Chapter 4

2221 Words
𝙇𝙤𝙫𝙚 𝙖𝙩 𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙎𝙞𝙜𝙝𝙩? Katelyn's Pov. Hindi parin ako maka move-on sa mga ngiti niya. Kanina pa ako nakauwi, kasalukuyan akong nasa kwarto ko nag mumuni-muni. "Ano bang meron sa mga ngiti niya at naapektuhan ako ng ganito?" tanong ko sa sarili "Baka naman kasi Inlove ka!" sabi ng kung sino kaya agad akong lumingon. Si Ryza pala naka upo sa couch ng kwarto ko "Ry naman ei, paano ka naka pasok?" sabi ko habang naka hawak sa dibdib ko, muntik na ata akong ma heart attack dahil sa gulat "Ano kaba kanina pa kaya ako dito. Syaka kumatok ako tapos sabi mo pasok, Ano ba yan lumabas ka lang nalutang kana." Sabi niya "Ganon ba." bulong ko nalang, lumapit naman siya sakin at tumabi ng higa sa kama ko "Ano ba kasing nangyari dali kwento mo." sabi niya "Wala, yung kasungitan ko kasi sa school nakita ko kanina." sabi ko "Yung kwinekwento mong lagi kang sinusungitan?, yung Ivan Chua?" "Oo" sagot ko nalang at kinuha ang libro ko "So ano ngang nangyari at nagka ganyan ka?" tanong niya ulit "Teka nga kelan kapa naging chismosa?" Tanong ko naman sakanya "Kasi honestly your Ryza Dela Cruz. A well known Smart nonchalant girl." sabi ko naman "Gusto ko lang naman malaman ang ganap sa buhay mo. Girl I'm your bestfriend malay ko ba kung may boyfriend kana ng hindi ko alam." sagot naman niya "And alam mo namang sayo ko lang linalabas pagiging madaldal ko." dagdag pa niya "Girl alam mo namang wala pa akong balak mag boyfriend. Knowing sa mga boys dun sa School ko, I'm sure almost of them are playboy." sabi ko "Ow so your searching an MU man." natatawang sabi niya "Of course not." masungit kong sabi "Then why are you referring your school?, Girl I'm not stupid. Tell me may nagugustuhan kana sa school mo noh?" mapang-asar niyang sabi. "Wala noh." sabi ko, wala naman kasi talaga. "Or maybe the one that your always kasungitan ang gusto mo." conyo niyang sabi "Girl stop speaking in that conyo accent, It doesn't suit you anyway. And I don't like that guy okay. Never ko siyang magugustuhan." I said "Sure kana ba diyan? Ano nga yung sabi ng matatanda?... Ah...kakainin mo din ang sinabi mo HAHAHAHA." sabi niya sabay tawa "You know what, go back to your room and rest. I think your tired kung ano anong pinagsasabi mo. Or just mind your own business." inis kong sabi sakanya "Pikon kalang kamo." She said "Oh siya tatawagin nalang kita pag kakain na." sabi niya pa bago lumabas. Tumayo naman ako at linock ang pinto. Don't mind her Katelyn, hindi ka mag kakagusto sa lalaking yun, that's so impossible kakakilala ko palang siya ng ilang weeks kaya malabo yun. Pero what if? No! Hindi. Hindi pwede. Ano ba yan para akong timang na kausap ang sarili sa utak. Makaligo na nga lang muna. Matapos maligo ay lumabas muna ako ng kwarto, nadatnan kong nakaupo si Ryza sa living room at may kasama siyang hindi ko kilala. "Kate, come here." sabi sakin ni Ryza, lalaki ang kasama niya. Sino naman toh? Manliligaw? Well may mukang ihaharap naman, Okay na din. "Kate this is Marc, Blockmate ko." naka ngiti niyang sabi "And mark this is Katelyn my bestfriend." pakilala niya sa'kin "Hi I'm Marco Andrada." he said in baritone voice. Lumapit siya sakin at inabot ang kamay kaya tinanggap ko naman ito. "Just Call me Marc, Marc sa umaga, marky sa gabiiii." sabi niya at biglang nag bago ang boses, bading ampta. "Your Gay?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Ay teh hindi ba obvious?" natatawang sabi niya, kaya pati si Ryza natawa din "Nako girl napaka clueless ng itsura mo." sabi sa'kin ni Ryza habang tumatawa "Tf muntik ko pang isipin na manliligaw mo yan." sabi ko at umupo sa single sofa. "Yuck teh hindi kami talo niyan, talong din ang hanap ko hindi tahong." sabi ni Marc, kaya natawa naman kami "Girl balak ko sanang mag transfer sa 2nd sem sa school mo." sabi sa'akin ni Ryza "Teka, bakit?" tanong ko "Parang mas maganda kasi sa University na pinapasukan mo." sabi niya "Nag paalam na ako kay mommy sabi niya, ako daw bahala. And may enough money naman ako para sa tuition" sabi nya pa "Girl I'm not stupid alam kong may iba ka pang dahilan kaya ka lilipat ng school. Tell me may nangyari ba?" tanong ko "No, walang nangyari. Gusto ko din kasing makasama ka lagi. Syaka lilipat din daw si marc" sabi niya sabay tingin kay Marc "Ah oo wala kasi akong friends dun sa NU kaya pag lumipat si Ryza magiging lonely na ako." sabi ni Marc "No may something eh, sabihin mo na." utos ko. Hindi ako kumbinsido sa mga pinagsasabi niya. Alam kong meron pang iba. "Kasi...may nakita akong guy sa convenience store. Then his uniform has a logo of Metropolitan University so I assume taga dun siya." sabi niya "What the hell?, dahil lang sa isang guy kaya ka lilipat?" sabi ko " When did you see him?" tanong ko "A week ago." sagot niya "The hell nakita mo lang siya sa Convenience store, hindi mo kilala. You don't even know who he is." sabi ko "I know, pero parang love at first sight." Love at first sight my ass. This woman is crazy she just can't love someone na hindi niya kilala. "Ryza naman, ang laki ng university paano mo siya makikilala o makikita dun halos million ang students na nag aaral dun." sabi ko "Please lang Kate huwag mo na akong kontrahin." sabi niya "Hindi kita kinukontra. What happen? Your Ryza Dela Cruz pinaka matalino sa school natin sa probinsya. You even said na hindi ka interesadong mag boyfriend kasi uunahin mo yang pag aaral mo." galit kong sabi. Galit naman siyang tumayo at tumingin sa'akin. "You never Understand me. Kasi ikaw nagagawa mo lahat ng gusto mo, kasi ikaw mas mayaman ka. Ako kasi i need to study hard. Kailangan kong maging sunod sunuran kina mommy and daddy para lang patunayan na I'm good enough." sabi niya at biglang may pumatak na luha sa mata niya. "Hindi mo ako maiintindihan, ngayon lang ako nag mahal, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kasi all my life 'Ryza bawal yan, hindi pwedeng ganyan, bawal gumala, wag munang mag papaligaw at yung pinaka masakit yung kinukumpara ako nina mommy sayo, na kesyo 'gayahin mo si Katelyn napaka talino." sabi niya ulit. Bigla naman akong naiyak, I didn't know na ganon sina tita sakanya, I thought she's in good condition na perfect din yung buhay niya. "Bakit ka nila i-cocompare sa'kin. Mas matalino ka sakin, mas maganda, popular sa probinsya natin. Ako nga yung sinasabihan ng mga tao dun na second great lang ako. Na mas magaling ka." Sabi ko "I'm sorry kung kailangan nating mag labasan ng hinanakit sa isa't isa." sabi niya at naupo "I'm sorry. Sorry kasi ang totoo nakikipag compete ako sayo all this time. Kasi gusto kong ipagmalaki din ako nina mommy na sabihin din nila na kaya pala kitang lampasan." pag aamin niya "Your competing with me?" tanong ko. "I'm sorry" sabi nalang niya at napatakip sa mukha "I love you, ikaw yung lagi kong karamay, nag aalaga sa'akin pag may sakit ako. Your always protecting me from my bullies back then. Yet nagawa ko pang makipag Compete sayo, napaka babaw ko." Sabi niya kaya linapitan ko siya at yinakap. "No, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan kung pinaramdam sayo na hindi worth it lahat ng mga ginagawa mo para lang maging proud sila sayo. At mas lalong hindi mo kasalanan na maramdaman yun." sabi ko habang yakap siya "Basta ako, I will always be proud of you. I'm sorry kung nasermunan kita kanina. I just can't believe na may nagugustuhan kana for the first time. And gusto lang kitang protektahan lalo na, hindi mo kilala yung lalaki. Hindi mo din alam ang name." sabi ko "Hindi ko din alam kung paano ko siya makikilala I don't have any information about that guy." sabi niya "Sige I will support you, tutulungan kita sa pag hahanap. But that doesn't mean na kinukunsinti kita. I just want you to be happy." sabi ko, ngumiti naman siya at yinakap ako "You know what, I'm so lucky to have a bestfriend like you!" Sabi niya "Your always there for me, being an ate to me." Sabi niya kaya napangiti naman ako. "Ang sweet niyo namang magkaibigan. Nag lalabasan kayo ng sama ng loob sa isa't isa ng walang halong ka plastikan." sabi ni Marc. I almost forgot andito pala to. "Nakalimutan kong andito ka, sorry kung na witness mo yung dramahan naming dalawa." sabi ni Ryza "Ayos lang, nakita ko naman kung gaano niyo ka-mahal ang isa't-isa bilang mag Bestfriend." sabi niya kaya napangiti kami. "By the way, back to the main topic. You said may logo ng MU ang uniform nung guy right?" tanong ko, tumango naman siya. "Every Course kasi iba-iba ang uniform. Nakilala mo ba kung anong Color ng uniform niya." tanong ko. "Dark Navy." sabi niya kaya kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang Official Page ng MU. Sinearch ko ang mga color coding ng bawat course. "Color Dark Navy was symbolized by Law students." Basa ko "Girl your guy was also a law student same as you!" mangha kong sabi sakanya. "Omg destiny" sabi ni Marc "Look at this Top 20 list ng mga Dean's lister ng Law last year, Malay mo isa sa mga yan." sabi ko at hinarap sakanya ang laptop. "Girl, I think I found him." sabl niya at muling hinaharap sa'akin ang laptop. "This 1st person in the list." sabi niya kaya tinignan ko ito. "Alexander Michandrew Lee. The one who got a highest Average. And The SSG Secretary of MU." basa ko. "Grabe may position pala siya sa campus. Wait hanapin natin Account niya" sabi ko. Tinignan ko muna sa f*******: kung may account siya pero wala, sunod kong tinignan ang Twitter wala din, so sinunod kong tignan sa i********: and meron siyang account dun. "Found it. May account siya sa IG. His social is @XanderLee. 15,890 Followers, No post, tag post meron." sabi ko at tinignan ang mga tag sakanya at may nakita akong Tag ni hazel sakanya kaya tinignan ko ito. "Oh my god. This guy was my friend's brother. Naalala mo yung kwenento ko sayong kaibigan ko? Si Hazel, mag kapatid sila look." I said at pinakita ang family picture nila. "Omg malapit na pala siya sayo." Sabi ni Marc "So it means pinsan niya yung kasungitan mong si Ivan Chua?" tanong ni Ryza "Yeah siguro. I don't know" sabi ko at nag hanap pa ng information. "May nakita akong article. Mrs. Kristina Royales Lee and Mr. Sander Tanaka Lee admitted that Alexander Lee was not Mrs. Kristina's Child. Anak daw ito ng dating kasintahan ni Mr. Sander Lee. Samantalang ang kambal na sina Lexi and Sofie ay anak daw ni Mr. Sander sa ibang babae. At ang bunsong anak nilang si Stephanie ay adopted lamang. At sinabi din nilang isa lang talaga ang anak ng mag asawa at yun ay si Hazel Tanya Royales Lee na kanilang tagapagmana." basa ko. "Ang complicated pala ng family nila." sabi ni Ryza. "At ang yaman pala nila. Nag search ako nasa Second to the Highest Rank ang nga Lee sa pinaka mayamang pamilya sa Buong mundo." sabi niya ulit "Here's the rank list." sabi ko at hinarap sakanila ang laptop Rank 1. Buenaventura Family Rank 2. Royales/Lee Family Rank 3. Chua Family Rank 4. Thompson Family Rank 5. Vera Family Rank 6. Fernandez Family Rank 7. Etchavez Family Rank 8. Villanueva Family Rank 9. Sandoval Family Rank 10. Bautista Family "Girl nasa rank 10 pala pamilya niyo." sabi ni Ryza "Oo nga, ngayon ko lang din nalaman." sabi ko "Ay teh nasa Rank pala kayo ng most richest person/Family" manghang sabi ni marc "Well lahat ng mga nasa rank obvious naman na hindi taga Pilipinas. Ang hindi ko lang maintindihan bakit dito nag aaral yung mga anak ng bawat pamilya kung may mas malalaki pang Universities sa ibang bansa." sabi ko "Ito tignan mo." sabi ni Ryza at hinarap sa'akin ang laptop "Just like you, they are Half Filipino. Maliban kay Ivan Chua. Purong chinese siya, her mother is also a Chinese which is Tanya Hazel's Aunt. Kapatid ng daddy ni Hazel ang mommy ni Ivan." sabi niya "So paano naging Filipino si hazel?" I curiously ask "Ayun sa search ko. Hazel's mother is Half Australian and Filipino, and Her Dad was Chinese and half Japanese." pag babasa niya "Ay grabe naman apat na lahi?" sabi naman ni marc. Kaya pala subrang ganda ni Hazel "So ngayong alam mo na kung sino yung kinababaliwan mong lalaki what's your plan now?" tanong ko kay Ryza "Hindi ko alam, basta dapat sa second semester maka transfer na ako. Lalo na same pala kaming Law." sabi niya "Ano ba yan nag mumukha tayong mga investigator sa mga pinaggagagawa natin." sabi ni marc "Oo nga Hahaha, Yung lalaki lang naman ang hinahanapan natin ng information kung saan-saan na tayo umabot." sabi ko "Mga bata tama na muna yan, ready na ang dinner kumain muna kayo." sabi ni tita kaya tumayo naman kami at pumunta sa dining room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD