Kabanata 16

3053 Words
SHEINA "If that's your dream, sino ba naman ako para pigilan ka 'di ba? My role as your significant other is to support you all the way. Even if it means I will have to miss you every second that you are gone." Muntik na akong matumba nang sinabi niya yun sa akin. Nanghina kasi bigla ang mga tuhod ko doon sa sinabi niya. Ano raw? Significant other? Wow, agad-agad may ganoong tawagan na kami? Naloka naman ako dahil parang napakaseryoso niya naman agad sa relasyon namin eh hindi pa nga kami nag-iisang araw bilang magjowa! Hindi ba pwedeng pa-sweetums muna kami? "Sheina, kung yan talaga ang gusto mong gawin, hindi kita pipigilan. Pero magsisinungaling din ako kung hindi ko sasabihin sa 'yong I will try to convince you in my own way to just stay here with me." "Oh... So magkaiba ba yun?" "Definitely. Hindi ko sasabihing 'wag kang umalis, pero ipapakita kong mas magandang dumito ka na lang kasama ko." "Okay..." sagot ko na lang dahil naiilang talaga ako ngayon sa kanya. Paano kasi, ang intense niya kung makatingin sa akin at ang galing niya magparamdam na sincere siya sa sinasabi niya. Naisip ko nga, si Jeron na shy type pa rin ba itong kausap ko ngayon? Bakit parang nag-switch kaagad ang personality niya? "Ah, Jeron, mamaya na natin ito pag-usapan ha. Kumain na muna tayo." Siya naman ang tumango. Naglakad na kami ulit and this time binilisan na namin ang pagpunta sa karinderya ni Morrie. And as usual, pinagtinginan kami ng mga tao pagdating namin. May mga bumati sa kanya, pero kapansin-pansing walang bumati sa akin. May isang babae pa nga na hindi itinago ang pagtaas ng isa niyang kilay sa akin habang nakamasid sa amin ni Jeron na kumain. Akala mo naman napakaganda ng bruha, eh ginuhit lang naman ang kilay niya tapos hindi pa pantay.  Pero hindi na lang namin sila pinansin, lalo na ako. Ma-stress lang na naman kasi ako. Kahit si Morrie ay nagtanong sa akin kung bakit kami magkasama ni Jeron, dahil alam naman na siguro ng buong San Policarpio at this point na medyo nagkasagutan kami noon pero pabebe lang ang sagot ko kay Morrie dahil ayoko talaga ipagkalat na kami na ni Jeron. Ewan ko nga kung bakit. Siguro ayoko lang talagang mas maging guilty pa lalo dahil ngayon pa lang parang alam ko ng hindi ako nito papatulugin ng ginagawa kong ito magmula ngayon. Napansin ko rin na parang distracted na si Jeron habang kumakain kami. Ilang beses ko siyang nahuling nag-space out. At alam kong dahil iyon sa nalaman niyang balak kong umalis ng bansa. Naloka siguro talaga siya na hindi rin pala magtatagal itong pagsamama namin dito sa San Policarpio. Ang cute niya nga eh, kasi talagang nag-alala na siya agad, kaya pakiramdam ko tuloy kailangan kong pagaanin ang loob niya ngayon, kaya sinubukan ko. "Jeron?" "Hmmm?" "Sorry talaga ha. Alam ko iniisip mo pa rin 'yung tungkol sa pag-alis ko. Pero baka pwedeng 'wag mo muna alalahanin yun. Matagal pa naman yun. Mag-training pa ako rito ng ilang buwan dahil isa yun sa requirement ng agency ko. Hindi ko nga alam kung makakapag-training na ako agad next month eh. Kaya 'wag ka nang malungkot diyan." "Bakit hindi ka naman sure na makakapag-training ka na?" tanong niya sa aking nagtataka. Binaba niya pa ang kutsara't tinidor na hawak niya at itinuon niya sa akin ang buong atensiyon niya. "May problema ka ba?" "Ah eh... Ano lang. Yung sa placement fee ko at 'yung bayad sa training ko. Wala pa akong hawak na pera para mabayaran yun nang buo next month. Kaya gumagawa rin ako ng paraan. Nakakahiya mang sabihin sa 'yo, kaya ko gustong tulungan mo akong malinis ang pangalan ko sa mga tao ay para bumalik na ang mga nagpapagamot sa akin at mabentahan ko na ulit sila ng coconut oil at iba pa. Dagdag kita rin yun para sa akin. Pati na 'yung pag-upa mo sana sa bahay. Ang kaso ayun nga, ayaw naman ni Nanay. Pero 'wag ka mag-alala. Gagawan ko naman ng paraan iyon. Huwag kang maawa sa akin dahil marami naman akong options pa." Hindi kaagad siya nakasagot. Nakatingin siya sa akin na parang binabasa niya ang mukha ko. Pero dahil nag-iiwas ako sa kanya ng tingin, hindi ko alam kung ano na ba ang iniisip niya ngayon sa akin. To be honest, ayoko na kinakaawaan ako ng iba. Ano naman kasi ang mapapala ko sa awa nila sa akin, 'di ba? At saka hindi naman ako lumpo at wala naman akong kapansanan para kaawaan dahil kaya ko namang gumawa ng paraan sa mga problema ko. "I see... I know that you're a very strong woman, Sheina. Pero kung kailangan mo ng tulong, please do not hesitate to ask me. Lalo na ngayong boyfriend mo na ako. Kung ano ang problema mo ay problema ko na rin." Tumango ako at huminga ako nang malalim para mapigilan ko ang isang kakaibang pakiramdam na bigla kong naramdaman ng dahil sa sinabi niya. Parang may isang malakas na bugso ng damdamin ang tumama sa akin ngayon at gusto ko na lang maiyak sa sulok sa saya... o sa lungkot... Hindi ko talaga alam kung ano itong emotion na nararamdaman ko ngayon. Ang alam ko lang, na-overwhelmed ako nang sinabi niyang problema niya na rin ngayon ang problema ko. Buong buhay ko kasi ay wala namang nagsabi sa akin nang ganyan, bukod siguro sa Nanay ko. Sanay na akong mag-isang kinakaharap ang mga pagsubok sa buhay ko kaya sobrang nakakapanibago ito ngayon para sa akin, na may taong ang sinasabi ay parang kung ano ang problema ko ay problema niya rin. "Salamat, Jeron. But please, 'wag kang mag-offer sa akin ng pera ha, that's a big no sa ating relasyon. Hindi kita jinowa para perahan." Napangiti siya doon. "Eh bakit mo ako jinowa?" tanong niya na nagtaas-baba pa ng mga kilay niya. Natawa rin ako dahil ang weird lang din na ginagamit niya ang way ng pananalita ko. "Ano ka ba. Kailangan mo pa ba talagang itanong yan?" nahihiyang sagot ko sa kanya. "Eh ikaw, bakit mo ako nagustuhan? See? Nabigla ka rin sa tanong ko? Kaya 'wag ka magtatanong ng ganyan, wala ako sa hotseat, ano?" Natawa na lang ulit siya. Natapos kaming mag-lunch na puro biruan na lang. At masaya ako na ganoon, dahil ayoko namang ang bigat na kaagad ng atmosphere sa pagitan naming dalawa. Habang hinahataid niya ako pauwi, nagulat naman ako nang huminto kami sa may elementary school kung saan may flower garden doon na in full bloom. Huminto ako para kunan iyon ng picture, at nagpa-picture na rin ako kay Jeron para sana bagong profile picture ko sa f******k. Kwela ang ginawa kong mga pose. May isa ngang picture na naglagay ako ng bulaklak sa likod ng tenga ko, at mistulang personal photographer ko na tuloy ang kawawang si Jeron. Pero mukhang nagi-enjoy naman siya kaya hindi na ako nahiya. Tinodo ko na talaga. Pero naalala kong may trabaho pa nga pala siya at nag-lunch break lang siya, kaya naman tumigil na ako kaka-pose na parang model. Niyaya ko na siyang umuwi na. "Teka, Sheina, dito muna tayo. May request pa ako sa 'yo." "Huh? Ano naman?" "Let's take a picture together." Natigilan na naman ako doon. "A-Ahhh... Couple photo ba?" Tumango siya na namumula na naman ang buong mukha. 'Yes." At dahil wala naman akong nakikitang masama doon, pumayag na rin ako. Baka gusto niya nang picture naming dalawa na ise-save niya sa phone niya. Kinilig pa nga ako nang isipin kong baka gawin niya pa iyong lockscreen. Yun nga lang, hindi ko naihanda ang sarili ko nang akbayan niya ako nang kunan niya kaming dalawa ng picture. Ipinakita niya pa sa akin yun pagkatapos, at aaminin ko, we really look good together. May mga magagandang mga bulaklak sa likod namin pero hindi ko man lang napansin ang mga iyon. Nakuha kasi ang atensiyon ko ng napakagandang ngiti ni Jeron sa picture. Hindi ko alam kung bakit, pero nang makita ko ang first couple photo namin together, bumilis ang t***k ng puso ko at nanlambot na naman ang mga tuhod ko. Bakit ko 'to nararamdaman? Dahil ba 'to sa cute kaming tingnan na magkasama sa picture? Dahil ba ito sa sinabi ni Jeron na gagawin niya nga raw lockscreen at homescreen ang picture na yun? O dahil yun sa sinabi niyang ang swerte niya raw dahil ang ganda-ganda ng girlfriend niya? Hindi ko na rin alam, kaya napailing na lang ako sa sarili ko.  Ano bang nangyayari sa 'yo, Sheina? Hindi ka dapat nagkakaganito! Hindi dapat mahulog ang loob mo kay Jeron! *** Natulog ako ng hapon at hindi ko na itinuloy ang paglilinis sa kwarto ni Kuya na lilipatan sana ni Jeron dahil wala na rin namang point na gawin ko yun. Gustuhin ko mang pilitin si Nanay na pumayag na, ay hindi ko na rin gagawin dahil ayokong magkasamaan pa kami ng loob. Tama na sigurong magtampo na lang ako sa kanya, lalo pa't mas gusto niya pang ibenta na lang namin ang niyugan namin kaysa magpaupa ako rito ng tao. Nabulabog naman ako habang nagkakape ako nang biglang pumasok ng bahay si Larry na galit na galit na naman. Hindi na nga niya ako hinintay na paupuin ko siya o ano. Basta niya na lang akong nilapitan na parang mangangagat. "O, bakit parang nagdadabog ka naman, Larry?" bungad ko sa kanya. "Sino'ng hindi magdadabog?" sagot niya sa akin at nabigla ako dahil ang taas kaagad ng boses niya. "Kalat na sa buong San Policarpio na kayo na raw ni Jeron!" Hindi na ako nagulat doon, pero nabilisan pa rin ako sa pagkalat ng balita. Totoo yata talaga ang kasabihang 'the devil works hard but the Marites Foundation works harder.' Kaya naman inubos ko na ang kape ko para makasagutan ko na 'tong si Larry na galit na galit naman sa akin. "Kalma, Larry. Hindi mo ako kailangang sigawan." "Sagutin mo na lang ang tanong ko, Sheina, dahil ayokong maniwala na lang basta-basta sa iba. Gusto kong sa 'yo mismo manggaling. Totoo ba? Kayo na ba talaga ng doktor na yun? Boyfriend mo na ba siya?" "Yes. Kami na. Kanina lang," dire-diresto kong sagot at hindi na maipinta ang mukha ni Larry ngayon. Sa totoo lang, naawa naman ako sa kanya dahil halata ang sakit sa mga mata niya, pero ano ang magagawa ko? Ayoko namang magsinungaling dahil makikita niya rin kaming dalawa ni Jeron na magkasama. "Akala ko ba galit ka sa kanya? Bakit naging kayo na ilang araw lang ang lumipas?" tanong niya na may hinanakit. Hindi siguro siya makapaniwala sa sinabi ko. "Nagkaayos na kami. At saka misunderstanding lang iyong nangyari sa pagitan namin. Ngayon ay okay na kami." Napahilamos siya sa mukha niya. "Ganoon na lang yun? Nagkabati lang kayo ay kayo na agad?" "Aba, eh bakit hindi? Bakit patatagalin pa namin?" "Akala ko iba ka, Sheina. Akala ko hindi ka natingin sa mga materyal na bagay tulad ng ibang mga babaeng nahuhumaling sa doktor na yun. Pero siguro mali ako." Napatayo na ako dahil sa sinabi niya. "Huh? Ano'ng pinagsasabi mo diyan? Teka nga lang, Larry! Sinasabi mo ba na piniperahan ko lang si Jeron?" "Hindi ako ang nagsabi niyan." Mabilis pa sa alas otso na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. "Grabe ka. Hindi mo pa nga siguro ako kilala. Kung pera lang ang habol ko, aba eh bakit hindi pa ikaw ang pinili ko, 'di ba? Mayaman din naman kayo at kilala ko pa ang buong angkan mo---" "Yan din ang tanong ko, Sheina. Bakit nga ba hindi ako? Ang tagal ko nang iniisip yan. Dahil ba hindi ako doktor? Dahil ba hindi ako professional? O dahil ba hindi ako taga-Maynila? Dahil ba wala akong ibubuga sa kanya? Pero hindi yan totoo, Sheina, dahil hindi lang naman ako tambay rito sa atin. Ang totoo niyan---" "Wala akong pakialam kung ano ang trabaho mo o kung saan ka nagmula," singit ko sa litanya niya na ang sakit sa tenga pakinggan. "Gusto mong malaman kung bakit hindi ko nakikita ang sarili ko na maging girlfriend mo? Ha? Sige. Sasabihin ko sa 'yo." "Oo! Sabihin mo dahil hindi ko maintindihan! Ako itong matagal ng nandito sa tabi mo! Ako itong nagbabantay sa 'yo at sinisigurong walang masasamang loob na papasok sa 'yo rito! At ako itong tumulong sa 'yo na makapag-abroad! Kaya sige! Gusto kong malaman kung ano pa ang kulang ko!" Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko dahil sa namuong mga luha doon. Hindi ko kasi gusto itong nangyayari ngayon. Kaibigan na rin kasi ang turing ko kay Larry ngayon eh. Lalo na nitong ilang nagdaan na mga araw. Ayoko sanang makipag-away sa kanya. "Gusto mong malaman kung bakit hindi kita gusto 'di ba?" sabi ko sa kanya. Mahina lang ang boses ko dahil parang nawalan din ako ng lakas dahil sa nangyayari. "Maliit ang tingin mo sa akin, Larry. Aminin mo man o hindi, hindi mo ako kapantay sa mga mata mo. Iyong pagiging albularyo ko, ayaw mo doon, 'di ba? Ilang beses mong minaliit iyon, at palagi mong sinasabi sa akin na iwan ko na yun dahil wala naman akong napapala doon. Eh dapat alam mo na malaking bahagi ng buhay ko yun, kasi yun na lang ang meron ako na parte ng pagkatao ng Lola ko," sagot sa kanya at naestatwa na siya ngayon. Hindi na siya makasagot. "Lagi mong sinasabi sa akin, na kapag maging tayo ay hindi ko na kailangang gawin ang manggamot, na para bang napipilitan lang ako doon. Nagkakamali ka doon eh. Hindi ako napipilitan lang. Iyon ang buhay ng Lola ko, Larry. Buhay niya na buhay ko na rin. Pero mababa ang tingin mo doon." "Sheina... W-Wala akong masamang intensiyon sa mga nasabi ko---" "Siguro nga wala," sagot ko sa kanya. "Pero isipin mo rin... Bakit ako magkakagusto sa taong hinahamak naman ang mayroon ako? Na sinasabi sa akin na hindi ako aangat sa buhay kung hindi ko siya pipiliin? Na ang tanging ino-offer sa akin ay financial security kapag naging kami, eh hindi naman yun ang gusto ko na marinig ko, dahil kaya ko namang magtrabaho ng para sa akin?" "Hindi kita minamaliit, Sheina," sabi niya pa. "Hindi iyon ang punto ko. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na mahirap ang buhay na pinasok mo, at tama naman ako 'di ba? Hindi ka ba nahihirapan? Kumikita ka ba nang malaki diyan? Bakit kailangan mo pang mag-abroad kung okay ang kinikita mo sa panggagamot mo?" "Hindi ganyan ang mga sinabi mo noon." "Okay, sorry," sabi niya. "Sorry kung nasaktan kita doon at pakiramdam mo minamaliit kita. Pero concerned lang ako sa 'yo dahil tingnan mo naman, nang nagkaroon ng doktor dito, eh ikaw na ang naging masama sa mata ng mga tao. Iyon ang gusto ko sanang maiwasan mo dahil aminin mo man o hindi, tinatawanan ng iba ang ginagawa mo. Hindi mo lang noon naririnig, o hindi mo lang nakikita. Pero noon pa, hindi na maganda ang tingin nila sa 'yo." Tumango ako. "Alam ko naman yan. Pero gaya nga ng sabi ko sa 'yo, hindi ko naman ginagawa yun para lang kumita o para lang matuwa sa akin ang mga tao. Parte na yun ng buhay ko. At gusto ko sana, kung magkakaroon man ako ng katuwang sa buhay, tanggap niya iyon. Kaso hindi mo naman iyon tanggap. Gusto mo akong baguhin. Hindi mo ako gusto kung sino ako. May idea ka sa akin na gusto mong magkatotoo---" "At ano, Sheina, tanggap ni Jeron 'yang panggagamot mo? Ah, oo nga! Tanggap niya nga siguro. Sa sobrang tanggap niya nga sa ginagawa mo, pinagalitan ka niya sa nangyari doon kay Aling Marcia 'di ba?" "Hindi ito tungkol kay Jeron---" "Pero tungkol lang ito sa akin?" sagot niya at alam kong malalim na ngayon ang hinanakit namin sa isa't isa. "Okay lang na maliitin ka niya, pero ako hindi?" "Hindi niya ako minaliit. Hindi niya ipinagpipilitan ang sarili niya sa akin na para bang siya ang savior ko at giginhawa ang buhay ko kapag siya ang pinili ko. Hindi niya ako sinabihang huminto sa panggagamot. Ikaw ang gumagawa 'non sa akin. Pero alam mo, hindi ko yun minasama, Larry. Inisip ko rin na ganoon talaga siguro ang magiging tingin ng mga tao sa akin. Kaya nga hindi kita iniiwasan 'di ba? Kaya hindi ako galit sa 'yo." "Hindi ka galit sa akin dahil gusto kong gumanda ang buhay mo kapag naging tayo," ulit niya doon sa punto ko. "Ayaw mo na sinasabi ko sa 'yo na hindi ka maghihirap kapag ako ang pinili mo. Bakit Sheina, ano'ng gusto mong gawin ko? Pabayaan ka kapag naging tayo na?" "Ang sa akin lang, hindi ko naramdaman sa 'yo na mahal mo ako!" giit ko sa kanya. "Ang naramdaman ko ay para kang promodiser na kinukumbinsi ako na piliin ka dahil marami akong makukuhang benefits sa 'yo! Hindi ganoon ang gusto ko! Ni hindi mo nga ako niligawan nang matino!" "Dahil ayaw mo akong manligaw ako sa 'yo!" Umiling ako. "Oo, ayaw ko. Tama ka doon. Ayaw ko sa style mo. Nagpapasalamat ako sa naging tulong mo sa akin, Larry, pero hindi mo ako mapapa-oo dahil lang doon. Matagal ko nang sinusubukang sabihin yan sa 'yo. Pero kahit minsan ba ay nakinig ka sa akin? Kahit sino pwedeng maging concerned sa akin. Kahit sino pwede akong tulungan. Pero hindi lahat ay sinusuportahan ako sa gusto kong gawin. At hindi ko yun naramdaman sa 'yo eh. Nitong nakaraan lang. Nitong tinulungan mo akong mag-apply. Pero kasi huli ka na, Larry." Natawa siya doon nang mapakla. "Nahuli na ako kahit ako ang nauna sa 'yo? Grabe, Sheina." "Tama na 'to. Umalis ka na lang siguro. Hindi rin naman siguro tayo magkakaintindihan. Na-appreciate ko ang mga ginawa mo para sa akin all this time, pero magkaiba ang utang na loob sa pagmamahal, Larry, at sana naiintindihan mo ako sa bagay na yan." Tumango-tango siya na parang sumusuko na. "Okay, sige. Kung yan ang desisyon mo. Tatanggapin ko na lang siguro. Baka nga mali ang style ko. Baka nga dapat nakinig ako sa 'yo. Pero sana isipin mo rin Sheina, hindi ko intensiyon na maliitin ka. Gusto kita, at mali man ang paraan ko, totoo ang nararamdaman ko para sa 'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD