang mental health niya, 'di ba?" "Oo nga," sagot na rin ni Morrie. "Wala naman yatang batas na nagsasabing kailangan niyang magbigay ng statement sa mga pulis. Meron ba?" "Hindi naman yata pwedeng pilitin ng mga pulis si Sheina na magbigay ng statement," sabat na rin ni Raffy at lahat sila ay nakatingin na sa kanya. Marahil katulad ko ay nabigla rin silang lahat sa biglaan niyang pagsali sa usapan gayong kanina pa siya tahimik. "Pwede ngang umayaw si Sheina kahit na pakiusapan siya ng mga pulis eh." "O, yun naman pala," sabi ni Claire na nakahinga na rin nang maluwag. "Kung ganoon, Kuya Larry, hayaan na muna natin si Ate Sheina na magpahinga." "Oo nga, Kuya Larry." Wala nang nagawa si Larry. Nagtaas na siya ng mga kamay niya sa ere, tanda na sumusuko na siya sa argument na ito. "Okay, fine. Nanalo na kayo. Wala rin naman talaga akong balak na pwersahin siya na magsalita kung ayaw niya," paliwanag niya and seriously, naiintindihan ko siya sa ipinupunto niya. "Ang sa'kin lang naman, hindi biro ang mga taong nakaharap niya. At dahil nahuli ang gagong yun, ano'ng malay natin kung balikan nila si Sheina? Gusto ko lang na malaman ang dapat nating malaman kay Sheina dahil siya lang naman ang eye witness  sa nangyari." "I understand what you are trying to say," sagot ni Jeron. "But Sheina's health will always be my priority." Napakamot naman sa ulo niya si Larry dahil sa naging sagot ni Jeron sa kanya. Halata na hindi niya nagugustuhan na kinokontra siya nito, pero tinitiis niya na lang din dahil alam kong ayaw niya rin ng away. "Bakit hindi na lang natin tanungin si Sheina, tutal gising na rin naman siya?" ani Larry, at doon pa lang nila ako tiningnan. "Sheina! Thank God at gising ka na!" sabi sa akin kaagad ni Jeron tapos bigla niya akong niyakap. Lumapit na rin sa akin ang iba pa. "Are you okay? Kumusta ang ulo mo? Nahihilo ka pa ba?" aniya pagkahiwalay niya sa akin. Umiling ako sa tanong ni Jeron. "O-Okay naman ako. Teka, nasaan tayo?" "Nandito tayo sa Municipal Health Center sa Talisay. Dinala ka na namin dito just in case kailangan mo ng x-ray or other procedures." "Ah... G-Ganun ba... Pero pwede naman akong umuwi, 'di ba?" Tumango si Jeron. "I-full check up ka lang and then if okay naman ang results, pwede ka na makauwi." "Mabuti naman kung ganoon," sagot kong nakaghinga na rin nang maluwag. "Ayoko kasi talaga sa ospital o kahit health center lang." "Don't worry, ako mismo mag-check up sa 'yo. Kapag okay naman, pwede na tayo umuwi." "Salamat, Jeron," sabi ko sa kanyang nakangiti. And then naalala kong may tanong pa pala sa akin si Larry, kaya bumaling naman ako sa kanya. Pero nagulat ako nang tingnan ko siya dahil nakatingin siya sa sahig. Hindi niya kasi yata nagugustuhan ang nakikita niya ngayon sa pagitan namin ni Jeron. Ang bigat na naman tuloy ng pakiramdam ko dahil doon. "Um, Larry?" pagtawag ko sa kanya at nag-angat naman siya ng tingin sa akin. "Ano... S-Salamat sa concern... Wag kang mag-alala, magbibigay ako ng statement sa mga pulis. Hindi rin naman ako papayag na ganun-ganun na lang yun. Pero sa ngayon, gusto ko munang magpahinga. Okay lang ba yun?" Sinabi ko yun sa pinakamalumanay na paraan na alam ko, dahil ayokong magtunog galit sa kanya o ano. Ayoko nang mas masaktan pa siya nang higit pa sa posibleng sakit na nararamdaman na niya ngayon. Nagkibit-balikat naman siya doon. "Okay lang, Sheina. Kung yan ang desisyon mo. Basta ang sinasabi ko lang, kung may alam ka tungkol sa mga rebelde na yun, sabihin mo sa mga pulis. O sa akin na lang, kung hindi ka kumportable sa ibang tao." Tumango ako sa kanya. "Okay, sige. Salamat talaga sa inyo." "Paano, aalis na ako," sabi niya tapos kaagad itong naglakad palabas ng room. Pagkasara ng pinto, napasandal si Raffy sa pader. "Grabe, akala ko talaga magkakabugbugan na kayo rito ah. Jeron naman, pinakaba mo ako," reklamo ni Raffy sa kaibigan niya. "Natakot ako kasi baka madamay ako. Ayokong magka-blackeye, ano?" Natawa doon sina Morrie at Claire. "Eh hindi ka naman umawat, Kuya Raffy. Nasa gilid ka lang naman at namumutla na." "Aba, kahit sino naman matatakot na, ano? Naramdaman niyo naman siguro kung gaano ka-intense 'yung nangyayari kanina. Kahit si Sheina ay nagising dahil sa kanila eh." Kaagad akong hinawakan sa mga kamay ko ni Jeron nang mahigpit pagkarinig niya sa sinabi ng kaibigan niya. "I'm sorry, Sheina. Hindi dapat ako sumigaw. Nagising ka tuloy. Usually ay kalmado naman akong tao dahil na nga rin sa trabaho ko. Pero naubos lang ang pasensiya ko kanina nang ipinagpipilitan pa talaga ni Larry iyong gusto niyang mangyari." "Tama ang kaibigan ko, Sheina. Huwag mo sanang isipin na pakawala rin itong si Jeron at uhaw sa gulo, dahil matino talaga 'yang kaibigan ko na yan. Pero kapag may ayaw yan siya, lalo na tulad ng kanina, talagang nagiging tigre yan. Nagta-transform iyan at magugulat ka na lang sasagpangin ka na niya. Pasalamat talaga iyong Larry na yun at hindi niya naranasan ang madale ni Jeron. Kung nagkataon baka siya na rin ang nakahiga sa hospital bed." "Ano'ng ibig sabihin mo, Kuya Raffy?" nagtatakakang tanong ni Claire. "Lumalaban ba talaga si Doc Jeron?" "Raffy---" sita ni Jeron sa kaibigan niya para sana manahimik na lang siya pero hindi nagpaawat si Raffy. "Hindi niyo naitatanong, pero minsan, pinagtripan ako ng isang schoolmate namin noon," kwento ni Raffy. "Sinunog ba naman mga libro ko ng siraulo. Eh nandoon importanteng documents ko. Umiyak ako eh. Tapos nalaman nitong si Jeron, ayun, sinugod 'yung taong yun at binugbog niya sa harap ng cafeteria. Knocked out ang kumag at ilang linggo sa ospital, nawalan pa siya ng ngipin eh." Tawa nang tawa si Raffy sa kwento niya habang nahihiya naman si Jeron doon. Hindi na naman siya makatingin sa akin. "Ginawa mo talaga yun?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Naku, nakakatakot ka rin pala, Jeron!" "Ang sweet mo naman pala, Kuya Jeron!" ani Claire. Kumikinang na ang mga mata niya kaya alam ko na agad ang nasa utak niya ngayon. Sure ako na kinikilig na yan ngayon sa ginawa ni Jeron para kay Raffy. Number one BL fan lang naman itong best friend ko kaya alam ko na kaagad kung ano ang tumatakbo sa pasaway na utak niya ngayon. "Sanaol sweet!" "Bihira namang mangyari yun," sagot naman ni Jeron na napakamot na lang sa batok niya. "kapag napupuno lang talaga ako." "Eh 'di nakahanda ka rin talagang makipagsuntukan kay Larry," sita ko sa kanya. "May punto naman siya, Jeron. Kaya 'wag mo na masamain ang sinabi niya." "I know, I'm sorry," sagot niya naman kaagad. "Anyway, hindi ka pa nagugutom? Wala ka pang nakakain mula kagabi ng mawalan ka ng malay," sabi niya. "Nagugutom na nga ako eh. Ano'ng oras na ba? Sige, gusto kong kumain tapos chikahin niyo na rin ako kung ano ang nangyari kagabi pagkatapos kung mawalan ng malay," sabi ko. Nag-alangan sila doon, pero nagpumilit ako dahil gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyari. And base sa kwento nila, nagkaroon nga ng rambulan kagabi sa pagitan nina Jero, Larry, at ng Gregorio na yun na sumugod sa akin.  Narinig pala kasi ng mga kapitbahay ko ang malakas na sigaw ng Gregorio na yun nang pumasok siya sa bahay at tutukan ako ng baril sa ulo ko. May naglakas ng loob nga raw na sumilip sa bintana kung ano ang nangyayari, at nang makita nitong may taong hindi niya kilala na nakatutok ang baril sa akin, kaagad daw itong kumaripas ng takbo at nagsumbong sa iba pa naming kapitbahay. Sakto naman daw na napadaan si Larry sakay ng motor niya kaya tinawag siya ng mga kapitbahay ko para tulungan ako. Tapos nakabalik na rin si Jeron mula kina Raffy, kaya sabay na silang pumasok ng bahay. At nang makita nila kung ano ang nangyayari sa akin, nagkalabo-labo na raw. Pinagtulungan nina Jeron at Larry na bugbugin ang rebeldeng iyon hanggang sa matumba ito sa sahig at mabitawan nito ang baril na hawak nito. Nagawa nila itong maigapos habang ang mga kapitbahay ko naman ay tumawag na rin ng pulis. Nang dulugan na ako ni Jeron, doon na nga raw ako nag-break down at nawalan ng malay. Nag-panic pa nga raw si Jeron dahil akala niya may tama na ako ng bala, kaya dali-dali nila akong itinakbo rito sa Municipal Health Center. Dinala naman sa Police Station ang Gregorio na yun at doon nasa kanila na nga ang custody sa lalaking iyon. And of course, kalat na kalat na sa buong San Policarpio (at sa Talisay na rin) ang nangyari sa akin. Nasabihan na rin sina Nanay at Kuya Kris sa nangyari, at nasa biyahe na nga raw si Nanay para kumustahin ako.  Grabe talaga ng mga nangyari. Never, ever, in my wildest dreams na maiisip ko na darating ako sa puntong ito--- na isa akong biktima ng muntik nang maging isang assault. Hindi mabura sa utak ko ang itsura ko kagabi... Nakasalampak sa sahig habang ramdam ko sa noo ko ang lamig ng dulo ng baril niya. Wala akong kalaban-laban, at wala akong magawa kung 'di ang magdasal. Totoo rin pala talaga na kapag may near-death experience ka ay magpa-flash sa utak mo ang buong buhay mo... and personally, iyon ang dahilan kung bakit hindi ko pa gustong mamatay nong mga oras na iyon dahil hindi pa ako kuntento sa nakita ko sa flashes ng buhay ko sa utak ko. Ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang gustong maranasan. Ang dami ko pang gustong puntahan. At gusto ko pang makasama ang mga mahal ko sa buhay.  *** Nakatulog ulit ako pagkatapos kong kumain. Pagkagising ko, si Jeron na lang ang kasama ko. Binalita niya sa aking malapit na raw si Nanay. Walong oras din kasi ang biyahe mula Maynila papunta rito, so ini-expect ko na mamayang gabi pa makakarating si Nanay. Tumawag na rin daw si Kuya Kris, kaya lang hindi na raw ako pinagising kay Jeron. Sila na lang daw ang nag-usap. "Ano'ng sabi sa 'yo ni Kuya?" curious kong tanong kay Jeron. Naglalakad na kami palabas ng kwarto dahil okay na ako. Na-check up na ako kanina at wala namang nakitang masama sa akin. "Don't tell me uuwi rin siya? Kasi yan na talaga ang himala." "Gustong-gustong umuwi ng Kuya mo para makita ka," sabi naman ni Jeron. "Pero hindi siya pinayagan ng boss niya. Sabi niya pa nga ay baka mag-resign siya." "Ha? Huwag naman!" "Galit na galit kaya ang Kuya mo sa boss niya, Sheina. Paano ba naman, loyal daw siya sa trabaho niya. Binibigay niya naman daw ang best niya at marami na siyang nagawang sakripisyo para sa trabaho niya. Kumbaga halos hindi na nga raw siya umuwi sa bahay nila dahil sa trabaho niya. Pinag-aawayan na nga raw nilang mag-asawa ang tungkol diyan. Tapos ngayong may emergency nga tungkol sa 'yo, hindi man lang siya mapayagang mapuntahan at madalaw ka kahit ilang araw lang." "Pero hindi niya naman kailangang mag-resign lalo na kung wala pa siyang ibang mapapasukan." "Don't worry, babe, sabi naman ng Kuya mo ay may nagha-hire na sa kanyang ibang restaurant. Pero yun nga, hindi na siya makakauwi rito dahil hindi siya napayagan. Sana hindi ka magalit sa kanya." Umiling ako. "Hindi ako galit sa kanya. Lalo na at ganyan pala ang sitwasyon niya. Kaya pala hindi siya maka-reply sa akin. Malamang iyong free time niya ay itinutulog na lang niya." "Kaya nga. Ang bait aty ang sipag ng Kuya mo, Sheina. Kaya naaawa rin ako. Kaya nga para mapagaan ang loob niya, nangako akong ako na muna ang bahala sa 'yo rito," sabi niya sa akin na nakangisi pa. "Wag ka nang mag-alala sa Kuya mo." "Hindi naman ako nag-aalala para sa kanya. Tulad ko, madiskarte si Kuya. At saka palaban yan siya. Mas nag-aalala pa nga ako sa paraan ng pagngisi mo eh. Para kasing may hindi ka pa sinasabi sa akin." Kumunot ang noo niya na para bang hindi halata sa mukha niya na may tinatago nga siya. "Wala ah. Wala akong tinatago sa 'yo ah." "Weh? Mamatey? Tignan mo nga, basang-basa ko sa mukha mo na may hindi ka pa sa akin sinasabi," sagot ko. Nagtataka talaga ako kung ano iyang ngini-ngisi ngisi niya na nagpaliwanag ng buo niyang mukha. Feeling ko talaga may sinasabi sa kanya si Kuya Kris kaya siya ganito. Baka may ibinuking sa kanya ang kapatid kong yun. Nakauwi na lang kami sa bahay ay ayaw niyang aminin sa akin kung ano man iyong alam niya na hindi niya pa sinasabi sa akin. Hindi ko na rin ipinilit pang sabihin niya dahil baka para lang iyon sa kanilang dalawa ni Kuya Kris. Minsan kasi may mga ganun ang mga lalaki. Nagpahinga na lang ako habang sinamahan naman ako ni Jeron habang wala pa si Nanay. Gabi na ulit. At kahit na kasama ko ngayon dito sa bahay si Jeron, kinakabahan pa rin ako kahit paano. Hindi ko kasi alam kung may susugod pa ba sa amin dito o ano. Ang tahimik pa naman ni Jeron. May binabasa kasi siyang medical papers sa phone niya habang katabi niya ako na nanonood naman ng tv.  Ang dami ko ngayong iniisip, at hindi ko na talaga kaya. Nag-share na ako kay Jeron. "Alam mo ba, bago dumating dito 'yung Gregorio na yun, at ikaw na rin, nakita ko ang Tatay ko." Natigilan si Jeron. "Really?" "Yes," sabi ko at kinuwento ko na sa kanya ang nangyari kahapon habang nagsasampay ako ng mga damit. "Nagula ako, Jeron. Sa utak ko kasi, patay na siya. Alam mo yun? Wala kasi akong balita sa kanya eh. Hindi ko alam kung nasaan siya talaga. Nabanggit na sa akin ni Nanay ang tungkol sa pagiging NPA niya, pero dahil nga hindi ko naman nakausap ang tatay ko tungkol doon, puro haka-haka lang iyon hanggang ngayon." "Pero Sheina, 'yung Gregorio na yun---" "I know," malungkot na sagot ko sabay tango. "YUng Gregorio ang nagpatunay na totoo nga ang sinabi sa akin ni Nanay noon. Na m,iyembro ng NPA si Tatay. At ngayon, mukhang nasa panganib siya, Jeron. Dahil gusto siyang patayin ng Gregorio na yun." "Sheina... You don't have to share that if you're not comfortable." "Hindi, Jeron. I think bilang boyfriend ko, kailangang malaman mo kung ano'ng klaseng ama ang meron ako. Isa siyang rebelde. Isang terorista. Malaki ang chance na mapahamak ka rin kapag pinagpatuloy natin ang relasyong ito. Kaya Jeron, maganda siguro na maghiwalay na lang tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD