Chapter 12

779 Words
"Hindi puwede! Kailangan mong sumama sa amin. Alalahanin mong may utang ka pa sa amin." Dahil tatlo sila ay wala na ako nagawa kundi ang sumama na lang. Pagpasok sa KTV bar ay agad kaming nilapitan ng mga gro na may mga revealing na suot. Hindi ko sila masyadong tiningnan dahil hindi naman ako interesado sa serbisyong iniaalok nila. Kumuha ng tig-iisang partner and tatlo habang ako ay nag-iisa lang sa puwesto ko. Kinantyawan tuloy nila ako. Maya-maya ay may lumapit na babae sa akin. Wala pa siyang ginagawa pero agad ko na siyang pinaalis. "Tsk, ang harsh mo naman, pre." Ani erol. "Babae na nga ang lumalapit sayo, e." "Okay lang akong mag-isa." Sagot ko. "Hoy alis! Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi na ngang hindi ka kailangan ng tao, diba?" Ani denise, ang ex ko, sa gro na nasa tabi ko. Nakita ko ang paglapit niya pero nagpanggap ako na kunwa'y hindi ko s'ya nakita. Tiningnan n'ya nang matalim ang mga kaibigan ko na siyang may mga pakana. "Puwede ba, huwag n'yo ngang itulad si Gabby sa inyo at lalong huwag n'yong ipagpilitan ang mga gusto n'yo sa kanya. Anong klaseng mga kaibigan kayo?" "Um... O-oo, pasensya na, Denise." Bigla silang nag-alisan kasama ang mga itinable nila at iniwan kami ng ex ko. Pag-alis ng tatlo ay umupo si Denise sa tabi ko. "Gabby..." Hinawakan niya ako sa braso. "Puwede ba tayong mag-usap?" "Nag-uusap na tayo." Sagot ko sabay bawi ng braso ko. "Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong gawin ko para magkabalikan tayo. Lahat ay gagawin ko sa abot ng makakaya ko, huwag mo lang akong iwasan." "Denise, pasensya na kung feeling mo ay iniiwasan kita. Matagal na kasi tayong tapos kaya dapat ay dumistansya na rin tayo sa isa't isa. Tungkol naman sa gusto mo, I'm sorry, wala na akong nararamdaman pa para sayo kaya malabong magkabalikan pa tayo." "Bakit? May iba ka na bang gusto?" Nang marinig ko ang tanong n'ya ay biglang sumagi sa isip ko si Dahlia. Kumusta na kaya s'ya, ano kaya ang ginagawa n'ya ngayon? "Gabriel, magsalita ka. Tinatanong kita." "Wala. Wala akong ibang gusto. Please denise, masasaktan ka lang kung patuloy mong ipipilit ang gusto mo." At iniwan ko s'ya. Kaya nga palagi ko siyang iniiwasan dahil kapag nagkausap kami ay palaging ang pakikipagbalikan sa akin ang inuungot n'ya. Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko para magpaalam na, at nang makauwi na ko. Pero hindi na naman sila pumayag. "Alam mo, pre, nagkasundo kami na hindi ka namin hahayaang umuwi ngayon gabi nang hindi ka nabibinyagan." Ani erol na may tama na ng alak. "Ano?" "Oo, tama! Kaya, mag-book na tayo." Kinuha ni kc ang cellphone n'ya at tila meron siyang kinokontak. Pagkataps ay pinicturan n'ya ako. "Hoy, para saan yan?" Pagdududa ko. "Ano yung ibu-book n'yo?" "Basta, malalaman mo mamaya. Tara na!" At hinila nila akong tatlo palabas ng KTV bar. Nakasunod ang mga babaeng itinable nila. Nang magpaalam kami sa boss namin ay ibinigay n'ya ang debit card n'ya. "Shige... mag... mag-enjoy lang kayo, ha." Wika ni boss na medyo bulol na rin sa kalasingan. Ibang klase pala s'ya kapag nalalasing, nagiging galante. Nagpunta kami sa kalapit lang na motel. "Ano naman ang ginagawa natin dito? Hoy, kung may gagawin kayong kalokohan, e, huwag n'yo na akong idamay. Uuwi na ako." "Hindi puwede! Kaya nga tayo narito ay dahil sayo, e." "Huwag kang mag-alala, 'pre. Hindi basta-basta ang ibinook namin para sa'yo. Kilala mo ba si Luna Noir? Sikat daw yun sa galing niyang magserbisyo." Natigilan ako nang marinig ang pangalang sinabi nila, hindi ko mawari pero parang nakaramdam ako ng familiarity kahit hindi ko naman s'ya kilala. Nagkaroon tuloy ako ng interes na kilalanin s'ya. Ipinasok nila ako sa isang kwarto. "Sige pre, mag-enjoy ka lang, ha. Nag-request na kami ng magagamit mo, hintay-hintayin mo na lang." "Huwag kang magpipigil, ha, basta ilabas mo lang ang gigil mo." Ani kc. "Basta iputok mo lang nang iputok, pre. Mas maganda kung makakarami ka." Segunda ni erol, at nagtawanan sila. "Mga siraulo!" Binato ko sila ng unan. "Wala kaming gagawin, no. Kikilalanin ko lang kung sino yang Luna Noir na sinasabi n'yo." Naghintay ako sa pagdating ng ibinook ng mga ungas. Dahil nakahiga ako sa kama ay halos makatulog na ako sa pagod sa maghapong trabaho. Nang mawawala na ang ulirat ako ay bigla ko namang narinig ang pagbukas ng pinto. Pagbangon ko ay nakita ko ang isang babae na nakasuot ng fitted na black dress. Maganda at parang glass hour ang hubog ng katawan niya, yung tipong kahit sinong lalaki ang titingin ay tiyak na maaakit. Hindi siya makilala dahil nakasuot s'ya ng silver na maskara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD