AMBER GRAY MONTEFALCO Maaga pa lang ay nagayos na kami ng gamit sa van, yung mga gagamitin namin sa party ay naroon na. Sila Jordin at ang iba ko pang kaibigan ay hinihintay nalang namin. And as usual, kasama si Megan. Hindi ko naman magawang sabihan na umalis siya sa tabi ko. Bahala na siya, wala naman akong pakialam. May pakialam lang ako kay Luke. Kahit anong gawin kong pagiwas sa nararamdaman ko, hindi ko magawa. Nang makita ko siya papalayo sa'kin, parang ang sakit sakit sa dibdib, parang gusto ko siyang yapusin ng yakap sa likuran at ayaw ko ng pakawalan pa siya. Kaya lang... Hindi pwede. Hindi kami pwede. Mahal ko ang kapatid ko, kaya kong kalimutan ang lahat ng ito, para kay Emerald dahil kapatid ko siya. Kakambal ko siya. Habang naghihintay, biglang nagsalita itong si Meg n

