SHEINA Alam kong maaaring katangahan ang gagawin ko, pero kaagad akong pumayag sa gustong mangyari ni Jeron. Gusto ko ngang magmura eh. Gusto kong sumigaw nang pagkalakas-lakas kasi sobrang intense naman nitong nangyayari ngayon sa aming dalawa. Pero kahit ang pagsigaw ay hindi ko nga pwedeng gawin ngayon dahil maririnig ako nina Kuya Kris. "J-Jeron, seryoso ka ba sa sinasabi mo?" tanong ko na lang kahit na nanginginig na ang mga kamay ko sa nerbiyos ngayon. "Magtatanan tayo?" bulong ko pa. Nasa loob na ako ng cubicle sa cr ngayon pero hininaan ko pa rin ang boses ko. Takot na takot kasiu akong baka may makarinig sa plano naming gawin ni Jeron at baka maudlot pa. "Yes, babe. Wala akong choice, eh. Pinagkaisahan tayo ng mga pamilya natin. Hindi nila gustong magkatuluyan tayo, kaya kail

