Kabanata 30

2617 Words
SHEINA "...LJ needs me. She got into an accident. Will call you later."  Natanga ako doon sa text ni Jeron. Kaagad kasi akong nakaramdam ng disappointment doon, dahil akala ko talaga makakaamin na ako sa kanya ngayon. Pero mukhang hindi pala. Binasa ko nga ulit ang text niya, at nang mag-sink in sa akin iyong mga salitang nakalagay doon, saka lang ako nakaramdam ng kaba na hindi ko akalaing mararamdaman ko para sa isang taong hindi ko naman kilala nang personal. "Oh my God. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Accident? Ano naman kayang accident ang kinasangkutan ng babaeng yun?" Bumibilis na ang t***k ng puso ko dahil kung ano-ano na rin ang pumasok sa isip ko na posibleng nangyari kay Louise Jane, or LJ, kaya tinawagan ko na lang ulit ang number ni Jeron. Pero gaya ng nangyari kanina, unattended na naman ang phone niya. At nang maisip ko ring baka nagbibiyahe siya ngayon sa motor niya ay ibinababa ko na ang tawag dahil baka maaksidente rin siya dahil sa pagtawag ko, pagsisihan ko pa. Ang sabi niya naman ay tatawag siya mamaya, kaya maghihintay na lang ako. Yun nga lang, ang lungkot na mag-isa akong naghintay sa kanya, kaya nakipag videocall na lang din muna ako kay Nanay. Mabuti naman at free siya ngayon. Katatapos lang daw niyang magluto ng hapunan nila. Nagkumustahan lang kami ni Nanay, at nang tanungin niya kung nasaan si Jeron, sinabi ko na lang na nasa nasa trabaho pa niya ito. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko na lang sinabi ang totoo, pero kasi medyo may pagkachismosa rin itong si Nanay. Malamang pag-isipan niya pa nang masama sina Jeron at LJ, kaya mas mabuti na sigurong hindi niya na muna malaman ang tungkol kay LJ. "Napakasipag talaga ng batang yan," sabi ni Nanay sa akin. Dahil botong-boto nga siya kay Jeron, lahat yata ng gawin nito ay okay sa paningin niya. "Biruin mo, sa Health Center lang siya nakadestino pero nago-overtime na. Bago lang siya dito pero nagpapakitang gilas na. Kung tutuusin, siya ang boss doon, 'di ba?" "Opo, Nanay. Kasi siya ang in-assign ng DOH dito sa atin. So technically, siya talaga ang boss sa Health Center ngayon." "Kita mo na. KUng ibang boss yan eh maagang uuwi yan. Ganoon naman 'di ba? Yang mga nasa gobyerno, naku. Kung hindi late na pumasok, maaga naman umuuwi. Tapos alas tres na bumbalik galing lunch break. Sana lang ay hindi matutunan ni Jeron 'yung ganyang basurang ugali." "Sana nga po, 'Nay. Pero hindi naman siya ganoon mag-isip. Ayaw nga 'non na wala siyang ginagawa eh." Kulang na lang talaga ay pumalakpak si Nanay kay Jeron. "Aba, Sheina, natutuwa talaga ako na matinong lalaki ang napili mo. Proud na proud ako sa 'yo. At least hindi ka gumaya sa akin." Matino siya dahil ako ang manloloko, bulong ko sa sarili ko. Kinabahan pa nga ako dahil baka nasabi ko yun nang malakas, pero hindi naman yata narinig ni Nanay. "Proud din po ako kay Jeron, dahil hindi lang edukado, maayos pa ang asal. Pero Nanay, minsan iyan din po ang problema eh. Kasii kapag mag-away kami, ibig sabihin noon eh ako ang may kasalanan kasi napakabait niya." Imbes na magalit sa sinabi ko, natawa doon nang malakas si Nanay. "Aba, Sheina, kung ganyan naman din, payag na akong maging masama, ano? Di bale ng ako ang demonyo sa aming dalawa, kaysa naman sa matuyo ang buong katawan at pagkatao ko sa kakaiyak dahil sa ang gago ng lalaking napili ko. Kita mo naman siguro kung ano'ng nangyari sa amin ng Tatay mo." "Nay naman, eh. Ayan na naman kayo," mahinang saway ko sa kanya. "Tinitira niyo na naman 'yung tao. Hayaan niyo na yun." "Aba, hayaan mo rin akong magsalita tungkol sa kanya, Sheina!" giit niya naman at na-feel ko na GG na naman si Nanay sa ama ko. "Wag mong sabihing kinakampihan mo pa siya? Pagkatapos ka niyang ipahamak?" "Hindi naman yun ang punto ko, 'Nay," sagot ko. Mahirap talagang makipag-usap kay Nanay kapag ganito, dahil nananaig talaga ang galit niya. "Ayoko na lang sigurong pag-usapan siya dahil nai-stress lang ako." "Kung sa bagay," sagot ni Nanay na huminahon na. Na-realize niya yatang isang napaka-traumatic na event ang nangyari sa akin kaya mas magandang hindi na namin pag-usapan iyon. "Eh ako naman, kinukumpara ko lang naman ang naging sitwasyon ko sa Tatay mo sa sitwasyon mo kay Jeron. Napakaswerte mo sa batang yan, anak. Kaya huwag mo na sana siyang pakawalan." "Eh yun na nga po ang problema, 'Nay. Maga-abroad nga po ako, 'di ba. Paano ko naman kaya maipagpapatuloy ang pakikipagrelasyon sa kanya 'non? Hindi pa naman ako fan ng long distance relationships. Baka mauwi rin kami sa hiwalayan kapag ganoon." "Nasa sa inyo naman iyan," aniya. "Sabi nga ng kasabihan 'di ba, 'kung ayaw may dahilan, kung gusto maraming paraan.' At totoong-totoo yan, anak. Napakagandang real talk ng kasabihan na yan," dagdag niya pa pero mas na-amaze ako na alam ni Nanay kung ano ang real talk. "Sa akin na nga lang eh. Gustong-gusto kong ipagpatuloy ang relasyon namin ng Tatay mo, pero siya, ayaw na niya. Wag sana kayong tumulad sa amin. At saka magkakalayo lang kayo, hindi naman kayo hihintong mag-usap. Buti nga at okay lang diyan kay Jeron sa balak mong pag-a-abroad eh. Kung ibang lalaki yan, hindi yan papayag lalo na at hindi pa kayo kasal. Iba ang buhay sa ibang bansa, anak. Siyempre matatakot yun na makahanap ka ng iba. Pero dahil mahal na mahal ka ni Jeron, mukhang susuportahan niya ang gusto mo kahit ano pa yan. Kaya nga sinasabi kong napakaswerte mo sa kanya." Natahimik ako doon dahil hindi ko masyadong inisip ang tungkol doon. Oo nga naman, malamang, ayaw talaga ni Jeron na umalis ako. Sinong lalaki ba ang papayag na magkahiwalay o magkalayo sila ng girlfriend niya, 'di ba? Sure ako, kahit si Larry ay hindi gusto ang ganon. Yun nga lang, dahil go na go ako, hindi sila makakontra. Alam nila ang boundary nila at alam nilang ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. Pero kung si Jeron lang siguro ang masusunod, malamang hindi yun papayag. Hindi nga ba't sinabi niya dati na kukumbinsihin niya akong mas magandang mag-stay na lang ako rito? Hindi niya ako pinupwersang 'wag na lang umalis, pero sinabi niya rin na ipapakita niyang mas maganda rito, and somehow natuwa naman ako doon nang maalala ko yun,. Kasi ngayon ko lang napagtanto na oo nga ano, hindi niya ako pinipilit na itigil ang balak kong gawin. Gusto niya akong mag-stay, pero gusto niya na akin pa rin ang desisyon na yun, kung yun man ang mapagdesisyunan ko. Mas lalo tuloy akong na-guilty. Akalain mo, mula nang maging kami ni Jeron, wala siyang ipinakitang masama sa akin, at napatunayan na niyang hindi niya ginawa 'yung mga paratang ko noon sa kanya, kaya siguro tama na rin ang pagpapanggap ko sa kanya. Kailangan ko nang ihinto ang ginagawa ko, ang mga balak ko sa kanya na dati ay tuwang-tuwa pa ako habang pinag-iisipan ko. Akala ko kasi hindi ako magkakagusto kay Jeron. Akala ko hindi ako mahuhulog. Pero nagkamali ako doon nang bonggang-bongga. Kaya kailangan ko 'tong ayusin. Kung kinakailangang ibulgar ko ang sarili ko sa kanya, at kung ang maging resulta noon ay ang pakikipaghiwalay niya sa akin, kaya kong tanggapin iyon kahit na masakit. Dahil deserve ko yun. Deserve na deserve. *** Alas diyes na nang tumawag si Jeron. Nakatulog na nga ako eh. Akala ko nananginip na ako na nagri-ring ang phone ko, yun pala totoo na. Kaagad ko iyong sinagot at kaagad ko ring napansin na tila pagod na pagod na ang boses ni Jeron, kaya yun ang una kong tinanong. "Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit parang pagod ka na?" Tumikhim siya, pero kahit yun ay ay tunog pagod na. Alam na alam ko na kasi kapag pagod na siya eh. Mahinag-mahina ang boses niya at medyo matinis na, kabaliktaran sa buong-buong boses niya kapag puno siya ng energy. "I'm okay, Sheina," sagot niya. Nagulat na naman ako dahil hindi niya ako tinawag na babe, na lagi niyang tinatawag sa akin. Tinatawag niya lang naman ako sa pangalan ko kapag seryoso masyado ang usapan namin, so feeling ko tuloy napakaseryoso ng usapan namin. "Eh 'yung best friend mo, kumusta naman siya? Ano ba kasing nangyari? Kinabahan ako kanina ah." Napabuntong-hininga siya doon, kaya alam ko na agad na seryoso nga ang nangyari. "Nilooban siya sa tinitirhan niyang apartment sa East View, 'yung subdivision malapit sa Talisay. Pagkauwi niya raw galing trabaho, nagulat na lang siya nang may makitang lalaki sa loob ng bahay niya. Eh 'di siyempre sumigaw siya. Kaya ayun, sinaktan siya ng magnanakaw at binalak pang gahasain." Napasinghap ako sa gulat sa mga narinig ko. "Oh my God. Kumusta naman siya?" "She's okay now. Pero may mga sugat siya dahil na rin nakipag-agawan siya ng kutsilyo sa lalaking yun, at sinampal din daw siya nang malakas sa mukha niya. Aksidenteng nadulas din daw siya sa sahig kaya nabagok ang ulo niya. Mabuti na nga lang at narinig siya ng mga kapitbahay niya kaya nakaligtas siya. Kung hindi siguro siya sinaklolohan ng mga kapitbahay niya, baka kung ano na ang nangyari sa kanya." "Hala... Buti naman at okay lang siya..." "Kaya nga eh. I was so worried. Lalo na at nakatakas iyong hayop na yun, at nagbanta raw na babalikan si LJ. Napakahayop talaga. Sana mahuli siya ng mga pulis." "Eh paano yan? Hanggang kailan daw siya diyan sa hospital?" "I don't know. Maybe a few days. Or a week? Her head injury is a little tricky, Sheina, kaya nga kailangan niya ng kasama rito. kaya rin ako tumawag sa 'yo para magpaalam na dito muna ako matutulog. Babantayan ko na muna siya. Wala kasi siyang ibang kasama rito." "Teka, wala siyang kasama sa tinitirhan niyang apartment?" "Unfortunately, kagaya mos iya na mag-isa lang sa isang bahay. Actually, noong malaman niya na sa San Policarpio ako madedestino, inalok niya akong tumira doon sa apartment niya. Share na lang daw kami ng expenses. Eh hindi ako pumayag kasi mas nahihiya ako sa parents niya, lalo na at gustong-gusto nila akong maging son-in-law nila." "Ha?" Natanga na ako dahil sa narinig ko. Oh my goodness gracious, bakit hindi ko naisip yun? Of course, boto sa kanya ang pamilya ng Louise Jane na yun! Bakit ba naman hindi? Isang doctor para sa anak nilang lawyer, 'di ba? Match made in heaven ika nga nila! Parehong successful professionals! "Yeah, it's kind of an awkward situation, but now that this happened to her, I kind of feel guilty, Sheina. Kasi kung kasama niya siguro ako, baka hindi nangyari ito sa kanya. That's why kailangan kong bumawi. Kahit man lang sa pagbabantay sa kanya rito habang wala pa ang parents niya na dadalaw daw sa kanya rito, ako na muna ang magbabantay sa kanya." "Eh paano ang work mo?" tanong kong naguguluhan. "I will still work, pero sa gabi, sasamahan ko siya rito. I'm sorry about this, but I have to ask you a favor, babe. Sana okay lang sa 'yo na dito muna ako," aniya. Nagpapabebe siya sa boses niya and kikiligin na sana ako dahil tinawag niya akong babe, finally, pero naisip ko agad na ginagawa niya ang ganitong effort para sa ibang babae at bigla na lang akong nakaramdam ng matinding inis. "Sheina? Andiyan ka pa ba?" "Ha? Ah eh... Oo naman... Hanggang kailan mo balak na magbantay sa kanya kada gabi?" "Siguro mga three days din," sagot ni Jeron. "You see, nasa Davao ang parents niya, at hindi rin basta-basta makakaalis dito. I think magpa-file muna sila ng leave bago makaalis, which is understandable naman. Kaya habang wala sila rito, ako muna ang inaasahan nilang sasama rito kay LJ sa ospital. Nasa private hospital naman kami eh kaya mas safe rito in case balikan nga siya 'nong psycho na magnanakaw na yun habang nandito siya. BNi-report na rin namin sa pulis ito kanina kaya natagalan ako bago makatawag sa 'yo." "Saang ospital yan, sa St. Jude's ba? Yung sa Malvar?" tanong ko dahil ang alam ko, wala namang private hospital sa Talisay, kaya malamang nasa Malvar sila ngayon. Ang Malvar ang next municipality pagkatapos ng Talisay, at malamang tama ako, dahil iyong nabanggit niya kaninang subdivision na East View ang pangalan ay nasa pagitan ng Talisay at Marval. At kung nandoon nga sila, ibig sabihin mapapagod nga siya magpabalik-panaog doon dahil malayo na yun mula rito sa San Policarpio. "Yes, babe. Nandito nga kami sa Malvar. Kaya nga ang layo eh. Mabuti na lang pala at may motor na ako ngayon. Blessing in disguise pa yun ngayon. Anyway, okay lang naman sa 'yo, 'di ba? Na magbantay ako sa best friend ko?" Napahinga muna ako nang malalim bago ako sumagot. "Oo naman. Best friend mo yan eh," sabi kong nagpipigil lang maiyak. Ewan ko, bigla na lang din akong naging emotional. "Kailangan mo talaga siyang bantayan diyan, lalo na at wala naman pala siyang ibang maaasahan diyan. Hindi ba siya close sa workmates niya?" "Ha? Eh bago pa lang siya sa work niya. Nauna lang siya rito sa akin ng one month kaya wala pa siyang masyadong ka-close." "I see... Sige, okay lang, Jeron. Bantayan mo muna siya diyan. Uuwi ka pa rin naman siguro rito, 'di ba?" "Of course, babe. Uuwi ako diyan bukas ng umaga. papasok pa rin naman ako sa trabaho ko." Tumango-tango ako, dahil ayoko na sanang magsalita. Pero naalala kong videocall nga pala ito. "Sige, wala namang problema sa akin yun. Dito ko na lang patutulugin si Claire kapag may nakapansin ulit na mag-isa lang na naman ako rito. Mahirap na, baka nakabantay  pa rin pala sa akin iyong mga kasamahan ng Gregorio na yun, 'di ba? Ayoko namang maulit 'yung nangyari sa akin," sabi kong dire-diretso ang salita dahil bigla akong naawa sa sarili ko. Sinadya ko kasing banggitin ang tungkol doon para malaman niya kung ano ang sitwasyon ko ngayon dito sa bahay na wala siya. Baka lang naman mapaisip siya at mag-decide na umuwi na lang dito dahil ako naman ngayon ang hindi safe. Pero hindi niya pala iyon narinig. Hindi na pala siya sa akin nakikinig. Nakarinig kasi ako ng ingay sa linya niya, at doon ko na-realize na nag-uusap pala sila nitong LJ na 'to. Base sa naririnig ko, nagpapabili siya ng pagkain sa labas kay Jeron, dahil hindi pa pala sila nagdi-dinner. nakalimutan na nila dahil sa mga nangyari. "Sheina? Andiyan ka pa? Sorry ah. Nagpapabili si LJ ng food---" "Bumili ka na," sabi ko na lang. "Kumain na muna kayo. Ano'ng oras na o, at hindi pa kayo kumakain. Hindi ka man lang ba nagutom?" tanong ko dahil plastic ako. Hindi kasi yun ang gusto kong sabihin. Gusto ko sanang magreklamo na hindi niya ako pinakinggan kanina, pero naisip ko rin na wala akong karapatang magreklamo dahil may mas malala nga akong nagawang kasalanan kay Jeron eh. Pesteng karma ito. Ito na ba ang kapalit ng mga nagawa ko kay Jeron? Kinakarma na ba ako ngayon? "Hindi ko naramdaman ang gutom, babe. Wala kasi akong ibang inisip kung hindi ang kalagayan ni LJ. Akala ko kasi kanina hindi na siya magigising. Naiyak pa nga ako." "Naiyak ka? Grabe, super close siguro kayo 'no?" "Yes, Sheina. Tagal na naming magkaibigan eh. Akala nga ng parents ko siya ang makakatulyan ko, pero may twist talaga ang tadhana---" Hindi ko na tinapos pakinggan ang sinasabi niya. Pinatay ko na ang tawag niya. Hindi ko na kasi kayang magpanggap na natutuwa sa mga sinasabi niya sa akin. Pumunta na lang ako sa kwarto ko at doon ako umiyak hanggang sa dalawin ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD