NAGULAT ako nang makita siyang basang-basa at may dumi ng putik ang kaniyang uniform, gulo-gulo ang buhok niya at may bakas ng mga kalmot ang kaniyang katawan.
“I really hate my life.”
Lumuluha na naman siya, palagi na lang siya umiiyak sa tuwing makikita ko siya.
“Huwag mong isisi kay life ang nangyayari sa'yo. Sisihin mo sila na nangbubully sa'yo at ang sarili mo na hinahayaan lang sila na bullyin ka,” natigilan siya sa pageemote niya nang mag saita ako. “Choice mo ang magiging takbo ng buhay mo, It's either you will continue living fvcked up or fight and fvck them up.”
“Nasasabi mo lang 'yan dahil wala ka sa sitwasyon ko.”
“Nasasabi ko ito dahil nanggaling ako sa sitwasyon mo,” natigilan skya sa sagot ko.
I've been there. I was really a nerd girl in the real world, I spent my life studying hard and making my parents proud of me. In the end, I was awarded as valedictorian but I lost my way afterwards dahil nawalan na ako nang goal sa buhay.
“Alam mo kung bakit stuck ka sa kinatatayuan mo at patuloy ka nila binubully?”
“W-Why?”
“Because you're a pathetic poor lame nerd girl. Lumaban ka dahil hindi makakatulong sa iyo ang pag-iyak mo, walang knight in shining armor na sasagip sa'yo.”
Natahimik siya kaya nagpatuloy na ako sa pagbabasa ko, after five minutes ay nag salita siya.
“Thank you.”
“Don't thank me. Your pathetic side makes me p**e,” nakita ko sa pheripheral view ko na ngumiti siya tsaka na tumayo at umalis.
She's so pathetic.
I stopped reading when I heard a sound of crackling branches, when I look at where the sound at I saw someone standing behind the tree.
Nagulat siya nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya at agad na nag tago dahilan para matawa ako.
“Cal? Why are you hiding from me?” natatawa kong tanong.
Sigurado ako na kanina pa siya nandoon dahil kanina pa ako nakakaramdam na may nakatingin sa akin.
”I-I am not Caleb,” utal niyang tugon na mas lalo ko na ikinatawa.
Alam ko na siya si Caleb dahil nakita ko na ang mukha niya bago pa siya makapagtago. Why is he so cute? He looks like a cat, I love cats so much.
“Nakita na kita, huwag ka nang mag tago sa akin. Come here."
“N-No,” nakagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang cute niya.
”Why?" matagal bago siya nakasagot sa tanong ko parang pinagiisipan pa muna niya ang kaniyang isasagot.
”B-Basta a-ayoko,” I even imagined him pouting.
I think I am going to be crazy about his cuteness.
“But I want to see you.”
“W-What?" gulat na gulat niyang tanong, “A-Ayoko magpakita s-sa'yo.”
“Bakit nga?”
“I-I can't talk t-to you properly a-and I can't look you in the eyes,” kumunot ang noo ko sa sagot niya.
Kaya pala no'ng pumunta ako sa faculty nila ay hindi ko siya makausap ng matino at iniiwasan niya ang mata ko.
“Why can't you look into my eyes? Panget ba ako?”
“No way, you're gorgeous!” nagulat ako sa straight forward nitong sagot, naramdaman ko rin ang pamumula ng aking mukha.
Lagi ako pinupuri ng lahat pero sa kaniya lang ako naapektuhan, pinapakilig ako ng damuho. Siguro marami siyang babae, mukhang expert siyang magpakilig eh.
“A-Ah...s-so-sorry.”
Woah! He ran away. What the hell?! After he said those words he ran away? Nag sorry pa siya na parang he didn't mean what he said?! My gahd, expert nga ang loko. Pinaglalaruan niya ba ako?! Augh! Bakit ba kasi ang hilig ko sa mga cute?! This is bad for my heart, asshole.
“Hmmm? Bakit ka namumula?” napatalon ako sa gulat nang makita sa harapan ko si Nyx, hindi ko napansin ang presensya niya.
“B-Bakit ka nandito?”
“Ako ang unang nag tanong!”
“Sagutin mo muna ako,” bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang aking puso tsaka na nag patuloy sa pagbabasa, naramdaman ko siya na naupo sa aking tabi.
“Wala akong magawa eh. Kaya naisipan ko na hanapin ka at bwisitin,” tumawa siya habang sumama naman ang mukha ko.
Biro ba 'yon para tumawa siya? Masamang biro 'yon kung ganoon.
“Huwag ka na mag effort, maisip lang kita nabubuwisit na ako.”
“Eh? You're thinking about me?! Tama nga ako!”
”Oo, may tama ka."
“What? No! Tama ako na may gusto ka sa akin,” natigil ako sa pagbabasa at masama siyang tinignan.
Tama naman siya na nagkagusto ako sa kaniya pero noon iyon, hindi na ngayon. Turn off ako sa kaniya dahik binigyan niya ako nang masamang first impression sa kaniya.
“Tama ka nga," natigilan siya sa tugon ko.
“Wait, you're serious?” ungi-unting namula ang mukha niya at awkward na tumawa. “I-I am just joking, but I'm right? Y-You like me?! W-Well, hindi na nakapagtataka iyon dahil guwapo ako.”
“Gusto kita! Gustong-gusto kitang ibitin ng patiwarik at gawing punching bag."
”H-How dare you mislead me?! Ibibitin mo ako patiwarik? Gagawin mo ako na punching bag? Amazona ka nga!”
”Huwag mo nga ako guluhin. Nagbabasa ako,” napabuntong hininga ako tsaka nag patuloy na sa pagbabasa, lumapit pa siya para makiisyoso sa binabasa ko.
“Anong binabasa mo?”
“Frankly in love.”
“Romance? Akala ko naman nag aaral ka na dahil lagi kita nakikitang nagbabasa ng libro. 'yon pala novel ang mga binabasa mo,” kumunot ang noo ko.
Lagi niya ako nakikita, means lagi niya ako tinitignan. What the hell?! Creep, although nakita ko rin si Cal na isang oras nakatingin sa akin 'di kalayuan pero cute naman siya kaya ayos lang para sa akin.
“Hindi ko na kailangan mag aral pa dahil matalino na ako,” valedictorian kaya ako noong estudyante pa ako.
Madami rin ako medal at kahit pa hindi ako mag review ay nakaka-perfect ako sa mga exams, ang kailangan lang kasi ay makikinig ka ng mabuti sa mga lecturer. Isa pa, magaling makamemorize ang utak ko. Hindi naman sa pagma-
mayabang pero parang gano'n na nga, kahit mayabang naman ako ay may iyayabang naman ako.
“Anong matalino? Ikaw nga ang pinaka bottom sa batch natin!” natigilan ako.
Nakalimutan ko na bobo nga pala si Nisha, isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit ayaw sa kaniya ni Haru.
“Bottom?” parang bigla ako namutla sa narinig ko.
Nakakahiya, I never experience to be at the bottom in class! Bottom?! Gano'n kabobo si Nisha?! My gahd.
Mas lalong sumama ang mukha ko nang hagalpak siya na tumawa.
“Bakit gulat na gulat ka diyan?!” natatawa niyang tanong.
“I can tutor you, If you want.”
“Tutor? 'Wag nga ako, eh kasunuran lang kita sa list!”
“At least mas mataas ako sa'yo!”
”Bobo ka rin, anong ituturo mo sa akin? Paano maging mas bobo pa?”
Parehas lang kayong dalawa ni Nisha na bobo. Ano ba 'yan! Bobo na nga kayong dalawa sa pag-ibig, pati ba naman sa pagaaral bobo rin kayo? Hyst.
”Aba! Mas bobo ka naman sa akin, kung bobo lang rin naman ang paguusapan.”
”Matalino ako, hindi ako katulad mo na bobo.”
”Tignan mo ito, hindi mo nga maamin sa sarili mo na bobo ka! At least inaamin ko naman sa sarili ko na bobo ako.”
“Woah! Proud ka?”
“Bobo ka, aminin mo rin!”
”Bahala ka nga sa buhay mo! And fyi, I don't need a tutor. I can be at the top without anyone's help,” I rolled my eyes at him in annoyance.
”Woah! Taas ng confidence mo. Eh nasa bottom ka nga,” iritable rin niyang tugon. “Hey, let's make a bet. If you can be at the top this coming exam I will do what you want me to do, but if you lose you will do what I want you to do."
Napangisi ako, pagsisisihan niya na nakipagpustahan siya sa akin.
“Sure,” agad kong pagpayag.
“Talo ka. Sigurado ako,” ngisi niya ring sambit.
‘You wish, bastard.’
Panay pa ang pakikipag asaran niya sa akin, hanggat hindi ako napipikon ay hindi siya umaalis.
Presensya pa lang niya ay ikinapipikon ko na, ilang beses rin ako na huminga ng malalim to compose and calm myself dahil kung hindi ko iyon gagawin ay baka sumabog ako.
Buti na lang ay dumating ang mga barkada niya at hinila siya paalis kaya naman masaya ko na inenjoy ang sarili ko sa pagbabasa.
‘I am finally alone with peace of mind.’
To be continued!