SHEINA Iniwasan na ako ni Jeron pagkatapos naming mag-usap tungkol sa Mommy niya. Alam kong may punto siya sa mga sinabi niya sa akin, pero may punto rin naman ako na dapat hindi nadadamay si Randel sa galit niya sa nanay niya. Kaya ko lang naman siya pinuna doon ay dahil sa para sa akin, importante pa rin na masaya at maganda ang childhood ng anak niya. Pero minasama niya pa yata ang mga sinabi ko. Kaya naman sobrang down ko hanggang sa umuwi kami nina Nanay, Larry, at Claire mula sa birthday party ni Randel. Hindi na kasi nagpakita sa amin si Jeron. Na-busy na raw kasi sa iba niyang mga bisita na doon makikitulog sa bahay nila si Jeron kaya wala siya nang umalis na kami. Pero alam ko naman ang totoo kaya hindi na lang ako kumibo doon. Kahit sa school ay hindi na kami nagkausap pa ni J

