Kabanata 25

2304 Words
SHEINA "That's a funny way to say it, babe. But yes. That's what I am thinking right now. I just want to make love to you." At this point, dapat hindi na nga ako nawiwindang sa mga sinasabi nitong lalaking nasa tabi ko, pero nawindang pa rin ako. Paano namang hindi, eh inamin niya lang naman ngayon na gusto niyang may mangyari sa amin ngayon. Wala ng paligoy-ligoy pa. Talagang diretsahan na.  Eh siyempre, No Boyfriend Since Birth ako bago ko siya jinowa, so hindi pa ako sanay sa ganitong klase ng conversation, kaya naman natameme muna ako bago ako makasagot sa banat niya.  "Sheina... Sorry," sabi niya naman agad bago pa man ako maka-react. "Naging uncomfortable ka ba sa sinabi ko?" "H-Ha? Hindi naman. Nanibago lang ako, kasi ngayon ko lang naman narinig sa isang lalaki na ano... Na gusto mong makipag-s*x sa akin." Umiling si Jeron sa sagot ko. "I would prefer to call it 'love making', baby. Kasi that way, it will sound meaningful." "Kaloka ka naman, Jeron. Kahit ano namang itawag mo diyan. Pare-pareho lang naman ang ibig sabihin niyan. Anyway, sige, tutal pinag-uusapan na rin naman natin. Gusto kong magkasundo tayo tungkol diyan, Jeron." "Okay?" Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis dahil gusto ko siyang pagdiskitahan na naman. "Di ba kakasabi ko lang na ayoko munang magbuntis?" sabi ko at tumango siya agad. "Totoo naman yun. Ayoko kasi muna magka-anak talaga, ano. Lalo pa at hindi ko pa nagagawa ang lahat ng gusto kong gawin bilang isang dalaga. Pero gusto ko rin namang ma-experience ang 'love making' na yan, ano. Babae lang din naman ako. Virgin pa. So natural, gusto ko rin siyang i-try." Napalunok ng laway doon si Jeron. Mukhang nabuhayan na naman siya ng loob dahil sa sinabi ko. "Sheina, are you saying na we could still do it, basta may assurance na hindi ka mabubuntis?" "Tumpak!" natatawang sabi ko sa kanya kasi ang epic lang din talaga ng facial expression niya ngayon. Para siyang puppy na excited dahil narinig niya ang magic word mula sa amo niya. "Mabuti naman at naintindihan mo. Kaya 'wag ka na mag-alala. We will definitely do it. Hindi pa nga lang ngayon." "Okay, I understand. At least hindi ka tutol doon." "Oo naman. Probinsyana ako, pero hindi ko rin naman masasabi na conservative ako. At saka ilang taon ka na. Dapat naman talaga ma-experience mo na yan, Jeron," pagbibiro ko pa. "Baka abutan ka pa ng trenta niyan, jusko ha. Kaya ako ang bahala sa 'yo. Tutal naman ako ang jowa mo, so ako dapat ang kasama mong gawin yun. Alangan naman kasing sa iba mo pa gawin, 'di ba." "Yes, babe. I only want to do it with you." "Aba, dapat lang! Kaya nga magandang napag-usapan natin ito, para at least nakapag-set tayo ng expectations and limitations natin. Para na rin hindi tayo ma-stress tungkol sa bagay na yan. Lalo ka na. Mukhang kailangang gawin natin yun bago ka mag-thirty years old." Natawa siya na nahihiyang nakatingin sa akin. "I hope so, babe. I can wait naman, but if we're this close, I don't know how long I could wait." "Tiis-tiis muna, Jeron dahil bagho pa lang tayo. Ang swerte mo naman kung ngayon pa lang may mangyari na sa atin. Sino ka, si Lee Min Ho para ialay ko agad ang katawan ko?" Nagtawanan kaming dalawa doon kahit na sure akong hindi niya kilala si Lee Min Ho. Ang maganda talaga rito kay Jeron, nagagawa niya akong sakyan sa mga biro at mga hirit ko kahit na minsan ay clueless siya kung ano ang punchline. Siguro inabot pa kami ng dalawang oras bago kami makatulog. Ang dami pa kasi naming pinag-usapan, tulad na lang kung saan namin gagawin if ever na mag-'love making' na kami, dahil tutol ako na dito sa bahay namin gawin dahil sure din akong kikilabutan ako sa possibility na baka nandito pa ang kaluluwa ni Lola. Baka multuhin pa ako eh. "Let's go to a motel na lang siguro," suggestion niya naman. "Naku, ayoko. Iisa lang ang motel dito, at yun ay 'yung nasa Talisay." "O, andoon naman pala. Bakit ayaw mo? Malayo naman na iyon mula rito." "Oo nga, pero may mga nagtratrabaho doon na tagarito. Imagine the chismis if ever makita nila tayo doon, Jeron." "Sa bagay. Mahirap nga iyon, lalo na sa 'yo." "Kaya nga. Don't worry. May naiisip naman akong place na pwede, kaya stay put ka na diyan," sabi kong napahagikhik dahil ang iniisip ko talaga ay iyong kweba sa bundok kung saan malawak ang loob. Natatawa nga ako sa naiisip ko eh, kasi sino namang matinong babae ang papayag na makipagchorvahan sa loob ng isang kweb? Jusko baka mamaya literal na ahas pa ang makatuklaw sa 'yo doon. Eh 'di namatay ka pa dahil sa kakatihan mo. Kinabukasan, nagising akong magkayakap kami pa kami ni Jeron. Talagang nanibago ako na may katabi na ako sa pagtulog. Dinaig ko na nga ang nag-asawa eh. Pero parang ganoon na rin naman talaga ang set up namin ngayon. Kahit nga si Nanay ay yun ang sinabi sa akin bago ako umalis. Na kapag daw pinatuloy ko na rito si Jeron, parang nagsasama na rin daw kami bilang mag-asawa. "Kaya anak, magandang opportunity ito para makita mo kung bagay nga ba talaga kayo ni Jeron," sabi niya sa akin noong nagliligpit na siya ng mga gamit at inaayos na niya iyong mga pasalubong na iuuwi niya sa mga amo niya tulad ng mga kakanin at mga prutas na binili pa namin kina Larry.  "Bagay? Bagay na magsama sa iisang bahay?" paniniguro ko sa sinasabi niya. "Yes, anak. Maganda itong pagkakataon para mas makilala niyo pa ang isa't isa. Alam mo kasi, totoo iyong kasabihan na hindi mo lubusang makikilala ang isang tao hangga't hindi mo siya nakakasama sa iisang bahay." "Naniniwala rin ako diyan, 'Nay," saad ko. Tinulungan ko na siyang ayusin ang mga pasalubong niya na nilagay niya sa isang malaking basket. "Pero 'di ba, kung mahal niyo naman ang isa't isa, kahit na may differences kayo ay susubukan niyo ring mag-adjust, 'di ba?" Tumango si Nanay, at naisip kong ang swerte ko talaga sa kanya dahil nakakausap ko siya sa mga ganitong bagay. "Ganyan naman talaga ang dapat na gawin ng magkarelasyon, anak. Pero hindi lahat nagagawa iyan." "Eh bakit naman hindi?" inosente kong tanong. "Kasi minsan, hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't-isa, anak. Tingnan mo naman kami ng Tatay mo. Alam kong mahal niya ako. At ganoon din naman siya. Pero ano ang nangyari? Hindi sapat na mahal namin ang isa't-isa 'di ba? Umalis pa rin siya." Tumango ako. "Kung sa bagay. Hindi naman lahat ng tao tulad natin mag-isip. Kahit na sabihin nating kilala na natin ang isang tao, darating pa rin talaga sa puntong may gagawin sila na hindi natin inaasahan. Magugulat na lang tayo na yun ang ginawa nila." Alam kong hugot ang sinabi ko and based lang sa mga naririnig ko sa paligid, pero kailangan kong sabihin yon para na rin kay Nanay.  "Tama ka diyan, anak. Kaya sana gamitin mo ang panahon na ito para pag-isipan kung handa ka nga bang makisama sa isang tao ng pang habang buhay." "Ah eh... Opo." Yun na lang ang sinabi ko dahil ayoko namang isipin ni Nanay na hindi ako seryoso kay Jeron kapag iba ang sinagot ko. Alam kong hindi naman applicable sa amin ni Jeron ang sinasabi niya dahil hindi naman yata aabot ng long term ang relasyon namin dahil mangingibang bansa nga ako. Pero ang totoo niyan, excited din akong malaman kung magiging okay nga ba kami ni Jeron as a couple. Kung magiging compatible nga ba kami bilang magkasama sa iisang bubong. Feeling ko naman ay kaya akong pakisamahan ni Jeron dahil siya na yata ang pinakamabait na lalaki na nakilala ko. Ang problema ay ako. Hindi ko sure kung talaga bang mapapakisamahan ko siya hanggang sa araw na kailangan na naming maghiwalay. Alam ko naman kasi sa sarili ko na may kamalditahan ako. Baka kay Jeron ko pa maibuhos ang kagagahan ko. Kawawa naman siya. *** Meanwhile, pumasok na ako sa Brgy Hall, sa clinic ni Jeron bilang assistant niya. Expected ko nga na pag-uusapan kami ng mga tao, pero laking gulat ko ng wala akong marinig na chismis tungkol sa aming dalawa. Yun ang nireklamo ko kay Claire nang dalawin niya ako noong lunch time. Kami kasi muna ang nagsamang mag-lunch dahil umalis sina Jeron at Ehra para sunduin daw iyong paparating na supply nila ng mga gamot mula sa DOH. "Naku, Ate, talagang wala nang mangchichismis sa 'yo. Ang nasagap kong balita ay pinagbantaan niyo raw ni Doc Jeron ang sino mang magpapakalat ng fake news tungkol sa inyo. Kakasuhan niyo raw? Totoo ba?" "Grabe naman sa 'pinagbantaan.' HIndi totoo iyan." "Eh yan ang kumalat na balita eh. Hindi ko nga lang alam kung saan yan galing. Pero totoo ba yun?" Sinabi ko na sa kanya ang totoo habang kumakain kami dito sa karendirya nina Morrie. Nakichismis din siya sa amin, pero dahil marami silang customer ay hindi siya nagtagal. Mayamaya, bumalik siya sa table namin. "Ate Sheina, nakatanggap na ako ng text mula sa organizers ng Mr and Miss San Policarpio. May rehearsal na raw sa Sabado. Natanggap mo ang balita?" "Iniwan ko sa clinic ni Jeron ang phone ko eh," sabi ko naman. "Oh, bakit parang busangot naman ang mukha mo, Morrie?" "Eh kasi naman, Ate Sheina, may bad news," aniya. "Isa sa mga napiling judges daw ay si Kapitan. Eh 'di alam na. Tagilid na nga ako dahil sumali rin si Janna, tapos judge din si Kapitana. Eh 'di siyempre papanalunin niya iyong si Millienda, iyong best friend ng anak niyang si Ligaya." "Ay teka, sumali rin ang impaktang iyon?" gulat namang tanong ko. Si Millienda iyong pa-tweetums na side kick ni Ligaya, na laging may kulay ang buhok at laging pa-sexy kung manamit. Maganda naman siya at long-legged, pero kasi hindi siya iyong tipo na kontisera kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari at kasali na pala siya. "Oo! Ang chika sa akin ng mga labandera, pinilit daw ni Ligaya na sumali ang best friend niya para daw ito ang manalo. Sure win na raw ito kasi nga judge pala ang Nanay niya." "Huh? Eh 'di unfair iyon?" pagsingit naman ni Claire. "Hindi dapat siya kasali kung ganyan!" "Ayun na nga. Technically, hindi naman siya kamag-anak ni Kapitana so wala siyang nilalabag na rules ng pageant," sabi ni Morrie. "Pero 'di ba? Magugulat pa ba tayo kung siya ang manalo ngayong kasali na siya? Hay, kung ganyan lang pala, pasasalihin ko na rin iyong pinsan kong si Josana. Sobrang ganda noon at nananalo na talaga iyon sa mga contests sa Manila. Para in case si Millienda ang manalo, magreklamo ang mga tao dahil imposible namang matalo niya si Joasana, 'di ba." "Naku, kay Janna pa nga lang ay wala naman na talaga siyang binatbat." "Oo nga, Ate. Pero maraming paraan para makapagdaya eh. Ano'ng malay natin kung bigyan siya ng tips ni Kapitana. Hay, kung bakit kasi judge pa siya? Napak-unfair naman! Target ko lang sanang maka-top five man lang para sa cash prize pero mukhang pati yun tagilid na ako doon! May screening pa mamaya at baka magsisali pa iyong mga nasa Maynila!" Agree ako kay Morrie. Mukhang mas lumabo pa nga ang chance ko na manalo ngayong sumali pa ang impakta na yun. Bad trip tuloy ako na bumalik ng clinic. Naabutan ko si Ehra na nag-aayos na ng mga kahon-kahong gamot sa shelves kaya tinulungan ko siya. "O, asan si Jeron?" "Hindi ba siya tumawag sa 'yo? Nagpaiwan siya sa Talisay, Sheina," sagot ni Ehra. "Ha? Hindi eh. Bakit daw siya nagpaiwan doon?" "Ewan ko, Sheina. Ang sabi niya mauna na lang daw ako eh." Nagpasalamat ako kay Ehra sa impormasyon, pero nagtataka talaga ako kung bakit nagpaiwan doon si Jeron. Bukod sa mga gamot na sinundo nila (na nandito na) ay wala naman akong ibang alam na pakay niya doon. Unless makikipagkita siya sa isang tao doon? Mga alas tres na nakabalik ng clinic niya si Jeron, at inis na inis na talaga ako dahil hindi niya man lang ako tinext para magpaalam kung bakit ang tagal niyang nawala. Narinig ko palang ang tunog ng bago niyang motor na pumarada sa labas ng Brgy Hall, nilabas ko na siya at sinalubong. Balak ko nga sana siyang bungangaan para lang matakot siya pero laking gulat ko nang makita kong may dala siyang isang napakalaking bouquet ng bulaklak. At hindi lang iyon basta-bastang bulaklak. Mga red tulips iyon. Favorite flowers ko pa. "Hi babe. Pasensiya na kung ang tagal ko. Ito oh, peace offering," aniya sabay ngiti sa akin nang napakalapad. Tulala na tinanggap ko ang mga bulaklak. "Para sa akin 'to?" "Yes. I'm sorry kung ang tagal ko. May nakipagkita kasi sa akin kanina, eh na-lowbat na rin ang phone ko kaya hindi na ako nakatawag sa 'yo." "Ahh... Sino naman ang nakipagkita sa 'yo?" "My schoolmate and best friend, Louise Jane." "Huh? May best friend ka? At babae ang best friend mo?" Tumango siya. "Yes, babe. She's a lawyer. And nagpalipat na rin pala siya ng work. Nasa Regional Trial Court na siya sa Talisay ngayon. Nagulat nga ako eh. Kasi wala naman siyang sinasabi sa akin. Surprise daw. kaya na-surprise talaga ako." Parang ang bigat bigla ng dibdib ko dahil sa itsura ni Jeron ngayon. Tuwang-tuwa kasi siya eh. Hindi niya maitago ang saya na nagkita sila ulit ng bff niyang babaeng lawyer na schoolmate niya rin. Nakakainis pala na naghintay ako sa kanya at nag-alala pa ako na baka may nangyari nang masama sa kanya, tapos malalaman ko na may kasama pala siyang ibang babae? Parang gusto kong manakal ng best friend. Letsugas kasi, ganito pala ang pakiramdam ng magselos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD