LUCAS "LUKE" BELMONTE Maaga kami ngayon ni Rina sa Laundry shop dahil monday ngayon at paniguradong madami dami nanaman kaming idedeliver na damit na pinalaba ng mga customers namin. Medyo nakakapagod din ang trabaho na ito pero kinakaya naman lalo na at iniisip ko si Amber sa araw araw. Madaming nagbago sa buhay ko nung dumating si Amber. Lagi na akong may dahilan para ngumiti pag kagising sa umaga, pagtayo siya nanaman ang iisipin ko kaya madami ng nakakapansin na inspired nga talaga ako. Hindi naman maikakaila yun na talagang inspired ako sa kanya dahil sa feel na feel ko ang pagmamahal niya sa'kin. Habang busy ako sa pagkukumpuni ng mga labahan ay biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko naman ito sa aking bulsa saka sinagot ang tawag. Si Amber ang tumawag. Yieee. Hahaha kilig si ako

