SHIENA Nang makita ang picture na yun, ang una kong naisip ay baka naman hindi iyon ngayon kinunan. Baka naman matagal na ang picture na iyon at ngayon lang nai-post. Dahil kahit paano ay kilala ko na na rin naman si Jeron. Hindi siya iyong tipo ng lalaking magloloko na lang bigla. Sa aming dalawa ay siya ang mas matino kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa picture na ito na ipinakita ni Larry sa akin. "O, kita mo na?" ani Larry. "Habang nasa panganib ka rito ay parang nag-outing pa iyang boyfriend mo. At may kasama pang babae, ha?" Imbes na sumagot ako sa mga paratang ni Larry, hinila ko siya papasok ng bahay. Wala na nga akong pakialam kung gusto pa akong kausapin ng mga pulis eh. Para sa akin ay mas importante ito ngayong picture na ipinakita sa akin ni Larry. Alam kong

