Kabanata 23

2667 Words
SHEINA "Tara, test drive natin. Mag-date rin tayo, Sheina. Let's have our first proper date as a couple." Yun ang sinabi niya habang kinukuha niya ang helmet mula kay Raffy. At hindi lang isang helmet ang mayroon siya, dahil may isa pang kulay pink na helmet ang ibinigay pa ng kaibigan niya sa kanya, na kaagad din namang ibinigay sa akin. Napatitig tuloy ako doon. "Ano 'to? Mag-road trip tayo, ganoon?" Tumango si Jeron. "Ngayong may motor na ako, maraming lugar na ang mapupuntahan natin," masayang sabi niya. Sinuot na niya ang helmet niya at nagpunta na sa motor para mapaandar iyon. "Tara na, Sheina." Natawa naman sa gilid si Raffy habang nakikinig sa usapan namin. "Teka, mag-on na kayo pero wala kayong tawagan? Jeron at Sheina pa rin tawag niyo sa isa't-isa? Boringgggggg..." Bigla akong pinamulahan ng mukgha doon sa panunudyo niya. "Eh ano naman? At least, hindi na kami single," hirit ko sa kanya. narinig iyon ni Jeron at natawa ito nang malakas habang busangot naman ang pagmumukha ni Raffy. "Ah, ganyanan ha? Talagang ipagdidiinan niyo na wala akong jowa at kayo, masaya kayo ngayon." "Ikaw nauna," sagot ko naman sa kanya. Napaandar na ni Jeron ang motor kaya sinuot ko na ang helmet ko at umangkas na ako. Naiwan si Raffy na nalaman kong magko-commute na lang daw pauwi sa kanila. "Bye, Raffy! Sana makahanap ka na ng jowa!" dagdag ko pa pagkaalis namin ni Jeron ng terminal. Tawa kami nang tawa dahil narinig pa naming sumagot sa hirit ko ang kaibigan niya pero hindi ko na naintindihan kung ano yun. "Kumapit ka sa akin nang mahigpit, babe," sabi sa akin ni Jeron habang nagmamaneho siya, at mabuti na lang hindi ako impulsive para itulak o hampasin siya dahil baka nag-crash na kami. Nakakabweset ang lalaking 'to! Talagang ginugulat ako lagi! Tinawag akong babe ng lalaking ito out of the blue! Nakakaasar!  Pero bakit ganun? Kahit na nakakaasar, bakit hindi ko maitago ang ngiti ko ngayon? Oh my gosh lang Sheina, 'wag mo sabihing kinikilig ka? *** Dinala ako ni Jeron sa downtown ng Talisay, kung saan may mga food stalls malapit sa simbahan. nagulat nga ako eh. Nang tanungin ko kasi siya kung saan kami pupunta, ang sinabi niya ay mag-food trip daw kami. Pumayag naman ako kasi gutom na gutom na rin naman ako. Pero hindi ko in-expect na dadalhin niya ako sa mga food stalls sa labas ng simbahan. Akala ko kasi hindi siya kumakain ng mga streetfoods dahil hindi pa nga siya nakakakain sa karendirya eh. Kaya talagang hindi ko inaasahan na gusto niyang kumain ng streetfoods tulad ng fishball, squidballs, kikiam, at tokneneng.  Pero siyempre, dahil nga ang sabi niya ay isa siyang devout Catholic, pumasok muna kami sa simbahan para raw magdasal. Nahiya nga rin kasi ako sa kanya dahil feeling ko napakamakasalanan ko sa part na gusto kong huwag na kami pumasok sa simbahan at kumain na kami agad. Pero of course, pinagbigyan ko siya sa gusto niyang magdasal muna. Hindi ako relihiyosong tao at hindi ako palasimba, pero hindi rin naman ako demonyo para pigilan siya. Pinanood ko na lang siya na magdasal. Cute naman siya habang taimtim na nagdadasal, and honestly napaka-refreshing na makakita ng lalaking relihiyoso sa panahon ngayon. Naisip ko na if ever mang magkatuluyan kami ni Jeron, siya yata ang magliligtas sa akin mula sa kasalanan ng sanlibutan.  Teka, bakit ko na naman naisip na magkakatuluyan kami?  Gaga ka talaga, Sheina. Hindi kayo magkakatuluyan, dahil aalis ka. Mag-a-abroad ka, at gagawin mo naman ang lahat para umalis siya rito ng San Policarpio. Yun ang misyon mo gurl, kaya sana mag-focus ka na lang doon.  Pagkatapos namin sa simbahan, dumiretso na kami sa mga food stalls. Doon kami sa tokneneng muna, dahil yun yata ang pinakamadaling kainin para kay Jeron. Siya ang nagbayad sa una naming binili, kaya nang lumipat naman kami sa kikiam and fishball ay ako na nagbayad. Nakita ko siyang nagulat sa ginawa ko, pero tinaasan ko lang siya ng kilay at binantaan sa pamamagitan ng tingin ko na 'sige, subukan mong magreklamo, mamasamain ka sa akin,' at buti naman nakuha niya agad ang gusto kong sabihin. Nasa ice cream na kami at naupo na kami sa may park habang kumukuha kami ng cute pictures namin nang mapansin kong balak niya akong bayaran sa mga binayad ko. Kaagd ko siyang sinita. "O, bakit ka nagbabayad? Jeron, sasapakin kita." Napangisi siya. "Babe naman eh. Ako kasi ang nagyaya sa date na ito. Surprise ito. Kaya ako dapat ang gumagastos." "Pareho tayong kumain, Jeron, kaya hayaan mo na yun." "Pero babe, 'di ba nag-iipon ka?" tanong niya naman sa akin. "And I feel guitly na gumagastos ka---" "Guilty ka na gumagastos ang babae sa date?" tanong ko sa kanya na nakataas ang isang kilay. "Aba, Jeron, 2021 na. Dapat hindi na ganyan ang mentality niyong mga lalaki. Women empowerment dapat!" Umiling siya. "It's not like that, Sheina. Agree naman ako doon sa women empowerment thing at hindi kita pipigilan kung gusto mong gumastos kapag may lakad tayo. Pero itong date na ito ay surprise date nga kasi. I'm sure hindi ka nakapaghanda sa gagastusin natin dito. Saka hindi ka talaga dapat gumagastos lalo na at may pinaglalaanan ka ng pera mo---" "One hundred lang naman nagastos ko, Jeron," giit ko. "Kahit na babe. One hundred pesos din yan. Idagdag mo na sa ipon mo." Natawa na lang ako sa mga sinasabi niya. Talagang ipinagpipilitan niya na bayaran ako at ang palusot niya ay ang pag-iipon ko. "Okay, ganito na lang para hindi na tayo mag-away sa bagay na ito. Ikaw na lang ang bumili ng ulam natin mamaya. Para hindi na ako gumastos." "Okay, deal," sabi niya naman at mukhang napapayag ko na siya. Kaya umuwi kaming hindi nag-aaway. Yun nga lang, gusto yatang mag-buffet ni Jeron dahil ang dami niyang biniling pagkain. Namigay tuloy kami ng pagkain sa mga kapitbahay ko. Akala pa nga nila may handaan daw. Baka raw kinasal na kami kaya kami magkasama na sa iisang bahay. Nakakatawa talaga 'tong mga chismosa kong kapitbahay. Kinulit pa talaga nila si Jeron kung nagli-live in na ba kami na para bang hindi na nila tinanong si Nanay tungkol sa setup naming dalawa. "Ganoon na rin yun," sabi ni Aling Marcia na mukhang nakainom na naman ngayon. Okay na siya ngayon at nilinaw na niya sa lahat na hindi ko naman kasalanan ang paglala ng gout niya. Na kasalanan niya naman talaga dahil medyo alcoholic na nga siya. "Kahit na umuupa ka sa kanilang mag-ina, eh parang mag-live in na rin kayo dahil magnobyo naman na kayo," sabi niyang tumatawa pa nang malakas. Tinanong niya kasi si Jeron kung magkasama raw ba kami sa iisang kwarto ni Jeron, at ang sagot ni Jeron ay hindi dahil yun naman talaga ang totoo. "Eh, basta magulo po, pero umuupa lang po talaga ako sa bahay nila." "Ay naku, iho. Okay lang naman na sabihin mo na magka-live in kayo. Uso naman na iyon ngayon sa mga kaedaran niyo. Hindi niyo na kailangang itago sa amin. Wag na kayo magpaka-showbiz. Buntis na ba itong si Sheina kaya nagsasama na kayo? Kaya ba pumayag ang Nanay niya na magsama na kayo sa iisang bahay?" Napapakamot na ng ulo si Jeron. Hindi niya yata inaasahan na ang pamimigay niya ng ulam sa mga kapitbahay ay may kahalong chismisan. "Bawal pa po. May usapan po kami ni Nanay---" "Pero Nanay na ang tawag mo sa kanya. Eh 'di ganoon na rin iyon. Wag ka mag-alala, Doc, kung boto sa 'yo ang pamilya eh hindi naman siguro masamang sabihing nagli-live in kayo." Hindi na ako nakapagpigil. Sumabat na ako dahil parang kinakaya-kaya lang ni Aling Marcia si Jeron. "Naku, Aling Marcia. Mawalang galang na ho ano, pero bakit pa kayo nagtatanong kung hindi rin naman kayo nakikinig sa sagot ni Jeron?" Nabigla ang matandang echosera sa mga sinabi ko. At kahit si Jeron ay nanlaki ang mga mata sa akin. Kalmado lang kasi ang boses ko, pero may diin. "Aba, iha, eh maayos ko namang kinakausap si Doc." "Sinabi niya na ngang hindi kami nagli-live in. Magkahiwalay nga kami ng kwarto. Bakit niyo naman ipinagpipilitan na ganon nga? Narinig niyo na rin ang paliwanag ni Nanay kahapon." Napaatras siya at napasandal sa may pinto nila. Nandito kasi kami sa labas ng bahay nila. "Sheina, babe---" "Aling Marcia, 'wag na lang po kayong magtatanong kung ayaw niyo sa sagot namin." "Aba, grabe ka namang bata ka. Wala naman akong masamang intensiyon sa mga tanong ko---" Tumango ako doon. "Kung wala kayong masamang intensiyon, eh tanggapin niyo na lang kung ano ang isinasagot sa inyo. Kapag sinabing hindi nagli-live in, yun ang totoo." "Sheina---" "Hindi, Jeron. Hayaan mo akong magsalita kahit ngayon lang," sabi ko at bumaling ulit ako kay Aling Marcia na hindi na maipinta ang mukha niya ngayon sa akin. "Aling Marcia, hindi po ako buntis. At lalong hindi kami nagsisinungaling o nagpapaka-showbiz. Wag naman niyo naman po sanang ibahin ang kwento." "Susmaryusep kang bata ka! Napakabastos mo naman! Hindi mo na ako iginalang!" "Aba, Aling Marcia, ako nga po yata ang dapat magsabi niyan sa inyo," sabi ko sa kanya. Hindi na talaga ako nagpapigil pa. Talagang sinasabi ko na sa kanya kung ano ang nasa loob ko. "Hindi niyo na po kami nirespeto man lang. Una, pinakalat niyo sa mga tao na siniraan ako ni Jeron sa inyo. Sabi niyo sinabihan kayo ni Jeron na 'wag na bumalik sa akin. Eh hindi naman pala totoo iyon. Wala naman palang sinabing ganoon si Jeron. Tapos ngayon, kahit na alam niyo naman talaga kung bakit nasa bahay na si Jeron, pinagpipilitan niyong nagli-live in na kami. At buntis na ako. Alam niyo po bang paninirang puri na iyan at pwede ko pa kayong ireklamo sa ginagawa niyo?" Nahintakutan yata siya sa sinabi ko dahil napatakip siya bigla ng bibig niya. "Sheina, wala naman akong balak na sirain ka---" "Eh kung totoo nga po na ayaw niyo akong sirain, mag-ingat po tayo sa sa mga sinasabi natin. Saka parang wala kayong pinagsamahan ni Lola ah," sabi ko pa at hindi na siya nakasagot doon. Alam niya naman kasi kung ano ang tinutukoy ko. Magkaibigan silang dalawa ni Lola. At isang beses ay niligtas ni Lola ang buhay niya ng mag-donate ng dugo si Lola sa kanya ng nanganak daw ito noon ng maaga. Dinugo raw itong si Aling Marcia nang malala kaya kinailangang salinan ng dugo. Si Lola ang nag-donate." "Sheina, babe, tara na. Uwi na tayo," aniya, pero bumaling pa siya kay Aling Marcia. "Aling Marcia, ayoko po ng gulo. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Pero kapag may kumalat na namang masamang chismis laban kay Sheina, hindi po ako magdadalawang-isip na magsampa ng kaso sa kung sino man ang magpapakalat ng masamang impormasyon sa kanya." "Naku, Doc! Hindi ko gagawin iyon," sagot naman ng matanda. Kung kanina ay natakot na siya sa banta ko, ngayon ay namumutla na siya dahil sa mga binitawang salita ni Jeron. Mukhang naloka siya na pati si Jeron ay posibleng magreklamo. At alam niyang kayang-kayang gawin iyon ni Jeron dahil nga may pera ito. "Patawarin niyo na ako. Itong katandaan ko kasi... Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko... Pasensiya na talaga." "Ayos lang po basta 'wag na lang po tayo magpakalat ng maling impormasyon," saad naman sa kany ni Jeron, at doon ko napagtanto kung gaano siya kabait. Umuwi na kaming bad mood. Lalo na ako. Nakakainis kasi eh. Parang hindi pwedeng may isang araw na hindi masisira ng mga chismosa. "Are you okay, babe?" tanong sa akin ni Jeron pagkapasok namin ng bahay. Nag-dive kasi ako kaagad sa sofa dahil parang naubso ang energy ko sa pakikipagsagutan doon sa matandang hukluban na yun. "Gusto mo masahiin kita?" "Sige. Marunong ka ba?" "Yes." At ginawa niya nga. Itinuro ko ang mga balikat at braso ko, and then ang likod ko. Yun kasi ang medyo masakit pa. In fairness naman sa masahe niya, above average. In fact, kasing galing niya pa yata ang Lola ko sa pagmamasahe.  "Saan ka natuto sa pagmamasahe, Jeron? Kasama na ba yan sa curriculum ng med school ngayon?" Natawa siya doon. "Not really. But my cousin owns a spa. And many times tambay ako doon so natuto na rin talaga ako." "Ah. Ang dami mo namang talent. Ano pa kaya mong gawin? Sabihin mo na ngayon pa lang para hindi na ako magulat." "I'm not that talented. May mga alam lang ako pero hindi ko naman master ang ma iyon. Busy din naman kasi ako palagi." "Ah... oo nga naman. Pero kahit na. napaka-talented mo. At napakabait mo rin. Kita ko kung paano mo nato-tolerate ang kanegahan ni Aling Marcia. Taas ng tolerance level mo, Jeron." "I just don't like fighting." "Oo nga. Pero kung katulad naman ni Aling Marcia na wagas kung makapang-issue, aba eh deserve niya ang maaway natin. Natuwa ako na binantaan mo rin siya. At least natututo ka na." "And I'm impressed with you too," sagot niya naman. Natapos na siya na masahiin ang likod ko, kaya pinaupo na niya ako sa sofa tapos kinuha niya ang mga braso ko dahil yun naman ang sinunod niya. Napapapikit pa nga ako sa bawat hagod niya ng mga kamay niya dahil masarap talaga sa pakiramdam ang ginagawa niya. "You really are a brave woman." "Ako pa ba?" tudyo ko sa kanya. "Masanay ka na. nag-girlfriend ka ng amazona. Sa susunod baka manapak na ako, Jeron. May chance kapang kumalas sa relasyong ito." Natawa siya doon. "No. Hindi ako kakalas. Tanga na lang ang kakalas sa 'yo, ano." May bigla naman akong naalala. "Jeron, pwede mo ba sabihin sa akin kung ano, kung bakit mo ako nagustuhan? O kung kailan mo ako nagustuhan? Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung paano ka nagkagusto sa akin." "Ah, yun ba? Well, do you remember how we first met?" "Oo naman. Di ba ininom mo iyong tubig sa Miracle Water ko?" "Yeah. I still remember that day. Noong araw pa lang na yun, I think I already liked you, babe." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. "T-Talaga? Ano yun, love at first sight?" "Yes. But I think mas maganda na tawagin iyong love at first fight." Ako naman ang natawa dahil tama siya. Inaway ko kasi siya agad non. "Eh kasi naman, nakakagulat ka non. Pero seryoso, crush mo na ako 'non pa lang?" Tumango siya na nakangiti sa akin. "I just really like fierce women, you know. And ganon ka, babe." "Women. So marami kang gustong babae?" "I mean, you're a fierce woman, babe." Namumula na naman ang mga pisngi niya kaya parang gusto ko na lang siyang asarin nang asarin. "Sus, 'wag ka magpalusot. Huli ka na sa akto. may iba kang babae. At kanina ka pa babe ng babe sa akin ha, tapos marami pala kaming fierce women mo diyan. Naku, Jeron. Sinasabi ko talaga sa 'yo. Kapag ikaw nagloko at nag-cheat, mata mo lang talaga ang walang latay. Malulumpo ka na, mababaog ka pa." Ang lakas ng tawa niya doon. "Ayoko mang magsalita ng tapos, pero sure ako na hindi mangyayari yan. Ako na yata ang pinaka-loyal na lalaki sa buong mundo, babe." "Ay sus, lahat naman ng lalaki sinasabi yan. Pero tingnan mo, kapag may magyaya lang sa'yo ng chukchakan, lalo kung sexy, 'di ka ba sasama? Naku, 'wag ako Jeron. Napanood ko na yan sa LizQuen." "Ha? Ano ang LizQuen?" "Ay ang taray mo naman. Hindi mo alam yun?" "Not really. Pero kahit kilala ko sila, sure ako na hindi ako magchi-cheat. That's the one thing that you can count on me, babe." "At bakit ka naman confident na hindi mo nga gagawin yun, aber?" "Because I know how it feels to be cheated on. My ex cheated on me before, and I carried the pain for years, Sheina. Hindi biro iyon. That's why I will never let you feel the same pain."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD