𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐰𝐨

2573 Words
𝘾𝙤𝙡𝙡𝙖𝙗𝙤𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙫𝙞𝙩𝙮 KATELYN'S POV. Second day of school, paalis na ako ako ng condo ng bigla nalang tumawag si Kuya. [“Kuya bakit?”] tanong ko agad [“Kamusta kahapon first day mo?”] tanong niya [“Okay naman. Wala pa namang nag turo kasi may ginagawa pa daw mga professor kaya tumambay muna ako sa cafeteria.”] sabi ko. [“Nakita ko nga, kasama mo pa nga si Tanya Royales”] sabi niya. [“Nakita mo pala ako kahapon bakit dika lumapit” sabi ko na parang nag tatampo “And Bakit mo kilala si Hazel?”] tanong ko. [“Hindi na ako lumapit kasi mukhang nag eenjoy ka naman kasama mga new friends mo. And kaya ko kilala si Tanya kasi famous siya sa Campus”] sagot niya. [“Paanong famous?”] tanong ko. [Hindi ba nila sinabi sayo na tita niya ang may-ari ng university?”] tanong din niya [“Nasabi naman”] sagot ko [“Oh nasagot na yung tanong mo”] sabi niya [“Sige na, papasok pa ako. Yung allowance ko ah”] Sabi ko [“Sige ingat ka”] sabi niya syaka binaba ang tawag. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng condo. Sinigurado ko munang naka lock ang condo ko bago umaalis. Nag taxi lang ako papunta sa school. Hindi pa kasi binibili ni kuya yung Car na gusto ko. Pagkarating sa school agad akong bumaba sa taxi at nag bayad. Hindi pa ako nakakapasok sa Gate ng biglang may tumawag sa pangalan ko. “Katelyn” si Hazel and Trina lang pala. Tumatakbo silang lumapit sakin “Kararating mo lang?” tanong ni trina. Sasagot na sana ako ng may biglang bumusinang sasakyan sa harap namin. Sa subrang pagka bigla lumapit ako sa sasakyan at kinatok ang bintana. “Hoy bumaba ka nga diyan” galit na sabi ko, pinigilan naman ako ni hazel pero winaksi ko lang ang kamay niya at tinuloy ang pagkatok sa bintana ng sasakyan Bumukas naman ang pintuan ng sasakyan kaya napa atras ako. May lumabas na matangkad na lalaki. s**t bakit gwapo niya? “What's your problem woman?" Malamig na tanong niya sa'kin “Ikaw! Alam mo'ng may tao tapos dito ka dadaan sa side namin ei ang laki pa naman ng space tapos bubusina kapa” galit na sabi ko habang nakatingin sa mata niya, color gray eyes. “Daldal mo.” sabi niya, Aba! madaldal daw ako “Alam niyo nang driveway to, tapos dyan kayo mag chichismisan” sabi niya “HOY FOR YOUR INFORMATION HINDI KAMI NAG CHICHISMISAN” sigaw ko sakanya “Kate wag mo siyang sigawan” mahinang sabi sa'kin ni Trina pero hindi ko siya pinansin Lumapit sakin yung lalaki at inabot ang ID ko syaka iyon tinignan “Katelyn Bautista” sabi niya, binitawan niya ang ID ko at lumayo sakin ng kaunti. “I will make you out of this University” Malamig niyang sabi at tumalikod “At bakit mo naman gagawin yun principal kaba ha lakas ng amats mo” galit kong sabi. “Ah kate siya kasi si Ivan Chua” sabi ni Trina “Eh ano naman ngayon?” tanong ko “Anak kasi siya ng may-ari ng university na ito.” sabi niya kaya bigla akong napalingon sakanya. “ANO? Lagot” sabi ko at nilingon yung Ivan Chua pero naka alis na siya. Hindi pa naman nakakalayo yung sasakyan niya kaya agad akong tumakbo para habulin ang sasakyan niya. Narinig kopa ang pagtawag sa'kin nina Trina pero hindi kona iyon pinansin. Naabutan ko naman siya at papasok siya sa main building kaya patakbo akong lumapit sakanya. Nang maabutan ko siya agad kong hinawakan ang braso niya at mukhang nagulat naman siya. “Ikaw nanaman?, ano nanamang kailangan mo?” Iritang sabi niya “Please wag mo akong paalisin dito” naluluha kong sabi habang nakakapit sakanya. Pinagtitinginan na kami pero wala akong pakialam. “The Hell nalulukot ang uniform ko” inis niyang sabi habang pilit tinatanggal ang pagka hawak ko sakanya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkahawak ko sakanya “Tumayo ka nga ang daming tao nakakahiya” inis niyang sabi dahil halos maupo na ako sa sahig habang nakakapit sakanya “Mag promise ka muna na hindi mona ako papa alisin dito” sabi ko “How dare you to command me? Pagkatapos mo akong sigawan” inis niyang sabi “Sorry na nga ei” nakanguso kong sabi “don't do that, para kang pato” sabi niya “Ganda ko namang pato” sabi ko naman “Ang kapal, tumayo ka na nga pinagtitinginan na tayo dito” sabi niya “Mag promise ka nga muna kasi” sabi ko Tinayo niya ako at hinila papunta sa kung saan at pinasok sa parang office “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko “Nakaka eskandalo kana dun nakakahiya, linayo lang kita” sabi niya “Dapat ba akong mag pasalamat?” inosente kong tanong “Ay hindi hindi” sarkastiko niyang sabi “Edi thankyou” pabalang kong sagot. “wag mo na kasi akong paalisin dito baka kalbuhin ako ni kuya” sabi ko “Sige... Hindi na” sabi niya kaya napangiti naman ako “Talaga?” natutuwang tanong ko “Sa isang kondisyon” sabi niya kaya napa kunot ang noo ko “Next month gaganapin ang MU's Fest. 5 days ang festival kaya may mga ibang university na dadalaw dito.” sabi niya “Oh ano namang kinalaman ko diyan?” tanong ko “Sa Pangatlong Araw ng festival gaganapin ang Diamond Gala. Bawal course and year may kanya kaniyang Representative. And I want you to be the representative of 1st year tourism?” sabi niya “Paano mo nalaman na tourism ako?” tanong ko “Tanga kaba?, syempre sa uniform mo” oo nga naman, bakit dimo naisip yun self kakahiya ka. “Eh paano kung hindi ako pumayag na sumali dun?” tanong ko “Edi pwede ka nang umalis sa University ko!” sabi niya at aalis na sana “Oo na sige na, sasali na ako.” sabi ko, no choice eh magagawa ko? “Good. Now give me your phone” sabi niya habang naka lahad ang kamay “Bakit?” Tanong ko “Kukunin ko number mo, to contact you.” sabi niya kaya inabot ko nalang ang cellphone ko. Binalik niya naman agad sakin kaya kinuha ko na. Binuksan niya ang pinto at tinulak ako palabas aba! “Kailangan manulak?” inis kong sabi pero sinarado na niya ang pinto, bastos. Tinignan ko ang oras sa phone ko. Buti nalang di pa ako late, nag lakad na ako papunta sa building namin. Naabutan ko si hazel and trina sa classroom na nag uusap, lumapit ako sakanila at umupo sa upuan ko. Nang mapansin nila ako agad silang nag tanong “Saan ka galing?” tanong ni hazel “Hinabol ko yung Ivan Chua syaka nag maka awa na wag akong paalisin dito.” sagot ko “Ano mamang napala mo sa pagka usap sa masungit na yun?” tanong ni trina “Pumayag siyang hindi ako umalis.” Sabi ko “Wehh? Hindi kasi madaling mapa payag si Ivan Chua” sabi niya, dapat ba akong maging proud? “Oo nga, pero may kondisyon siya” sabi ko “Anong kondisyon?” tanong naman ni hazel “Gusto niyang ako ang maging representative ng First year Tourism para sa Diamond Gala” sabi ko sakanila “Tagala? Ang swerte mo naman pala sa part na yan?” sabi ni trina “Swerte?” pano naman naging swerte yun? “Yeah, kasi kung sakaling manalo ka Diamond Gala, ikaw ang hihiranging Campus Queen.” sabi ni Hazel “Nandiyan na si Ma'am” sabi ni Trina kaya umayos na kami ng upo. “Good morning Class-A1, pasensya na pero hindi ako mag tatagal dahil busy kaming mga professors para sa gaganapin MU's fest text month.” sabi ni Mrs. Santos “Pero mag iiwan ako ng Activity sainyo.” sabi ni ma'am “This will be a collaboration activity, each group should have 5 members. Gagawa kayo ng marketing campaign. Kayo ng bahala kung kanino niyo gustong makipag group.” sabi ulit ni ma'am “Bukas niyo agad ipasa sakin yan.” sabi ni ma'am “Aalis na ako at may meeting pa kami, Pwede kayong lumabas pero hindi sa labas ng campus” sabi ni ma'am bago umalis. “Five members, Sino and dalawa?” tanong ni Trina Hindi nag salita ni hazel at lumapit sa isang babaeng color blue ang mata. “Hi Camille may group ka na ba?” tanong ni hazel, umiling naman yung babae “gusto mo sa group ka nalang namin?” tanong niya ulit “Sige” mahinhing sabi nung babae, hinawakan siya ni hazel papunta sa pwesto namin. “Guys this is Camille Alcantara, dito na siya sa group natin." Sabi ni hazel “Excuse me complete na po ba kayo?” tanong ng isang babaeng maikli ang buhok “Kulang pa kami ng Isa” sabi ni Trina “Pwede po ba'ng maki group sainyo?” nahihiya niyang tanong. “Oo naman, welcome to the family.” sabi ni Trina at inakbayan siya, mukha namang nagulat yung babae “Ano nga palang pangalan mo?” tanong ni Trina sakanya “Kimberly Tan, 18 years old” sabi niya “Ako naman si Trina Ramirez, 18 years old din.” pakilala ni Trina “Hi I'm Hazel Tanya Lee, Call me whatever you want and I'm also 18 year old” pakilala naman ni hazel “Ako naman si Katelyn Bautista 18 din” pakilala ko naman “Hi I am Camille Alcantara, kaka 19 ko lang kahapon.” sabi ni Camille “Omg belated happy birthday” sabi ni Trina “Thank you” pasalamat naman ni Camille “Dahil diyan punta tayo cafeteria mag celebrate tayo ng birthday mo.” sabi ni Trina at hinila si Camille sumunod naman si hazel na hinila ako kaya hinila ko din si Kimberly. Hilaan lang ang peg. Nang makarating kami sa main cafeteria ng main building agad kaming nag hanap ng pwesto at katulad ng kahapon may lumapit ulit saming waiter para kunin ang order namin, kanya kanya naman kami ng order. Hindi rin naman nag tagal dumating din ang mga order namin. “Nag ka-boyfriend naba kayo?” biglang tanong ni Trina “NBSB ako” sagot ko agad “Wehh?” halatang hindi naniniwala si trina “Oo nga, never pa. Napaka strict kasi ng daddy ko.” sabi ko “Ikaw ba nag ka-boyfriend kana ba?” tanong ko sakanya “Oo dalawang beses” sabi niya “Anyari?” tanong ko “Yung first boyfriend ko, nasa Simenaryo.” sabi niya syaka kumagat ng pizza “Yung pangalawa na deds, may sakit kasing cancer. Kaya simula nun hindi na ako nag jowa ulit.” sabi niya “Mahal na mahal ko yun, napaka bait, magalang, green flag, sweet. Sabi ko pa dati '𝘭𝘰𝘳𝘥 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘪 𝘤𝘢𝘯 𝘴𝘦𝘦 𝘮𝘺 𝘧𝘶𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘩𝘪𝘮’ Pero madaya kinuha siya sakin.” biglang may pumatak na luha sa mata niya kaya agad ko siyang yinakap, lumapit din ang iba para i-comfort siya. “Ano ba yan bakit ba tayo nag dradramahan dito” natatawa niyang sabi bago punasan ang luha, agad naman kaming humiwalay sa pagkayakap at bumalik sa pwesto “Kumakain lang tayo tapos nag iyakan na” natatawang sabi ko kaya napatawa din sila. “Kayo, anong kwentong lovelife niyo?” tanong ko kina Hazel “NBSB din ako” sabi ni Camille. “Pero may Crush ako na second year sa Law.” dugtong niya. “Talaga, Sino?” Curious na tanong ni Trina “Bruce Axel Bautista” Sabi niya, bigla naman akong natawa kaya tumingin sila sakin “Seryoso gusto mo yun? Hahahaha anong nagustuhan mo dun napaka sungit nun” natatawang sabi ko “Bakit ano meron?” takang tanong ni Camille “Diba nga Bautista ako” sabi ko kaya mukhang nakuha nila ang gusto kong sabihin “Oo nga pala kapatid mo yun” sabi ni Trina “Kapatid mo si Bruce? Hala gagi kakahiya" sabi niya syaka tinakpan ang mukha. “Please don't tell him” sabi niya sakin “Don't worry hindi ko sasabihin, magkaiba kami ng Condo kaya hindi kami masyado nag kikita.” sabi ko “Condo lang ang gamit mo?” Tanong ni Camille “Oo wala kasi kaming Bahay dito sa Manila, kasi sa probinsya talaga kami. Pero si kuya mula highschool dito na siya nag aral.” Sabi ko “Okay back to the topic ikaw na mag kwento Kimberly” sabi ni Trina “May boyfriend ako ngayon, 3 years na kami” mahina niyang sabi. “Sana all nalang, tagal niyo narin.” sabi ni Trina “Pwede ba naming malaman kung sino?” tanong ni hazel “Si Zyrus Collins” sagot ni Kimberly “Diba taga PolSci yun, second year?” tanong ni Camille kaya tumango naman si Kimberly “Omg ang swerte mo naman, Governor ang daddy nun, magaling na Governor tapos napakabait.” sabi ni Trina “Oo nga ei, mabait din sila sakin. Tinuturing na din nila akong anak.” sabi ni Kim “Your so maswerte. Ikaw naman hazel kwento ka about your lovelife.” demand ni Trina kay hazel. “Nag ka boyfriend last year, nag break din kami agad” sabi niya “Bakit?” tanong ko “Nahuli kong nakikipag b*****g sa ex niya!” sabi niya “What's b*****g?” tanong ni Camille “Ginagawa ng Couple pag sila lang dalawa ang mag kasama” sabi ni Trina napa ‘ahh’ naman si Camille “Gago pala yun ei, so anong ginawa mo?” tanong ko “Wala, kasi in the first place alam ko naman na hindi niya ako minahal, kasi alam ko sa sarili ko na ginamit niya lang ako para mapa lapit sa ex niya.” sabi niya “What do you mean mapa lapit?” Tanong ni Kimberly “He's ex kasi was my classmate and also a friend of mine.” sabi niya “My god, ang gulo ng story pero gets ko.” sabi ni Trina “nasan na sila ngayon?” tanong niya ”Ewan ko, huling balita ko nabuntis daw yung babae.” sabi niya na parang hindi kilala yung umagaw sa boyfriend, I mean ex niya. “Buti kamo sa kanila, ilang taon naba yun tapos nag pabuntis agad.” sabi ni Trina “19 palang yung babae tapos yung ex ko 20.” sabi ni haze “Change Topic na nga. Saan tayo gagawa ng Activity?” tanong ko “Sa condo mo nalang” sabi ni Camille “Sige dun nalang, malapit lang naman dito sa school ang condo ko.” sabi ko “Sige dun nalang tayo sa condo mo, gamitin nalang natin yung kotse ko.” sabi ni hazel. “Pero sa ngayon balik muna tayo sa Room kasi may pupunta daw na ibang professor para mag bigay ng activities.” sabi niya kaya nagsitayuan na kami at bumalik sa room namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD