SERYOSO siyang nakatingin sa akin, ang kaniyang mata ay diretso na hinarap ako.
“What?”
“Pinaayos mo ako and you give me all of this,” tumingin siya sa mga shopping bags na binili ko para sa kaniya at sa mga alahas na suot niya. “You even treated me dito sa mamahaling restaurant.”
“Why? Hindi ka ba masaya?”
“N-No!” agad siyang sumagot pagkatapos ay namumula ang pisngi na bumaba ang paningin ulit sa lapag. “S-Sobrang saya ko pero natatakot ako dahil baka kasunod nito ay kalungkutan. Actually, ngayon ko lang naranasan na magpaparlor, mag shopping, at kumain sa mamahaling restaurant. Lahat libre at wala ako maipamba-
bayad para sa lahat ng ito.”
“I didn't give all of this to you for free. Nagkaroon tayo ng contract, right? And it's a win-win situation.”
“Natatakot lang ako, baka kasi maging greedy ako. All my life nagpakahirap ako para makasama sa top at magkaroon ng scholarship, nagtatrabaho rin ako para sa mga kapatid ko at sa mga magulang ko. Si Tatay kasi ay may sakit, si Nanay naman ay labandera, nakakahiya man pero iyon ang estado ng aking buhay.”
I saw her tears again, her tears is full of hardship. I can say na sa buong buhay niya puro ay paghihirap ang dinadanas niya.
“Natatakot ako dahil nararanasan ko ito ngayon, kung gaano kasaya na magkaroon ako nito dahil sa'yo. Natatakot ako dahil baka mapabayaan ko ang pamilya ko at gawin na lang ang gusto ko dahil naranasan ko ang sayang ito,” siya ang bread winner ng pamilya niya at kapag sinunod niya lang ang sariling luho niya ay baka nga mapabayaan niya ang kaniyang pamilya.
“It's okay to be greedy and selfish. Kahit minsan lang isipin mo rin ang sarili mo,” kumuha ako ng tissue at pinunasan ang luha niya tsaka ngumiti. “You now have me, you and your families life will get better by staying by my side. Kasama natin sa contract ito, pagiginhawain ko buhay mo at ng pamilya mo.”
Mayaman ako kaya matutu-
lungan ko siya. “Thank you,” she held my hands. “I pledge my loyalty to you, I will be forever with you.”
I smiled and nodded, “But you have to bare with my attitude.”
“Oo,” natatawa niyang sagot. “I think the rumor about you isn't true. Someone probably spread a rumor para mapasama ang image mo,” ako naman ang natawa sa kaniya.
“Ang iba ay totoo pero may ibang hindi. Hindi mo pa ako lubusang nakikilala baka kapag tumagal-tagal masuka ka na sa ugali ko,” tumawa lang siya sa sinabi ko. “I am not that bad, but I am not that good either.”
“Sa tingin ko totoo ka lang sa sarili mo.”
Matapos ang pag-uusap naming 'yon ay umalis na kami, naglalakad na kami sa parking lot ng mall habang pinapakiramdaman ang paligid namin.
He is literally my guardian angel, he's been following me since morning.
Kahapon sa school, lagi ko tinitignan ang aking paligid para alamin kung sino si guardian angel pero magaling siya mag tago kahit na ramdam ko na may nakasunod sa akin. Nang tumagal-tagal ay na-realize ko na pumapasok rin si guardian angel bilang isang estudyante para matutukan ang pagbabantay sa akin. Matapos ng realization ko nagkaroon ako ng idea para mahuli siya at plinano ko iyon with Chelsey, naisip ko na rin na ipaayos siya para hindi makahalata si guardian angel.
Chelsey signal them through snapping her finger two times and three guy showed up with fake guns.
“Holdap to! Ibigay niyong dalawa sa akin ang lahat ng ari-arian niyo!” ang lalaki ng katawan nila pero puro mukhang mga adik, si Chelsey ang nag recommend sa akin ng mga lalaking ito back when we are planning.
FLASHBACK
“I have a guardian angel an---”
“A-Ano?! S-Seryoso ka?!” nanlalaki ang mata niya sa gulat.
“No, not a real angel. Stupid,” I rolled my eyes that made her pout, I laugh because of her cuteness. “He always saves and protects me but I never met him, nagtatago lagi siya kung saan hindi ko siya makikita. But I think he is one of the student here at classmate natin siya,” pinagala ko ang aking paninginsa paligid.
“So you want to meet him?”
“Yes,” ngiting sagot ko. “Pero kung nagtatago siya sa akin then he doesn't want me to meet him.”
“May plano ka ba?”
“Oo, marunong ka bang umacting?”
“Yes, I am a member in theather club. Do you want to join us? Actually, kulang kami sa member. Isa na lang ang kulang at kung hindi kami madadag-
dagan ay madidisband ang club namin,” kumunot ang noo ko.
Kaya rin siguro siya napagti-
tripan dahil kasama siya sa theather club, mga lame lang ang sumasali doon eh pero kung matutulungan niya ako then I am willing to join them.
“Sure, but before that you need to help me on my plan.”
Tatakutin ko na lang ang isa sa mga estudyante para sumali sila sa theather club. Ayoko ngang sumali doon, pang-lame lang iyon eh.
“Sige!” nabasa ko ang excitement sa kaniya, mukhang enjoy na enjoy niya ang club na sinalihan niya kaya ayaw niyang madisband iyon.
“My guardian angel always shows up whenever I'm in danger, so I need to get in danger. That's why I come up with a plan na mag hire ng mga lalaking mag ho-holdap sa akin. Do you get it?” tumango-tango siya.
“Anong maitutulong ko sa'yo?”
“Meroon ka ba kilalang mga lalaki na malalaki ang katawan? 'Yong nakakatakot para naman makatotohanan ang acting natin, tapos sila ang magho-
holdap sa atin. Then my guardian angel will show up in the scene!”
“Hmmm...” ilang segundo siyang nag isip hanggang sa mapangiti siya. “Meron akong kakilala, maraming ganiyang lalaki sa looban namin.”
“Don't worry, bibigyan ko sila ng malaking sahod at tip kapag nagawa nila ng maayos ang trabaho nila."
“Na'ko! Masisiyahan ang mga iyon, may ipangbibili na sila ng alak.”
“Nice, I am counting on you! Let's meet at the mall tomorrow, this is your first mission as my right hand.”
FLASHBACK END
Dumating ang mga holdaper na tinanggap ni Chelsey para um-acting na holdaper namin.
“ANO ANG TINUTUNGANGA NINYO DIYAN?! IBIBIGAY NIYO BA O PASASABUGIN KO ANG BUNGO NIYO?!” itinutok nila sa ulo namin ang fake gun na dala nila.
“KYAHH! OH MY GAHD! HELP! HELP US!” sumigaw ako para gawing makatotohanan ang lahat. “Mga kuya please po 'wag niyo po kami sasaktan!”
“Hindi ka masasaktan kung gagawin mo ang gusto namin,” ngising sagot ng isang holdaper.
“Woah! Galing nila um-acting ah,” manghang sambit ko pero napadaing rin ako nang dumiin ang pagkakatutok sa akin ng baril no'ng isang lalaki. “But they are super OA. Nasasaktan ako,” kumunot ang aking noo dahil kanina pa hindi nagsasalita si Chelsey.
Why is she quiet? She said na magaling siya umacting. Nang bumaling ang aking paningin kay Chelsey ay nag salubong ang kilay ko dahil nanginginig ito sa takot habang tulala lang.
“Hey, what's wrong?”
“N-Ni-Nisha, k-kasi....” tumaas ang isang kilay ko sa sobrang pagkautal niya. “...t-they are not the g-guys I h-hired. I think, t-they are a real h-holdaper,” naiiyak niyang litanya.
Unti-unting nanlaki ang mata ko and when I turn my eyes on the guys they are smiling evily. Naramdaman ko ang panghihina ng paa ko, alertong inalalayan ako ni Chelsey.
“S-Sorry...” she apologetically said habang may bahid ng takot sa kaniyang mukha.
“N-No It's okay. Let's stay calm,” huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos, pilit na tinago ni Chelsey ang kaniyang takot.
“ANO?! GAGAWIN NIYO BA ANG GUSTO NAMIN?!” napatalon ako sa takot at gulat nang biglang sumigaw ang isa sa mga holdaper.
Shit! Ano ba itong napasukan naming dalawa?!
“N-Nisha, what are we going to do?”
“For now, let's do what they want,” sagot ko at pilit na tinatago ang panginginig ng aking katawan. “H-Here...” binigay ko sa kanila ang bag ko na may laman ng cellphone at wallet ko.
“Ibigay mo rin sa amin ang mga alahas niyo!” agad kong tinanggal ang suot kong necklace, ring, bracelet and my watch tsaka ko binigay sa kanila. “Ikaw?! Ibigay mo sa amin, bilisan mo!” napatalon sa gulat si Chelsey at nakagat niya ang ibabang labi niya pagkatapos ay tumingin sa akin.
“A-Ayoko,” naiiyak niyang pagtanggi na ikinakunot ng aking noo.
“What the hell, Chelsey?! Give it to them!” inis ko nang sambit, mas importante pa ba ang alahas na iyan kaysa buhay niya?! I never thought na materialistic pala siya.
“P-Pero b-bigay mo sa akin i-ito, it's my first time that someone gifted to me. S-Special para sa akin ang binibigay mo,” awww...I am fluttered but it's such a bad timing! Gahd.
“Your life is more special and important to me so give it to them Chelsey,” tumango siya at napipilitang binigay ang mga alahas na kakabili lang namin sa mall.
“Matalino ang kaibigan mo dahil kung hindi mo sa amin binigay ito ay sasabog ang ulo mo,” ngising sambit ng isa sa mga holdaper.
‘Augh! Why is he isn't still saving us?! My beloved money, cellphone, and alahas is there!’ iritableng napapikit ako ng mariin.
“Tara na!” masayang pag-aya ng holdaper, sabay na nakahinga kaming dalawa ng maluwag nang talikuran na nila kaming dalawa.
It's a relief na pera lang ang habol nila at hindi ang katawan namin, now a days kapag hinoldap ang mga babae ay nare-r**e rin sil---.
“Teka lang mga pre!” sabay kami ni Chelsey na napasinghap ng hangin nang humarap na naman silang tatlo sa amin, but this time they are all staring at us with full of lust.
Please tell me this is not happening.
To be continued!