Kabanata 9

2212 Words
SHEINA Sinong mag-aakala na darating ang araw na matutuwa ako nang bongga rito kay Larry? Aba, eh kung ganito lang siya palagi ay baka maging matalik na kaibigan ko pa siya. Hindi kasi ako makapaniwalang niyaya niya ako sa isang job fair na matagal ko na ring gustong mapuntahan. At hindi lang yun, tinulungan niya pa akong makagawa ng requirements tulad ng resume at IDs. May motor din siya kaya hindi na kami nag-commute. As in pagpunta ko na lang talaga ang kailangan! Yun nga lang, medyo awkward sa part na sumakay sa motor niya dahil ang tingin ko talaga sa mga motor ay pang magjowa na sasakyan. Napaka-sensual kasing tingnan kapag naka-angkas ang isang babae sa motor ng isang lalaki dahil siyempre hahawak siya sa nagmamaneho, and in my case ay si Larry. Baka kapag makita kami ng mga kakilala namin ay isipin nilang magjowa na kami! Ayokong ma-issue 'no? At saka baka kasi isipin niyang may something na sa amin dahil doon, pero aarte pa ba ako eh eto na rin ang pinakahihintay kong chance na makapag-abroad? Maaga kaming nakarating sa convention center kung saan ginaganap ang job fair pero ang haba na agad ng pila para sa registration. Inalok pa ako ni Larry na siya raw ang magbabayad sa registration ko, pero umayaw ako. May pera naman ako, at ayoko talagang nagpapalibre sa lalaki lalo na sa vocal sa akin na may gusto siya sa akin. "Ano'ng balak mong apply-an pala, Larry?" curious na tanong ko sa kanya habang naghihintay kami sa turn namin sa pila. "Hindi ko pa pala alam kung ano ang gusto mong pasukin na field." "Criminology graduate ako, kaya baka sa security services ako mag-apply. Meron naman sa Canada eh. Kaya doon na lang ako." "Aba, ayos yan. At least kung pareho tayong makapasa eh may kakilala na tayo roon agad." "Kaya lang ayaw ng parents ko na mag-abroad ako, kaya kahit yata matanggap ako ay malamang hindi rin ako makakaalis." Lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano? Eh bakit naman ayaw nila na umalis ka? Ayaw nila yun? Magkakaroon sila ng anak na nakapangibang bansa?" "Hindi naman nila kailangan na magtrabaho ako. May mga lupain naman kami 'di ba, at dahil nag-iisang anak lang ako ay walang mag-aasikaso sa mga yun kapag umalis ako. Lalo na ang mga manok ng tatay ko. Gusto niya na ako mag-manage sa farm niya na yun kapag hindi na niya kaya." Natigilan ako saglit doon dahil ngayon ko lang na-realize na may mga pinagdadaanan din pala ang lalaking ito. Oo nga naman, ang hirap din siguro ng sitwasyon niya. Biruin mo, hindi niya magawang umalis ng bahay nila dahil siya lang ang anak ng mga magulang niya. Wala silang katuwang sa buhay kung hindi siya. Eh paano pala kung gusto niyang manirahan sa siyudad? O paano nga kung pangarap niya palang makapag-abroad? Kahit naman hindi siya pigilan ng mga magulang niya ay magi-guilty rin siya na iwan ang mga ito dahil mga magulang niya yun eh. Nalungkot tuloy ako bigla sa mga naisip ko. "O, bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Hindi ka naman siguro naaawa sa akin, ano, Sheina?" "Huh? Ah eh, nalungkot lang siguro ako sa mga sinabi mo." "Wag kang malungkot. Masaya rin naman ang buhay ko dahil hindi naman kami kinakapos. Yun nga lang, hindi ako makakaalis ng San Policarpio hangga't nandiyan ang mga magulang ko. Maliban na lang siguro kapag nakapag-asawa na ako. Baka maging mas maluwag na sila sa akin lalo na kung may anak na ako at doon na nakatuon ang buong atensiyon nila." "Wow, kaya ba parang nagmamadali ka ng mag-asawa? Kasi gusto mong hindi na maging mahigpit sa 'yo ang mga magulang mo?" "Bonus na lang yun. Pero isa yun sa mga gusto kong mangyari." Umurong bigla ang awa ko sa kanya. Eh gusto niya lang naman palang makalaya sa mga magulang niya eh. Nakakaloka talaga itong si Larry. Minsan gusto kong itikom niya na lang ang bibig niya eh. "Pero teka nga Larry, 'di ba naalala ko sa Manila ka nag-aral ng college? Tapos nag-stay ka pa doon ng ilang taon, kaya ang alam ko pinayagan ka naman nilang malayo sa kanila." Para naman siyang nabigla sa binanggit ko kaya alam kong napaka-fake news din talaga nitong lalaking ito. Kung inaakala niyang magiging effective ang mga pagpapaawa niya para lumambot ako sa kanya, aba eh nagkakamali siya. Matalas yata ang memorya ko 'no. "Ah... Yun ba... Oo doon nga ako nag-aral. Dahil nga doon ay nagkatampuhan kami ng tatay ko nang matagal... Palagi nila akong pinapauwi. Lalo na nang malaman nila na nahihirapan ako sa kurso ko, pinalilipat na lang nila ako nun ng kurso eh." Narinig ko nga ang tungkol doon sa mga chismosa kong kapitbahay noon. Ang kumalat noon na balita ay nahimatay raw si Larry noon sa field, at dinala sa ospital. Hindi na ako nagulat dahil may mga ganun talaga sa Criminology minsan. Taranta na lumuwas ng Maynila ang mga magulang niya. Simula siguro noon ay nagkaroon na ng takot ang mga magulang niya na mawalay ulit sa anak nila. "Eh paano pala kung pumasa ka ngayon sa interview at hindi ka na naman nila payagang umalis? Ano ang gagawin mo, Larry?" interesado kong tanong.  Nagkibit-balikat lang siya. "Eh 'di hindi ako aalis. Nag-apply lang naman ako ngayon talaga dahil gusto kitang samahan dito."  Nawindang naman ako doon sa naging sagot niya. "Teka, ibig sabihin ay parang sinamahan mo lang ako?" Hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil tinawag na kami ng staff ng job fair. Nagkahiwalay na kami ni Larry dahil nagpunta na siya sa booth ng trabahong gusto niyang applayan at ganun din ako. Okay naman ang interview. Feeling ko naman ay nasagot ko nang maayos ang mga tanong ng interviewer. At saka may experience na rin naman ako doon sa dati kong trabaho at kumpleto ako sa requirements, kaya confident ako na lumabas ng booth. "Kumusta ang interview?" tanong ni Larry sa akin pagkalabas ko ng booth. "Pasado?" Tumango ako. "For training na ako!" masayang sagot ko. Natuwa doon si Larry at niyakap ako. Hindi naman ako nakapaghanda na umiwas kaya wala akong nagawa kung hindi yumakap na lang din. "Eh ikaw, pumasa ka ba?" "Yes, pero hindi naman ako tutuloy." "Ha? Bakit naman? Dahil pa rin ba ito sa parents mo?" Umiling siya. "Ayaw ko lang sa company. Anyway, congrats, Sheina! Ngayon, makakapag-abroad ka na!" "Hindi pa agad-agad. mag-training daw muna kami ng six months. Dito lang din. May school naman daw dito kung saan kami magtri-training kaming mga nakapasa na. Ang problema nga lang, siyempre may bayad iyon. Mukhang kailangan kong kumayod-kalabaw na naman neto." "Pwede naman kitang pahiramin ng pera," alok niya agad. "Bakit? Pera mo ba yan o pera yan na galing sa magulang mo?" Napakunot ang noo niya sa tanong ko. "Does it matter kung saan galing ang pera, Sheina?" "Sa akin, oo. Kasi ayokong humiram ng pera na galing sa ibang tao. Kung siguro ay mismong pinaghirapan mo yan, baka tanggapin ko pa. Pero hindi naman eh. Nakakahiya sa mga magulang mo. Wag kang mag-alala. Magagawan ko 'to ng paraan. Ako pa ba?" Parang gusto pa niyang magsalita, pero hindi niya na rin inituloy. Siguro naisip niyang kahit ano'ng klaseng pangungumbinsi ang gawin niya ay hindi ko pa rin tatanggapin ang alok niya kaya hindi na siya nagpumilit pa. Ang narinig ko lang sa kanya ay ang mga salitang 'kung alam mo lang,' na hindi ko rin naman na-gets kung ano ang ibig sabihin nun.  "Ang mabuti pa, kung gusto mo talaga akong mapagbigyan, Larry, ay ilibre mo nga ako ng meryenda. Kanina pa ako nagugutom dahil hindi naman ako nakapag-almusal," sabi ko na lang dahil nagi-guilty rin naman ako kahit papano na sinamahan niya na nga ako rito sa job fair ay napakaarte ko pa.  Nagliwanag naman ang mga mata niya sa narinig niya at dali-dali kaming umalis ng convention center para magmeryenda sa isang sikat na kainan dito sa bayan na ito. Talisay ang name ng bayan na ito na ilang kilometro lang ang layo sa San Policarpio. Mas maunlad at mas malaki ito kaysa San Policarpio kaya maraming lugar dito na pwedeng pasyalan tulad na lang ng mga snack house na pinuntahan namin ngayon. Masaya kaming nagkukwentuhan ni Larry tungkol sa possibility na makapag-abroad ako sa Canada nang may mapansin ako. Gulat na gulat nga ako eh. Ang bilis din ng t***k ng puso ko. Paano ba namang hindi, pumasok lang naman dito sa snack house sina Jeron at Raffy! At ang mas nakaka-shock pa doon ay kasama nila si Ligaya! Kaagad din akong nakita ni Jeron, na nagulat din yata na nandito ako. Tapos nakita kong napatingin siya kay Larry na nasa tabi ko dito sa table namin, at hindi ko alam kung imagination ko lang ba iyon pero parang napatiim-bagang si Jeron na makitang kasama ko si Larry. Gusto kong isiping nagalit siya sa nakikita niya ngayon, pero ayoko nang mag-assume pagdating sa kanya. The last time na ginawa ko yun eh sinermunan niya ako. Yung akala ko ay magiging jowa ko ay sinermunan ako nang bongga, kaya nag-iwas na lang ako ngayon ng tingin.  Pero alam kong nakatingin pa rin siya sa akin dahil nararamdaman ko yun. Totoo pala yun? Iyong nararamdaman mo talaga na may nakatingin sa 'yo kahit na hindi ka naman nakatingin sa kanila para i-check. Kahit si Larry ay parang na-feel na iyong pagka-awkward ko sa sitywasyon. Bumulong pa nga siya sa akin para magtanong. "Nandito pala sila. Kasama pa si Ligaya. Sila na ba?" "Aba malay," mataray na sagot ko tapos binilisan ko pa ang pagnguya ko sa burger ko na kulay itim ang buns. "Bahala sila sa mga buhay nila." "Masyado ka namang galit. Hayaan mo na sila. Noon pa man, may hula na akong hindi ka makakasundo ng doktor na yan dahil magkaiba kayo ng mundo." "Grabe naman sa mundo, Larry. Hindi naman ako galing sa Encantadia." "Doktor siya. Mas paniniwalaan niya ang science. Habang ikaw ay faith healer. Mas focus ka doon sa 'faith.' Kaya magkaiba kayo. Yun ang ibig sabihin ko." "Alam ko," sabi kong nakanguso pa rin. Marahas ko ring sinipsip ang iced tea ko sa straw dahil ewan ko ba, bigla akong na-high blood sa sinabi ni Larry. Dahil ba totoo ang sinabi niya? Na hindi kami magkakasundo ni Jeron dahil magkaiba kami ng mundo? Nagmumuni-muni ako habang nainom sa iced tea ko nang marinig ko ang boses ng leader ng mga impaktang Chikadora Girls. "Hi, Larry! Nandito rin pala kayo! Nagdi-date kayo 'no? Kayo ha, palihim pa kayong nagdi-date..." tudyo sa amin ni Ligaya na lumapit pa talaga sa table namin. At dahil nasa bad mood ako ay pinatulan ko na ang hitad. "Bakit, kailangan ba naming ipagkalat sa buong San Policarpio kung ano ang ginagawa namin? Kailangan naka-broadcast?" Ngumuso sa akin si Ligaya. "Nagtatanong lang naman!" aniya. "Sige Larry, balik na ako sa table namin at nakakaistorbo na yata ako," dagdag niya pa in a pabebe voice na parang nagmula sa ipis.  "Buti naman alam mo," bulong ko rin pagkaalis niya. Napatingin ulit ako sa table nila at nakita kong nakatutok talaga sa akin si Jeron. Bumilis tuloy ulit ang t***k ng puso ko. Bakit ba kung makatitig siya ay parang siya ang Terminator at ako ang target niya? Nakakaloka naman ang lalaking ito! At saka bakit ba nandito siya at may time siyang makipag-date? Akala ko ba walang time ang mga doktor sa love life? Nang maubos ko na ang pagkain namin, nagyaya na akong umuwi na kami ni Larry ng San Policarpio. Ayoko na kasing makita pa ang pagmumukha nina Jeron at Ligaya. Naiirita lang ako. Pero siyempre, pinagtinginan nila kami nang maglakad na kami palabas ng snack house, lalo pa't inakbayan ako sa balikat ni Larry habang palabas kami. Gusto ko nga sanang magreklamo sa ginawa ni Larry, pero ayoko namang bigyan si Ligaya ng bagong eksena na ichichika niya sa buong bayan namin. Baka mauna pang makarating doon ang bagong headline kaysa sa amin. Baka pagdating namin sa bahay ay maririnig ko na ang mga buong-bulungan na ganito: 'Sheina, ayaw sa akbay ni Larry, siya pa ang maarte!' O di kaya ay 'Albularyong hilaw na si Sheina, nag-inarte sa snack house dahil inakbayan ng lalaki!' Mamamatay muna ako bago kumalat ang ganoong klase ng chismis. Sasampa na sana ako sa motor ni Larry nang mapagtanto ko na hindi ko pala dala ang phone ko. Kaya dali-dali akong bumalik sa loob ng snackhouse para balikan ang phone ko na malamang ay naiwan ko sa table namin kanina. Pero pagkapasok ko, nakaharang sina Jeron at Raffy sa may hallway, at nakatalikod sila mula sa akin kaya hindi nila ako nakikita. Nag-uusap silang dalawa at parang seryoso ang topic nila. Na ako pala. "Aminin mo na lang kasing nagseselos ka, Jeron. Nagseselos ka kay Larry. Hindi mo naman kailangang paiyakin si Ligaya. Ayun tuloy at umiiyak doon sa cr. Lagot ka kay Kapitana niyan." "It's not my fault na makulit siya," malamig namang sagot ni Jeron kay Raffy. "Kahit na 'no. Makulit nga si Ligaya at medyo taklesa, pero tama ba na sa kanya mo ibunton ang galit mo dahil lang nakita mong may ka-date na iba ang babaeng gusto mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD