LUKE "LUCAS" BELMONTE Dalawang araw namalagi si Amber sa ospital at dalawang araw din ako pabalik balik doon. Nagaalala ako sa kalagayan niya kaya mas pinanaig ko ang pagaalaga sa kanya kahit alam kong pagod ako sa laundry shop maghapon, mas pipiliin kong alagaan si Amber sa ospital, ibinilin din ng doctor na hindi siya pwedeng mastress para hindi ulit matrigger yung nangyari. "Love, I'm sorry." sabi ni Amber habang hawak kamay kaming nakaupo sa upuan namin sa sala. Weekend ngayon at nanghingi muna ako ng pahinga kay Rina ngayong araw. "Para saan naman?" takang tanong ko naman sa kanya. "Kasi naabala ka pa sa trabaho at inalagaan ako ng dalawang araw sa ospital." malungkot na hayag niya. Sa totoo lang ay ginusto ko rin naman na alagaan siya. Habang nagmomoment naman kami ni Amber, sa

