๐๐๐ฌ ๐จ๐๐๐ค๐ค๐ก, ๐๐๐ฌ ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐จ.
KATELYN'S POINT OF VIEW
This is it. From now on dito na ako Mag-aaral sa manila. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko ng mag isa. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin sa lugar na ito.
Nakaharap ako ngayon sa bago kong paaralan. Naks pangalan palang pangmayaman na. ๐๐ฆ๐ต๐ณ๐ฐ๐ฑ๐ฐ๐ญ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐๐ฏ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ต๐บ ๐๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด: ๐๐ฏ๐ฏ๐ฐ๐ท๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ง ๐ข ๐๐ณ๐ช๐จ๐ฉ๐ต๐ฆ๐ณ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฐ๐ณ๐ณ๐ฐ๐ธ (๐๐๐). Mukhang Matatalino ang mga Students dito.
Pumasok na ako at agad pumunta sa main building ng campus, Sabi ni Mommy sa main building daw makikita ang Registrar so doon na muna ako tumuloy. Sa laki ba naman ng University na'to nako baka maligaw ako.
Balita ko available lahat ng courses dito sa University na'to. Kaya siguro maraming gustong mag aral dito. May nakita akong babaeng Ash gray ang buhok, Subrang ganda niya. Mukhang anghel na bumaba sa langit.
Lumapit ako sakanya para sana mag tanong. Medyo kinakabahan ako. Baka kasi sungitan ako bigla. Sakanya nalang ako mag tatanong tinatamad na akong hanapin yung registrar.
โHi Miss is it okay to askโ mahinhing sabi ko at habang naka yuko โAlam niyo po ba kung saan po yung Tourism Building?โ patuloy ko.
โTransferee?โ tanong niya kaya nakangiti akong tumango โOh I'm also a Tourism Student. Pwede kang sumabay sa'akin papunta dunโ naka ngiti niyang sabi.
โOkay lang po ba? Hindi po ba nakakahiya?โ tanong ko habang nakayuko.
โNo it's okay, papunta narin kasi ako dun, and wag mo na'kong i-po nakakatanda kasi parang same lang naman tayo ng age.โ sabi niya kaya napatawa naman ako sa sinabi niya.
โAhh... Sige.โ nahihiyang sabi ko.
โAko nga pala si Hazel Tanya Lee.โ pakilala niya โIkaw? What's your name?โ tanong niya.
โKatelyn Bautista.โ sagot ko naman.
โAnong Section ka pala?โ tanong niya
โAhh Class-A1โ Sagot ko
โOMG Classmate tayo, doon din ako.โ tumitili niyang sabi. โAlam mo ba ang Class A-1 ang pinaka higher section sa iba't ibang courses, kaya siguro, matalino ka, kaya ka napunta samin.โ sabi pa niya. Akala ko talaga masungit siya, talkative naman pala at mukhang friendly.
โHindi naman masyadoโ sagot ko nalang.
โAlam mo, lahat ng Courses dito may kanya kanyang buildings.โ sabi niya habang nag lalakad kami โHanggang First year to Fourth Year. And iba iba din ng section.โ dagdag niya.
โSo madami talagang nag aaral dito?โ tanong ko. Marami na kaming nadadaanan na mga building at oo nga ang tataas, nasa Fifth floor yata kada building.
โYes, tignan mo mamaya sa building natin, Maraming students na agad. Hindi lang kasi mga Filipino ang mga nag-aaral dito, meron din galing sa iba't ibang bansa.โ sabi nya kaya mapa wow ako. โAnd kung nakikita mo may kanya kanyang design ng Uniform ang iba't ibang Courseโ sabi niya kaya tumingin ako sa ibang mga studyante at oo nga iba ang uniform nila.
โOo nga noh, buti kaya ng budget ng university na'to mag provide ng iba't ibang uniform tapos ang dami pa ng mga students.โ sabi ko
โBase din kasi sa Course na kinuha nila yung mga uniform nila.โ sabi niya โFor example Tourism. Tignan mo naman itong uniform natin compare sa iba.โ sabi niya
Magaganda ang uniform ng ibang students pero masasabi kong maganda din ang uniform ng tourism kasi napaka presentable.
โItong mga building ng iba't ibang courses para lang to sa mga katulad natin na kayang bayaran yung napaka mahal na tuition fee ditoโ sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Anong ibig niyang sabihin?. โMerong branch ang Metropolitan University. Na para sa mga taong gustong mag-aral dito pero hindi afford. Nag bibigay kasi ng Scholarship ang University para sa mga taong gustong mag aral dito.โ paliwanag niya.
โSo nasan sila, kasama lang ba natin? Nakakahalubilo?โ tanong ko.
โNo, kapalit kasi ng libreng pag-aaral nila dito. Hindi sila pwedeng Lumapit or pakipag interact sa'tinโ sagot niya.
โWhat do you mean?โ naguguluhang tanong ko, Hindi ko maintindihan.
โSabi kasi ng headmistress Hindi daw natin ka-level ang mga scholars. Kaya bawal sila dito sa main campus.โ sabi niya.
โKung ganun nasaan sila?โ takang tanong ko.
โkita mo yang mataas na Wall?โ tanong niya habang naka turo sa isang mataas na pader. Nasa dulo na kami and I think this last building is our. โNandiyan sila sa kabila.โ sabi niya. Napaka taas ng pader ayaw siguro silang papasukin dito sa main campus.
โDito na ba yung building nang tourism?โ tanong ko. Kanina pa ako pagod kakalakad.
โAhh yeah, let's go na.โ sabi niya at naunang mag lakad papasok kaya sumunod naman ako agad.
Pag pasok namin sa building napa-nganga nalang ako sa subrang ganda.
โkate, let's goโ sabi niya at hinila ako papunta sa Elevator, s**t naman pre naka elevator pa.
โNasa Second floor ang Classroom natin pati ang ibang first year.โ sabi niya habang naka sakay kami sa elevator.
โKung ganon sa third floor ang mga Second year, tapos sa fourth floor ang mga Third year with the fifth floor is for Fourth year?โ tanong ko. Dahil kung tama ako, para saan ang First floor?
โYup, tama ka. Sa first floor nandoon ang sarili nating cafeteria, and nandoon din ang mga office ng mga professor.โ explain niya
Hindi nag tagal bumukas din agad ang Elevator kasi sa second floor lang naman kami. May escalator naman din tapos normal na hagdan dito sa building, pero mas gusto daw niyang gumamit ng elevator.
Nang maka labas kami ng elevator, lumakad kami sa kanang bahagi ng second floor. hanggang sa makarating kami sa huling Classroom.
Pumasok si Hazel kaya sumunod naman ako sakanya. Napaka linis ng classroom tapos naka aircon pa.
โHalika dun ka maupo sa katabi kong Chairโ sabi ni tanya at hinila ako papunta sa pwesto niya. Umupo na siya, kaya naupo narin ako sa katabing upuan.
Marami nang studyante ang nandito sa classroom. At lahat sila puro babae, syempre tourism kami. Minsan lang magkaroon ng lalaki.
โAhh... Hazel, wala ba tayong mga classmate na lalaki?โ tanong ko.
โWala, puro tayo babae dito.โ sabi niya habang nakatutok ang atensyon sa Cellphone โMeron namang mga lalaki sa tourism pero kukunti lang. Syaka nasa ibang section sila, hindi kasi nila maabot ang Class-A1โ sabi niya
โPwede mo ba akong kwentuhan about sa mga sections dito?โ tanong ko
โSure. Class-A1 is ang pinaka mataas na section. Puro matatalino ang napupunta dito.โ sabi niya, Well sakto lang naman ang talino ko HAHA. โClass-A2 Sila naman ang pangalawa sa higher level, matatalino din sila. Pero mas madami sakanila ang nakapasok lang dahil sa Yaman nila.โ sabi niya
โSo pano sila nakapasok kung hindi naman sila matalino?โ tanong ko
โWell sa Class-A1 talaga ang gusto nila. pero dahil strict ang headmistress hindi sila makapasok, kahit ilang milyon ang ibayad nila para lang mapunta sa higher class hindi parin sila mapayagan kaya sa second to the higher class nalang. Wala naman silang magawaโ paliwanag niya. โAng Clase-A3 naman ang pangatlo sa higher class, same lang din sila ng Class-A2โ sabi niya ulit
โPero bakit, madaming students ang gustong mapunta sa higher class?โ Curious kong tanong.
โWell, madami kasing benepisyong binibigay ang University sa mga higher Class. Tapos secured na ang future Career โmoโ pag nasa higher class. Automatically pag ka graduate kahit anong course wala ng board exam. Trabaho na agad.โ sabi niya. Nice so hindi kona kailangan mag board exam pagka graduate.
โPara lang ba sa mga higher class yung ganong rule?" Tanong ko
โYup. Class-A1, A2, and A3. Yan ang tatlong higher class.โ sabi niya โNext the Class-B1. Sila naman yung matatalino na Kuntento na sa Section nila, nasa section nila yung mga nerds, matatalino sila pero hindi nila kayang lagpasan ang IQ ng mga Class-A1." Sabi niya.
โClass-B2 naman nasa section nila yung mga mapag mataas. Lahat kasi ng nandoon mayayaman na kulang naman sa utak.โ sabi niya. Mukhang may galit ata siya sa mga yun.
โClass-B3 dito mo makikita ang mga boys. Lahat silang nandoon mga lalaki lang hindi sila pwedeng mahaluan ng babae.โ sabi niya
โWait sa ating mga tourism lang ba yun?โ tanong ko
โYes, pero sa ibang course ang 3 higher section ganon din ng sa atin, sa mga lower section lang ang iba-iba.โ paliwanag niya kaya napa tango tango naman ako.
โThen the Class-C1, and Class-C2. Andito sa mga section na ito yung mayaman lang." Sabi niya at kinuha ang tumbler niya para uminom. โThen the last Section is Class-C3. Sila naman yung mga students na may records ng away, cheating o ano paman, nag hahalo ang mga babae at lalaki dito.โ paliwanag niya
โSo nasa nine section pala. Lahat ba ng course nine section talaga?" Tanong ko ulit
โOo ganon lahat, ang pagkakapariho lang ng lahat ng courses, ay ang rules ng higher class. Tapos sa lower class kanya kanya na ng rules.โ sagot niya
โlahat ng nasa Class-A1 pasok sa dean's list.โ sabi niya. Luh paano niya nalaman kakasimula palang naman ng 1st Sem.
โPaano mo nalaman? Ehh kakasimula palang naman natin bilang first year.โ Sabi ko
โTita ko kasi may-ari ng university na ito. Tapos shareholder si mommy dito.โ sabi niya
โTalaga, ang galing namanโ manghang sabi ko. Sana all nalang HAHA โBy the way bakit kanina tinanong mo kung transferee ako, eh diba mga bago lang tayo dito?โ tanong ko ulit
โAhh... Dito na kasi ako nag aral simula Elementary to Highschoolโ sagot niya
โYou mean, meron ding elementary to Highschool ang Metropolitan?โ tanong ko
โOo, sa likod ng gymnasium makikita ang mga building ng mga highschoolโ sabi niya
โTapos nasa likod naman ng Auditorium makikita ang elementary schoolโ dugtong niya.
โUmupo na kayo padating na si prof.โ Sabi ng isang babae na color brown ang buhok. Lumapit siya sa pwesto namin at umupo sa tabi ni Hazel, napapagitnaan namin siya.
โHi transferee ka?โ Tanong niya sakin, siguro dito din siya nag aral ng highschool kaya natanong niya kung transferee ako. โI'm Trina by the way.โ sabi niya habang nakangiti
โAhh... Opo, Katelyn po. Katelyn Bautistaโ sagot ko.
โIkaw naman wag mo na akong i-po 18 palang akoโ natatawang sabi niya โIkaw ilang taon kana?โ tanong niya sakin
โKaka 18 ko lang din last monthโ sagot ko โIkaw Hazel ilang taon kana?โ Tanong ko diko pa kasi natatanong age niya
โ18 dinโ sagot niya. Hindi na kami umimik dahil biglang may pumasok na professor.
โGood morning Class-A1. First day palang so Hindi muna ako mag tuturo. I am Mrs. Santos and I will be your Adviser and your professor in tourism management.โ sabi niya, mukha siyang strict. โAt dahil hindi muna ako mag tuturo ngayon mag pakilala muna kayo Isa-isa.โ sabi niya kaya nag umpisa na silang magpakilala.
โHi I'm Trina Ramirez. 18 years old nice to meet you all.โ sabi ni trina kaya tumayo na si Hazel at nag pakilala
โHello everyone. I'm Hazel Tanya Royales Lee, 18 years oldโ sabi niya
โAre you a daughter of Kristina Royales Lee?โ tanong ni Mrs. Santos kaya nagtinginan ang mga classmates namin kay Hazel.
โYes poโ magalang na sagot ni Hazel
โKung ganon pinsan mo si Ivan Chua?โ tanong ulit ni ma'am.
โOpoโ sagot ulit ni hazel
โWhat a lucky. Okay nextโ sabi niya kaya tumayo naman ako
โHello po, ako po si Katelyn Bautista. 18 din poโ pakilala ko
โWhat a beautiful lady, half ka ba Hija?โ Tanong sakin ng professor
โAhm Opo, half British poโ sagot ko
โBritish? Bautista?, Are you related to Bruce Bautista? The young businessman na may ari ng Bautista Corp?โ tanong ulit ni ma'am
โOpo, kapatid ko po siya?โ sagot ko
โTalaga, kaya pala may pagka hawig kayong dalawa.โ Sabi niya โOkay next naโ sabi niya kaya naupo na ako at hinintay na matapos na matapos ang pagpapakilala.
โWala pa kayong susunod na subject dahil may inaasikaso pa ang ibang professor kaya pwede muna kayong lumabas o mag-ikot pero bawal lumabas ng campus.โ sabi ni ma'am matapos mag pakilala ng iba naming classmates.
Pagkalabas ni ma'am nag labasan na din ang iba naming classmates.
โTara punta tayo sa main cafeteriaโ sabi ni trina.
โSige taraโ sabi ni hazel โSama ka samin kateโ sabi niya at hinila ako palabas. This time yung escalator na ang ginamit namin.
Nang makarating kami sa Main building pumunta kami agad sa Cafeteria. Nag hanap kami ng vacant table syaka kami nagsi upo.
Parang restaurant lang kasi may waiter sila dito tapos sila na yung lalapit para kunin yung order namin.
โHi ma'am tanya ano po'ng order niyo.โ tanong ng waiter kay hazel. Tanya pala tawag sakanya ng ibang tao? Sabagay Hazel Tanya.
โI will order Rice tapos ang ulam chicken pork adobo. Then a add nalang ng Fries tapos Milktea with Strawberry flavor." Sabi ni Hazel
โHindi kaba kumain ng breakfast Hazel?โ tanong ni trina
โHindi, late na kasi akong nagising tapos akala ko late na ako kaya hindi na ako kumain.โ paliwanag niya.
โAhh... Ako naman po, pa order ng 1 slice ng pizza tapos tapos fishball gusto ko yung bagong luto okay. Tapos Milktea nalang din with mango flavor.โ Sabi naman ni trina
โIkaw po ma'am?โ Tanong sakin ng waiter
โAhm Spaghetti nalang po with fries then pa add nalang po ng cokefloat tapos bottled water.โ sagot ko
โSige po mga ma'am pa wait nalang po munaโ sabi ng waiter at umalis.
โKate anong social mo?โ Tanong sakin ni Trina.
โ@Katebautistaโ sabi ko
โOkay followed. ikaw hazel?โ tanong niya
โ@TanyaRoyales" sabi niya. Kinuha ko naman ang phone ko para ma follow din siya at ma-follow back naman si Trina. Linabas din ni hazel ang phone, siguro mang-aacept din.
Hindi nag tagal dumating na din ang mga order namin kaya nag simula na kaming kumain ng tahimik. Si Trina kumakain habang may hawak na cellphone. Si hazel naman kumakain habang nag babasa ng libro.
Binuksan ko naman ang phone ko at nag scroll nalang muna sa IG. Wala daw mga professor ngayon kaya tumambay nalang muna kami sa cafeteria hanggang mag-uwian.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, I'm so tired kahit wala naman akong ginawa kundi kumain kanina. Itutulog ko nalang ito.