Chapter 2

1359 Words
AMBER GRAY MONTEFALCO Monday nanaman. Hay... Ito nanaman ang pinaka nakakatamad na araw ng pagpasok. Yung kambal ko na si Emerald ay nauna na sakin pumasok dahil alam niyang kapag Monday ay tamad akong pumasok sa School. Nakahilata pa rin ako naghihintay ng oras na lumipas. Narinig ko na may kumakatok sa pinto ko. Tok... Tok... Tok... "Amber!" mukhang pamilyar ang boses na iyon? s**t si Loraine De leviste. Ang ex ko. Hindi ako tumayo, tinakip ko lamang ang unan na katabi ko. "Amber!!!" hala ka. Nagagalit na. Tsk. Halos sirain na niya ang pinto ng kwarto ko. Kaya nagpasya akong tumayo na at saka nagtungo sa pinto. Binuksan ko ang pinto ngunit hindi ko siya pinapasok. "Ano bang kailangan mo Raine?" I asked her. Nakakaistorbo kasi at lalong ayaw ko ng bisita pag Monday. "Bakit hindi ka pumasok?" sabi nito at aktong tinaasan pa ako ng kilay. Same University lang kami ng pinapasukan. Sa St. Vincent University. "Wala lang tsaka pwede ba? Ano bang pakialam mo kung di ako pumasok?" Irita kong sabi sa kanya. Badtrip naman oh. "May paki ako dahil GIRLFRIEND KITA" talagang inemphasize niya ang salitang GIRLFRIEND HA. Sa katunayan ay nag break na kami a couple of months ago sa kadahilanang sobrang possessive niya. Makakita lang ng babaeng lalapit sa akin ay kakaladkarin na niya saka ito sasabunutan. Ganoon siya kaselosa. Kaya I've decided to break up with her pero patuloy pa rin siya sa pangungulit at pag angkin sa akin kahit na hindi na kami. "Raine, for how many million times I told you na wala ng 'TAYO'" I said pero kalmado lang ako dahil ayokong maginit ang ulo ko. "No, hangga't wala ka pang ipinapalit sakin, AKIN ka Amber Gray Montefalco." Sabi nito saka umalis. Sinara ko na ang pinto saka nagbalik sa kama ko. Nakakainis na talaga ang kakulitan niya! Dumating pa nga sa punto na may hinire pa siyang spy at nahuli kong sumusunod sakin kahit sa CR ng girls sa Mall just to check if may kasama ako. Sobrang possessive ni Raine sakin, kulang na nga lang ay igapos niya ako sa kwarto niya para siguraduhin na sakanya lang ako. Hindi malayong mangyari yon. Aissssh! Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi na niya ako kulitin. ----- LUCCA "LUKE" BELMONTE Narito na ako sa bahay namin, pinaghanda ko ng makakain sila Nanang at Tatang. Kahit pagod ako sa trabaho ay hangga't kaya kong tumulong kila Nanang ay gagawin ko basta hindi sila mapagod. Nakita ko si Nanang na naghuhugas na ng pinagkainan. "Nang! Ako na diyan." Pag boboluntaryo ko. Agad ko siyang tinabig sa gilid para ako na ang maghugas ng pinggan. "Ikaw talaga Luke, hindi ka pa din nagbabago. Ang swerte ko sayo anak." Sabi ni Nanang sakin habang tinapik ang balikat ko. Napangiti naman ako sa sinabi ni Nanang sakin. After kong maghugas ng mga plato ay agad ko naman itong niligpit. Nag punas na din ako ng mesa at nagwalis sa kusina at sa dining area. Nakakahiya mang sabihin ngunit maliit lang naman ang bahay namin, hindi siya malamansion na itsura pero pwede ng pagtyagaan para saming apat, si Nanang, Tatang, ako at si Venice. Si Venice ang nakababata kong kapatid. Highschool palang siya ngayon. Pinag-aral ko na muna siya para pag tapos niya ng High school ay ako naman ang mag-aaral ng College. Pagkatapos kong gumawa ng mga gawaing bahay ay nagtungo na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko doon ay agad akong nag bihis ng pang tulog, nag hilamos ako ng mukha at nag sipilyo. May maliit kasi akong CR sa kwarto. Pagkatapos noon ay kinuha ko ang laptop ko at aktong binuksan ito. Nagpasya muna akong buksan ang f*******: ko. Syempre di naman yun mawawala sakin. Pagbukas ko ay may nakita akong 21 notifications, 4 messages, at 5 friend requests. Una ko munang binuksan ang friend requests. Nakita ko na may nag add sakin na 3 lalaki at dalawang babae. Napansin ko ang isang nagadd sakin. EMERALD MONTEFALCO lang ang nakalagay. Kinlick ko ang profile niya at nabungaran ko ang isang mala anghel na mukha. Yung profile picture niya ay naka side view siya at may suot na sun glasses at naka crop top siya. Para siyang model sa itsura niya. May nakita akong kasama niya sa pics and photos niya. Kamukhang kamukha niya. Di kaya kambal sila? Medyo nakaramdam na ako ng antok kaya napagpasyahan kong i-accept ang friend request niya saka nag pasyang patayin ang laptop at aktong natulog na ako sa sobrang pagod. ----- EMERALD ROSE MONTEFALCO Nagising ako sa alarm ng phone ko. Maaga talaga ako nagigising lalo na kapag Monday. Si Big sis naman ay alam kong pag ganitong araw ay tamad siyang pumasok kaya di na ako nagabalang katukin pa ang kwarto niya dahil panigurado ay bubulyawan niya lang ako. Kinusot kusot ko muna yung mata ko saka ako dahan dahang tumayo at nagtungo agad ng banyo. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang simple uniform ko. Well, hindi kasi ako katulad ni Big sis na rebelde e. Tsaka maganda naman yung Uniform sa university kaya okay lang. Pagkatapos kong magayos at magbihis ay inayos ko na din ang gamit ko saka bumaba patungo sa kusina upang makapag almusal na din. "Good Morning Manang!" bati ko kay Manang Belle na kasalukuyang niluluto ang paborito kong simple breakfast which are Sinangag, bacon, sunny side up at Hotdog with hot chocolate or coffee. Naupo ako sa dining table namin na pagkahaba haba kahit 4 lang kaming kumakain dito araw araw tapos bihira pa kami magsabay sabay. "Good Morning Baby girl! Here's your favorite breakfast!" Masiglang bati din sa'kin ni Manang Belle habang naghahain na sa lamesa. "Nga pala Baby girl. Si Amber?" takang tanong ni Manang Belle sa'kin habang ako ay abala sa pag sasandok ng Sinangag. "Hmmm... You know her naman Manang na tamad siyang pumasok kapag ganitong Monday right?" tugon ko saka sumubo ng sinangag na may lamang Hotdog at Bacon. Pagkatapos kong mag heavy breakfast ay saka naman dumating sila Mom and Dad at naupo sa dining area. Nagpaalam na ako sa kanila at humalik sa pisngi nilang pareho. Maging sila ay hindi nila alam ang gagawin kay Big Sis. Dapat nga sana ay graduate na siya last year kaso bulakbol talaga siya sa pag-aaral, hindi nalang nila pinakialaman si Ate Amber dahil alam naman nilang mas magiging pasaway lang ito lalo na kapag pinilit pa nila ito sa gusto nila. Narito na ako sa school at as usual ay Early bird nanaman ako. Pero may ilan ilan na ding estudyante sa room. Dahil nga sa masyado pang maaga para sa first subject ay kinuha ko muna ang Samsung 6 edge ko saka binuksan ang mobile data ko. Syempre dapat pa rin akong mag bukas ng f*******: baka may bagong update kasi. Habang nag-scroll ng news feed ko ay may nakapukaw ng attention ko. Ewan ko ba pero isa siya sa mga nakatag sa pic ni Rizza Sandoval. Well yes, friends kami ni Rizza Sandoval kahit na magka school mate lang kami, halos araw araw ko pa nga siyang nakikita sa School Grounds kasama ang girlfriend niyang si Bianca Marie Alvares, ang School Nerd. Kinlick ko yung profile na ang pangalan ay "Lucca Belmonte" and wait. She's a Girl?! Pero yung name niya pang lalaki? Well, yeah cool pakinggan. I scanned her profile, I even checked her photos and yes sa totoo lang ay nakaka attract siya. Maganda kasi ang buhok niya, medyo mahaba ito at medyo kulot sa dulo. Natural kaya ang buhok niyang iyon? And then I saw her cutest pic which is she's eating cheesecake ng walang poise, it's a stolen shot. Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako sa pic niyang iyon. I can say that I'm interested with this Girl. I clicked the "Add as a Friend" button. Afterwards ay dumadami na pala ang mga tao sa loob ng room at makaraan ng ilang minuto ay dumating na din si Prof. Time for class. Ngiti ngiti akong tinago ang phone ko saka inilabas ang notebook ko. Well, Lucca Belmonte, I want to know you more. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD