Kabanata 46

1753 Words
SHEINA Namutla ako nang makita ko ang itsura niya. Hindi na kasi maipinta ang mukha ni Jeron habang nakatingin siya sa akin, tanda na narinig niya yata ang pinag-usapan namin ni Larry. Kaya naman kaagad ko siyang nilapitan dahil kung narinig niya ang pinag-usapan namin ni Larry, kailangan naming mag-usap nang masinsinan. "Jeron... N-Narinig mo ba ang usapan namin?" kinakabahang tanong ko sa kanya kahit technically ay wala naman akong nagawang kasalanan.  "Yes. Narinig ko lahat," sagot niya naman kaya napalunok ako ng laway. "And because I heard everything, we need to talk, Sheina. Tayong dalawa lang," sabi niya naman tapos tumingin kay Larry na nasa likod ko ngayon. Lumingon din tuloy ako kay Larry at nakita ko namang parang poker-faced lang siya. "Tara na. Mag-usap tayo." Hindi na ako kumontra pa. Naglakad na si Jeron pabalik sa building kung saan kami galing kanina at sumunod na ako agad sa kanya. Tiningnan ko na lang ulit si Larry at sana ma-gets niya kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya doon sa titig na iyon. Gusto ko lang naman magpaalam kay Larry na aalis na ako dahil naudlot din ang usapan namin. Mukha naman siyang chill lang kaya inisip ko na lang na hindi rin siya nagalit sa mga nasabi ko.  Kung tutuusin kasi ay parang nagmamatigas pa ako. Alam ko naman kung ano ang susunod na sasabbihin niya kung hindi lang kami nasundan ni Jeron. Sigurado akong kukumbinsihin ako ni Larry na lumayo muna at umalis dito sa San Policarpio, na ayoko namang gawin dahil nga maiiwan si Jeron.  Nakarating na kami sa room kung nasaan ang hospital beds namin ni Jeron. Huminto siya sa pagitan ng dalawang beds at nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa akin nang mataman. Ako naman, dumoble naman ang kaba sa dibdib ko dahil for some reason ay inisip kong magagalit siya agad sa akin. Pero pagkasara ko lang ng pinto ay kaagad niya akong niyakap. Natigilan pa ako sa ginawa niya dahil hindi iyon ang inaasahan kong gagawin niya.  Ang higpit ng yakap niya kaya yumakap na rin ako nang mahigpit sa kanya. "Babe, are you okay? Totoo ba ang narinig ko? Kaya ka nandoon sa lugar na yun ay dahil nakipagkita ka sa Tatay mo?" Tumango ako. "Jeron, hindi ko masasabing nakipagkita nga ako dahil dinala niya naman ako doon na labag sa kagustuhan ko. Pero mabuti na rin iyon na nagkausap kami. To be honest with you, Jeron, masaya ako na nagkausap kaming dalawa. Kasi ngayon ay nalinawan na ako kung bakit niya kami iniwan noon." "Talaga? So may valid reason siya kaya niya kaya iniwan?" interesado niya namang tanong. Humiwalay na siya sa akin pero hawak niya pa rin ang magkabilang balikat ko. "Oo, Jeron. Nalaman ko na kung bakit niya kami kinailangang iwan," sagot kong pinipigilan lang na 'wag maiyak na naman. Tapos kinuwento ko na sa kanya ang kwento naman ni tatay kung bakit kailangan niya nga kaming iwan noon, at muntik na akong mag-breakdown doon. Sensitive kasi para sa akin ang bagay na yun. Biruin mo naman kasi, all this time ay may galit ako sa tatay ko dahil ang buong akala ko ay nagising na lang siya isang araw na ayaw niya lang talaga sa amin na pamilya niya. Yun pala ay wala rin naman pala siyang choice kung 'di ang iwan talaga kami para mailigtas kami mula sa mga rebeldeng sinalihan niya. Kahit si Jeron ay mukhang nagulat sa nalaman niya tungkol sa tatay ko. "So... So this means that your father actually cares about you, babe. Nagawa niya lang yun dahil kailangan..." "Siguro nga..." sagot ko kay Jeron. "Siguro nga malinis naman ang kunsensiya niya at wala siyang intensiyong saktan kami nina Nanay at Kuya. Kaya nga nawala na ang galit ko sa kanya eh. At mukha namang pinagsisihan niya na rin ang pag-iwan niya sa amin. Pero kasi Jeron, ang problema kasi ay hindi na niya mababawi iyong sakit at hirap na dinanas namin magmula nang nawala siya sa amin. Nandito na yun habang buhay sa akin," turo ko pa sa dibdib ko. "Kaya sabihin mo na sigurong napakawalang-puso ko naman, pero hindi ko pa rin yata kayang ituring na tatay ang tatay ko." Umiling si Jeron at pinunas niya ang mga luha ko. "No babe, hindi kita pag-iispan nang ganoon. Wala ako sa lugar para sabihan ka na walang utang na loob o ano pa man. Ikaw naman ang dumaan sa kalbaryong yan eh. Ang masasabi ko lang sa 'yo siguro ay kung ano man ang nararamdaman mo para sa tatay mo, sige lang. Wag mong pilitin ang sarili mong patawarin siya kung hindi mo pa kaya. Sabi nga nila 'di ba, time heals everything." "Eh paano kung hindi yun ang mangyari sa akin, Jeron? Pati na rin kina Nanay at Kuya? Paano kung kahit gaano na katagal ang lumipas ay hindi pa rin namin siya mapatawad? Ayoko namang maging masamang tao," nag-aalala namang tanong ko. Wala na nga akong pakialam kung naging vulnerable na ako ngayon eh. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makausap ko si Jeron tungkol sa bagay na ito dahil alam kong sa lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon, siya ang pinakamakakaintindi sa kung ano ang nararamdaman ko at kung bakit iyon ang nararamdaman ko. "Sheina, hindi ka masamang tao," aniya tapos niyakap niya na naman ako. "At hindi ka magiging masamang tao dahil lang may tao kang hindi mo na kayang papasukin sa buhay mo. Things happen for a reason, you know. Iniwan ka ng tatay mo, kaya natural lang na ma-disconnect ka sa kanya." "P-Pero hindi ba ako magiging masamang tao noon kapag hindi ko siya tuluyang mapatawad, Jeron?" Umiling siya sa tanong ko na nakangiti nang matamis sa akin. "Bakit ka naman magiging masamang tao dahil lang doon? Oo, maganda rin naman kung magkakapatawaran kayong mag-ama, pero huwag mong gawin yun kung napipilitan ka lamang dahil sa pressure sa paligid mo. Ang dami namang ganyan na magkakadugo pero hindi malapit sa isa't-isa dahil ang pagiging magkakapamilya ay hindi lang naman tungkol sa dugo. Tungkol din iyon sa samahan niyo. Kaya kung hindi mo siya kayang tanggapin sa buhay mo, that's okay. May mga bagay kasi talagang hindi na natin maibabalik sa dati kahit ano pa ang gawin natin. Maging civil ka na lang sa kanya kung hindi mo na kayang ibalik siya sa buhay mo." Tumango ako doon sa advice niya. Tama naman kasi siya eh. Siguro ganoon na nga lang ang gagawin ko. Magiging civil na lang ako sa tatay ko kapag nagtagpo ulit ang landas namin. Kaya gumaan na ang pakiramdam ko dahil doon. "Babe, next time, sabihin mo sa akin agad ang mga ganitong bagay ha. Gusto kong ako ang pagsasabihan mo ng mga problema mo." "Ah... Pasensiya ka na, Jeron. Hindi ko rin naman kasi akalain na mahuhulaan ni Larry kung bakit ako nagpunta doon---" "That's what got me," sagot niya naman agad. "Actually, nalungkot ako doon, Sheina. Kasi hindi man lang sumagi sa isip ko yun. Na nakapagtataka nga na nandoon ka sa lugar na yun ng ganoong oras. I was so clueless, haang si Larry ay marami ng hinala sa kung bakit ka nandoon. Ayoko mang aminin but I hate it. I hate that it looks like mas kilala ka pa niya kaysa sa akin." "Jeron, hindi naman ganoon yun eh. Alam lang siguro ni Larry ang mga ganap dito sa amin kaya may hinala siya tungkol sa Tatay ko... Dahil na rin siguro sa pagiging Criminology grad niya kaya ganoon at sa pagkakaroon niya rin ng mga kaibigang pulis." "Kahit na... Dapat ay naisip ko rin yun," dagdag niya naman at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya para gumaan din ang loob niya. Niyakap ko na lang din siya at hinalikan sa pisngi niya. Nagulat siya doon, pero napangiti siya at humalik din sa akin pero sa lips naman. "Hmm... I want to do things with you pero nandito tayo sa Health Center. Sana pala ay hindi na ako nag-insist na dito tayo magpalipas ng gabi..." Natawa naman ako doon. "Ikaw kasi eh. Eh 'di nabitin ka ngayon." "Kaya nga eh. Kung kailan naman naka-second base na ako." Hinampas ko ang braso niya dahil sa sinabi niya. "Second base, second base ka diyan. Hay naku. Kahit gentleman ka, Jeron, lalaki ka pa rin talaga. Iyan lang ba ang nasa utak mo ha? Iyang second base na iyan?" "Hindi naman," aniya na nakangiti na nang pilyo sa akin. "Siyempre iniisip ko rin kung kailan naman ang third base--- Aray, Sheina! Ang sakit!" palahaw niya na ikinatawa ko naman. Sinabunutan ko na kasi siya dahil sa huling sinabi niya.  "Ayan, kabastusan kasi ang nasa isip mo!" sagot ko naman pero natatawa na lang din ako. Alam ko rin naman kasing way niya lang yun para pagaanin ang loob ko. Pero sumeryoso pa rin ako agad dahil may mga bagay pa akong gustong i-share sa kanya. "Pero alam mo Jeron, naisip ko rin na ang hirap siguro ng naging buhay ni Tatay bilang rebelde, ano? Baka gustong-gusto niyang umuwi sa amin kahit sa mga okasiyon at holidays lang, pero hindi niya nga magawa dahil may mga rebeldeng nakabantay sa kilos niya." "Yun lang. Mahirap nga iyon. Pero yun ang pinili niyang buhay eh. Wala na tayong magagawa doon, babe. Hindi pa rin ligtas makipagkita sa kanya. Tama si Larry. Kapag may makakita sa kanya na kasama ka, baka mapagbintangan ka ring kasapi ng Neo Partisan Army. Kaya mabuti na iyong umiwas ka sa tatay mo." "Ayun na nga. Binalaan niya nga ako na umalis na. Pero hindi ko naman gustong umalis ng San Policarpio dahil nandito ka." Nangiti siya ulit doon. "Mahal mo na nga ako, babe. Ayaw mo nang mawalay sa akin eh," panunukso niya. "Bakit ikaw, hindi ba?"  "Siyempre, ganoon din ako, babe. But yes, yan nga ang problema nating dalawa. It looks like it will be dangerous to live in your house at the meantime habang hindi pa nahuhuli 'yang mga rebeldeng yan." "Kaya nga eh. Tapos wala ring silbi kung lilipat lang ako ng bahay pero nandito pa rin ako sa San Policarpio. Mahahanap pa rin ako ng mga yun. Baka gamitin pa rin ako nila para bumalik sa kanila si Tatay." Natahimik doon si Jeron. "Problema nga ito. Ayoko namang i-risk ang kaligtasan mo, babe. So naisip ko lang, what if bumalik na lang ako sa Manila, at sumama ka na lang sa akin?" alok niya na nagpanganga sa akin nang bongga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD