SHEINA “Ano? Pati si Jeron ay posibleng madamay sa kagagawan mo?” tanong ko na naalarma na dahil hindi ko naman pwedeng ipagsawalang bahala ang threat na iyon kay Jeron. “Bakit naman gano’n? “’Tay, hindi ba dapat may ginawa ka na para mailayo kami ng boyfriend ko sa panganib? Ano kaya kung sumuko ka na lang sa mga pulis, tapos isumbong mo at ituro mo kung nasaan ang mga kasama mo? Nang sa ganoon ay hindi na kami madamay pa ni Jeron. Kasi hindi ko talaga gustong umalis dito, ‘Tay, lalo na at dito nakadestino si Jeron.” Nagbuntong-hininga si Tatay. “Madali lang sabihin yan, Sheina. Pero matagal na akong wala sa kanila. Hindi na ako bumalik sa Neo mula nang bumaba ako sa kabayanan at naghanap ng trabaho. Ni hindi ko nga alam kung nandoon pa sila sa kuta namin noon. Malaki ang tiyansa na lum

