NABITAWAN ko ang kutsara't tinidor ko at nagpaulit-ulit sa aking utak ang huling litanya niya. Parang masisiraan ako ng ulo no'ng marinig ko ang mga kampana sa kasal at tila may mga kamay na sumasakal sa akin, hindi kasal kun'di sakal ang mangyayari. Na-busy ako sa pagkain kaya nakalimutan ko na ang dapat kong gawin, I have to say something. Say something, do something Nisha.
“Oh my gahd! Naiimagine ko na ang wedding gown mo, Iha! I want you to be the most beautiful bride for my son,” sambit ni Tita Ashley.
Beautiful, oo. Pero 'yong sinamahan niya nang word na bride, no thanks. I can't even imagine myself with him.
”Me too! I already imagined my grandchilds whe---”
“NO!” hindi ko na napigilan ang sarili ko, umalingaw-ngaw sa paligid ang pag hampas ko sa lamesa at ang malakas na pagkadisgusto ko.
“Nisha!” galit nang sigaw sa akin ni Mommy, gulat na nakatingin sila sa akin.
“Wife, relax,” pagpapakalma ni Daddy sa kaniya pero mukhang balewala iyon dahil parang bulkan na sasabog na si Mommy, napahawak siya sa kaniyang sintido.
”Nisha, maupo ka,” seryoso nang utos sa akin ni Daddy kaya agad na napaupo ako.
“What's wrong, Nisha?” tsaka na nag salita si Tito Matthew, lahat sila ay naghihintay sa sagot ko.
Ito na ang pagkakataon ko! Kahit pa magalit sa akin sila Mommy at igrounded nila ako, okay lang.
It's now or never! I can do this! Humugot ako ng hininga para kumuha ng lakas ng loob. Isa-isa ko sila na tinignan bago bumuga ng hininga at pumikit ng mariin.
“I am sorry but I am against to this,” dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at nakita ang gulat nilang mukha.
“What do you mean, Iha?”
“I want to cancel the engagement, Tita Ashley.”
Matagal bago sila nakapagsalita, pinoproseso ang mga sinabi ko hanggang sa hindi inaasahan ay isigaw na ni Mommy ang aking buong pangalan.
“NISHA ZELENIA!” tuluyan na nga siyang sumabog na parang bulkan, namumula siya sa galit at kahihiyan.
Napababa ako ng tingin sa kamay ko na naglalaro, ngayon niya lang ako nasigawan ng ganito. Hindi makapag salita sila Tito habang kita ko naman ang hindi makapaniwalang tingin ni Haru, Nyx, at Chase.
Sino ba naman ang maniniwala na ang Nisha na baliw na baliw for 10 years kay Haru ay mag de-declare na against sa enggagement at tatanggihan ang isang Haru Griffin na ikamamatay niya makuha niya lang, syempre magugulat sila.
Ine-expect ko na ito at hindi ako nagkamali, ginusto rin ito ni Nisha at payag na payag siya sa desisyon ng kaniyang mga magulang pero kung kailan family dinner na nila at paguusapan na ang kasalan ay tsaka ako tumanggi.
“I'm sorry. Nisha isn't in her right mind today,” si Chase ang unang nakarecover at bumasag ng katahimikan, tumayo na siya at inayos ang black suit niya. ”We will leave for today, she seems not fine. We will talk about this matter in another time,” hinawakan niya ang wrist ko at hinila patayo.
Narinig ko ang matunog na pag buntong hininga ni Daddy at tumayo na rin tsaka nilapitan si Mommy pagkatapos ay tinulungan siya na tumayo.
“I apologise for what happened, we will talk this out tomorrow.”
“It's fine, I hear absent siya sa school nang ilang araw and she suffered from amnesia. Mukhang hindi pa siya magaling,” sambit ni Tito.
Hindi ako makatingin ngayon sa kanilang lahat dahil sa kahihiyan. Kasalanan ito ni Nisha hindi ako.
“What?” gulat at sabay na asik ni Nyx at Haru, hindi nga pala nilang dalawa alam ang tungkol sa pagpapanggap na amnesia ko.
“Make sure to rest, Sweety.”
Matapos ng mga pangyayari ay umuwi na kami, binungangaan ako ni Mommy pagkauwi na pagkauwi namin.
“You already decided on this Nisha! Ilang beses kita na tinanong kung gusto mo ba at ilang beses ka na sumagot nang oo! Ikaw pa ang pinaka sabik na maikasal sa kaniya pero ngayon ay umaayaw ka na?!”
“Calm down, Wife,” my father offered her a glass of water.
Sinesermunan ako ni Mommy, samantalang si Chase ay printeng nakasandal lamang sa pader habang nainom ng champagne. Napanguso ako.
“No, Garrett! She can't back down now, you will marry him whether you like it or not!”
“But---” this is for our own sake.
“No buts!” sinamaan niya ako ng tingin kaya napababa ulit ako ng tingin sa lapag at nakagat ang ibabang labi para pigilan ang sarili na sumagot. “Grounded ka ngayon. End of argument," huling panenermon niya tsaka na siya tumaas at pumunta sa kwarto nila ni Daddy para doon mag pahinga, mukang na-highblood siya dahil sa akin.
Ngusong napasandal ako sa sandalan ng sofa namin, napatingin muli ako kay Chase na seryosong nakatingin rin sa akin. Ngiwing napailing-iling siya habang nakatingin sa akin tsaka tumayo ng ayos, nilapag sa table ang champagne niya at nilapitan ako.
“What?" Iritado ko na tanong.
Huwaag mong sabihin na sesermunan niya rin ako dahil dumudugo na ang tainga ko sa ratatat ni Mommy.
“Fix your mess, stupid brat,” pagkatapos niya iyon sabihin ay umalis na siya.
Augh! The fvck?! Nasabunutan ko ang buhok ko at napahawak sa aking sintido.
Nakita ko na bumaba si Daddy at naupo sa aking harapan.
“What's wrong, Baby?” mahinahong tanong niya, nagtataka siya sa inakto ko ngayon. ”Why are you suddenly against it?”
“I'm sorry, Dad.”
“Tell me, I am listening.”
“Natatandaan mo po ba 'yong barbie na binili mo sa akin noong bata pa ako?”
“What about it?"
“Did you remember when I cut it's hair until it became bald?” natawa siya at tumango-tango na ikinahiya ko. “I got turned off and hindi ko na nagustuhan 'yong barbie dahil doon kaya I throw it in the trash can.”
”Then? Anong connect no'n sa kasal niyo?”
“Parang gano'n ang nangyari sa akin, I saw his true personality then I got turned off kaya I don't like him na.”
Sana umepekto ang dahilan ko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko nang matagal bago siya nakasagot, narinig ko ang matunog na pag buntong hininga niya.
“Okay, Baby. I don't like him for you anyway, gagawa ako ng paraan para matigil ang kasal.”
Napangiti na ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit. “Thank you, Dad. Ikaw lang talaga ang nakakaintindi sa akin, huhu.”
“Huwag kang magtatampo kay Mommy, nalungkot lang siya dahil sa kaniya mo lagi kinukwento ang tungkol kay Haru dati.”
”No way in hell na magtatampo ako sa kaniya, I love Mommy kaya.”
“Go to your room and rest early.”
MAAGA ulit ako pumasok, wala pa man sa classroom ay rinig ko na ang ingay ng mga classmate ko. Rinig ko ang usapan nilang lahat hanggang sa labas, pinag-uusapan nila kung paano ko tinanggal sa trabaho ang babaeng pa-victim.
“Nisha Zelenia is here!” papasok na ako nang marinig ko ang isa sa mga classmate ko na malakas na binanggit ang aking pangalan.
Pagpasok ko ay bigla silang lahat tumahimik at nagsibalikan sa assigned sit nila, kumunot ang noo ko sa ginawa nila. Ang alam ko kasi ay ginagawa lang iyon ng mga estudyante kapag parating na ang lecturer, hindi naman ako teacher para gawin nila 'yon.
Gano'n na ba katakot ang lahat kay Nisha? Natigil ako sa paglalakad papunta sa assigned sit ko nang makitang may babaeng nakaupo doon, tumaas ang isang kilay ko at napangisi nang makilala ang babae.
Angelic face. Hindi ako nagkakamali, It's Soleil Suarez. She's finally here, the moment she transferred here is the start of the novel. Nagsisimula na ang storya at ang delubyo para kay Nisha, but not for me.
To be continued!