PRESENT TIME...
TUWID na tuwid ang leeg ko habang naka tingin sa bagong master peace ko sa gitna ng isa sa pinaka sikat na art gallery sa Asia. All eyes are on me and on my master peace. Panay ang kislapan ng flash ng camera na nakatutok sa akin at sa aking art work. Click! Click! Lahat ay namamangha sa bawat pagguhit na gawa ko. Mula sa pinaka maliit na mga details ng bawat anggulo, From my uniqueness work of arts.
Anong sinabi ni Gustav Klimt sa art work kong dinaig pa ang sikat na gawa ni yang ‘The kiss’?
Feel na feel ko talaga ang attention na nakukuha ko tonight habang suot ang isa sa magagandang creation
ni Elise-isa sa mga mahuhusay na designer ng Pilipinas. Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang Jenny Morrison? Sino ba naman ang hindi maiinggit sa kung ano ang meron ako ngayon? Most famous artist. Business woman. Independent.Fierce.
“Hey, Weirdo the Ugly duckling! Ugly duckling! Ugly duckling!” Ugly duck-What?!
Sino ang hampaslupang sumigaw niyon mula sa audience? At saan naman kaya kumuha ng lakas naman ng loob ng hinayupak na iyon?
“Ugly duckling!!!”
Hayun! Nakita ko na. Ang number one hater ko na walang ginawa kundi sirain ang araw ko. Isang babae na hindi ko kilala na halata namang insecure na insecure sa aking kagandahan! Kagandahan? Alam ko naman sa sarili ko na maganda ako kahit na marami ang tinataasan ako ng kilay dahil sa ka weirdohan kong pananaw.Well, totoo naman ang sinabi niya na weirdo ako.
Oo. Inaamin ko, Weirdo ako. E, ano naman ngayon? Ecologist ang tatay ko kaya naman na mana ko ata sa kanya ang pag kakaroon ng weirdness ability. Very proud ako sa kong ano man ako. Dahil dito ay naging famous artist ako.Madali daw kasing ako mag bigay ng inspiration ideas sa mga nalikha ko dahil sa weirdohan kong taglay. Plus, ang mga masama mga pangyayari sa buhay ko ang nag patibay ng aking kakayahan at naging gamay upang sumikat ako sa larangan na ito.
Hindi ko na siya pinansin. Isa lang naman kasi siya sa mga naiinggit sa success na tinatamasa ko. Ikaw ba naman ang maging cover ng ilang fashion and arts magazines at ma-feauture sa ilang business magazines and newspapers bilang successful busines swoman sa edad na twenty four. Beauty products ang business ko. Soaps, lotions, cosmetics at kung anu-ano pa!
Tumalikod na ako para umalis sa gitna at nag punta sa cafeteria ng arts gallery. There, sinalubong ako ng bakla kong assistant na si Xyrine. Siya yong bakla na trying hard magmukhang babae kaya namumukhang drag queen. High school bestfriend ko siya kaya siya ang kinuha ko. I trust him, mean her naman kasi. Alam ko naman na hindi niya ako tatrahidurin. Ganoon kasi ang ugali ko. Mahirap makuha ang tiwala ko lalo na sa mga bago ko pa lang kakikilala. Feeling ko kasi ay tatrahidurin ako palagi or kung hindi naman ay sasaktan lang at lolokohin. Naku! Kilala ko na ang kulay ng ibang tao. Minsan, kakaibiganin ka lang para saktan o kaya ay gamitin!
Naalala ko na naman tuloy ang hinayupak na si—
“Bars! Ang bongga naman talaga ng panibagong art work mo kaluka ka tonight! Kaya lang may panirang girlash na sumigaw ng ‘Ugly duckling.’ Kung nando'n lang ako, baka napatay ko na ang hitad na iyon! Alam mo naman na ayokong may umaapi sa'yo, Bars. Nasasaktan ako! Alam mo yan!” very dramatic na sabi sa akin ni Xyrine.
Umupo ako sa isang vacant seat. Isa-isa kong hinain ang mga in order ko. “Magkano, Xyrine?” Nasa likod ko lang siya at bahagyang minamasahe ang balikat ko.
“Anong magkano?”
“Wag ka nang pa-inosente. Magkano ang
babalehin mo? Say it at baka magbago pa ang mood ko. Kilala kita kapag gan'yang sobrang concern ka sa akin, babale ka!” sabi ko at nilabas ko na ang mamahalin kong gucci wallet sa mamahalin kong gucci kong bag.
“Baks naman... Hindi naman. Masyado mo
naman akong hinuhusgahan, e. Naiinis lang talaga ako doon sa nanlalait sa—”
“Okay then. Madali naman akong kausap.”
babalik ko na sana sa bag ang mamahalin kong wallet nang pigilan ako ni Xyrine. “0, bakit?”
“Joke lang! Ikaw naman. Four thousand lang naman”
“Four thousand. Baka naman sa boyfriend mo na naman gagamitin. Naku, kilala ko na ang mga lalaking yan! Lolokohin ka lang ng mga lecheng iyan kaya kung ako sa'yo makipag break ka na lang!” Itinirik ni Xyrine ang mata niya.
Umupo siya sa aking tabi. “Ayan ka na naman sa ka-negahan mo, Baks! Oo, naiintindihan ko kung bakit over ka sa ka-negahan, dahil sa nangyari sa iyo noon. Pero hindi naman porke't niloko ka ng isang lalaki noon ay ganoon na lahat ng lalaki! My god, Baks! Saka, alam mo naman na nag-aaral ang jowa ko. Very studious siya kaya very proud ako sa kanya kailangan kasi niya ng budget para sa pag-aaral niya”
“Nag-aaral? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na niloloka ka lang ng jowa mo. Hindi siya nag-aaral. I saw him! Sa ibang babae niya ginagastos ang perang binibigay mo sa
kanya!”
“Sinisiraan mo na naman siya, Baks! How could you?”
“Wag mo akong ini-English, ha! Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi ko sabay kuha ng four thousand sa wallet ko at ibinigay sa kanya.
Hmp! Totoo naman ang sinabi ko, e. Lolokohin lang ng jowa niya si Xyrine. Lalo na at kilala ko si Xyrine.Basta sa lalaki, bigay lahat wag lang iwanan. At pagkatapos na hindi na niya maibigay ang mga hinihingi nito, iiwanan lang siya! Ewan ko lang kung hindi lumuha ng dugo itong kaibigan kong beki kapag nangyari iyon.Tatawanan ko talaga siya dahil hindi siya marunong makinig sa akin na experienced na iyon.
Tumayo na ako at hinarap si Xyrine. “Oh, bakit totoo naman, ah! Lahat ng lalaki manloloko. Kaya nga ako napuno ng unhappy negative vibes dahil sa ginawa nila tatay ko, iniwan kami. At si.. si... Hmp Ayoko nang siyang pangalanan dahil nabubwisit na naman ako!”
“Hay naku, Baks! Hindi naman porket niloko ka ni—”
“Wag na ‘wag mong mababanggit ang pangalan niya. Don't you dare, Xyrine!" Naniningkit na ang mga matang ko habang sinasabi ang katagang iyon.
“Eh, kasi naman. Hanggang ngayon, hindi ka pa rin maka-nmove on kay-”
“Xyrine! Stop! Alam mo naman na ayoko nang marinig ang pangalan niya. You know me. Ibabalibag kita ng extremely hanggang pati ikaw, hindi mo na makilala ang sarili mo!”
“Whatever, Baks! Nagtataka lang naman kasi ako kung bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin makalimutanang ginawa sa'yo ni-”
“Xyrineeeee!!! Makulit kang bakla ka! Sinabi ko nang wag mong i-try na banggitin sa harapan ko ang pangalan ni-”
“Nino? Ni Earl Dawn Fortu?”
“No!!” exaggerated na sigaw ko.
Isang malakas na sapak ang ginawad ko sa mukha ni Xyrine dahilan para bumagsak siya at walan ng malay. Nagsama-sama lahat ng negative emotions sa mukha ko at naipon lahat iyon doon.
“Earl Dawn Fortu. ” Sabing huwag babanggitin ang pangalan ng hinayupak na iyon Bwisit talaga ang Xyrine na ito! Sinabi ko nang pero ginawa pa rin.
Si Earl na pinaasa ako sa forever.
Si Earl na sinaktan at niloko lang ako.
Si Earl na dahilan kung bakit ako binansagan na “The weirdo ugly duckling.” Nakakabwisit talaga si Xyrine! Ayoko na sanang gawin ito pero hindi ko na kayang mapigilan ang aking sarili na mag-flashback!