Kabanata 32

1185 Words
SHEINA "Nagpunta ako rito para sabihing sasama ako mamaya sa Malvar para bantayan si LJ." Kung pwede lang na pictyuran ko siya habang pinapanood ko ang reaction niya nang sinabi ko yun, gagawin ko talaga. Napaka-epic kasi ng facial expression niya ngayon. Parang hindi siya makapag-decide kung matutuwa ba siya o maiinis sa sinabi ko. "You what?" sagot niyang nalilito pa nga. "Babe, are you sure?" Tumango ako. "Bakit, bawal ba?" "Ah, eh kasi babe, isa lang ang allowed na bantay sa ospital---" "Kahit na nasa private room siya?" tanong ko pa dahil feeling ko ayaw akong sumama ni Jeron doon sa best friend niya. "Di ba siya lang naman ang nasa room niya kaya pwedeng-pwede ang kahit sino doon?" "I think pwede naman siguro," sagot niya na lang. "Pero bakit gusto mong sumama sa akin, babe? Hindi ka ba masasamahan ni Claire mamaya? Perhaps natatakot ka nang mag-isa doon sa bahay niyo ngayon?" "Hindi naman yun. Curious lang ako diyan kay Louise Jane. Gusto ko rin siyang makilala, 'no. Ayaw mo bang magkakilala kami?" tanong ko pa at parang namula na naman ang buong mukha niya doon sa sinabi ko. "Hindi ba tama lang naman na makilala ng girlfriend mo ang girl best friend mo?" "Ah... oo naman... Tama naman yun," sabi niya per parang malalim na agad ang iniisip niya. "Gusto ka rin namang makilala ni LJ." "Talaga? Mabuti naman, dahil kung best frined mo siya, importante siya sa buhay mo, right? Kaya tama lang na makilala ko rin siya. O siya, dumaan lang naman ako rito para sabihin yan, para daanan mo ako sa bahay. Uuwi na ako. Di ka pa ba uuwi? May gagawin ka pa rito?" "Ah, eh kailangan ko pang pumunta kay Kapitana," sagot niya naman.  Kumunot ang noo ko doon. "Ano naman ang gagawin mo doon kina Kapitana?" "May importante raw siyang sasabihin eh. Niyaya niya nga akong sa kanila na rin daw mag-dinner, pero siyempre tumanggi ako dahil kailangan kong magpunta sa Malvar kaagad." "Tungkol naman kaya saan ang sasabihan niya?" tanong ko. "Don't tell me, tungkol pa rin ito kay Ligaya? Nila-love ka pa rin ba niya doon sa echusera niyang anak?" Umiling si Jeron. "Hindi yata tungkol diyan ang pag-uusapan namin, babe. At kung yan man ang agenda niya, hindi rin naman ako interesado." "Aba, dapat lang 'no!" Natawa na siya. Nawala na ang nerbiyos na halata kanina sa buong mukha niya. "Sinabi ko namang may lakad pa ako kaya hindi ako magtatagal. Kaya don't worry too much about it, babe. Pero mauna ka na babe para makapaghanda ka. Magdala ka ng extra clothes and 'yung essentials mo, ha. Pati maliit na unan at extra kumot, para hindi ka mahirapan. Malamig din ang aircon doon, kaya magdala ka rin ng sweater." "Okay sige," sabi ko at natameme pa ako ng halikan niya ako sa noo pagkatapos niyang magsalita. Nahiya naman ako bigla dahil nakita iyon ni Ehra na nasa may pinto lang at nagwawalis. Napahagikhik pa nga ang kababata ko sa nakita niya. Pulang-pula tuloy ang mukha ko nang umuwi ako sa bahay. Meanwhile, habang naghihintay ako sa pag-uwi ni Jeron, tinawagan ko na rin si Claire na hindi na muna matutuloy ang overnight namin dito sa bahay mamaya dahil nga sasama na ako kay Jeron. Bumilib pa nga siya sa akin sa ginawa ko, dahil tanda raw yun na hindi ako nagpapaapi doon sa best friend niya. Sabi pa nga niya, magsumbong lang daw ako sa kanya kung kailangan ko ng resback, dahil siya raw ang unang sasabunot doon kay LJ kapag tinarayan daw ako nito. Natawa na lang ako dahil hindi ko naman kailangan ng backup. Confident naman ako sa sarili ko na matatapatan ko 'yung babaeng yun in case na maldita pala yon. Nag-aayos na ako ng mga dadalhin ko ng may kumakatok na sa labas. Nagtaka ako kung sino ito dahil hindi siya si Jeron. Hindi naman na kumakatok ang lalaking yun. At nang tingnan ko kung sino ang wala sa oras na bisita ko, natigilan ako nang makitang si Larry pala iyon. "O, bakit ka nandito?" prangkang tanong ko na sa kanya. Hindi ko na rin siya pinapasok sa bahay dahil ano mang oras ay uuwi na si Jeron galing kina Kapitana.  Tumikhim pa siya bago nagsalita. "Narinig ko kasi ang balita na hindi irot natulog si Jeron kagabi. Nalaman ko rin kina Morrie kanina na sa Malvar siya nagpapalipas ng gabi sa ospital dahil may kakilala siyang nandoo. Totoo ba yun?" Tumango ako. "Tama ka ng narinig. At ano naman ang tungkol doon? Bakit mo tinatanonmg ang tungkol doon?" "Sheina, iniwan ka ng nobyo mo rito nang mag-isa kagabi, kahit na delikado para sa 'yo. Hindi mo ba nakikita kung ano ang mali doon?" "Larry, kung nandito ka para sumbatan ako, o ipamukha sa akin na mali ako ng piniling lalaki dahil doon sa nangyari kagabi, well, bad news, hindi importante sa akin yun. Oo, nagtampo rin ako sa ginawa niya, pero maayos na kami ngayon." Mukhang gusto pa akong pangaralan ni Larry pero pinigilan na lang din niya yata ang sarili niya. "Look, Sheina. Hindi ako nagpunta rito para makipag-away sa 'yo. I know may mga nasabi ako noong huling beses tayong nagkausap, at pinagsisihan ko na yun ngayon. Hindi ko dapat sinabi ang mga yun. Kaya nagpunta rin ako dito para humingi ng sorry sa 'yo." Natahimik muna kaming dalawa ng ilang segundo bago ako tumango sa sinabi niya. "Pinapatawad na kita. Pero sa totoo lang, ako naman talaga iyong mali kaya hindi mo naman kailangang humingi ng tawad sa akin---" "Kahit na, Sheina. Ayoko kasing masira ng tuluyan ang pagkakaibigan natin. Yun na lang ang mayroon tayo, kaya hindi naman ako papayag na mawala pa yun sa akin." Lumambot naman ang puso ko doon sa sinabi niya. Mukha kasing sincere naman siya sa pakikipagbati niya sa akin ngayon, kaya hindi na rin ako mag-iinarte pa. "Ako rin naman, Larry. Ayoko naman sana na magkasira tayo. Pero tanggap ko naman kung disappointed ka sa ginawa ko, dahil kahit ako mismo, disappointed din sa ginawa ko. Kaya nga sobrang nagi-guilty ako doon." "Kalimutan na lang siguro natin ang tungkol doonm," sagot niya naman na napakamot pa sa batok niya. "Lalo na at mukhang okay naman kayo ni Jeron. Yun ba ang dahilan kung bakit ka niya iniwan dito kagabi? Nagtampo ba siya nang ganoon nang sabihin mo sa kanya ang totoo?" tanong niya naman na hindi ko masagot-sagot. Kaagad niya namang na-realize na hindi ko pa sinasabi kay Jeron ang nagawa ko. "Teka, hindi ka pa umaamin sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Sheina, hindi mo pa sinasabi sa kanya kung ano ang ginawa mo?" Sasagot na sana ako pero may naunang nagsalita. "Anong ginawa ni Sheina?" dinig kong tanong ng boses ni Jeron, at napansinghap ako sa kaba nang makita ko siyang naglalakad na papunta sa amin. Nagkatinginan sila mata sa mata, at pagkatapos, bumaling sa akin si Jeron na nalilito. "Babe, ano ang sinasabi ng lalaking 'to? Ano'ng ginawa mo?" Napalunok na lang ako ng laway, dahil mukhang ito na ang moment of truth naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD