Kabanata 19

2371 Words
SHEINA "...dito ka matulog sa kwarto ko..." Pagkasabi ko no'n ay nakita kong nanlaki ang mga mata ni Jeron sa akin. Para siyang batang na-surprise na may pasalubong pala sa kanya ang magulang niya. Pero kaagad niyang itinago ang saya sa mga mata niya at nag-poker face na ulit siya, pero huli na. Nakita ko na. Napangiti na lang ako dahil napakadaling mabasa ng emotions niya sa mukha niya. Hindi niya maitagong excited at shocked siya sa narinig niya mula sa akin. Doon ko napagtantong kahit gaano pa siya kabait, boys will be boys. Kuminang kasi ang mga mata niya sa mga sinabi ko eh. "R-Really?" bulong niya sa akin na para bang natatakot siya na may nakikinig sa amin ngayon tapos mahuli kami. "Gusto mo akong m-matulog dito sa kwarto mo? P-Pero hindi ba bawal pa dapat yun---?" "Ano ka ba, wala namang sisita sa atin ngayon dito. At saka ano bang iniisip mo, Jeron? Hindi tayo magchuchukchakan. Matutulog lang tayo, ano?" Napakamot siya sa ulo niya. "Ah... G-Ganun ba... Sorry..." Hindi na siya makatingin sa akin kaya natawa na ako nang bongga. Nahiya na siya nang tuluyan kaya napahalakhak na ako. Ang benta kasi noon sa akin. Iyon bang umasa siya agad tapos ngayon disappointed na siya na hindi nangyari ang akala niya ay mangyayari. Tapos pinipilit niyang iwaksi 'yung disappoint niya ngayon. "Wag ka nang mag-sorry. Hindi naman ako galit. At saka 'wag ka na umacting diyan na hindi ka disappointed." "Hindi naman ako disappointed, siguro napangunahan lang agad ng utak ko 'yung sinabi mo---" "Ganoon na rin yun," natatawa ko pa ring sabi. "Pero ikaw ha," tudyo ko sabay sundot sa braso niya. "Gusto mo nang may mangyari agad sa atin? Hindi pa nga tayo nag-iisang linggo eh." Napakamot siya sa ulo niya. "Sorry. I just assumed na yun ang gusto mong mangyari," nahihiyang sagot niya. "Coz I'm stupid like that." "Hindi ka stupid, Jeron. Naive siguro, pero hindi ka tanga." "Naive ba ako sa paningin mo?" nagtatakang tanong niya, tapos nagulat ako nang bigla siyang humiga sa tabi ko. Gusto ko nga sana siyang itulak palayo, pero mukhang tumaas ang confidence niya nang sabihin kong naive siya. Baka gusto niyang patanuyan sa akin na mali ako ng tingin sa kanya. Hindi naman ako natatakot na baka chansingan niya ako o ano, dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako babastusin. Pero ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko dahil na rin sa ito ang unang beses na may lalaking naging ganito ka-close sa akin. As in literal na close, dahil magkadikit na ngayon ang mga balat namin, dahil wala siyang iniwan na space sa pagitan namin. Yun nga lang, hindi niya naman ako hinahawakan o ano. Tuwid siyang nakahiga sa tabi ko at sa kisame pa nga siya nakatingin.  "I really don't think I'm naive, Sheina. Maybe I just lack experience." "Hindi ba pareho lang yun? At saka para sa akin, wala namang masama sa pagiging naive. It's a phase. Lahat naman tayo dumadaan sa ganoon. Natututo lang tayo as life happens." "I agree. And maybe you're right Sheina. Siguro nga naive ako. Kasi I acted like a stupid boyfriend. Alam mo ba kung ano ang iniisip ko ngayon?" Nagtaka ako doon. "Ano?" "Iniisip kong kailangan ko nang makauwi kina Raffy, tapos hindi na ako babalik dito. Magdadahilan na lang siguro ako na masakit ang tiyan ko o ang ulo ko para may excuse ako sa 'yo." Napatingin ako sa kanya. "Bakit naman ganyan ang iniisip mo? Bakit parang iwas na iwas ka naman sa akin?" "I also don't know," pag-amin niya kasabay ng pagbuntong hininga niya. "Maybe that's why I need to agree with you na baka nga naive ako. Kasi malamang, kung ibang lalaki ang nandito ngayon sa tabi mo, hindi ganoon ang iisipin niya. Bakit nga ba kita iiwan dito?" "Oo, bakit nga ba?" "Maybe I am scared that I will not be able to control myself," sagot niya. "Yun siguro. Baka deep inside of me, kahit na hindi ako ganoong klase ng lalaki, baka gusto ko ring gawin yun. Twenty eight na kasi ako, Sheina. It's the time of my life that I should be normally doing it." Napabangon ako sa sinabi niya. "Oo nga naman. Pero teka, Tama ba ang naiisip ko? Don't tell me virgin ka pa?" bulalas ko at nakita kong namumula na ang buong mukha ni Jeron. "Seryoso?" Tumango siyang nahihiya. "What if I am?" Hindi ako nakasagot agad doon. Hindi kasi ako makapaniwala. May tulad pa pala niya sa panahon ngayon? "You're too shocked. Maybe I shouldn't have told you about it." "Ah eh... Okay lang naman siguro. Natutunan naman yata ang alam mo na... love making. So 'di mo naman kailangan na ano... Na may experience ka na... Pero nagulat lang ako, Jeron. Kasi nga twenty eight ka na tapos virgin ka pa? Ilan ba ang naging girlfriend mo at bakit walang nangyari sa inyo?" Natawa siya doon. "I only have one ex, and that was way back in high school pa." "Ah... Kaya naman pala. Eh 'di malaki nga ang chance na wala pang nangyayari sa inyo noon kasi pa-tweetums pa lang naman kapag high school lalo na sa generation mo. At saka kung ganito ka na ka-shy ngayon, how much more noon teenager ka pa?"  Malapad na ang ngiti niya ngayon sa akin. Nakahinga rin ako nang maluwag doon dahil baka na-offend ko na siya o ano. Mabuti naman at okay lang pala sa kanya ang naging takbo ang usapan namin ngayon. Kahit ako rin naman kasi ay naiilang sa topic namin, pero na-realize ko rin na dapat pinag-uusapan namin ito. Hindi lang titibay ang tiwala namin sa isa't-isa, mas makikilala pa namin at mas malalaman namin ang mga katangian naming dalawa. "You know, Sheina, I came from a family of very devout Catholics. My father has two brothers who are priests. While my mother grew up in a convent in Cebu. Kaya naman lumaki ako na masyadong pinahahalagahan ang values and virtues ng isang Catholic lifestyle, and the like... Proud ako doon sa background ko, but you know, it has also its own setbacks. Tulad na nga lang ng alam mo na... Twenty eight na ako and I am still a virgin." "Eh mukha naman kasing choice mo rin naman yan. Hula ko naman eh kung gugustuhin mo rin talaga ay nagawa mo na yun." "Yes, you could say that." "O 'di ba? So I think, okay lang yan. At saka ako rin naman. No boyfriend since birth kaya ko. So talagang zero experience here." "So pareho pala tayong baguhan pagdating sa relasyon, Sheina." Tumango ako. "Exciting nga eh. Kasi parang naga-adventure lang tayo, 'di ba?" "Pwede," ngisi niya sa akin, tapos hinila niya ako nang marahan pahiga ulit. So magkatabi na ulit kami ngayon. Ang pagkakaiba nga lang this time ay niyakap na niya ako nang mahigpit. Nakasubsob na ang mukha niya sa leeg ko at napaka-intimate noon para sa akin. Hindi niya naman kasi sinisipsip o sinisinghot ang leeg ko eh... Parang gusto niya lang mamalagi doon. "Sheina, when are we going to do it? Do you a have a shcedule?" marahang tanong niya sa akin. "Do you want us to to wait? Tell me, so that I can let it sink in on my mind. I want to respect your decision, so magandang malaman ko na yun ngayon." Hindi ko iyon inaasahan. Naloka ako sa part na nagtatanong siya kung kailan kami pwedeng mag-s*x. Para kasing hindi naman ito normal na tinatanong sa jowa mo eh. O baka natatanong naman talaga ito at hindi ko lang alam dahil nga wala naman akong jowang magtatanong sa akin nito noon. Pero ngayon, meron na. "Wala naman akong panata o hinihintay na oras, Jeron. Don't worry, hindi naman kita paghihintayin nang matagal. Gusto ko rin ma-experience yun, ano? Kaya hindi mo kailangang mag-alala na baka abutan ka ng trenta na virgin ka pa," biro ko at ang lakas ng tawa niya doon. "Ang tanging kundisyon ko lang siguro ay 'wag natin gawin dito sa bahay. Utang na loob lang Jeron, ayokong multuhin ng Lola ko." "Okay, noted." "At saka 'wag muna ngayon. Bago palang tayo eh." "Yes, I agree. I also don't want to do it now dahil pakiramdam ko hindi pa tayo sanay sa isa't isa. Baka pagsisihan lang natin eh. Mas maganda iyong kapag ginawa na natin ay confident na tayo sa isa't isa." "Yes, Jeron. Yan nga rin ang nararamdaman ko. Mabuti naman at pareho tayo ng opinion diyan." "Yun nga lang, lalaki pa rin ako, Sheina. I will still feel urges, and I will still want to do it. Pero promise ko sa 'yo na pipigilan ko ang sarili ko para hindi tayo magsisi sa huli. Ayoko rin na ma-disappoint sa akin ang Nanay at Kuya mo." Napabalikwas na naman ako ng bangon dahil sa narinig ko. "Wait, nakausap mo sila?" Tumango siya. "Kanina bago ako magpunta rito ay tinawagan ako ng Kuya Kris mo. Tapos ng Nanay mo." "Ha? Eh saan nila nakuha ang number mo?" "In-add ako ni Kuya Kris sa f******k tapos doon niya ako chinat at sinabihang tatawag daw siya. Natakot nga ako eh. Akala ko kasi ayaw niya sa akin para sa 'yo tapos sasabihan niya akong layuan ka. Mabuti naman at hindi pala iyon ang pakay niya. Ang sabi niya lang ay magpakasal daw muna tayo bago kita bigyan ng anak." Pulang-pula na naman ang mukha ko ngayon. "Si Kuya talaga! Napakaepal niya talaga kahit kailan! Hindi niya naman kailangang tumawag pa sa 'yo lalo na at hindi mo ako kasama nang tumawag siya!" Gusto ko talaga manapak ng nakakatandang kapatid ngayon. Talagang napakalakas ng loob ng kapatid kong iyon! Tinawagan niya pa talaga si Jeron ng hindi ko alam! "Hayaan mo na, mabuti nga at kinausap nila ako agad, Sheina. At least ngayon official na tayo sa pamilya mo." Kinalma ko na rin ang sarili ko. "Eh ano pa nga ba ang magagawa ko? Ang gusto ko sana ay makausap ka muna nila nang personal. Pero sige, okay na rin ang nangyari para hindi ka na rin mahirapan. Although botong-boto sila sa 'yo kaya hindi ka talaga mahihirapan." Halata sa masayang mukha ni Jeron ngayon na importante sa kanya ang approval ng pamilya ko, kaya masaya rin ako para sa kanya. Sa sobrang nerbiyoso niya ba naman, hindi na ako magtataka kung napadasal pa siya ng novena para lang magustuhan siya nina Nanay at Kuya Kris. "Hayaan mo, Sheina. Kapag may chance ako, ipakikilala rin kita agad sa parents ko. Matutuwa yun sila na makilala ka na rin. Ang tagal na kasi nila akong tinatanong kung kailan daw ba ako magkaka-girlfriend. Kaya hindi nila palalampasin na makilala ka nila agad." "Grabe, oo nga 'no. Kung since maghiwalay kayo ng ex mo noong high school ay wala ka ng naging ibang jowa, magtatanong nga talaga sila sa 'yo palagi. Magtataka talaga sila." "Hindi mo lang alam pero palagi 'yang dasal ni Mommy. Si Daddy naman, hindi niya ako kinukulit, pero kapag nasa bahay ako, iyon ang gusto niyang topic." "Talaga? Eh ano ang sinasabi mo kapag nagtatanong sila?" "Wala. Nasanay naman na sila sa akin na hindi ako nagpapaimpluwensya sa iba. Saka galing akong Med School. Naging busy ako sa studies ko and the internship kaya alam nilang wala talaga akong time na maghanap ng love life." "Eh ngayong nandito ka na, sa tingin mo ba magugulat sila kapag malaman nilang may jowa ka na?" "Alam na nila," sagot ni Jeron at hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako doon. "Nakita nila iyong relationship status natin." "Ah oo nga pala. So ano ang reaction nila?" "Gusto ka nilang makilala," aniya. "Pero dahil malayo nga rito, baka matagalan pa bago mo sila makilala in person. Pero excited na silang makilala ka. Lalo na si Mommy. Ang sabi niya, curious daw siya sa 'yo." "Curious? Bakit naman?" may nerbiyos na sa tinig kong tanong kay Jeron. HIndi ko kasi alam kung dapat ba akong kabahan sa Mommy niya na curious ito sa akin o dapat kong ikatuwa iyon. "Gusto lang malaman ni Mommy kung sino ka, kasi hindi nga naman madali ang feat na nagawa mo sa mga mata nila. Dahil sa 'yo, nagkaroon na ng girlfriend ang anak nila after a long time. Matatapos na ang araw-araw nilang padasal sa akin." "Grabe sa padasal," sagot kong natatawa pa rin kahit na natatakot rin ako na baka kapag makilala na ako ng pamilya ni Jeron ay baka ma-disappoint sila sa akin. Pero yun ay kung umabot pa kami sa point na kailangan ko pa silang makilala nang personal. Hopefully naman sana ay nasa Canada na ako by that time. "Magugustuhan ka nila. Don't worry, kinuwento na kita sa kanila. Masaya naman sila sa narinig nila about you." "Thank you," bulong ko sa tenga niya. Aaminin ko, nakakakilig na ginawa niya yun para sa akin. At sana nga magustuhan ako ng pamilya niya, dahil masakit iyon kapag ayaw pala nila sa akin, 'di ba. Kahit naman malalayo ako kay Jeron kinalaunan, gusto ko na goods ako sa lahat ng taong nakapalibot sa amin.  Naramdaman kong gumalaw si Jeron. Nakatingin na pala ulit siya sa akin. "Kailangan ko nang bumalik kina Raffy para kumuha ng damit. Para na rin makatulog na tayo." "Ah, oo nga pala," sabi kong nakalimutan na ang tungkol doon. Dali-dali akong tumayo at sinamahan ko siya hanggang sa may pinto. Hindi pa naman masyadong malalim ang gabi, pero tahimik na ang buong San Policarpio. Sure akong wala ng tao sa labas, kaya nag-aalala rin ako para kay Jeron. Pinanood ko siyang maglakad sa labas hanggang sa hindi ko na siya makita.  Medyo natagalan si Jeron. Ang text niya sa akin ay nagpatulong pa raw si Raffy sa isang bagay. Hindi naman ako nainip, pero dahil mag-isa na naman ako, naalala ko kaagad ang Tatay ko. Naging emotional na naman ako. Mabuti na lang at may kumatok sa pinto, kaya pinagbuksan ko na iyon. Ngunit ang akala ko ay si Jeron na nakabalik na ay hindi pala. May lalaking matangkad ang nasa harap ko ngayon, at muntik na akong mapasigaw nang makita kong may hawak siyang baril!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD