Kabanata 13

2720 Words
SHEINA Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman sa huling sinabi ni Raffy sa akin. Oo, nakaramdam ako ng lungkot, dahil kung aalis si Jeron nang dahil lang sa maling akala niya tungkol sa akin ay nakaka-guilty naman iyon. Ayoko namang umalis siya na hindi kami nagkakausap. Mas magandang maliwanagan kami pareho sa mga issues sa pagitan naming dalawa.  Pero hindi rin naman ako bobo para isiping mas magandang nandito na lang siya sa San Policarpio. Hello? Shortlisted siya bilang isang department head ng isang itatayong hospital sa Manila? Ang laking opportunity no'n sa kanyang career! Kaya bakit niya palalampasin iyon? Hindi lahat nakakatanggap ng ganoong offer! But I get it, baka nga naman ayaw niya ng ganoon kalaking responsibility, o baka ayaw niya lang talagang magtrabaho sa Maynila in general, pero duh? Kumpara naman sa trabaho niya ngayon dito, sa laki pa lang ng difference sa sahod ay dapat ma-convince na siyang mas piliin iyong malaking offer sa kanya sa Maynila! Lalo na at hindi pa naman siya nakakapirma ng kahit ano sa DOH, so pwede pa siyang umalis. Ang baba lang ng sweldo ng mga doktor kapag nasa gobyerno ka, kaya kung ako sa kanya ay doon na ako sa private! Pero hindi lang ang malaking pagkakaiba ng sweldo ang dapat niyang isipin, kung 'di para na rin sa career grwoth niya! Dito sa trabaho niya ay matagal ang bubunuin niya bago siya ma-promote kasi hindi naman iyon sekreto na pagdating sa health services ay marami pang kakaining bigas ang National Government. Kaya kung gusto niya na lumago kaagad siya sa field niya ay alam niya na dapat kung ano ang pipiliin niya. Kaya sana maisipan ni Jeron na walang kalandiang tutumbas sa career opportunity na naiprisinta sa kanya! "Ano, Sheina, tutulungan mo ba ako?" tanong ulit ni Raffy. Mukhang makulit din talaga ang lahi ng isang ito. Hindi yata 'to aalis dito sa bahay hangga't hindi niya ako nakukumbinsing tulungan siya sa kung ano man 'yang gusto niyang mangyari. "Gusto mo rin naman siya 'di ba?" Natigilan na naman ako sa sinabi niya. "Raffy, alam mo sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot diyan." Pero parang walang narinig si Raffy. "Gusto mo nga siya." "Kakasabi ko lang na hindi ko nga alam eh!" Nag-roll eyes siya sa akin kaya naiinis na naman ako sa kanya. "Sheina, simple lang naman kasi ang tanong ko. Kaya dapat simple lang din naman ang sagot mo doon. Gusto mo rin si Jeron, kasi kung hindi, eh 'di ang isasagot mo sana sa akin ay 'hindi.' Ganoon kasi yun, 'di ba? Kapag no, no talaga. Zero. Nada. Nil." "May point ka pero alam mo kasi Raffy, hindi naman lahat ng tao ay kagaya mo mag-isip ano? At saka hindi ito quiz na ang items ay True or False ang sagot. Yan ang hirap sa inyong mga lalaki. Karamihan sa inyo napakaiksi ng emotional range. Wag mo akong itulad sa 'yo, 'no." Natawa siya doon. "Woah, 'wag na tayong umabot sa debate, Sheina. Wala na tayo sa high school. And yes, I'll accept your answer. Kung naguguluhan ka pa, o kung hindi mo pa alam kung ano ang totoong nararamdaman mo sa kaibigan ko, sige, that's fine with me. Pero aminin mo, tama rin ako. Kasi the fact na naguguluhan ka, it means may gumugulo sa 'yo. So ano 'yang gumugulo sa 'yo?" Gusto kong manapak ngayon. Napakaprangka naman kasi ng lalaking ito, kaya hindi kami nito nagkakasundo eh. Pero in some way ay tama siya. Kasi bakit hindi ko masabing 'no' kung wala nga talaga akong nararamdaman para sa kaibigan niya? Kung bakit kasi napakabweset nitong si Raffy. Hindi na sana aabot sa ganito kung aaminin ko na lang sa kanya na at least ay crush ko si Jeron, pero never ko 'yung aaminin sa kanya. Duh? Kung nagawa niyang ikwento sa akin ang feelings ni Jeron ay mas lalong kaya niya akong ibuking doon. Kaya bakit ko naman gagawin yun? Tumayo na siya mula sa sofa at naglakad na papunta sa pinto. "O siya, may pupuntahan pa ako. Basta sinabi ko na sa 'yo ang alam ko ha. Nasa sa 'yo na yan Sheina kung may gagawin ka. Pero ito ang pakiusap ko sana sa 'yo. If you care enough for Jeron, gagawin mo ang makabubuti para sa kanya." Lumabas na siya ng bahay ko pagkasabi niya 'non. Ang lakas maka-teleserye ng siraulo, talagang iniwan akong may hanging effect dahil sa mga katagang binitawan niya. Pero aaminin ko, naapektuhan ako sa mga sinabi niya dahil tama naman siya doon. Una, kailangan kong i-clear ang misunderstanding sa pagitan naming dalawa ni jeron. pangalawa, kailangan ko nang siguraduhin ang nararamdaman ko sa kanya kung mayroon man, and lastly, kailangan kong gawin ang tama para sa aming dalawa if ever na mayroon nga akong feelings para sa kanya. *** Nagdadalawang-isip ako kung pupunta na ba ako ngayon kay Jeron para kausapin na siya. Gusto ko namang makausap na siya, kaso kinakabahan ako. Baka kasi mag-away lang na naman kami. Or worse, baka niloko lang pala ako ni Raffy patungkol sa mga sinabi niya sa akin about Jeron tapos magugulat na lang ako kapag kausap ko na siya. Ang pinakakinakatakot ko talaga ay ang posibilidad na baka pinagtripan lang ako ng Raffy na yun tapos kasabwat pa niya si Jeron. Ipapa-ambush ko talaga sila kapag yun ang nangyari. Samantanla, namamalengke ako sa talipapa ng may mapansin akong nagkakagulo sa isang sulok ng mga tindahan ng mga gulay. Bilang isa rin naman akong dakilang usisera ay lumapit na ako para malaman kung ano'ng meron. And voila, may babaeng pinagkakaguluhan pala sa isa sa mga tindahan, at nang mas lumapit pa ako ay nakita kong si Janna pala ito. Anak siya ni Aling Lea, iyong buntis na nagpapahilot sa akin noon bago dumating si Jeron dito sa San Policarpio.  Hindi ko alam kung bakit pinagkakaguluhan siya exactly, pero baka nagulat lang ang mga tao na nandito na siya ulit sa amin. Ang alam ko kasi ay nag-aaral ito sa Maynila at isang scholar, kaya bihira lang itong makauwi rito sa amin. Maraming nakapalibot sa kanya habang namimili siya sa tindahan ng gulay, at parang nagkakatawanan pa sila kaya lumapit na rin ako para makiusyuso. Pero nasa katabing tindahan lang ako para kunwari lowkey lang akong chismosa. "Aba, eh matagal ka palang maglalagi rito, Janna. Maganda yan at may kasama muna ang Nanay mo habang hindi pa siya nanganganak!" sabi ng isang ale kay Janna na matipid na ngumingiti sa kanila. "Oo nga po eh. Kaya itinaon ko rin po ang pag-uwi ko rito ngayon." "Aba, eh narito ka na lang din, Janna, ay sumali ka na sa Mr and Miss San Policarpio! Malaki rin ang premyo ng mananalo, ano? Makakatulong yun sa inyo ng Nanay mo!" "Naku, eh hindi naman po ako sumasali sa ganyan," sagot naman ni Janna sa kanila. Mahinhin talaga ang babaeng ito, iyong tipong 'di makabasag-pinggan kaya hindi ko na-imagine na sasali siya sa isang beauty pageant. Pero may point din iyong ale na nangungumbinsi sa kanya na sumali dahil napakaganda talaga ng babaeng ito. Kahit nga ako ay nagagandahan sa kanya, at bihira lang iyon mangyari dahil kakunti lang naman ang mga pinagpala rito sa amin kung natural beauty lang din ang pag-uusapan. "Sumali ka na! Kahit para na lang sa premyo! Kapag sumali ka, ikaw na ang mananalo! Ikaw naman ang pinakamaganda rito sa atin," sabi pa ng isang ginang. "Tapos scholar ka pa kaya masasagot mo ang mga tanong sa question and portion answer." "Question and answer portion, ho." "Ah basta, ang alam ko ay ikaw na ang pinaka-deserving na manalo sa pageant ano? Sino pa ba ang mas maganda kaysa sa 'yo? Wala naman." Natawa doon si Janna, pero iyong tawa niya ay napakahinhin na hindi na yata nagi-exist ngayong 2021. Para siyang nagmula sa panahon ni Maria Clara. "Hindi po totoo yan. Marami pong magaganda dito sa atin." "Ah basta, para sa akin ikaw pa rin ang pinakamaganda rito, iha. Kaya kung ako sa 'yo, sumali ka na. Kung si Sheina nga ay nagawang sumali, ikaw pa kaya?" Nawindang naman ako nang marinig ko ang pangalan ko. Aba, at ako pa talaga ang ginawang example ng gurang na ito, ano? At ano'ng ibig sabihin niya doon sa sinabi niya? Gusto ko nga sanang talakan ang gaga kaso ayoko namang mapaaway na lang bigla, lalo pa at makakasira iyon sa chances kong manalo sa pageant. Dapat calm and collected pa rin ako 'no! "Maganda naman po talaga si Ate Sheina. In fact, para sa akin, malaki ang chance niyang manalo," sagot naman sa kanila ni Janna. Natuwa naman ako sa kanya na dinidepensahan niya ako. Yun nga lang, parang ang awkward lang na pinag-uusapan nila ako gayong nandito lang ako sa tabi nila. Ang mga hitad, hindi pa ba nila ako napapansin na nandito lang ako na nakatayo sa tabi nila? Oblivous much? "Maganda nga siya sa maganda, pero hindi siya ang mananalo, Janna. Marami siyang issue ngayon dito sa atin, kaya malamang ay narinig na ng mga magiging judges ang tungkol doon. Hindi naman siguro nila papapanalunin ang babaeng may pangit na imahe rito sa atin, ano? Aba, nakakahiya yun! Pekeng manggagamot ang mananalong Miss san Policarpio? Paano na lang iyon?" May narinig akong mga tumawa sa sinabi ng aleng iyon, pero wala na akong paki. Naglakad na ako palayo. Mabilis ang mga hakbang ko paalis ng palengke dahil gusto ko nang makalayo sa kanila. Mas binilisan ko pa nang makalabas na rin ako ng gusali ng palengke, na para bang kapag binilisan ko ang mga hakbang ko ay mauunahan ko ang mga luha kong magbagsakan. Na makakauwi na ako bago ako tuluyang bumigay at umiyak. Hanggang sa tumakbo na ako. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa bahay. Kaagad akong pumasok sa kwarto ko at nag-dive ako sa kama ko na humahagulhol. Ang sakit lang kasi ng mga sinabi nila. Ang sakit-sakit lang. Alam ko namang hindi totoo ang mga iyon. Alam ko naman kung ano talaga ang nangyari. Pero wala na eh. Nasira na ang image ko. Hindi ko na iyon maitatama dahil para sa kanila, gano'n na ako. Peke. Scammer. Walang kwenta. Kahit ano pang pagtatama sa kanila ang gawin ko, hindi ko na tuluyang mababago ang impression nila sa akin. Ganun ka-powerful ang fake news. Kahit anong effort mong itama ang tingin nila sa iyo, kung sila na mismo ang hindi maniniwala sa 'yo, wala ka nang magagawa doon. You just have to live with it, ika nga nila. Pero tama rin sila doon sa part na hindi ako mananalo sa Mr and Miss San Policarpio. Bakit nga naman ako ang papanalunin nila, eh maraming pangit na bagay ang naririnig ng mga tao tungkol sa akin? I'm sure hindi nila gugustuhing mabahiran ng scandal ang pageant nila. Kaya tama naman sila doon. Ngayong na-realize ko na iyon, napakababa nga naman ng chance na manalo ako sa pagent. Saka lang nag-sink in sa akin iyon nang marinig ko mula sa iba ang bagay na iyon. Bakit ko nga ba naisip na may chance ako kung sirang-sira naman ang image ko sa mga tao rito? Kasalanan talaga ito ni Jeron. Dahil sa ginawa niya ay nangyari ang lahat ng ito. Kahit na sabihing hindi niya nga ako siniraan sa mga dati kong ginagamot, dahil pa rin sa kanya kung bakit ang pangit na ng tingin ng mga tao sa akin. Kahit wala naman talaga akong masamang ginagawa, naging masama na ako sa mata ng mga tao dahil mas maganda ang ginagawa niya. Hindi lang sila humintong magpunta sa akin para magpagamot dahil naniniwala na rin silang peke talaga ako. Pero saan nga ba ako peke? Aba, hindi naman ako isang quack doctor na kung ano-ano lang ang ibinibigay na gamot sa mga pasyenteng lumalapit sa akin. Nakapagtapos ako ng Midwifery, kaya kahit paano ay may alam naman ako. At saka mga herbal medicine naman ang ginagamit ko, na napatunayan na rin naman talagang nakakagaling ng iba't ibang uri ng mga sakit. Tapos sa parte naman na tungkol sa mga naengkanto, o mga nanuno, aba ay ginagawa ko lang naman ang itinuro sa akin ng Lola ko, at kahit isa sa mga iyon ay napatunayan namang hindi harmful sa kalusugan ng mga ginagamot ko. Dahil kung masama iyon sa kanila, bakit bumabalik-balik pa rin sila sa akin? Subukan kaya nilang magpa-check up kay Jeron at sabihin nilang nakaapak sila ng nuno sa punso. Tingnan natin kung hindi sila tawanan ng lalaking yun. At paano na pala ang training ko? Saan ako kukuha ng pera na ipambabayad ko doon kung maliit lang pala ang chance na manalo ako sa Mr and Miss San Policarpio? Hindi ko pa rin gustong mangutang kay Larry, at mas lalong ayokong mangutang si Nanay para sa akin. Masyado na siyang lubog sa utang kaya hindi pwedeng dumagdag pa ako sa babayaran niya. Iisa lang talaga ang naiisip kong solusyon dito eh. Ang magpatuloy ako sa panggagamot ko. Dahil may nakukuha rin naman ako doon. Nakakadagdag din siya sa ipon ko. At least kung nanggagamot pa ako, hindi ako mawawalan ng pera dahil binibigyan naman nila ako ng kahit magkanong gusto nilang ibayad sa akin. Pero paano nga yun mangyayari kung pangit pa rin ang imahe ko sa mga tao? Habang nandito kasi si Jeron ay hindi babalik sa akin ang mga tao para magpagamot. Kapag wala na siya rito, mapipilitan na rin naman silang bumalik sa akin kahit na ayaw pa nila. Kailangang mapaalis ko rito si Jeron at mapabalik ko siya ng Maynila dahil hindi na ako sure na ako pa rin ang mananalo sa pagent lalo na kung sasali si Janna. Kaya nag-isip na ako nang pwede kong gawin kung sakali. Kinabukasan, maaga akong nagtungo sa Baranggay Hall para kausapin si Jeron. Sakto namang naroon na siya at kakatapos lang mamigay ng bakuna sa mga bata. Pagkaalis ng mga pasyente niya, saka ako lumapit sa kanya. Nabigla pa siya sa pagsulpot ko at halata na agad ang pamumula ng mukha niya. Kahit mga tenga niya ay pulang-pula na ngayon. "Hi, Jeron. Ay Doc Jeron pala. Pwede ka bang makausap sandali?" tanong ko sa kanya. Nagulat man, tumango agad siya. "Sure. Tungkol saan ba?" "Tungkol sa ating dalawa," diretsahang sagot ko. "Ang sabi kasi ni Raffy ay may gusto ka sa akin. Totoo ba yun?" Muntik na siyang literal na mahulog sa kinauupuan niya. Narito kasi kami ngayon sa office niya at nakaupo siya sa likod ng table niya. Nakaharap naman ako sa kanya na parang magpapakunsulta sa kanya. "S-Sinabi ni Raffy yun?" "Oo. Pero ayoko namang magbase lang sa sinabi niya. Gusto ko na sa 'yo mismo manggaling." "Ah eh---" "So ano nga? Gusto mo ba ako o hindi?" Nanlaki ang mga mata niya doon. Ngayon lang talaga ako nakasalamuha ng napakamahiyaing tao, kaya sa totoo lang naninibago rin ako sa kanya. At parang magic, bigla siyang tumango. "O-Oo... G-Gusto kita." Parang ako naman yata ang nag-init ang buong mukha dahil sa pag-amin niya. "Hindi ka galit sa akin?" paniniguro ko naman. "No! Hindi ako magagalit sa 'yo, Sheina. I was just stressed out that day, I'm sorry if I took it out on you---" "Wala na yun sa akin," pagsisinungaling ko. "Hindi na rin naman ako galit sa 'yo. Kalimutan na lang natin yun. Dahil ang totoo niyan ay crush din kita." "WHAT?" "Yes. Tama ka ng dinig. Kaya kung okay sa 'yo, pwede tayong mag-date, Jeron." "WHAT?" Matatawa na sana ako dahil paulit-ulit na lang siya ng sinasabi, pero pinilit kong maging seryoso dahil seryoso ang usapan namin ngayon. "Yan ay kung gusto mo lang naman." "Of course!" sagot niya agad. "Of course I would love to date you!" Tumango ako doon sa response niya. At aaminin ko, may parte sa akin na kinilig na ganito niya ako kagusto, talagang napasigaw pa siya. "Sige. Pero may kundisyon ako, Jeron. Do it, and we will date." "Ano naman ang kundisyon mo?" "Una, sumali ka sa pageant. Tapos pangalawa, tulungan mo akong i-clear ang pangalan ko sa mga tao. And lastly..." napahinto pa ako sa pagsasalita dahil kahit ako ay naloloka sa desisyon kong ito. "Lastly?" "Lumipat ka na ng tirahan. Hindi ka maayos kina Raffy 'di ba? Sa akin ka na tumira."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD