LUCCA "LUKE" BELMONTE Maaga akong umalis ng bahay dahil sabi ni Rina ay madami kaming gagawin na trabaho ngayon. Habang naglalakad lakad ay naisip ko nanaman si... Amber. Bakit ba madalas na niyang ginugulo ang isip ko? Ha? Dahil lang sa kiss... Sa kiss! Sa kiss na.. Ano ba yaaaaaan! Naaalibadbaran na ako!!! Biglang may nagtext sa cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Pagbukas ko ay si Rina. From: Rina Luke! Hay... Pasensya k na..., Di m3 makakapasok todAy. Sakit katawan m3. Lolzx. Bawi m3 bukas hA? Loveyou! :* Shit! Ang jejemon pala ni Rina magtext! Nakakainis! Tapos di pa siya papasok! Ang ganda ganda ng araw mo Lucas! Ang sayaaaa! Whooo! Papainom ako! Pagdating ko sa shop ay agad akong nagayos ng mga gagamitin ng biglang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Si Emer

